'Ibig sabihin... matagal na palang tinutulungan ni Yi Jinli si Ling Yiran!' - Pumasok sina Ling Yiran at Yi Jinli sa private room at nang makaupo na sila, inutusan ni Yi Jinli ang manager na magdala ng apetizer. "Ate, kumain ka muna para mabawasan yung gutom mo habang naghihintay tayo ng main course. Masarap ang mga appetizer nila dito." Tumusok si Yi Jinli ng isang isang tinidor ng appetizer at tinapat sa bibig ni Yi Jinli. Nakatitig lang si Ling Yiran sa appetizer na nasa harapan niya at ilang segundo pa ang lumipas bago niya ibuka ang bibig niya para kainin ito. Pagkatapos, kinuha ni Yi Jinli ang menu at binigay kay Ling Yiran. "Ate, mamili ka ng gusto mong kainin." "Ikaw nalang mag order. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Kahit na sobrang sarap ng appetizer na dinala ng manager, parang walang malasahan si Ling Yiran dahil hindi siya ganun kakomportable. Kumunot ang noo ni Yi Jinli at tinitigan si Ling Yiran ng diretso sa mga mata. Kaya lalo siyang nailang at bumil
Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Ling Yiran at hindi niya na kayang tumingin pa kay Yi Jinli. "Pero ate hindi mo ba nakikita na kapag ako si Yi Jinli, mas kaya kitang protektahan sa mga gustong manakit sayo? Ate, hindi yun kayang gawin ni Jin." Pagpapatuloy ni Yi Jinli. "Ano naman? Ikaw yun at hindi ako." "Bakit? Pwede mo akong gamitin. Matutuwa pa nga ako kapag ginawa mo yun eh." Sumandal si Yi Jinli sa kinauupuan niya habang nakatitig pa rin kay Ling Yiran, na para bang chismis lang ang pinaguusapan nila. Tumingin si Ling Yiran kay Yi Jinli. Sinusubukan niyang intindihin ito pero lalo lang siyang naguguluhan sa mga ginagawa nito. Akala niya noong tinanggihan siya nito noong isang araw, tuluyan ng matatapos ang lahat ng naguugnay sakanila at magpapatuloy nalang sila sa pagmomove on. 'Dahil ang isang taong kagaya ni Yi Jinli ay siguradong hindi kayang tumanggap ng pagtanggi lalo na't isa lang akong ordinaryong babae.' 'Tapos bigla siyang sumulpot sa apartment ko, at walang
Noong sandali ring yun, may kumatok sa private room. "Pasok." Sagot ni Yi Jinli. Pagkabukas ng pintuan, pumasok ang manager at ilang mga waiter para dalhin ang mga pagkain na inorder ni Yi Jinli. gusto sanang alisin ni Ling Yiran ang kamay niya sa pagkakahhawak ni Yi Jinli, pero muli nanaman nitong hinila. "Wag kang malikot. Malamig pa." At nang makita ito ng manager at ng mga waiter na kasama nito, hindi napigilan ng mga ito na mapatulala sa dalawa. Para kay Yiu Jinli, wala siyang pakielam kahit makita pa ng mga nito kung gaano sila ka PDA, pero para kay Ling Yiran, halos hindi na siya makatingin sa mga ito. Patuloy lang na kiniskis ni Yi Jinli ang mga kamay ni Ling Yiran na parang wala silang kasama sa loob ng private room. 'Si.... Young Master Yi ba talaga 'to? Ang Young Master Yi na kilalang nagpatapon ng babae noon sa kalsada ng naka hubot hubad dahil inakit siya nito? 'Ang matunog na balita dito sa Shen City ay wala raw hilig si Young Master Yi sa mga babae, pero ngay
"Hanggang sa sabihin kong tama na." Sagot ni Yi Jinli. Napakagat nalang ng labi si Ling Yiran at yumuko. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kaya ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa basong inaabot sakanya ni Yi Jinli. Pero parang nababasa nito ang isip niya. "Natatakot ka ba na baka pagsamantalahan kita kapag lasing ka na? Marami akong paraan para makuha ang gusto ko at hindi ko na kailangang kumilos ng ganun. Higit sa lahat, may gawin man ako sayo o wala, walang magbabalak na pumigil sakin. 'Okay.' Natatawa nalang si Ling Yiran sa mga naisip niya. Kinuha ni Ling Yiran ang basong inaabot nito at nilagok ang laman nito. "Ahhh" Hindi niya gusto ang magkahalong pait at tamis ng wine. Hindi talaga kasi siya manginginom at umiinom lang siya noon ng champagne kapag may mga event sila sa dati niyang trabaho. Lalo na at girlfriend pa siya ni Xiao Zigi kaya wala talagang naglalakas loob na pilitin siya kapag sinabi niyang ayaw niya. Muling nilagyan ni Yi Jinli ng wine
Hirap na hirap ng magsalita si Ling Yiran. “Oo.” Sagot ni Yi Jinli. Nangako siya at gusto niyang tuparin ito lalo na at tumupad si Ling Yiran sa usapan nila. Kinuha niya ang hawak na baso ni Ling Yiran at inubos ang laman nito. 'Siguro nga lasing na lasing na siya kasi kung hindi, hindi niya naman siguro ako tatawaging Jin. ' Hindi rin alam ni Yi Jinli kung bakit pero sobrang saya niya nung tinawag siya nitong 'Jin' lalo na at sobrang lambing pa ng tono ng boses nito. Hindi siya sigurado pero mukhang nangulilala siya sa boses ni Ling Yiran at sa tawag nitong 'Jin' sakanya. Muling ngumiti si Ling Yiran kay Yi Jinli at maya-maya pa ay.... bigla itong yumakap sakany. "Jin... Inaantok na ako. Sobraaaa... Tutumba na ata ako..." At noong oras din na yun, tuluyan ng natumba si Ling Yiran sa braso ni Yi Jinli. Masayang pinagmasdan ni Yi Jinli ang natutulog na mukha ni Ling Yiran. 'Kung nasa katinuan ka, sigurado akong hindi mo to gagawin kasi alam kong takot na takot ka sakin.
“Alam mo minsan mas okay ng wala ka masyadong pakielam sa paligid mo.” Tumingin sa kalsada si Gu Lichen at nagdrive. “Okay. Naiintindihan ko.” Sagot ni Ling Luoyin, na mukhang masunuring bata. Sa gusto niyang makilala talaga si Gu Lichen, sobrang dami niyang pinagtanungan sa kung anmo ba ang mga gusto at ayaw nito at napag alamanan niya ay gusto raw nito sa mga maamong babae at ayaw naman nito sa mga babaeng makulit at parang may laging pinapatunayan. Pero kahit na gusto niyang siya na talaga ang makatuluyan nito, ayaw niyang madaliin ang mga bagay-bagay at ang gusto niya lang sa ngayon ay ang makuha talaga ang loob ni Gu Lichen. “Lichen, maraming salamat pala sa kwintas na binigay mo sakin kanina. Sobrang nagustuhan ko. Pero sa tingin ko hindi ko rin naman masyadong magagamit ang ganung kamahal na kwintas...” Nalangiting sabi ni Ling Luoyin. Ang akala ni Ling Luoyin, siya ang kumukontrol sa relasyon nila, pero ang hindi niya alam ay para kay Gu Lichen, laro lang ang lahat.
"Sige na, makakauwi ka na." Utos ni Yi Jinli kay Gao Congmin, na nakabuntot sakanya. Gulat na gulat si Gao Congming pero kahit na gusto niya pa mang magtanong kung bakit, alam niya sa sarili niya na may mga bagay na hindi niya na dapat tinatanong. "Opo." Sagot ni Gao Congming at tahimik itong lumabas ng bahay. 'Dahil sinabi ni Young Master Yi na umuwi na ako, ibig sabihin..... dito siya matutulog? Noong sandaling yun, si Yi Jinli at Ling Yiran lang ang naiwan sa loob ng maliit na apatment. Tinanggal ni Yi Jinli ang mga sapatos ni Ling Yiran at kinumutan ito. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan, at umupo sa tabi ng kama nito. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ng apartment, narealize niya na wala na siyang makitang kahit anong bakas na naiwan niya. 'Tinapon niya na ba ang mga gamit ko?' Nang sumagi yun sa isip ni yun ni Yi Jinli, biglang kumirot ang puso niya. Pero sa kalagitnaan ng pagmumuni niya, si Ling Yiran na dapat ay mahimbing ng natutulog ay biglang dumilat at
"Sige na, makakauwi ka na." Utos ni Yi Jinli kay Gao Congmin, na nakabuntot sakanya. Gulat na gulat si Gao Congming pero kahit na gusto niya pa mang magtanong kung bakit, alam niya sa sarili niya na may mga bagay na hindi niya na dapat tinatanong. "Opo." Sagot ni Gao Congming at tahimik itong lumabas ng bahay. 'Dahil sinabi ni Young Master Yi na umuwi na ako, ibig sabihin..... dito siya matutulog? Noong sandaling yun, si Yi Jinli at Ling Yiran lang ang naiwan sa loob ng maliit na apatment. Tinanggal ni Yi Jinli ang mga sapatos ni Ling Yiran at kinumutan ito. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan, at umupo sa tabi ng kama nito. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ng apartment, narealize niya na wala na siyang makitang kahit anong bakas na naiwan niya. 'Tinapon niya na ba ang mga gamit ko?' Nang sumagi yun sa isip ni yun ni Yi Jinli, biglang kumirot ang puso niya. Pero sa kalagitnaan ng pagmumuni niya, si Ling Yiran na dapat ay mahimbing ng natutulog ay biglang dumilat at