Malinaw nilang nakikita ang magandang mga muscle sa kanyang katawan, sa puntong naisip nilang perpekto ito.Sa parehong oras, may mga markang nasa isang crisscross na pattern sa kanyang katawan at mukhang mga maliliit na galos ang mga iyon. Hindi bababa sa ilang daang ang mga galos na kita nila.Ngunit kapag mas magaan ang mga galos, mas matagal na ang mga ito. May ilan pang mga galos na nakuha niya maraming taon na ang nakakaraan.May dahilan kung bakit nandoon ang mga galos na iyon, mukhang mga galos na ito ay nakuha sa isang klaseng pisikal na pagsasanay na hindi kayang maintindihan ng mga ordinaryong tao.Kahit na mga mercenary sila, pambihira na kung tutuusin ang magkaroon lamang sila ng sampung mga galos na iyon.Pero mayroong hindi bababa sa daan-daang mga magaang galos sa katawan ni Harvey York. Talagang hindi nila ito kayang maisip.Sa sandaling iyon, nakita ni George Zabel na nanginginig sa takot ang kanyang mga binayaran niyang guard. Sumimangot sita saka sinabi, “Anon
Hindi nagtagal ay nag-play ang video at pinalabas sa telebisyon.Ang video ay naganap sa isang abandonadong construction site sa tabi ng Pearl River, maraming tao ang naroroon.Ang mga Silva ay ang pangkat ng mga taong kasama doon. Nandoon ang lahat ng mga Silva maliban kay Brent Silva.At isang pangkat ng mga kabataang lalaki at babae ang nakita sa kabilang panig.Tiningnan nang mabuti ni Harvey York ang ibang grupo, hindi niya nakilala ang alinman sa kanila sa sandaling iyon. Dahan-dahan niyang tiningnan iyon at nabaling ang tingin niya sa isa sa mga kababaihan doon.Si Margie Cloude.Ang mga Cloude ay isang first-class na pamilya at siya ang collateral na kamag-anak ng mga Cloude. Siya rin ang kasintahan ni William Bell.Nakatayo si William sa tabi ng ilog.Tila may ilang mga silhouette na nakatayo sa Pearl River Bridge na malayo sa pagtingin sa direksyong ito, ngunit hindi sila ganoong nakikita.Susunod…Lumakad ang mga Silva at nagtapon ng isang bag ng pera sa harap ni W
"Kayong lahat!"Nagulat si William Bell at hindi makapaniwala.Totoong hindi siya makapaniwala na ang mga kaibigang pinagkakatiwalaan niya ay gagamit ng ganitong paraan para pilitin ilabas ang katotohanan mula sa kanya..."Bilis, dakpin siya!"Isang tao mula sa mga Silva ang nag-utos.Sa sumunod na sandali, desperado na si William, pinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay pabaligtad na tumalon sa ilog.Dahil wala siyang magawa, ito lamang ang kanyang pinili. Wala siyang ibang paraan para nakatakas.Matapos mapanood ang buong video, ang labis na nandilim ang mukha ni Harvey York.Bang!Binasag ni Harvey ang isang teacup sa tabi niya gamit ang kanyang kamao.Ang teacup na gawa sa solidong marmol ay talagang nabasag sa mga kamao niya, habang rinig ang pagkakapira-piraso nito sa lupa.Nanatiling ang murderous na aura ni Harvey. Sa sandaling iyon, parang lalong nanlamig ang kwarto.Hindi naisip ni Harvey na may ganitong bagay si William sa kanya matapos niyang iwan ang
Kinabukasan.Maagang dumating si Harvey York sa Cloudes' Media Company.Dumating si Harvey sa office hall at nakita ang higanteng poster ni Margie Cloude.Tila nagniningning at kaakit-akit si Margie sa poster, na parang isa siyang diyosa."Isa lang siyang collateral na kamag-anak ng isang pamilya. Hindi siya masyadong kilala sa internet noon, hindi na masamang ganito na kalayo ang naabot niya…”"Pero ang sarili niyang boyfriend, heheh..."Tiningnan nang mabuti ni Harvey ang poster at naglabas ng ngiting kasing lamig ng yelo.Bulong ni Yvonne Xavier na nasa tabi, "CEO, nag-set na ako ng appointment kay Margie Cloude. Malapit ka na.""Ay, oo nga pala," mahinahong sinabi ni Harvey.Dahil nandoon sila para kay Margie, dapat silang sumunod sa patakaran. Hindi naman siya nagmamadali.Hindi nagtagal, isang receptionist ang lumapit."Mr. York, ikaw na. Dito po ang daan...”Sa tanggapan ng CEO sa pinakamataas na palapag.Ang ilang mga security guard ang nakabantay sa pintuan.Mata
"Imposible! Peke ang video na ito! Paano ko magagawang saktan si William Bell?!"Agad na tinanggihan ni Margie Cloude ang paratang.Kaswal na tumayo si Harvey York at sinabi, "Bweno, aalis na pala ako. Huwag kang magsisisi!""Sandali lang, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo?!" Agad na tanong ni Margie."Anong punto ng pag-amin kong ginawa ko iyon?”"Wala ka ring pinagkaiba sa akin! Hindi mo binigay ang ganitong video sa pulis, sa halip ay sinubukan mo akong i-blackmaik gamit ito. Hindi ka rin isang mabuting tao!"Natural na sa kanyang mga mata, nakahanda na si Harvey na gamitin ang footage para pagbantaan at i-blackmail siya.Hindi niya halos napagtantong gusto lamang siyang paglaruan ni Harvey at hayaang matikman ang sakit at kawalan ng pag-asang dinanas ni William bago siya namatay."Isang presyo, one hundred and fifty million dollars!" Nakangising sinabi ni Harvey."Ano? One hundred and fifty million? Baliw ka na ba! Bakit hindi mo na lang i-blackmail ang mga Silva?!" G
"Posible kayang peke ang footage...?"Si Jonathan Maxwell ang unang nagtanong. Sa tingin niya ay medyo hindi ito kapani-paniwala dahil maraming mga gawa-gawang insidente kamakailan.Sumimangot si Margie Cloude at sinabi, “Iyon din ang akala ko sa simula, pero paulit-ulit kong pinanood ang footage habang hinihintay ko kayong lahat. Sigurado akong tunay ito.""So, ibig sabihin ay sa sandaling lumabas ang footage na ito, malalantad tayong lahat?" Ang pinaka-mahiyain sa kanilang tatlo, si Tommy Ray ay sinabi iyon habang nakakunot ang noo sa sandaling iyon.Ang pang-huli ay nagngangalang Ted Dunn. Tumango siya at sinabi, "Maliit lang na bagay kung malantad tayo.”"Ang problema ay, kung malantad tayo, damay din ang mga Silva.”"Siguradong tatapusin tayo ng mga Silva para sa reputasyon ng kanilang pamilya. Paanong hindi niyo alam lahat kung ano talagang klaseng tao si Prince Silva?"Sumimangot si Jonathan at sinabi, "Anong gagawin natin ngayon?"Walang magawang sinabi ni Margie, "Kaya
Kapag handa na ang lahat, hindi nagmadali si Margie Cloude sa pagtawag kay Harvey York. Alam niyang walang mangyayari kung magmamadali siya.Malapit na ang oras—halos alas diyes na, saka niya lang tinawagan si Harvey."Mr. York, hinanda ko na ang pera pero cash itong lahat. Medyo hassle na dalhin ito.”"Ibibigay ko sa iyo ang address ng isang private club. Tandaan mo, dapat mong dalhin ang orihinal na kopya ng video dito, at kailangan mong mangakong wala kang ibang kopya!”"Kung hindi, hindi ko ibibigay ang pera!"Parang pinagkakatiwalaan ni Margie si Harvey, ngunit posibleng pagpapanggap lang ang lahat—tila mas makatotohanan ang lahat.Sumang-ayon si Harvey sa kanyang mga term."Sige, hintayin mo ako diyan. Magkita tayo maya-maya."Pagkaraan ng ilang sandali, pinadala ni Margie kay Harvey ang lokasyon gamit ang kanyang phone.Isa iyong private clubhouse, binayaran niya ang buong lugar sa oras na iyon. Lahat silang apat ay naroon.Sapagkat ang napiling lugar ay walang anumang
"Tama iyan! Ibigay mo sa amin ang orihinal na footage, o babaliin namin ang mga binti mo at saka papatayin ka namin!" Banta ni Ted Dunn.Natural na nanganganib ang kanilang sariling mga interes sa insidenteng ito, kung kaya nagsanib-pwersa ang mga taong ito.Nagsimulang manlamig ang ngiti ni Harvey York sa kanyang mukha at pumalakpak siya."Hindi na masama, nakakawili ito. So ganito ninyo pinagbantaan at pinasuko si William Bell noon?”"At sinusubukan ninyo akong iligpit para makita siya?"Malamig na sinabi ni Margie Cloude, "Harvey, binibigyan ka namin ng isang pagkakataon. Kung nagawa naming iligpit ang basurang iyon, kaya rin naming gawin iyon sa iyo!”"Takot na takot ako!" Mapangkutyang sinabi ni Harvey."Dahil takot na takot ako, hindi ko dinala rito ang orihinal na footage. Sa halip, hinayaan ko ang ibang tao na dalhin ito para sa akin, malapit na siyang dumating.""Ano? Hindi mo iyon dinala?"Nagulat si Margie at ang iba. Naisip nila ang lahat, ngunit hindi nila naisip
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai