Share

Kabanata 121

Pakiramdam ni Yi Jinli ay may nakabara sa lalamunan niya na kahit gustuhin niya mang umamin ay hindi niya magawa.

'Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.... Kailangang planuhin ko muna 'to ng maigi!'

Bakas na namumutlang mukha ni Ling Yiran ang sobrang pag-aalala para kay 'Jin'.

Sa lahat ng mga nangyari sakanya, ang masasabi niya lang ay masyadong malupit ang buhay para sakanya, at kahit anong pilit niyang takbuhan ito, bumabalik at bumabalik lang din siya at isa sa pinaka ayaw niyang mangyari ay ang madamay si 'Jin'.

"Ate, sa ngayon, magpahinga ka lang muna jan hanggang sa bumalik na ang lakas mo at wag ka munang magiisip ng kung anu-ano. Pangako, pagkalabas na pagkalabas mo dito, sasabihin ko na sayo kung sino talaga ako." Nakangiting sabi ni Yi Jinli.

Huminga ng malalim si Ling Yiran at tumungo.

Siguro dahil hindi pa nakakabawi ang katawan niya at katatapos niya lang ding umiyak, humikab si Ling YIran, na sensyales na inaantok na siya.

"Ate, kung inaantok ka na, umidlip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status