Ngayon, binaling ni Harvey York ang malamig niyang tingin kay Chopper Lyon at sa kanyang mga gangster subordinate.Kadalasang umaastang mapagmataas ay makapangyarihan ang mga gang boss tulad ni Chopper Lyon, na parang nakatira sila sa itaas sa mga ulap, nakatingin sa mga karaniwang tao at minamaliit ang mga ito.Gayunpaman, walang silbi dito ang kanilang kayabangan.Nang maramdaman nila ang malamig na titig ni Harvey York, gumapang silang lahat sa lupa. Nanginig ang kanilang mga katawan, at basa sa malamig na pawis ang kanilang mga mukha.Alam na alam nilang nakasalalay kay Harvey York ang buhay at kamatayan ng kanilang mga pamilya.Habang malamig niyang tinitigan ang mga gangster, makamandag na sinabi ni Harvey, "Hindi ko kayo papatayin, pero kailangan niyo pa ring maparusahan!""Kahit na wala kayong kinalaman sa pagkamatay ng kapatid ko...""Ngunit nandiyan pa rin ang katotohanan. Tinakot niyo siya! Tatlong buong araw luluhod ang bawat isa sa inyo sa harap ng libingan niya!"
"Pero galit na galit si Quinton York! Kusa siyang lumapit sa akin. Simple lang ang kanyang layunin, at iyon ay ang hindi ka hahayaang magkaroon ng pagkakataong bumalik sa Buckwood!"Ngayon, naintindihan na ni Harvey York sa wakas kung bakit niligpit ng mga Silva si William Bell.Kalaunan, magiging benepisyo sa mga York mabuhay si William Bell sa Buckwood. Nang sa ganoon, mao-obserbahan nila ang mga plano ni Harvey York gamit si William.Gayunpaman, biglang pinalanong patayin ng mga Silva si William at gumamit ng mga masamang pamamaraan para makamit ang kanilang layunin.'Si Quinton York ang may pakana ng lahat.''Ibig sabihin ay ang taong mula sa footage ay si Quinton York. Kung ganoon, ang iba pang mga silhouette…’'Sangkot din ba si Queenie York ba at ang kambal?'Tinitigan ni Leon Silva ang mukha ni Harvey. Bumuntong hininga siya at sinabi: "Kung hindi masyadong naging ambisyoso kaming mga Silva, hindi magkakaroon ng pagkakataon si Quinton York na kontrolin kami...""Sayang
Kahit dumating na ang gabi, hindi bumalik si Harvey York.Muling hinimatay si Mandy Zimmer sa balita. Hindi pa rin niya matanggap ang katotohanang patay na ang asawa niya.Nag-organisa si Senior Zimmer ng isang malaking evening banquet, at sinabing para ito sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Harvey York. Pero sa totoo lang, isa itong pagdiriwang.Sa wakas ay wala na sa mga Zimmer ang live-in son-in-law!Sa kanyang pagkalito, dinala si Mandy Zimmer sa banquet nina Simon Zimmer at Lilian Yates.Si Xynthia Zimmer naman ay nagkulong sa kanyang kwarto at walang balak na lumabas. Nakatago sa loob ng walang nakakakita, walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya sa puntong halos mabulag siya dahil dito.Sa Zimmer Villa…Tumayo si Senior Zimmer, nanginginig, habang may hawak ba ang isang basong puno ng wine."Simple lang ang layunin ng banquet ngayong gabi!""Una: ang ibalik ang pagkakakilanlan ni Mandy Zimmer bilang isang Zimmer!""Pangalawa: ang ipagdiwang ang muling paglaya ni Mand
"Mukha ba akong multo sa inyo?"Pumasok si Harvey York sa hall na puno ng taong takot habang nakatingin sa kanya, at huminto sa harap mismo ni Zack Zimmer.Nanginig si Zack Zimmer at inabot ang kamay ni Harvey para hawakan. Naguguluhan, sabi siya, "Mainit ka? Buhay ka pa? Paano ito nangyari?"Malamig na sumagot si Harvey York, "Parang gusto mo talagang patay ako."“Ha? Hindi ah!" Walang malay na tinanggihan ni Zack Zimmer ang bintang. Hindi siya sigurado kung bakit siya takot na takot sa aura ni Harvey York.“Harvey!”Bumalik si Mandy Zimmer sa kanyang katinuan sa sandaling nagpakita si Harvey. Sumugod siya sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.Yumakap din ni Harvey York pabalik at tinapik si Mandy sa ulo."Pinag-alala kita, bumalik ako dapat nang mas maaga...""Hindi, masaya akong nakauwi ka…"Nandiri ang mga nakakita sa pagyayakapan ng dalawa.Halos hindi mapigilan ni Senior Zimmer ang sarili na manginig. Naguguluhan siyang napatingin kay Harvey York."Imposible! Hindi
Kinabukasan, maagang maaga.Masigasig na sinundan ng pamilya Zimmer sina Harvey York at Mandy Zimmer sa Silva Corporation. Kahit na na si Senior Zimmer na hindi na makatayo nang maayos ay sumama sa kanila.Napaka-maluwalhati nito!Imposibleng papalampasin niya ito!Ubod ng saya ang mga Zimmer nang makita nila ang hundred-storey office building ng Silva Corporation.Kahit hindi maikumpara ang Silva Corporation sa Sky Corporation, isa pa rin itong kahanga-hangang kumpanya.Dahil ang Sky Corporation ay direktang pag-aari ni Prince York, ang isang ordinaryong kumpanya hindi basta-basta maikukumpara sa Sky Corporation.Kahit sa mga first-rated na pamilya sa buong Buckwood, ang isang negosyong tulad ng Silva Corporation ay walang binatbat.Sa ngayon, puno ng excitement ang mga Zimmer.Si Mandy Zimmer ay hindi naiiba.Matapos mahanap ang reception desk sa gall, agad na hinayag ni Harvey York ang kanyang intensyon."Ako si Harvey York, nandito ako para sakupin ang Silva Corporation!
Ang dating CEO ng Silva Corporation ay si Leon Silva.Ngunit nag-resign na siya noong isang araw, at binalik ang lahat ng mga share ng mga Silva.Ang pinaka-pinagkakatiwalaang subordinate ni Quinton York, si Joel Flynn, ay pansamantalang in-appoint bilang bagong CEO ng Silva Corporation.Bumalik siya bilang college student, na sinanay ni Quinton York sa huling dalawang taon.Nang hindi niya inaasahan ang balitang in-appoint siya bilang CEO ng Silva Corporation kahapon, tuwang tuwa si Joel Flynn sa puntong hindi siya nakatulog.Ang maging CEO ng isang million-dollar corporation ay ang tunay na ang rurok ng buhay!Kung bakit binalik ng mga Silva ang lahat ng kanilang share at kung bakit nagbitiw si Leon Silva sa kanyang posisyon bilang CEO, hindi niya alam. Ayaw niya ring malaman.Alam lamang niya na nagtagumpay siyang umangat sa mga ranggo.Isa lang ang request ni Quinton York para kay Joel Flynn: pamahalaan nang maayos ang Silva Corporation. Kung may nangahas na kunin ang Silva
Nakakahiya!Talagang nakakahiya!Sa sandaling iyon, pakiramdam ng mga Zimmer ay parang mga probinsyano siyang unang beses na nakapasok sa lungsod, mga taong simple mag-isip na nalulula sa marangyang paligid. Hiyang hiya sila.Posibleng wala nang pagkakataon ang mga Zimmer na manirahan sa Buckwood. Naging katawa-tawa sila dito!“Bilisan mo umalis na kayo! Hindi tanggap ng Silva Corporation sa mga tanga!""Security, itaboy mo ang mga hampaslupang ito dito!"Sa utos ni Joel Flynn, lumabas ang mga security guard ang at pinalibutan sila.Mabilis na tinaboy sina Harvey York at ang mga Zimmer."Mga inutil!" Sigaw ng security guard.Tumawa ang bawat isang security guard. Ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataong makakita ng mga taong ganito ka-inutil sa kanilang trabaho.Nakakahiya!Ito ang pinaka-nakakahiya bagay na naranasan ng mga Zimmer, sa ngayon!Kahit ang mga tagalabas ay malaman ang kanilang nakakahiyang karanasan!Sa hinaharap, ang mga Zimmer ay magiging pinakamalaking
Nang makita ni Harvey York kung paano pinipilit ni Mandy Zimmer na tatagan ang loob nito, napangiti nalang siya."Sige, makikinig na talaga ako sayo sa susunod.""Pero pinapangako ko sayo na makukuha ko ang Silva Corporation sa lalo't madaling panahon.""At kapag dumating ang panahon na yun, papalitan ko ang pangalan ng Zimmer at ibibigay ko sayo ang pamamahala nun bilang regalo ko sayo.Walang bahid ng kahit anong pagpapaasa nang sabihin ito ni Harvey York dahil totoong handa niyang gawin ang mga binitawan niyang salita dahil para sa kanya, sisiw lang ito.Ang kailangan lang muna nilang gawin sa ngayon ay ang mapatahimik si Quinton York, at sa oras na mangyari yun, madali nalang ang lahat."Itigil mo na nga yang pagyayabang mo!""Ang sarap mong sampalin ng sobrang lakas!"Huminga ng malilim si Senior Zimmer, at muling nagbanta."Simon, bantayan mo yang hampaslupa mong manugang at pakisabi sa kanya na wala siyang mapapalala na kahit anong katiting sa mga Zimmer!""Wag na wag