Share

Kabanata 120

Nakatingin lang si Ling Yiran sa nurse mula umpisa hanggang sa matapos itong gamutin ang kamay niya nang hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng mukha niya kahit pa para sa ibang tao ay mahapdi ito.

Pero noong papalitan na ng nurse ang benda niya, medyo napakunot siya ng noo, pero hindi siya umaray.

"Ako na. Pwede ka ng lumabas." Utos ni Yi Jinli sa nurse.

Hindi naman tumanggi ang nurse at magalang na yumuko bago ito lumabas. Kinuha ni Yi Jinli ang benda at dahan-dahan itong binalot sa kamay ni Ling Yiran, na parang matagal niya na itong ginagawa. Sinigurado niya rin na sobrang ingat niya para hindi masaktan si Ling Yiran.

Pagkatapos, niligpit niya ang mga hindi niya nagamit para makapagpahinga na si Ling Yiran. "Ate, wag mo munang masyadong ikilos ang kanang kamay mo hanggang sa hindi pa gumagaling ang sugat mo, maliban nalang kung gusto mong maubusan ka hg dugo."

Pinagmasdan ni Ling Yiran ang kamy niya na binenda ni 'Jin', at namangha siya sa sobrang linis ng pagkakagawa n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status