Likas na mahilig mamili ang mga kababaihan.Nang gabing iyon, masyadong nakatuon ang atensyon ni Mandy Zimmer sa lahat ng mga damit sa puntong pwede na siyang matulog sa dressing room.Parang nabasag ng mga bato ang mga binti ni Harvey York, ngunit nakatayo lamang siya roon at pinilit ngumiti sa sandaling iyon.Inilihis nito ang atensyon ni Mandy.Pagkatapos ng makatulog nang mahimbing, nakalimutan na tanungin ni Mandy kung paano nagawa ni Harvey ang mga bagay na iyon.Pagkatapos ay bilang nag-ring ang phone niya na naka-charge.Medyo wala pa rin sa diwa si Mandy, ngunit sinagot ni Harvey tawag, pinapagalitan ang tumatawag, “Galit ka ba? Umagang-umaga. Tiningnan mo ba ang oras bago ka tumawag?"Ang mga tao sa kabilang linya ng tawag ay gulat na gulat dahil natutuwa silang sinagot ang tawag.Sinubukan nina Harvey at Mandy ang mga bagong damit buong magdamag.Habang naka-tambay sina Zack Zimmer at ang iba sa isang sahig sa ilalim ng bahay ni Mandy habang paulit-ulit na tinawagan
Kaswal na sinabi ni Harvey York, "Ayokong magtrabaho, gusto kong ina-alagaan ako ng asawa ko."Tila kalmado si Harvey habang si Sean Zimmer at ang iba pa sa kabilang linya ng phone ay kumukulo sa galit.Hindi pa nila nakakita ang isang lalaking prangka tungkol sa pagiging kept man. Talagang, isa siyang legendary kept man."Sige, sabihin mo sa akin. Anong gusto mo?"Pinipigil pa rin ni Sean ang galit niya.Natatakot siyang lumabas na bastos ang kanyang tono at ibaba muli ni Harvey ang tawag."Simple lang ang mga kondisyon. Kailangan siyang sunduin mismo ng kung sinumang nagtanggal sa kanya!" Kaswal na sinabi ni Harvey."Sige, Ako ang nagtanggal sa kanya. Ako mismo ang pupunta!" Mabilis na sinabi ni Sean.Malakas na tumawa ni Harvey.“Uncle, inisip mo ba talagang tanga ako?”"Kung may authority ka sa pamilya Zimmer, kakailanganin mo pa rin bang tawagan ako ngayon?”"Papuntahin niyo si Senior Zimmer mismo. Kung hindi, edi hindi kami babalik."Do… Do… Do…Mas lalong naging mat
Sanay na si Mandy Zimmer sa pamilya Zimmer na may ganoong double standards.Ngunit bihirang gumawa si Senior Zimmer ng isang bagay sa kanyang sariling kagustuhan noong nasa Niumhi pasila, palagi niyang pinanatili ang kanyang hindi makatwirang mataas na katayuan at authority.Bakit siya nagpasyang pumunta mismo sa oras na ito?Hindi ito kapani-paniwala."Para sa kanyang pakinabang, paanong hindi siya pupunta?"Ngumiti si Harvey York.Naguguluhang tiningnan ni Mandy si Harvey, pagkatapos ay inisip sandali ang sitwasyon.“Harvey, magpakatotoo ka. Ano ba talaga ang ginawa mo?""Wala siguro," sabi ni Harvey."Hindi ka ba nakilala ka ni Miss Xavier sa araw ng banquet ni Prince York?”"Inimbitahan ka pa niyang dumalo sa inauguration ceremony ng Sky Corporation.""Kung hindi ka kumakatawan sa pamilya Zimmer, sino pang may karapatan na gawin ito?”"Dahil si Prince York ang nagtatag ng Sky Corporation, natural na mahirap silang kausapin.”"Iyon ang dahilan kung bakit sa tinging ko a
Nakarating sina Harvey York at Mandy Zimmer sa gusali ng Sky Corporation bago mag-alas diyes.Magalang silang in-escort ng front desk lady sa tanggapan kung saan pumunta sina Zack Zimmer at iba pa noong nakaraang araw.Tumayo kaagad ang person in charge sa opisina pagkakita kay Mandy.Magalang siyang lumakad papunta kay Mandy habang nakangiti.“Mukhang ikaw si Mrs. Zimmer. Mangyaring, maupo ka. Isang karangalan para bisitahin mo kami!”“Gusto mo ba ng kape o tsaa?”Bahagyang nagulat si Mandy.Nakasuot ng suit at leather boots ang taong nasa harapan niya, tuwid na nakasuklay ang kanyang buhok.May suot siyang malaking ginintuang Rolex, tila isa siyang executive gaano man siya tingnan ni Mandy.Inilarawan ni Senior Zimmer ang lalaki na walang awa sa noong nasa kotse sila ni Mandy at patuloy na sinabi sa kanya na maging alisto sa lahat ng oras.Ngunit hindi niya alam kung anong gagawin tungkol sa lakas ng lalaki, hindi siya sigurado kung anong sasabihin sa sandaling iyon.Walan
Lumipad ang isip ni Mandy Zimmer, bumalik siya sa kanyang diwa pagkatapos ng ilang sandali."Supervisor, nangangahulugan bang hindi na kailangang dumaan sa bankruptcy procedure ang pamilya Zimmer?""Hindi na, hindi na. Isasaalang-alang pa ng korporasyon ang pagdagdag ng investment namin sa inyo!""Pero, may framework agreement pa ditong kailangan ng pirma mo. Iniimbitahan ka naming bumalik dito pagkalipas ng tatlong araw!”Sobrang galang ng deputy director, ang iba pang mga executive ay nakangiti.Matapos maramdaman ang sigasig ng lahat, ngumiti si Mandy."Salamat sa lahat sa pag-asikaso sa akin."Tumayo si Harvey York at sinabi, "Magaling."Nanginig ang katawan ng deputy director na parang uminom siya ng espresso, nagpakita ng lubos na pagkakuntento ang kanyang mga ekspresyon."Hindi! Hindi! Ginagawa ko lang ang trabaho ko!"Halos lumuhod na ang deputy director habang mangiyak-ngiyak ang mga mata niya. Isang karangalan para purihin sila ng taong ito!***Wala pa rin si Man
Malamig na nakatitig si Senior Zimmer kay Zack, nakasimangot. "Sa palagay mo ba hindi ko alam ang lahat ng sinabi mo?""Iniisip ko silang lahat sa buong magdamag!""Napagtanto mo na kung hindi dahil kay Mandy, hindi tayo makakarating sa solusyong ito?""Paano kung bawiin nila ang kontrata kapag nagpadala tayo ng ibang tao para pumirma doon?""Zack, naiintindihan ko ang pag-aalala mo.""Ngunit sa oras na ito, kailangan nating maging mapagmatyag!""Buhay at kamatayan ang nakasalalay dito para sa pamilya Zimmer!"Nakanganga ang bibig ni Zack, ngunit walang salitang lumabas.Tama si lolo. Malaking problema ito, kaya't hindi siya pwede kumilos nang basta-basta.Pero... kailangan ba talaga niyang ibigay ang lahat ng kapangyarihan niya kay Mandy? Nang walang ibang gagawin?Kung iyon talaga ang mangyayari, ano ang magiging katayuan niya sa pamilya Zimmer mula ngayon?Dapat ba siyang mapunta sa kontrol ni Mandy kahit sa Buckwood?Nakayuko si Zack, baluktot ang ekspresyon ng kanyang
Sa Emperor Clubhouse, Buckwood.Tanging ang mga respetado at mayayaman lang ang pwedeng magpabalik-balik sa eksklusibong clubhouse na ito.Isa itong sikat na lugar para sa mga batang mayayamang tagapagmana.Ang pagrenta ng isang private room sa isang gabi lamang ay maaaring umabot ng sampu-sampung libong dolyar.Dito ginagastos ng mga mayayaman ang kanilang pera na parang tubig nang walang kahit konting pakialam sa mundo, isang lugar na maaari lamang tingnan ng mahirap mula sa malayo.Sa isa sa mga private room, nakaupo si Brent Silva sa dulo ng isang mahabang mesa. Nakangiti siya habang nilalaro ang phone niya."Mga kasama, ako ang inyong host ngayong gabi. Wala sa inyo ang umo-order ng anumang inumin o tumawag ng babae. Minamaliit ninyo ba ako?"Nakaupo sa kanyang harap ay hindi bababa sa sampu hanggang dalawampung mayamang tagapagmana. Madalas silang nagmamalaki at mapagmataas, ngunit sa sandaling ito, lahat sila ay may pare-parehong pilit na ekspresyon.Noon, masaya silang
"Anong patakaran ang nilabag ni Prince York?"May isang nag-alangang nagtanong.Walang nangahas na magsalita nang malaya dahil may kinalaman ang bagay na ito kay Prince York.Siya ang lalaking nagtatag ng isang korporasyong nagkakahalaga ng milyon-milyon at bilyun-bilyong dolyar, at nakatayo sa tuktok ng South Light mula pa noong tatlong taon na ang nakaraan. Sa kanilang paningin, para siyang isang diyos.Kahit na siya ang dahilan kung bakit nalugi sila...Gayunpaman, sino ang nangahas na mgapakita kahit konting sama ng loob sa kanya?Naintindihan nila ang kanilang lugar. Wala sa kanila ang may karapatang gawin ito!Habang pinapanood sila, tanging paghamak ang naramdaman ni Brent Silva.Ang mga taong ito ay naging mayabang at mapagmataas, kumakain at nabubuhay sa yaman ng kanilang pamilya nang walang pakialam sa mundo. Gayunpaman, tingnan kung gaano kahina ang kanilang loob sa sandaling nadapa sila sa isang balakid!Syempre, hindi niya pwede ipakita ang kanyang paghamak. Sa ha
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon