Kapag handa na ang lahat, hindi nagmadali si Margie Cloude sa pagtawag kay Harvey York. Alam niyang walang mangyayari kung magmamadali siya.Malapit na ang oras—halos alas diyes na, saka niya lang tinawagan si Harvey."Mr. York, hinanda ko na ang pera pero cash itong lahat. Medyo hassle na dalhin ito.”"Ibibigay ko sa iyo ang address ng isang private club. Tandaan mo, dapat mong dalhin ang orihinal na kopya ng video dito, at kailangan mong mangakong wala kang ibang kopya!”"Kung hindi, hindi ko ibibigay ang pera!"Parang pinagkakatiwalaan ni Margie si Harvey, ngunit posibleng pagpapanggap lang ang lahat—tila mas makatotohanan ang lahat.Sumang-ayon si Harvey sa kanyang mga term."Sige, hintayin mo ako diyan. Magkita tayo maya-maya."Pagkaraan ng ilang sandali, pinadala ni Margie kay Harvey ang lokasyon gamit ang kanyang phone.Isa iyong private clubhouse, binayaran niya ang buong lugar sa oras na iyon. Lahat silang apat ay naroon.Sapagkat ang napiling lugar ay walang anumang
"Tama iyan! Ibigay mo sa amin ang orihinal na footage, o babaliin namin ang mga binti mo at saka papatayin ka namin!" Banta ni Ted Dunn.Natural na nanganganib ang kanilang sariling mga interes sa insidenteng ito, kung kaya nagsanib-pwersa ang mga taong ito.Nagsimulang manlamig ang ngiti ni Harvey York sa kanyang mukha at pumalakpak siya."Hindi na masama, nakakawili ito. So ganito ninyo pinagbantaan at pinasuko si William Bell noon?”"At sinusubukan ninyo akong iligpit para makita siya?"Malamig na sinabi ni Margie Cloude, "Harvey, binibigyan ka namin ng isang pagkakataon. Kung nagawa naming iligpit ang basurang iyon, kaya rin naming gawin iyon sa iyo!”"Takot na takot ako!" Mapangkutyang sinabi ni Harvey."Dahil takot na takot ako, hindi ko dinala rito ang orihinal na footage. Sa halip, hinayaan ko ang ibang tao na dalhin ito para sa akin, malapit na siyang dumating.""Ano? Hindi mo iyon dinala?"Nagulat si Margie at ang iba. Naisip nila ang lahat, ngunit hindi nila naisip
"Masyado niyo bang minamaliit lahat ang bagay na ito? Nagdala kayo ng limang diumano’y mga mamamatay-tao mula sa isang gang para patayin ang aking CEO? Niloloko niyo ba ako?"Tumingala si Tyson Woods at tinitigan si Margie Cloude at ang iba.Talagang may pagtindig ang isang gang boss sa sarili niyang teritoryo.Pagkatapos niyang magsalita, kinilabutan sina Margie Cloude at ang iba.Nanginginig sina Margie at ang iba habang sabay na binaling ang tingin kay Tommy Ray.Siya ang kumuha sa mga mamamatay-taong ito, ngunit sinong mag-aakalang ganito lang sila kadali tatapusin?Pagkatapos ay walang magawang sinabi ni Tommy, "Umasa ako sa napakaraming mga koneksyon para lang mahanap ang mga mamamatay-taong ito. Sinong mag-aakalang ganito sila kahina?!”“At saka, kahit na malakas sila, paano sila magiging kapaki-pakinabang sa ganitong sitwasyon?!"Ikaw ang dapat sisihin. Gusto ko talagang ibigay ang pera at tapusin na ito! Ano ang dapat nating gawin ngayon?!"Tiningnan ni Margie ang wal
Kinabukasan.Sa Silva Manor, isang kabaong ang ipinadala sa front entrance at may bulaklak na pampatay sa tabi nito.Ang lugar sa paligid ng Silva Manor ay pagmamay-ari ng mga Silva, kung kaya walang iba ang naalarma.Ngunit madali itong malaman ng mga Silva.Ang mga Silva ay isang tradisyonal at sinaunang pamilya, bawal ang mga ganitong bagay para sa pamilya.Pagkapasa ng impormasyon, si Leon Silva na ginagawa ang kanyang morning practice ay nakuha ang balita.Kaswal siyang naligo, saka nagbihis ng suit at lumapit sa front entrance.Isang madla ang nag-kumpulan sa front entrance ng Silva Manor sa sandaling iyon; kasing dilim ng gabi ang mukha ng bawat isa sa pamilya, lalo na ang mga matatanda. Halos himatayin sila sa sobrang galit.Ngunit ano ang nasa loob nito? Sino nga bang may alam tungkol dito?“Sino ang nagpadala nito? Mayroon bang nakakaalam?"Bahagyang nakasimangot si Leon. Hindi siya takot sa mga ganitong bagay, ngunit pakiramdam pa rin niya ay isa itong babala.Ang
"Mukhang nagbalik na ang lalaking iyon para maghiganti sa mga nakaraang insidente," mahinahong sinabi ni Leon Silva."Kung gayon ano ang dapat nating gawin? Prince, kung talagang ang lalaking iyon ang may pakana nito, kaya ba natin siyang pigilan?"Walang tigil sa panginginig si Margie Cloude. Kahit hindi niya nasakaihan ang mga iskema ng lalaking iyon noon, kinilabutan siya habang iniisip lamang siya.Kung hindi dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas, nagkalat ang lahat ng tsismis tungkol sa lalaking iton na gumawa ng alitan sa loob ng kanyang pamilya at pilatalsik siya ng mga York. Kung sakaling nagkaroon siya ng koneksyon sa mga York, hindi niya maiisip na pagtaksilan si William Bell.Si William ay isang ahente para sa lalaking iyon pagkatapos ng lahat.“Basura! Paano maging galamay ng pamilya ang basurang ito?! Wala nang karangalan ng pamilya!"Tumingin si Brent Silva kay Margie na puno ng pagkasuklam.Pagkatapos ay lumapit siya kay Leon habang nakayuko at sinabi, "
Nasa bahay si Harvey York nang tawagan niya si Yvonne Xavier. Ilang sandali matapos niyang tapusin ang tawag, tumawag si Mandy Zimmer at nagsabi sa kanyang sunduin siya sa construction site sa lalong madaling panahon.Nang dumating si Harvey, laking gulat niya nang matuklasang mga tao lamang ni Old Niner ang nagtatrabaho.Ang mga tauhan at construction worker na nasa ilalim ng Silver Nimbus Enterprise ay wala na.Lumakas si Harvey kay Mandy at tinanong, "Anong nangyayari dito?"Naguluhan si Mandy sa sitwasyon nila.“Tumawag sa atin ang Sky Corporation kaninang umaga. Sinabi nila na kinikilala lamang nila ako bilang CEO ng kumpanya...""Narinig ko na nagalit ang lolo at ang iba matapos matanggap ang tawag. Agad niyang pinaalis ang mga tauhan at construction worker.""Pero ikaw ang CEO, hindi ba dapat makinig sila sa iyo?" Nakasimangot na sinabi ni Harvey."Hindi iyon tungkol doon, matatalino ang mga tauhan at construction worker. Magulo ang kumpanya kamakailan, hindi sila babali
Sumunod na araw, kinagabihan.Bukas ay malalaman kung anong kalalabasan ng sitwasyon.Nag-order si Harvey York ng isang table na puno ng masasarap na pagkain noong gabing iyon, kasama ang isang bote ng Riesling.Uminom si Harvey ng isang baso ng alak, saka marahang sinabi, "Mandy, sabihin mo sa akin, bibigyan ba natin ng pagkakataon ang mga Zimmer?""Ha?"Nanigas si Mandy Zimmer, hindi niya alam kung bakit siya biglang magsasalita nang ganoon."Tapos na ang mga Silva bukas, at ang kumpanya ay mapapasakamay mo. Ikaw ang magiging pinakabatang babaeng CEO sa buong Buckwood…”"Baka hindi ako magiging komportable na kasama ang mga Zimmer, pero pamilya mo pa rin ang mga taong iyon. Iniisip ko na dapat natin silang bigyan ng pagkakataon.”"Kung tatayo sila kasama natin laban sa mga Silva, hindi imposibleng bigyan natin sila ng kanilang forty-nine percent na company share para lalo silang yumaman!"Nagalit si Mandy matapos marinig ang ganoong pagyayabang ni Harvey.Hindi niya naisip
Kinagabihan.Tinawagan ni Tyson Woods si Harvey York."CEO, na-contact ko na ang mga taong hiniling mo na kausapin ko! Agad na nilang inayos ang mga tao nila matapos marinig na galing sa iyo ang utos. At saka, binigyan nila ako ng buong kontrol sa kanilang mga tao.""Hindi na masama, hintayin mo lang ang tawag ko," utos ni Harvey.Sa sumunod na araw.Maagang dumating si Harvey kasama si Mandy sa libingan ni William Bell.May dala siyang white wine at binuhos sa harap ng libingan bilang handog."Ito si…”"William Bell, ang kapatid ko noon sa university..."Tila bahagyang nalungkot si Harvey.Nagging malungkot rin si Mandy'Nararamdaman din ba ni Harvey na malapit na siyang tapusin ng mga Silva?’'Iyon ba ang dahilan kung bakit siya bumisita sa libingan ng kanyang kaibigan?'Bumuntong hininga si Mandy matapos mag-isip. Malinaw na nag-desisyon na siya.Dahil sinabi niyang susundan niya ang lalaking pinakasalan niya bago siya umalis kasama si Harvey sa simula.Marahil ang ta