"Pero hindi pa naman ako sigurado." Hindi mapakaling sagot ni Qin Lianyi. "Nagkita kasi kami ni Xiao Ziyi at sinabi niya sakin na binaback upan ka raw ni Yi Jinli at pinapalabas niya na kayo raw. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun pero naisip ko lang na baka yung 'Jin' ay shotcut ng Yi Jinli. Hindi imposible... Base sa kutis ni 'Jin', mahirap talagang maniwala na pulubi ito, at kung kay Yi Jinli naman... wala itong kahit anong picture sa internet. Sinubukan ni Qin Lianyi na isearch ang pangalang Yi Jinli bago niya tawagan si Ling Yiran, pero wala siyang napala dahil puro nakatalikod lang malayo pa ang mga picture nito. Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang biglang tumahimik ang paligid niya, kahit pa tuloy-tuloy pa ring nagsasalita si Qin Lianyi. Habang pinagdudugtong niya ang mga bagay-bagay, lalo siyang natatakot... Kahapon lang, nalaman niyang hindi pala pulubi si 'Jin', kaya inisip niya na baka nga isa pa 'to sa pinaka mayamang tao sa Shen City. Kaya nga tinanggap niy
"..." Hay, ang bilis nga namang kumalat ng chismis. "Bakit hindi mo siya dalhin sa mga gathering natin para makilala namin siya! Gusto kong makita kung anong itsura niya." Masayang sabi ni Ye Chongwei. Para kay Ye Chongwei, magandang balita ito lalo na't kilala nila si Yi Jinli bilang napaka ilap sa mga babae. kahit nga kay Hao Meiyu, na naging fiance nito noon, ay hindi manlang nila nakitang sweet ang kaibiga, kaya sobrang nakaka excite para sakanyang malaman na may pagka romantiko rin pala ang kaibigan nila, na talagang nagpadala pa ng napakaraming police cars para lang iligtas ang iisang babae. Kaya sa sobrang saya, dumiretso na siya kay Yi Jinli mismo. Pero kabaliktaran ang naramdaman ni Yi Jinli....Hindi niya alam kung bakit pero naiirita siyang marinig na interesado ang ibang lalaki kay Ling Yiran. Walang siyang balak na ipakilala ito sa kahit na kaninong lalaki at kung pwede nga lang ay gusto niyang dalhin ito a isang lugar na siya lang ang makakakita! Natatakot siya na
Tama.... Laro lang pala talaga ang lahat, laro sa pagitan ng isang mayaman at isang mahirap... 'Ito ba yung sinasabi niyang sasabihin niya sa akin kapag nakalabas na ako ng ospital? Magpapakilala siya tapos sasabihing tapos na siyang makipaglaro? ' Habang sobrang kalmado ni Ling Yiran, pakiramdam ni Yi Jinli ay sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito...Nakatayo lang ito sa harapan niya, pero pakiramdam niya sobrang layo nila sa isa't-isa... "Ikaw ba si Yi Jinli?" Muling tanong ni Ling Yiran. Walang nagbago, sobrang kalmado pa rin ng itsura niya, na para bang naghihintay lang siya ng isang simpleng sagot. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung anong nararamdaman niya pero nanginginig ang mga labi niya, at habang nakatitig kay Ling Yiran, hirap na hirap niyang sinabi, "Oo." 'Oo'... Isang salita, dalawang letra, pero sobrang lalim ng ibig sabihin....Sobrang nalungkot si Ling Yiran nang marinig ang salitang ito... Sa totoo lang, medyo sigurado na siya kanina, pero...
"Okay lang ba? Ate?" Huminga ng malalim si Yi Jinli nang sabihin niya ang salitang "Ate." Bakas sa tono ng boses niya na para bang nagmamakaawa siya na wag iwanan ni Ling Yiran. Para naman kay Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang may nakadagan na bundok sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Sabay na bumalik sina Ling Yiran at Yi Jinli sa VIP Room at pagkapasok na pagkapasok nila, pinalabas muna ni Yi Jinli ang nurse. Kaya silang dalawa lang ang natira. Nakaupo lang si Ling Yiran sa isang upuan habang nakayuko. Wala siyang ideya kung ano ba talagang gustong mangyari ni Yi Jinli. 'Siguro hindi pa siya nakuntento na halos mamatay na ako sa kulungan noon, kaya ngayon, gusto niya na siya mismo ang pumatay sakin.... pero... bakit niya ako niligtas noong New Year's Eve?' Dahil ba... alam niya na kapag mas pinatagal niya pa 'tong larong 'to at naging sobrang attached ako sakanya, mas masasaktan niya ako, tama? 'Pero sino ba ako para lumaban lalo na sa isang Yi Jinli? Siguro isa
'Hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Jin...mali...ni Yi Jinli.... Noon, sa tuwing ginagawa niya 'to, kumakalma ako, pero ngayon, sobrang natatakot ako. 'Ano bang dapat kong gawin?' Sinubukang iilag ni Ling Yiran ang mga kamay niya, pero hinawakan ang mga ito ni Yi Jinli ng mas mahigpit. "Mr. Yi..." "Jin. Diba yun ang tawag mo sakin?" Kumunot ang noo ni Ling Yiran. "Sundin mo ako. Gusto ko Jin ang itawag mo sakin." Bulong ni Yi Jinli. Lahat ng tao tinatawag siyang Mr. Yi, pero pagdating kay Ling Yiran, naiirita siya kapag naririnig niya ito. Hindi sumagot si Ling Yiran kaagad, at mga isang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Jin". Nang marinig ito ni Yi Jinli, ngumiti siya. Ang paboritong ngiti ni Ling Yiran... Ito ang ngiting gusto niyang protektahan noon dahil akala niya sobrang inosente ng Jin na nakilala niya... Pero... si Yi Jinli... Wala pa ata siyang naririnig na nagsabing inosente si Yi Jinli. Bali-balita nga na sobrang dami ng luha at
"Kung gusto niyo po akong pahirapan, wag niyo na pong patagalin. Walang-wala na po ako... Alam niyo naman pong isa lang akong Sanitation worrkerdiba? Isang kahig, isang tuka at wala na rin akong pamilyang mababalikan. Gusto niyo po bang lumuhod ako sa puntod ni Hao Meiyu para lang mapatawad mo ako? O baka gusto niyo rin akong patayin, para buhay kapalit ng buhay...." "Tama na!" Naiinis na pagputol ni Yi Jinli. 'Talaga bang naniniwala siya na ginagawa ko ang lahat ng 'to dahil kay Hao Meiyu at hindi dahil sakanya?' Nagpatuloy si Yi Jinli, "Makinig ka. Hindi ko to ginagawa para kay Hao Meiyu. Ako ang may gusto na makasama ka." Habang nagsasalita, yumuko si Yi Jinli at tinignan ang mga kamay ni Ling Yiran, 'Bakit ang lamig lamig pa rin ng mga kamay niya. 'Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagagalit ako, na para bang kontrolado niya ang emosyon ko. 'Kapag kasama ko siya, parang hindi ako yung dating Yi Jinli na kayang kumuntrol sa sarili, pero gusto ko yung ganitong pakiramdam a
'Humahanap lang ako ng tamang tiyempo kung paano ko sasabihin ko sakanya.... 'Pero... sa ganoong paraan niya pa rin nalaman ang pinaka iniingatan ko... 'Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na nakatayo na pala siya sa likod ko... pero.... kung babalikan ko yung mga nangyari, wala naman akong maalala na sinabi ko kay Chongwei kung sino ako... pero bakit tinawag ako ni Ling Yiran sa pangalan ko?' 'Ibig sabihin.... alam niya na ang totoo bago pa kami mag-usap... Sinong nagsabi sakanya?' Nang sumagi ito sa isip ni Yi Jinli, dali-dali siyang dumilat at inutusan si Gao Congming. "Icheck mo yung number ni Ling Yiran at alamin mo kung sino ang huli niyang nakausap!" "Opo," Natatraantandang sagot ni Gao Congming. Gaya ng nakasanayan, mabilis na nakuha ni Gao Congming ang impormasyong hinihingi ni Yi Jinli. "Young Master Yi, ang pinaka huling phone call po na natanggap ni Miss Ling ay noong 6:35 ng gabi, at ang pangalan pong naka register sa number ay Qin Lianyi." 'Qin Lianyi...' Kum
"Ano naman po kung totoo ang impormasyong nakuha niyo? Kung gugustuhin ko, pwede ko siyang bihisan at ayusan kagaya ng mga nirerespetong babae dito sa Shen City!" Pasinghal na sagot ni Yi Jinli. Hindi nagustuhan ng Old Master ang sagot ni Yi Jinli kaya galit na galit itong sumagot, "Wag na wag mong kakalimutan kung paano namatay ang tatay mo!" Nanlisik ang mga mata ni Yi Jinli at nagpatuloy, "Hindi ko po nakakalimutran. Kung totoo mang gusto ko siyang makasama, hindi naman ibig sabihin nun na ibibigay ko na sakanya ang buong buhay ko. Wag po kayong mag-alala, hindi ako kagaya ng tatay ko, na nabuhay at namatay para lang sa ibang babae. Hinding hindi ako makokontrol ng isang babae!" "Nakakalimutan niyo na po ba? Ako ang palaging nasusunod!" "Talaga bang pinuntahan mo ako dito para lang sabihan yan?" Natatawang sagot ni Old Master. "Hindi po. Gusto ko pong sabihin sainyo na wag na wag niyo siyang papakielaman!" Kumunot ang noo ni Old Master at galit na sumagot, "Anong ibig mo