Lumipad ang isip ni Mandy Zimmer, bumalik siya sa kanyang diwa pagkatapos ng ilang sandali."Supervisor, nangangahulugan bang hindi na kailangang dumaan sa bankruptcy procedure ang pamilya Zimmer?""Hindi na, hindi na. Isasaalang-alang pa ng korporasyon ang pagdagdag ng investment namin sa inyo!""Pero, may framework agreement pa ditong kailangan ng pirma mo. Iniimbitahan ka naming bumalik dito pagkalipas ng tatlong araw!”Sobrang galang ng deputy director, ang iba pang mga executive ay nakangiti.Matapos maramdaman ang sigasig ng lahat, ngumiti si Mandy."Salamat sa lahat sa pag-asikaso sa akin."Tumayo si Harvey York at sinabi, "Magaling."Nanginig ang katawan ng deputy director na parang uminom siya ng espresso, nagpakita ng lubos na pagkakuntento ang kanyang mga ekspresyon."Hindi! Hindi! Ginagawa ko lang ang trabaho ko!"Halos lumuhod na ang deputy director habang mangiyak-ngiyak ang mga mata niya. Isang karangalan para purihin sila ng taong ito!***Wala pa rin si Man
Malamig na nakatitig si Senior Zimmer kay Zack, nakasimangot. "Sa palagay mo ba hindi ko alam ang lahat ng sinabi mo?""Iniisip ko silang lahat sa buong magdamag!""Napagtanto mo na kung hindi dahil kay Mandy, hindi tayo makakarating sa solusyong ito?""Paano kung bawiin nila ang kontrata kapag nagpadala tayo ng ibang tao para pumirma doon?""Zack, naiintindihan ko ang pag-aalala mo.""Ngunit sa oras na ito, kailangan nating maging mapagmatyag!""Buhay at kamatayan ang nakasalalay dito para sa pamilya Zimmer!"Nakanganga ang bibig ni Zack, ngunit walang salitang lumabas.Tama si lolo. Malaking problema ito, kaya't hindi siya pwede kumilos nang basta-basta.Pero... kailangan ba talaga niyang ibigay ang lahat ng kapangyarihan niya kay Mandy? Nang walang ibang gagawin?Kung iyon talaga ang mangyayari, ano ang magiging katayuan niya sa pamilya Zimmer mula ngayon?Dapat ba siyang mapunta sa kontrol ni Mandy kahit sa Buckwood?Nakayuko si Zack, baluktot ang ekspresyon ng kanyang
Sa Emperor Clubhouse, Buckwood.Tanging ang mga respetado at mayayaman lang ang pwedeng magpabalik-balik sa eksklusibong clubhouse na ito.Isa itong sikat na lugar para sa mga batang mayayamang tagapagmana.Ang pagrenta ng isang private room sa isang gabi lamang ay maaaring umabot ng sampu-sampung libong dolyar.Dito ginagastos ng mga mayayaman ang kanilang pera na parang tubig nang walang kahit konting pakialam sa mundo, isang lugar na maaari lamang tingnan ng mahirap mula sa malayo.Sa isa sa mga private room, nakaupo si Brent Silva sa dulo ng isang mahabang mesa. Nakangiti siya habang nilalaro ang phone niya."Mga kasama, ako ang inyong host ngayong gabi. Wala sa inyo ang umo-order ng anumang inumin o tumawag ng babae. Minamaliit ninyo ba ako?"Nakaupo sa kanyang harap ay hindi bababa sa sampu hanggang dalawampung mayamang tagapagmana. Madalas silang nagmamalaki at mapagmataas, ngunit sa sandaling ito, lahat sila ay may pare-parehong pilit na ekspresyon.Noon, masaya silang
"Anong patakaran ang nilabag ni Prince York?"May isang nag-alangang nagtanong.Walang nangahas na magsalita nang malaya dahil may kinalaman ang bagay na ito kay Prince York.Siya ang lalaking nagtatag ng isang korporasyong nagkakahalaga ng milyon-milyon at bilyun-bilyong dolyar, at nakatayo sa tuktok ng South Light mula pa noong tatlong taon na ang nakaraan. Sa kanilang paningin, para siyang isang diyos.Kahit na siya ang dahilan kung bakit nalugi sila...Gayunpaman, sino ang nangahas na mgapakita kahit konting sama ng loob sa kanya?Naintindihan nila ang kanilang lugar. Wala sa kanila ang may karapatang gawin ito!Habang pinapanood sila, tanging paghamak ang naramdaman ni Brent Silva.Ang mga taong ito ay naging mayabang at mapagmataas, kumakain at nabubuhay sa yaman ng kanilang pamilya nang walang pakialam sa mundo. Gayunpaman, tingnan kung gaano kahina ang kanilang loob sa sandaling nadapa sila sa isang balakid!Syempre, hindi niya pwede ipakita ang kanyang paghamak. Sa ha
Tumingin si Brent Silva kay Zack Zimmer at sumagot, "Paano ako magiging kasing talino mo? Ilang araw ka pa lang sa Buckwood, pero alam mo na kung paano bumuo at gamitin nang maayos ang mga koneksyon mo."Bahagyang yumuko si Zack at sinabi, "Hindi ako kayang mag-komento tungkol diyan, pero kahit na ang isang tulad ko ay alam kung gaano kalalim ang tubig sa Buckwood. Para mabuhay, kinakailangan ng matibay na suporta.""Karangalan kong gamitin ang oportunidad na ito para kumonekta sa isang pamilya marangal tulad ng mga Silva.""Mula ngayon ay masaya kong gagawin ang anumang iniutos sa akin ni Mr. Silva, anuman ang mangyari!"Kinunot ni Brent ang kanyang labi. "Isa kang taong kayang ibenta ang sarili mong pamilya nang hindi natatakot. Paano kita pagkakatiwalaan? Kapamilya mo ang mga iyon!""Mr. Silva, tayong mga negosyante ay palaging hahabulin ang kita." Nagpakita si Zack ng mala-demonyong ngisi kay Brent. "Ito ang tunay nating pagkatao!""Isa pa, walang kinalaman sa akin ang isang
Sa utos ni Senior Zimmer, isa sa mga Zimmer ang buong karangalang tumayo at hinarangan ang mga mayayamang tagapagmana habang mayabang nakangiti. “Mga ginoo, isa itong private property. Hindi kayo basta-basta makakapasok dito."“Mga Zimmer? As in, ang mga Zimmer mula sa Niumhi?"Isang matikas na tagapagmana ang malamig na nagsalita.Walang napansing mali ang Zimmer na ito at nagpatuloy sa pag-ngisi. "Tama iyan! Kami ang mga Zimmer mula sa Niumhi, at nasa ilalim kami ng Sky Corporation. Kung nais mong makilala ang aming CEO, kailangan mo munang gumawa ng reservation. Ngayon, sa tingin ko ay hindi..."Pak!Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi, malakas siyang sinampal ng mayamang tagapagmana. Natulala siya.Sabi ang mayamang tapagmana, “Anong klaseng pamilya! Ang kapal ng mukha ng mga walang halagang taga-labas na tulad ninyo na tawagin ang inyong sarili na isang bagong mayamang pamilya sa Buckwood sa harap namin? Hah!"Mapanuyang nakangiti ang kanyang mga kasamang nakatayo sa
Agad na dumilim ang mukha ni Senior Zimmer.Siya ang CEO ng mga Zimmer. May suporta ng Sky Corporation ang kanyang kumpanya at maganda ang relasyon nila sa mga Silva. BUkod pa dito, minsan ding may collaboration ang mga Zimmer sa mga Naiswell.Kahit paano ito tingnan, malinaw na may kataasan ang katayuan ng mga Zimmer.At ganon pa man, literal na binasag ni Craig Long ang isang tasa sa harap niya mismo. Anong ibig sabihin nito?Medyo nagulat si Senior Zimmer, ngunit huminga siya nang malalim at marahang sinabi, “Mr. Long, tama? Kaming mga Zimmer ay palaging tinatrato ang lahat nang totoo. Kung pumunta kang may mabuting hangarin, malugod ka naming tinatanggap nang may kabaitan at respeto.”"Ngunit nang makita ko ang mga aksyon mo, mas makabubuti sa aming palayasin ka, no?""Palayasin kami?" Ngumisi si Craig. "Hindi pa tayo tapos. Kung hindi mo kami bibigyan ng magandang paliwanag, masisiguro ko sa iyo, hindi kami papayagang na mabuhay kayong mga Zimmers sa Buckwood!""Ipapaintind
Malamig na sumagot si Craig Long, "Bweno, hayaan mo akong magsimula!""Hindi ko alam kung anong ginawa ni Mandy Zimmer at ng iyong pamilya para makawala ang inyong negosyo sa pagkalugi.""Maaaring dahil ito sa kanyang mga kakayahan, pero tulad ng sinabi ko dati, mayroon kaming mga sariling patakaran at convention sa mundo ng komersyo sa Buckwood. Kung wala ang mga ito, walang magpatuloy nang maayos.""Sa kanyang ginawa, kayong mga Zimmer ay kaaway ng lahat ng mga elite at royalties ng Buckwood!"Tinanggap ng mga Zimmer ang lahat ng ito nang may pagtataka.Si Quinn ang unang nag-react. Galit siyang tumayo at masigasig na sumigaw, “Lolo! Palagi kong naisip na may hindi tama! Paano malulutas ni Mandy ang lahat ng ating mga problema sa sandaling magpakita siya? Wala itong katuturan!""Malamang ay gumamit siya ng maruming gawain!""Tayong mga Zimmer ay mga matuwid at matapat na tao. Paano natin hahayaan ang isang katulad niya sa kanyang mga pinag-gagawa?""Linabag ni Mandy basic rul
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”