Tama.... Laro lang pala talaga ang lahat, laro sa pagitan ng isang mayaman at isang mahirap... 'Ito ba yung sinasabi niyang sasabihin niya sa akin kapag nakalabas na ako ng ospital? Magpapakilala siya tapos sasabihing tapos na siyang makipaglaro? ' Habang sobrang kalmado ni Ling Yiran, pakiramdam ni Yi Jinli ay sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito...Nakatayo lang ito sa harapan niya, pero pakiramdam niya sobrang layo nila sa isa't-isa... "Ikaw ba si Yi Jinli?" Muling tanong ni Ling Yiran. Walang nagbago, sobrang kalmado pa rin ng itsura niya, na para bang naghihintay lang siya ng isang simpleng sagot. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung anong nararamdaman niya pero nanginginig ang mga labi niya, at habang nakatitig kay Ling Yiran, hirap na hirap niyang sinabi, "Oo." 'Oo'... Isang salita, dalawang letra, pero sobrang lalim ng ibig sabihin....Sobrang nalungkot si Ling Yiran nang marinig ang salitang ito... Sa totoo lang, medyo sigurado na siya kanina, pero...
"Okay lang ba? Ate?" Huminga ng malalim si Yi Jinli nang sabihin niya ang salitang "Ate." Bakas sa tono ng boses niya na para bang nagmamakaawa siya na wag iwanan ni Ling Yiran. Para naman kay Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang may nakadagan na bundok sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Sabay na bumalik sina Ling Yiran at Yi Jinli sa VIP Room at pagkapasok na pagkapasok nila, pinalabas muna ni Yi Jinli ang nurse. Kaya silang dalawa lang ang natira. Nakaupo lang si Ling Yiran sa isang upuan habang nakayuko. Wala siyang ideya kung ano ba talagang gustong mangyari ni Yi Jinli. 'Siguro hindi pa siya nakuntento na halos mamatay na ako sa kulungan noon, kaya ngayon, gusto niya na siya mismo ang pumatay sakin.... pero... bakit niya ako niligtas noong New Year's Eve?' Dahil ba... alam niya na kapag mas pinatagal niya pa 'tong larong 'to at naging sobrang attached ako sakanya, mas masasaktan niya ako, tama? 'Pero sino ba ako para lumaban lalo na sa isang Yi Jinli? Siguro isa
'Hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Jin...mali...ni Yi Jinli.... Noon, sa tuwing ginagawa niya 'to, kumakalma ako, pero ngayon, sobrang natatakot ako. 'Ano bang dapat kong gawin?' Sinubukang iilag ni Ling Yiran ang mga kamay niya, pero hinawakan ang mga ito ni Yi Jinli ng mas mahigpit. "Mr. Yi..." "Jin. Diba yun ang tawag mo sakin?" Kumunot ang noo ni Ling Yiran. "Sundin mo ako. Gusto ko Jin ang itawag mo sakin." Bulong ni Yi Jinli. Lahat ng tao tinatawag siyang Mr. Yi, pero pagdating kay Ling Yiran, naiirita siya kapag naririnig niya ito. Hindi sumagot si Ling Yiran kaagad, at mga isang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Jin". Nang marinig ito ni Yi Jinli, ngumiti siya. Ang paboritong ngiti ni Ling Yiran... Ito ang ngiting gusto niyang protektahan noon dahil akala niya sobrang inosente ng Jin na nakilala niya... Pero... si Yi Jinli... Wala pa ata siyang naririnig na nagsabing inosente si Yi Jinli. Bali-balita nga na sobrang dami ng luha at
"Kung gusto niyo po akong pahirapan, wag niyo na pong patagalin. Walang-wala na po ako... Alam niyo naman pong isa lang akong Sanitation worrkerdiba? Isang kahig, isang tuka at wala na rin akong pamilyang mababalikan. Gusto niyo po bang lumuhod ako sa puntod ni Hao Meiyu para lang mapatawad mo ako? O baka gusto niyo rin akong patayin, para buhay kapalit ng buhay...." "Tama na!" Naiinis na pagputol ni Yi Jinli. 'Talaga bang naniniwala siya na ginagawa ko ang lahat ng 'to dahil kay Hao Meiyu at hindi dahil sakanya?' Nagpatuloy si Yi Jinli, "Makinig ka. Hindi ko to ginagawa para kay Hao Meiyu. Ako ang may gusto na makasama ka." Habang nagsasalita, yumuko si Yi Jinli at tinignan ang mga kamay ni Ling Yiran, 'Bakit ang lamig lamig pa rin ng mga kamay niya. 'Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagagalit ako, na para bang kontrolado niya ang emosyon ko. 'Kapag kasama ko siya, parang hindi ako yung dating Yi Jinli na kayang kumuntrol sa sarili, pero gusto ko yung ganitong pakiramdam a
'Humahanap lang ako ng tamang tiyempo kung paano ko sasabihin ko sakanya.... 'Pero... sa ganoong paraan niya pa rin nalaman ang pinaka iniingatan ko... 'Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na nakatayo na pala siya sa likod ko... pero.... kung babalikan ko yung mga nangyari, wala naman akong maalala na sinabi ko kay Chongwei kung sino ako... pero bakit tinawag ako ni Ling Yiran sa pangalan ko?' 'Ibig sabihin.... alam niya na ang totoo bago pa kami mag-usap... Sinong nagsabi sakanya?' Nang sumagi ito sa isip ni Yi Jinli, dali-dali siyang dumilat at inutusan si Gao Congming. "Icheck mo yung number ni Ling Yiran at alamin mo kung sino ang huli niyang nakausap!" "Opo," Natatraantandang sagot ni Gao Congming. Gaya ng nakasanayan, mabilis na nakuha ni Gao Congming ang impormasyong hinihingi ni Yi Jinli. "Young Master Yi, ang pinaka huling phone call po na natanggap ni Miss Ling ay noong 6:35 ng gabi, at ang pangalan pong naka register sa number ay Qin Lianyi." 'Qin Lianyi...' Kum
"Ano naman po kung totoo ang impormasyong nakuha niyo? Kung gugustuhin ko, pwede ko siyang bihisan at ayusan kagaya ng mga nirerespetong babae dito sa Shen City!" Pasinghal na sagot ni Yi Jinli. Hindi nagustuhan ng Old Master ang sagot ni Yi Jinli kaya galit na galit itong sumagot, "Wag na wag mong kakalimutan kung paano namatay ang tatay mo!" Nanlisik ang mga mata ni Yi Jinli at nagpatuloy, "Hindi ko po nakakalimutran. Kung totoo mang gusto ko siyang makasama, hindi naman ibig sabihin nun na ibibigay ko na sakanya ang buong buhay ko. Wag po kayong mag-alala, hindi ako kagaya ng tatay ko, na nabuhay at namatay para lang sa ibang babae. Hinding hindi ako makokontrol ng isang babae!" "Nakakalimutan niyo na po ba? Ako ang palaging nasusunod!" "Talaga bang pinuntahan mo ako dito para lang sabihan yan?" Natatawang sagot ni Old Master. "Hindi po. Gusto ko pong sabihin sainyo na wag na wag niyo siyang papakielaman!" Kumunot ang noo ni Old Master at galit na sumagot, "Anong ibig mo
Biglang kumunot ang noo ni Ling Yiran, na para bang narinig nito ang mga sinabi ni Yi Jinli, kaya nagaalalang tumayo si Yi Jinli para tignan kung anong nangyayari. Nakita niya na ga-butil ang mga pawis nito sa noo, na sinundan pa ng pag-iling-iling na halatang hindi ito mapakali. Kaya pipindutin dapat ni Yi Jinli ang doctor's button kaso lang biglang dumilat si Ling Yiran at naalimpungatang umupo sabay sigaw, "Waaag..." "Ate, bakit? Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Yi Jinli. Pero parang walang narinig, takot na takot na niyakap ng mahigpit ni Ling Yiran ang bewang ni Yi Jinli. "Jin... nandito ka.... nandito ka.... Sobrang sama ng panaginip ko...Napanaginipan kong nasa kulungan daw ako ulit at ayaw nila akong tigilan. Paulit-ulit ako ng nagmamakaawa sakanila pero... ayaw talaga nila akong tigilan...." Alam kong panaginip lang yun... pero... para talagang totoo at kahit na gising na ako... ang sakit sakit pa rin ng tiyan ko..." Pero sa kalagitnaan ng pagkwekwento, bigla
"Waaag..." Sigaw ni Ling Yiran. Gustuhin niya mang pumalag pero kahit anong gawin niya, hindi talaga siya makawala kay Yi Jinli. Sobrang pula na ng buong mukha niya at may mga parte na rin ng maselang bahagi ng katawan niya ang nakalabas na. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Hindi niya alam kung anong gagawin niya habang tumatagal ay lalo siyang natataranta. Pero parang kabaliktaran ito kay Yi Jinli, na sobrang kalmado at para bang hindi naapektuhan sa pagsigaw at pagpupumiglas ni Ling Yiran. Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata at nakangiting sinabi, "Ate, lakasan mo pa... Maraming bodyguard, nurse at doktor sa labas. Oo, maririnig ka nila, pero...." Huminto siya sandali bago siya magpatuloy na may halong pagkapilyo ang tono ng pananalita. "Pero isa lang ang sinisigurado ko sayo.... Walang maglalakas loob na papasok dito para iligtas ka." Hindi makagalaw si Ling Yiran. 'Totoo ang sinabi niya.... Kahit pa sumigaw ako ng sumigaw dito hanggang sa mawalan ako ng boses, wala ta