Tumingin si Brent Silva kay Zack Zimmer at sumagot, "Paano ako magiging kasing talino mo? Ilang araw ka pa lang sa Buckwood, pero alam mo na kung paano bumuo at gamitin nang maayos ang mga koneksyon mo."Bahagyang yumuko si Zack at sinabi, "Hindi ako kayang mag-komento tungkol diyan, pero kahit na ang isang tulad ko ay alam kung gaano kalalim ang tubig sa Buckwood. Para mabuhay, kinakailangan ng matibay na suporta.""Karangalan kong gamitin ang oportunidad na ito para kumonekta sa isang pamilya marangal tulad ng mga Silva.""Mula ngayon ay masaya kong gagawin ang anumang iniutos sa akin ni Mr. Silva, anuman ang mangyari!"Kinunot ni Brent ang kanyang labi. "Isa kang taong kayang ibenta ang sarili mong pamilya nang hindi natatakot. Paano kita pagkakatiwalaan? Kapamilya mo ang mga iyon!""Mr. Silva, tayong mga negosyante ay palaging hahabulin ang kita." Nagpakita si Zack ng mala-demonyong ngisi kay Brent. "Ito ang tunay nating pagkatao!""Isa pa, walang kinalaman sa akin ang isang
Sa utos ni Senior Zimmer, isa sa mga Zimmer ang buong karangalang tumayo at hinarangan ang mga mayayamang tagapagmana habang mayabang nakangiti. “Mga ginoo, isa itong private property. Hindi kayo basta-basta makakapasok dito."“Mga Zimmer? As in, ang mga Zimmer mula sa Niumhi?"Isang matikas na tagapagmana ang malamig na nagsalita.Walang napansing mali ang Zimmer na ito at nagpatuloy sa pag-ngisi. "Tama iyan! Kami ang mga Zimmer mula sa Niumhi, at nasa ilalim kami ng Sky Corporation. Kung nais mong makilala ang aming CEO, kailangan mo munang gumawa ng reservation. Ngayon, sa tingin ko ay hindi..."Pak!Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi, malakas siyang sinampal ng mayamang tagapagmana. Natulala siya.Sabi ang mayamang tapagmana, “Anong klaseng pamilya! Ang kapal ng mukha ng mga walang halagang taga-labas na tulad ninyo na tawagin ang inyong sarili na isang bagong mayamang pamilya sa Buckwood sa harap namin? Hah!"Mapanuyang nakangiti ang kanyang mga kasamang nakatayo sa
Agad na dumilim ang mukha ni Senior Zimmer.Siya ang CEO ng mga Zimmer. May suporta ng Sky Corporation ang kanyang kumpanya at maganda ang relasyon nila sa mga Silva. BUkod pa dito, minsan ding may collaboration ang mga Zimmer sa mga Naiswell.Kahit paano ito tingnan, malinaw na may kataasan ang katayuan ng mga Zimmer.At ganon pa man, literal na binasag ni Craig Long ang isang tasa sa harap niya mismo. Anong ibig sabihin nito?Medyo nagulat si Senior Zimmer, ngunit huminga siya nang malalim at marahang sinabi, “Mr. Long, tama? Kaming mga Zimmer ay palaging tinatrato ang lahat nang totoo. Kung pumunta kang may mabuting hangarin, malugod ka naming tinatanggap nang may kabaitan at respeto.”"Ngunit nang makita ko ang mga aksyon mo, mas makabubuti sa aming palayasin ka, no?""Palayasin kami?" Ngumisi si Craig. "Hindi pa tayo tapos. Kung hindi mo kami bibigyan ng magandang paliwanag, masisiguro ko sa iyo, hindi kami papayagang na mabuhay kayong mga Zimmers sa Buckwood!""Ipapaintind
Malamig na sumagot si Craig Long, "Bweno, hayaan mo akong magsimula!""Hindi ko alam kung anong ginawa ni Mandy Zimmer at ng iyong pamilya para makawala ang inyong negosyo sa pagkalugi.""Maaaring dahil ito sa kanyang mga kakayahan, pero tulad ng sinabi ko dati, mayroon kaming mga sariling patakaran at convention sa mundo ng komersyo sa Buckwood. Kung wala ang mga ito, walang magpatuloy nang maayos.""Sa kanyang ginawa, kayong mga Zimmer ay kaaway ng lahat ng mga elite at royalties ng Buckwood!"Tinanggap ng mga Zimmer ang lahat ng ito nang may pagtataka.Si Quinn ang unang nag-react. Galit siyang tumayo at masigasig na sumigaw, “Lolo! Palagi kong naisip na may hindi tama! Paano malulutas ni Mandy ang lahat ng ating mga problema sa sandaling magpakita siya? Wala itong katuturan!""Malamang ay gumamit siya ng maruming gawain!""Tayong mga Zimmer ay mga matuwid at matapat na tao. Paano natin hahayaan ang isang katulad niya sa kanyang mga pinag-gagawa?""Linabag ni Mandy basic rul
Matiyaga si Senior Zimmer habang ipinaliwanag ang kanyang naisip sa iba.Kumunot ang mga kilay ni Craig Long, at pagkatapos ay mabilis ma tumingin kay Zack.Palihim siyang tinitigan ni Zack bilang tugon, bago lumingon sa kanyang lolo para magsalita. "Lolo, hindi mo pwedeng gawin iyon! Iispin ni Mandy na binalak kong sirain sira siya at maabot ang tuktok!""Tungkol diyan...""Anong meron diyan?" Sumabat si Craig, nakangisi. "Bweno... mukhang may desisyon na si CEO Zimmer, pakakawalan ko na kayong lahat sa ngayon. Tandaan ninyo ito! Kung hindi ninyo tutuparin ang inyong salita at mananatili pa ring nasa kapangyarihan si Mandy Zimmer, tapos na ang lahat para sa iyong mga Zimmer! Sisiguraduhin amin ito.""Tara na, mga kasama. Aalis na tayo!"Mayabang na lumabas si Craig Long sa pintuan, kasunod ang kanyang grupo.Hindi tulad niya, mukhang nagtataka sila at tulala. Sinugod nila ang mansyon ng mga Zimmer na puno ng galit at sama ng loob, ngunit wala silang nakamit. Paano ito naging is
Kasabay nito, nakauwi na sina Harvey York at Mandy Zimmer.Nakatitig sina Simon Zimmer at Lilian Yates kay Harvey at hindi makapaniwala. "Paano mo nagawa iyon? Talagang pumunta dito si Senior Zimmer at personal na inimbitahan si Mandy na bumalik!”"Dahil ako ang gumawa ng desisyon," taimtim na sagot ni Harvey.Tinarato ni Simon at ng iba ang kanyang mga salita bilang isang biro lamang, ngunit hindi siya pinagtawanan."Kakaiba ito." Napakunot ang noo ni Simon. "Bakit nalutas ang lahat sa tuwing lumilitaw si Mandy? Ganoon ba kahusay ang ating pamilya?"Nawala sa hangin ang kanilang pagdudang kalaguyo ni Prince York si Mandy.Kung iyon talaga ang nangyari, paano pinayagan ng isang lalaking kagalang-galang na tulad ni Prince York na dalhin ni Mandy ang kanyang live-in na asawa sa Sky Corporation?Tulala din si Mandy. "Oo! Talagang kakaiba ang kinilos ng deputy director. Napakabait niya sa akin!”Isang matalinong babae si Mandy, ngunit namangha din siya nang lubusan sa kanyang karan
Bago lumabas, inisip muna ni Mandy Zimmer nang saglit at sinabi, “Harvey, sa palagay ko dapat muna tayong magsabi kay lolo at sa iba. Pagkatapos ng lahat, tayo ang kakatawan sa mga Zimmer para pirmahan ang framework agreement.""Sa tingin ko ay hindi na kailangan iyan. Ikaw mismo ang ni-request ng Sky Corporation. Walang katuturan na magpapunta ng iba." Sagot ni Harvey York."Dapat akong tumawag kahit papaano. Lolo ko siya, kaya't kailangan kong magpakita ng respeto." Isang masunuring apo si Mandy.Halos agad-agad, sinagot ni Senior Zimmer ang kanyang tawag.Malinaw na naririnig ang kanyang pekeng ubo mula sa phone. “Mandy! May kailangan ka?""Lolo, papunta na ako ngayon sa Sky Corporation para pirmahan ang framework agreement. Naisip ko lang na sabihin ito sa iyo.” Magalang na sagot ni Mandy."Ah, tungkol doon. Papunta na doon sina Zack at Quinn. Hindi mo na kailangang pumunta pa!" Puno ng pagkainip ang tono ni Senior Zimmer. "May inayos na opisina ang kumpanya ng mga Zimmer par
Walang nakakaintindi kung bakit ibibigay ang isang mahusay na proyekto na may napakaraming resources sa Zimmer Enterprise, sa lahat ng mga tao.Kakarating lang ng maliit na kumpanyang ito sa Buckwood kamakailan.Pero wala sa kanila ang naglakas-loob na magsalita tungkol dito, hindi kung saan silang lahat ay nasa ilalim ng Sky Corporation. Kaya lamang nilang bumati at purihin ang mga kinatawan ng Zimmer Enterprise, sina Zack at Quinn Zimmer.Masayang tinanggap ng dalawa ang lahat."Susunod," patuloy ng direktor, "Nais kong anyayahan ang mga kinatawan ng Zimmer Enterprise na pirmahan ang framework agreement sa back office."Ang taong in charge sa framework agreement ay ang deputy director ng business department dati.Gumawa lamang ng mga anunsyo ang executive director batay sa desisyong ginawa ng senior management ng Sky Corporation.“Ha? Nasaan si Mrs. Zimmer? " Dinungal ng deputy director ang kanyang leeg para hanapin siya, hinahanap sa madla si Mandy."Abala si Mandy sa iba pa
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon