Sa Emperor Clubhouse, Buckwood.Tanging ang mga respetado at mayayaman lang ang pwedeng magpabalik-balik sa eksklusibong clubhouse na ito.Isa itong sikat na lugar para sa mga batang mayayamang tagapagmana.Ang pagrenta ng isang private room sa isang gabi lamang ay maaaring umabot ng sampu-sampung libong dolyar.Dito ginagastos ng mga mayayaman ang kanilang pera na parang tubig nang walang kahit konting pakialam sa mundo, isang lugar na maaari lamang tingnan ng mahirap mula sa malayo.Sa isa sa mga private room, nakaupo si Brent Silva sa dulo ng isang mahabang mesa. Nakangiti siya habang nilalaro ang phone niya."Mga kasama, ako ang inyong host ngayong gabi. Wala sa inyo ang umo-order ng anumang inumin o tumawag ng babae. Minamaliit ninyo ba ako?"Nakaupo sa kanyang harap ay hindi bababa sa sampu hanggang dalawampung mayamang tagapagmana. Madalas silang nagmamalaki at mapagmataas, ngunit sa sandaling ito, lahat sila ay may pare-parehong pilit na ekspresyon.Noon, masaya silang
"Anong patakaran ang nilabag ni Prince York?"May isang nag-alangang nagtanong.Walang nangahas na magsalita nang malaya dahil may kinalaman ang bagay na ito kay Prince York.Siya ang lalaking nagtatag ng isang korporasyong nagkakahalaga ng milyon-milyon at bilyun-bilyong dolyar, at nakatayo sa tuktok ng South Light mula pa noong tatlong taon na ang nakaraan. Sa kanilang paningin, para siyang isang diyos.Kahit na siya ang dahilan kung bakit nalugi sila...Gayunpaman, sino ang nangahas na mgapakita kahit konting sama ng loob sa kanya?Naintindihan nila ang kanilang lugar. Wala sa kanila ang may karapatang gawin ito!Habang pinapanood sila, tanging paghamak ang naramdaman ni Brent Silva.Ang mga taong ito ay naging mayabang at mapagmataas, kumakain at nabubuhay sa yaman ng kanilang pamilya nang walang pakialam sa mundo. Gayunpaman, tingnan kung gaano kahina ang kanilang loob sa sandaling nadapa sila sa isang balakid!Syempre, hindi niya pwede ipakita ang kanyang paghamak. Sa ha
Tumingin si Brent Silva kay Zack Zimmer at sumagot, "Paano ako magiging kasing talino mo? Ilang araw ka pa lang sa Buckwood, pero alam mo na kung paano bumuo at gamitin nang maayos ang mga koneksyon mo."Bahagyang yumuko si Zack at sinabi, "Hindi ako kayang mag-komento tungkol diyan, pero kahit na ang isang tulad ko ay alam kung gaano kalalim ang tubig sa Buckwood. Para mabuhay, kinakailangan ng matibay na suporta.""Karangalan kong gamitin ang oportunidad na ito para kumonekta sa isang pamilya marangal tulad ng mga Silva.""Mula ngayon ay masaya kong gagawin ang anumang iniutos sa akin ni Mr. Silva, anuman ang mangyari!"Kinunot ni Brent ang kanyang labi. "Isa kang taong kayang ibenta ang sarili mong pamilya nang hindi natatakot. Paano kita pagkakatiwalaan? Kapamilya mo ang mga iyon!""Mr. Silva, tayong mga negosyante ay palaging hahabulin ang kita." Nagpakita si Zack ng mala-demonyong ngisi kay Brent. "Ito ang tunay nating pagkatao!""Isa pa, walang kinalaman sa akin ang isang
Sa utos ni Senior Zimmer, isa sa mga Zimmer ang buong karangalang tumayo at hinarangan ang mga mayayamang tagapagmana habang mayabang nakangiti. “Mga ginoo, isa itong private property. Hindi kayo basta-basta makakapasok dito."“Mga Zimmer? As in, ang mga Zimmer mula sa Niumhi?"Isang matikas na tagapagmana ang malamig na nagsalita.Walang napansing mali ang Zimmer na ito at nagpatuloy sa pag-ngisi. "Tama iyan! Kami ang mga Zimmer mula sa Niumhi, at nasa ilalim kami ng Sky Corporation. Kung nais mong makilala ang aming CEO, kailangan mo munang gumawa ng reservation. Ngayon, sa tingin ko ay hindi..."Pak!Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi, malakas siyang sinampal ng mayamang tagapagmana. Natulala siya.Sabi ang mayamang tapagmana, “Anong klaseng pamilya! Ang kapal ng mukha ng mga walang halagang taga-labas na tulad ninyo na tawagin ang inyong sarili na isang bagong mayamang pamilya sa Buckwood sa harap namin? Hah!"Mapanuyang nakangiti ang kanyang mga kasamang nakatayo sa
Agad na dumilim ang mukha ni Senior Zimmer.Siya ang CEO ng mga Zimmer. May suporta ng Sky Corporation ang kanyang kumpanya at maganda ang relasyon nila sa mga Silva. BUkod pa dito, minsan ding may collaboration ang mga Zimmer sa mga Naiswell.Kahit paano ito tingnan, malinaw na may kataasan ang katayuan ng mga Zimmer.At ganon pa man, literal na binasag ni Craig Long ang isang tasa sa harap niya mismo. Anong ibig sabihin nito?Medyo nagulat si Senior Zimmer, ngunit huminga siya nang malalim at marahang sinabi, “Mr. Long, tama? Kaming mga Zimmer ay palaging tinatrato ang lahat nang totoo. Kung pumunta kang may mabuting hangarin, malugod ka naming tinatanggap nang may kabaitan at respeto.”"Ngunit nang makita ko ang mga aksyon mo, mas makabubuti sa aming palayasin ka, no?""Palayasin kami?" Ngumisi si Craig. "Hindi pa tayo tapos. Kung hindi mo kami bibigyan ng magandang paliwanag, masisiguro ko sa iyo, hindi kami papayagang na mabuhay kayong mga Zimmers sa Buckwood!""Ipapaintind
Malamig na sumagot si Craig Long, "Bweno, hayaan mo akong magsimula!""Hindi ko alam kung anong ginawa ni Mandy Zimmer at ng iyong pamilya para makawala ang inyong negosyo sa pagkalugi.""Maaaring dahil ito sa kanyang mga kakayahan, pero tulad ng sinabi ko dati, mayroon kaming mga sariling patakaran at convention sa mundo ng komersyo sa Buckwood. Kung wala ang mga ito, walang magpatuloy nang maayos.""Sa kanyang ginawa, kayong mga Zimmer ay kaaway ng lahat ng mga elite at royalties ng Buckwood!"Tinanggap ng mga Zimmer ang lahat ng ito nang may pagtataka.Si Quinn ang unang nag-react. Galit siyang tumayo at masigasig na sumigaw, “Lolo! Palagi kong naisip na may hindi tama! Paano malulutas ni Mandy ang lahat ng ating mga problema sa sandaling magpakita siya? Wala itong katuturan!""Malamang ay gumamit siya ng maruming gawain!""Tayong mga Zimmer ay mga matuwid at matapat na tao. Paano natin hahayaan ang isang katulad niya sa kanyang mga pinag-gagawa?""Linabag ni Mandy basic rul
Matiyaga si Senior Zimmer habang ipinaliwanag ang kanyang naisip sa iba.Kumunot ang mga kilay ni Craig Long, at pagkatapos ay mabilis ma tumingin kay Zack.Palihim siyang tinitigan ni Zack bilang tugon, bago lumingon sa kanyang lolo para magsalita. "Lolo, hindi mo pwedeng gawin iyon! Iispin ni Mandy na binalak kong sirain sira siya at maabot ang tuktok!""Tungkol diyan...""Anong meron diyan?" Sumabat si Craig, nakangisi. "Bweno... mukhang may desisyon na si CEO Zimmer, pakakawalan ko na kayong lahat sa ngayon. Tandaan ninyo ito! Kung hindi ninyo tutuparin ang inyong salita at mananatili pa ring nasa kapangyarihan si Mandy Zimmer, tapos na ang lahat para sa iyong mga Zimmer! Sisiguraduhin amin ito.""Tara na, mga kasama. Aalis na tayo!"Mayabang na lumabas si Craig Long sa pintuan, kasunod ang kanyang grupo.Hindi tulad niya, mukhang nagtataka sila at tulala. Sinugod nila ang mansyon ng mga Zimmer na puno ng galit at sama ng loob, ngunit wala silang nakamit. Paano ito naging is
Kasabay nito, nakauwi na sina Harvey York at Mandy Zimmer.Nakatitig sina Simon Zimmer at Lilian Yates kay Harvey at hindi makapaniwala. "Paano mo nagawa iyon? Talagang pumunta dito si Senior Zimmer at personal na inimbitahan si Mandy na bumalik!”"Dahil ako ang gumawa ng desisyon," taimtim na sagot ni Harvey.Tinarato ni Simon at ng iba ang kanyang mga salita bilang isang biro lamang, ngunit hindi siya pinagtawanan."Kakaiba ito." Napakunot ang noo ni Simon. "Bakit nalutas ang lahat sa tuwing lumilitaw si Mandy? Ganoon ba kahusay ang ating pamilya?"Nawala sa hangin ang kanilang pagdudang kalaguyo ni Prince York si Mandy.Kung iyon talaga ang nangyari, paano pinayagan ng isang lalaking kagalang-galang na tulad ni Prince York na dalhin ni Mandy ang kanyang live-in na asawa sa Sky Corporation?Tulala din si Mandy. "Oo! Talagang kakaiba ang kinilos ng deputy director. Napakabait niya sa akin!”Isang matalinong babae si Mandy, ngunit namangha din siya nang lubusan sa kanyang karan