Tumawa si Ethan Hunt. "Tiyak na hindi ako ang karapat-dapat na umupo dito sa kwartong ito...""May iba pa?"“Sino ang taong iyon? Paki-paliwanag ito sa amin, Lieutenant Colonel Hunt!" Tanong ni Yonathan York."Hmm, kung hindi tatayo mismo ang taong iyon, hindi ako maglalakas-loob na sabihin ang pangalan niya."May misteryosong hitsura si Ethan."At saka, nasa kwarto na siya at nakikita ko siya!""Ano?! May isang taong mas mataas pa ang katayuan kaysa kay Lieutenant Colonel Hunt sa kwartong ito?""At may posisyon siyang kasing taas ni Lieutenant Colonel Hunt na hindi siya naglakas-loob na sabihin sa atin kung sino siya?"Sa sandaling iyon, naging magulo ang buong lugat, maging si Grandma York na nasa private room ay hindi mapigilang sumilip sa mga puwang ng mga bintana.Nais din niyang malaman kung anong klaseng big shot ang dumating sa Buckwood.Hindi ito isang mahalagang taong mula sa Wolsing, ‘di ba?"Lieutenant Colonel Hunt, mawalang-galang na pero pwede ko bang malaman k
Maya-maya, agad na tumayo ang mga tao at umaasang kilala nila ang taong binanggit ni Ethan Hunt.Kahit sina Rosalie Naiswell at Bruce Cloude ay kabilang sa kanila, tumingin din sila sa paligid, nais na makita kung sino ang taong iyon!Hindi mapakali ang lahat, lalo na ang mga nasa back row ng mga tao nang dumaan si Ethan sa middle row.Si Harvey York lang ang mukhang walang pakialam, matatag parang isang bundok, at hindi gumagalaw parang isang bato.Nang makita ito, hindi mapigilan ni Xynthia Zimmer na magbiro, "Brother-in-law, huwag mong sabihin sa aking ikaw ang tinutukoy ni Lieutenant Colonel Hunt."Walang pag-aalalang sinabi ni Harvey, "Mhm, tama ang hula mo."Ngunit tumawa lang si Xynthia, inakalang nagbibiro sa kanya ang kanyang brother-in-law.Ngunit makalipas ang maikling sandali, narating ng pangkat ng mga tao ang mga dulong hilera.Nagging excited ang mga taong nakaupo sa dulo at tumayo silang lahat.Tila hindi mapakali ang mga York.Talaga bang nilagay nila ang maa
Si Brother-in-law ba talaga yun?!Sa sandaling ito, wala nang maramdaman si Xynthia kundi pagkamangha at pagkagulat at hindi rin makapaniwala.Biglang binaling ng lahat ang kanilang tingin sa kanila.Nagging spotlight sina Harvey York at Xynthia Zimmer sa buong kwarto!Pakiramdam ni Xynthia ay parang hindi siya makahinga.Parang tumigil ang oras at nag-yelo ang hangin.Nawala ang lahat ng katwiran sa utak niya at para siyang latang walang laman.Nanginginig si Xynthia, gusto niyang tanungin ulit si Harvey ngunit hindi man lang niya makuha ng lakas para buksan ang kanyang bibig.Masyadong misteryoso ang lalaking ito!Thunk, thunk, thunk… Biglang lumabas si Ethan sa sandaling ito, lumilikha ang army boots ng nagmamartsang tunog sa makapal na carpet.Agad na narinig ng lahat ang tunog, para silang minamartilyo sa kanilang dibdib.Binalik ng tunog na ito ang lahat sa katotohanan mula sa paglipad ng kanilang isipan.Habang nakatingin sa nag-iisang lalaki at isang batang babaen
Nakakagulat!Nakakanginig!Hindi kapani-paniwala!Talagang isa itong hindi malilimutang bagay sa buhay ng mga taong naroroon sa birthday ceremony!Hindi inaasahan nina Yuna Shaw, Yvette Yanes, Carter Coen at iba pa na makita si Harvey York dito.Bukod pa dito, siya ang tunay na pinuno sa kanilang lahat!Hindi binigyan ni Ethan Hunt ng pagkakataon ang iba na humanga. Sa halip, yumuko siya at sinabi, “Chief Instructor, pumunta na po kayo sa pwesto sa harapan kasama ang iyong mga subordinates!”“Sa iyo ang upuan na iyon!”"Ikaw lamang ang karapat-dapat sa upuang iyon!"Bahagyang tumango si Harvey, at walang pakialam na sinabi, "Sige."Sa sandaling ito, halos pumalibot ang lahat.Dahan-dahang umikot si Ethan, nakatingin sa mga tao mula sa mga York, at sinabi, "Yonathan York, Quinton York, ayaw mo bang malaman kung sino siya?”“Ipapaliwanag ko sa inyo!”"Pansamantalang umalis ang taong ito sa Buckwood tatlong taon na ang nakararaan.”“Noong panahong iyon, hawak niya ang titulo
Nagduda pa rin si Rosalie Naiswell kay Harvey York kanina.Akala niya’y mayabang lang siya. Babalik na sana siya at udyokin ang kanyang lolo na huwag magpalinlang sa lalaking ito sa hinaharap.Gayunpaman, sa sandaling ito, biglang hindi niya alam kung anong ekspresyon ang dapat niyang ipakita.Kung naguguluhan siya kanina, mas naguguluhan siya ngayon.Muling binaling ni Harvey ang walang pakialam na tingin niya kay Bruce Cloude.Sinulyapan lang siya ni Harvey, hindi umiimik.Gayunpaman, tumulo ang malamig na pawis ni Bruce sa tingin ni Harvey.Tuluyan niyang hindi makontrol ang kanyang katawan sa sumunod na sandali. Agad siyang napaluhod.Hindi na muling tumingin sa kanya si Harvey pagkatapos niyon.Hindi siya karapat-dapat!Matapos dahan-dahan maglakad papunta sa harapan, hinila ni Ethan Hunt ang upuan para kay Harvey. Si Harvey naman ay kaswal na umupo.Katabi niya sina Ethan at Xynthia, at sa tabi nila ay sina Kyle Quinlan, Yoel Graham, at iba pa!Alam na nilang lahat na
Hindi nagtagal, dalawang grupo na lang ng tao ang naiwan sa eksena.Sa isang panig ay mga tao mula sa mga York.Sa kabilang panig ay sina Harvey York, Ethan Hunt, at Xynthia Zimmer.Bumalik sa normal ang mga ekspresyon ng mga miyembro ng pamilya York.Ang dalawang salita, "Prince York", ay talagang nakaka-stress para sa kanila at nagdulot matinding pagkabalisa sa kanila!Gayunpaman, bilang nangungunang pamilya sa South Light, siguradong may pride ang mga York na kanilang panghawakan.Sinong may pakialam kung siya si Prince York?Tatlong taon na ang nakaraan, nagawa nila siyang palayasin sa Buckwood. Makalipas ang tatlong taon, siguradong magagawa nila ito ulit.***May amoy ng insenso sa kwarto sa ibaba ng entablado.Nakasuot ng simpleng damit si Queenie York, nakaluhod sa isang tabi at nanatiling nakayuko.Unti-unting binuksan ni Grandma York ang kanyang mga mata sa sandaling ito.Hinawakan niya ang kanyang dragon-head na tungkod habang may sari-saring mga hiyas sa kanyang
Sa gitna ng venue.Lumuhod ang lahat ng mga miyembro ng York.Kahit ang makapangyarihang si Quinton York at ang napakatalinong si Yonathan York ay isa sa mga unang lumuhod. Kasabay nito, bahagyang silang lumipat sa likuran upang magpakita ng paggalang.Dahil ang taong lumitaw ngayon ay si Grand York ng mga York.Pinaniniwalaang nagmula ang matandang babae sa isang mayamang pamilyang katumbas ng top ten na pamilya ng Country H. Napakayaman ng pamilyang iyon.Isa lamang first-class na pamilya ang mga York sa South Light nang pakasalan niya si Grandfather York.Pagkatapos rin niyang ikasal sa mga York nagsimulang umangat nang tuluy-tuloy ang pamilya.Wala pang dalawampung taon ang inabot para maging bukod-tanging top family sa South Light Province ang mga York, at nanatili itong ganito hanggang sa araw na ito.Sa mata ng nakatatandang henerasyon sa South Light, si Grandma York, si Melissa Leo, ang tunay na nagpa-angat sa mga York sa mga ranggo.Namatay si Grandfather York noong b
Bahagyang tumingin si Harvey York kay Stephen York at sinabi, "Bata, matalino pa rin ang kakambal mo, pero hangal ka.""Isang daang beses akong mas pamilyar sa mga kilos ng matandang bruha kaysa sa iyo!""Hindi mo ba ito naisip?""Kung wala akong kumpyansa, paano ako makakatungtong dito ngayon?"Bahagyang balisa ang lahat ng mga York.Sa totoo lang. Si Harvey York, na kilala bilang si Prince York ay ginamit kanyang sariling pagsisikap para muling itayo ang walang buhay na mga York. Ang mga York ay naging top ten sa South Light Province sa loob lamang ng tatlong taon.Sa buong prosesong ito, siya ang taong pinaka nakipag-ugnayan kay Grandma York, si Melissa Leo.Tungkol sa iba pang mga miyembro ng York, baka hindi para sila maging karapat-dapat na makilala ang matandang babae isang beses sa isang taon.Kung kaya, ang taong higit na nakakakilala kay Grandma York ay posibleng si Harvey talaga.Nagbago ang ekspresyon ni Stephen York. Pagkatapos ay malamig niyang sinabi pagkaraan n
Ang mga manggagawa sa likod ni Violet ay tumingin kay Harvey nang may paghamak. Sa kanilang mga mata, sinumang lalaban kay Violet ay tiyak na magdurusa.Habang lalo pang nagmamalaki si Harvey, lalo siyang mapapahamak.Matapos makatanggap ng dalawang sampal mula kay Harvey, muntik nang mabali ang ngipin ni Paola. Tinitigan niya siya nang may galit."Makakarma ka rin maya-maya lang! Kapag dumating na ang kaibigan ni Ms. Violet, siguradong patay ka na!"Humarap si Harvey at pinagkrus ang kanyang mga braso."Sana hindi agad lumuhod sa’kin ang taong tatawagin mo. Baka maging nakakabagot kung ganun ang mangyari."Tumawa nang malamig si Paola habang naghihintay na may sumagot sa tawag niya."Ms. Amaia! Binugbog ang mga tauhan namin! Sinabi na namin sa kanila tungkol sayo, pero wala silang pakialam!"Si Paola ay mukhang isang inosenteng babae na naabuso, nagsasalita habang malapit nang umiyak.Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, bumalik siya sa masamang ekspresyon na mayroon siya kanin
Tumayo ang assistant at pinunasan ang dugo sa kanyang bibig, bago sumigaw kay Harvey, "Anong akala mo sa sarili mo, hayop ka?! Subukan mo ulit akong sampalin kung may lakas ka ng loob!”Pak!Tahimik na winasiwas ni Harvey ang likod ng kanyang palad. Sumigaw ang assistant sa sakit habang muling tumilapon palayo."Unang beses ko nang makarinig ng ganitong katinding kahilingan matapos ang matagal na pananatili dito. Nakita niyo na; siya ang humiling na gawin ko ito.”Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri, puno ng labis na paghamak.Lahat ay nagulat; hindi nila alam kung ano ang sasabihin habang tinitingnan nila si Harvey.Ang mga sampal ay napaka-refreshing panoorin…Gayunpaman, ang Golden Estate ay malapit nang magbayad ng isang napakalaking halaga para dito. Ang proyekto ng Golden Garden ay mapipilitang isara kung hindi maganda ang mangyari.‘Hindi ba alam ng haling na ito kung paano magpigil para sa ikabubuti ng lahat?’‘May tatlong pung milyong tagahanga si Violet at sup
Syempre, hindi makikialam si Harvey sa sitwasyon.Tumango siya, at sinabing, "Sige. Kumilos ka na.”Lumakad si Leona papalapit bago niya kinausap si Violet. Sa sumunod na sandali, biglang sinampal ni Violet si Leona sa mukha.Ang ekspresyon ni Harvey ay naging seryoso. Nang makita niyang bahagya lamang ang pinsalang natamo ni Leona, nakahinga siya ng maluwag.Ang mayabang na assistant ni Violet ay matalim na tumingin sa mga tao, at sinabing, “Leona! Casen! Bawat isa sa inyo! Binabalaan ko kayo!"Tatayo si Ms. Violet sa main spot, anuman ang mangyari!"Maliban doon, kailangan niyo kaming bayaran ng tatlong beses ng halaga!""Gawin niyo 'yun, at palalampasin namin ito."Kung hindi, agad kaming mag-aanunsyo sa publiko!"Kayang-kayang gibain ng tatlumpung milyong tagahanga ni Ms. Violet ang lahat ng mga gusali dito!"Huwag niyong subukang magyabang dahil lang may pera kayo!"Sino kayo sa akala niyo, kukuha kayo ng isang walang kwentang lalaki para palitan si Ms. Violet?"Mangar
Nakita nina Harvey at Leona ang isang tao na inihagis ang isang pares ng gunting sa lupa. Ang gunting ay dapat gagamitin upang putulin ang ribbon sa seremonya.Ang mga bagay na gawa sa purong ginto ay medyo may kalambutan. Ang gunting, na simbolo ng kayamanan ng proyekto, ay agad na nasira.Agad na lumapit ang isang nakatataas na nakakita nito."Akala mo ba pwede mong sirain ang mga bagay dito dahil lang sikat ka? Kaya mo bang bayaran ang mga pinsala kapag hindi nagtagumpay ang proyekto?!"Pak!Isang magandang babae na may kahanga-hangang makeup at kapansin-pansing katawan ang humarap, at sinampal ang mataas na opisyal sa mukha."Sampung minuto na akong naghihintay para sa event na ‘to! Eh ano ngayon kung nasira ko ang walang kwenta niyong gunting?" sigaw niya.Agad na lumabo ang mukha ng nakatataas. Ang lahat ay nagtinginan; wala ni isa ang naglakas-loob na pigilin ang babae.Ang mga manggagawa sa likuran niya ay may mga mapagmataas na ekspresyon habang pinapanood nila ito. Mu
Si Leona ay nakasuot ng business attire, na may itim na high heels at stockings. Naka-high ponytail siya, at kapansin-pansin ang kanyang makeup. Siya ay kasing ganda ng isang bulaklak, at sinumang tumingin sa kanya ay agad na naglalaway.Sayang lang na naglalabas siya ng isang malamig na aura. Ang mga ordinaryong tao ay hindi naglakas-loob na lumapit sa kanya, lalo na ang makipag-usap sa kanya.Si Leona ay naghintay nang tahimik; wala siyang interes sa sinuman. Pagkakita niya kay Harvey, ang kanyang mukha ay lumiwanag sa saya, gaya ng isang namumukadkad na bulaklak."Nandito ka na, Sir York," sabi niya, humakbang siya pasulong. "Kakailanganin naming kanselahin ang event kung hindi ka dumating. Kung sabagay, ano ang silbi ng pagdaraos nito kung wala ka?"Tumawa si Harvey matapos marinig ang mga salita ni Leona."Huwag mong sabihin 'yan. Sina Saul at Lola ang nag-oorganisa ng proyekto. Isa lang akong shareholder. Pero dahil nangako akong darating ako, kailangan kong gawin ang laha
”Anong gagawin natin ngayon, Young Master John?”Ibinaba ni Kensley ang kanyang tasa, malagim ang ekspresyon ng kanyang mukha.“Ang Foster family at ang Tsuchimikado family ay nagtamo ng malaking pinsala, pero…“Siguradong maaapektuhan nito ang mga ginagawa mo dito.“Ayon sa plano, magagawa mong lamunin ang Patel family kasama ang iba pang Hermit Families pagkatapos mong itaboy ang Braff family sa Wolsing, at kapag tapos na ang Gibson family sa pagdidispatya sa Heaven’s Gate...“Pero ngayon, isa-isang napilitang umalis dito ang mga kakampi mo dahil kay Harvey! Ano nang gagawin natin?!”Humigpit ang hawak ni Blaine sa kanyang tasa, at tumagilid ang kanyang ulo.“May kapalit na biyaya ang kamalasan.“Nanalo sila Harvey at Kairi ngayon, pero…“Hindi rin palalampasin ng Tsuchimikado family ang tungkol dito.“Sigurado ako na may magaganap na isang malaking palabas. Palalakihin lang natin ang apoy mula sa gilid.”Habang pinag-iisipan nila Blaine at Kensley kung paano nila gagamiti
Mukhang nakakain ng mapait si Abe. Mas masama pa ang itsura niya kaysa sa babaeng maputla ang mukha.‘Yung hayop na ‘yun! Pinapahirapan niya ang mga puso ng lahat!’Sadyang hindi kayang sikmurain ni Abe ang kahihiyan dahil sa kanyang mataas na status.Nang makita niya na binitawan ni Harvey ang wire, agad na sinenyasan ni Abe ang kanyang mga tauhan na alalayan palabas si Sakamoto. Di kalaunan ay bumalik ng kaunti ang kanyang katapangan.Humakbang siya paharap habang nakatingin ng masama.“Kahanga-hanga ka, bata! Hindi mo lang sinira ang pagtitipon ko, ipinahiya mo din si Sakamoto.“Laging ibinabalik ng Tsuchimikado family ang pabor!“Huwag kang mag-alala! Pagkatapos ng gabing ito, a…”Pak!Winasiwas ni Harvey ang likod ng kanyang palad bago pa man matapos sa pagsasalita si Abe.“Sinabi ko ba na magsalita ka?“Kung masama ang loob mo, sugurin mo ako!“Pero binabalaan kita…“Kapag hindi ka tumigil sa panggugulo kay Kairo bago mo pa ako maidispatya, katapusan mo na!”Tinapik
Bahagyang tumawa si Harvey York.“Malamang hindi ka pa masyadong marunong sa manners.“Hayaan mo akong bigyan ka ng leksyon.“Dapat sincere ang paghingi ng tawad. Dapat kang lumuhod at mabali ang iyong mga braso bago magsabi ng sorry!“Gusto mo bang gawin mo sa sarili mo? O hinihintay mo akong gawin ito para sa iyo?"Likas na tumili si Sakamoto matapos marinig ang mga salita ni Harvey.“Walang hiya kang lalaki ka!“Mas alam mo kung ano ang makakabuti para sa iyo!“Humihingi na ako ng tawad para sayo!“Ano pa bang gusto mo?!"Sa tingin mo ba hindi ako mangangahas na mamatay kasama ka?!“Yung mga bodyguards na yan, huhugot agad ng utos! Tingnan natin kung sino ang unang mamamatay kapag nangyari iyon!"Kasabay ng pagkaway ng kanyang kamay, agad na inilabas ng mga bodyguard ang kanilang mga baril bago itinutok sa ulo ni Harvey.Naturally, hindi sila magdadalawang-isip na hilahin ang gatilyo kung may nangyaring mali.Hinubad ni Soren Braff at ng iba pa ang mga safeties ng kani
Si Abe Masato ay nagpapakita rin ng masamang ekspresyon.Ginamit niya ang kanyang pagkakakilanlan bilang royalty, ang bagong bituin ng mundo ng pulitika, at isang namumukod-tanging onmyoji sa kanyang bansa para magpakitang gilas...At gayon pa man ay tahasan siyang tinatapakan sa Golden Sands.Higit sa lahat, hindi man lang siya mangangahas na manindigan para kay Sakamoto.Pagkatapos ng lahat, malamang na hilahin ni Harvey York ang kawad bilang isang resulta.‘Nababaliw na siya!'Natigilan si Abe. Isa siyang upperclassman. Siya ay magdurusa ng isang malaking kawalan kung siya ay talagang namatay sa isang pinananatiling tao lamang.Gusto niyang lumabas habang magulo ang buong lugar, ngunit dumilim ang mukha niya nang harangin ni Soren Braff at ng iba pa ang mga labasan."Bakit ako pipili, hayop ka?!" bulalas ni Sakamoto."Gusto kong patay ka na agad!"Papatayin kita gamit ang sarili kong kamay!"Tinapik ni Harvey ang mukha ni Sakamoto.“Alam ko naman yun."Ngunit ang iyong