”Laging aligaga ang mga taong tulad mo. Wala kang oras para lumuhod sa labas ng Fortune Hall.“Kung ganun, dumiretso na tayo.“Baliin mo ang braso at binti mo.“Pakakawalan kita pagkatapos niyan.”Kalmadong ngumiti si Harvey York nang hindi nagbibigay ng pagkakataong kumontra.May gustong sabihin si Mandy Zimmer, pero suminghal na lang siya sa huli.“Tingin mo ba kaya mo akong takutin gamit ng ganyan, Harvey?!“Tingin mo ba talaga wala akong magagawa sa’yo?!”Tinitigan nang masama ni Vaughn Thompson si Harvey.“Pinalagpas lang kita kasi sumusunod kami sa batas! Nirerespeto ko lang ang Braff family!“Tingin mo ba makakatayo ka pa rin dito kung hindi dahil doon?!“Kung wala akong pake diyan, patay ka na sana ngayon! Naririnig mo ba ako?!”Mula sa nakalap na impormasyon ni Vaughn, mag-isang inubos ni Harvey ang mga eksperto ni Nameless.Pero sa mata niya, ang isang taong tulad ni Harvey ay wala pa ring laban sa baril.Imposibleng mas mabilis siya kaysa sa bala.Sadyang mas
“Aaagh!”Narinig ang namimilipit na sigaw habang nangingisay si Vaughn Thompson nang nakahiga at hindi makagalaw.Nadungisan ng dugo ang puti niyang uniporme. Nakakaawa itong tingnan.Walang nag-aakalang walang magagawa si Vaughn laban kay Harvey York kahit na may baril ito, pero nabali ang kanyang braso at binti nang ganun na lang.“Paano nangyari ‘yan?!”Hindi makapaniwala si Maisie Xavier.Ang mga tao sa top-rate circle na tulad nila ay napapahiya lang nang kaunti kapag pumapalpak sila…Hindi lamang sila napahiya nang sobra, pero may nabalian pa sa kanila ng kamay at binti! Hindi ito kapani-paniwala!Si Vaughn, na may napakataas na katayuan, ay nakahandusay sa sahig na parang patay na aso!Sa halip ang bubwit sa harapan nila ay nakatayo lang basta doon!Parang panaginip ang lahat ng ito!“May lakas ng loob si Harvey?!“Hindi ba niya kilala kung sino si Vaughn?!“Kahit sa suporta ng Hermit Families at ng Patel family, ang pagbangga sa Thompson family…”Hindi makapaniwal
Nitong alas singko ng halon, sa Golden Sands International Airport.Isang private jet ang lumipad patungo sa direksyon ng Wolsing.Bukod kay Vaughn Thompson, na kailangang magamot dahil sa natamo niyang sugat, may ilan ring mga bangkay na nililipat.Ang mga Corpse Walker at ilan sa mga kakilala ng John family, halimbawa.Ilang magagandang dalagang pinadala ni Nameless para pasayahin si Blaine John ay kasama rin dito.Lahat ng may pag-asang ibuko si Blaine ay sabay-sabay na pinadala sa Wolsing.Naniniwala siya na sa pamamaraan niya, hindi magiging mahirap na burahin ang mga taong ito sa balat ng lupa.Habang iniisip ang sitwasyon, inangat na ni Blaine ang bintana ng kotse sa likuran ng Rolls Royce bago niya sindihan ang isang sigarilyo.Naningkit ang mata niya habang nadidiliman ang gwapo niyang mukha sa ilalim ng kumikinang na bubong.Si Kensley Quinlan, na nakasuot ng bestida, ay nakaupo sa tabi habang magkapatong ang kanyang binti habang gumegewang, makikita ang kanyang naka
”Hindi namin alam. Hindi rin namin masiguro,” sagot ni Blaine John.“Gayunpaman, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos.“Kailangan natin malaman ang posisyon at halaga niya, pero dapat tayo mismo ang gumawa niyan.“Magpadala ka ng mensahe sa mga Corpse Walker. Sabihin mo sa kanila na nakulong ang mga tao nila dahil kay Harvey York.“Kapag nabunyag na ang lahat, pupuntiryahin ng Royal Court ang tribo nila.“Isa pa. Tawagan mo ang mga young master ng Heaven’s Gate. Imbitahan mo sila para sa isang laro ng Poker. Ang tagal na mula noong huli ko silang nakita.“Naghanda rin ako ng isang libong babaeng university students para kay Young Master Gibson.“At huli, sabihin mo sa Jean family na pumapayag ako sa marriage proposal.“Interesado naman talaga ako kay Mandy Zimmer…”Kakaiba ang tingin ni Blaine.Gusto niya ang John family lang ang magiging tanging boses sa Golden Sands. Hindi niya hahayaan na bastusin siya ng kahit sino sa ganito kahalagang sandali.Dahil si Harvey ang katumba
Naningkit ang mata ni Harvey York nang marinig ang tungkol sa kasal sa John family.Balak niyang umalis kaagad, ngunit nagsimula siyang maging interesado.Mukhang dinala ni Lilian Yates si Aunt Witby at ang anak nito dito dahil may kakaiba itong binabalak…Ayaw mag-abala ni Harvey kay Lilian, pero lagi itong gumagawa ng mga bagay nang hindi niya alam.Kailangang ipaalala ni Harvey sa kanyang sarili na kahit gaano katanga si Lilian, nakakabilib na para sa isang babaeng tulad niya na manatili sa isang mayamang pamilya sa loob ng maraming dekada.Natural lang naman na magplano ito habang nakatalikod siya.Suminghal si Harvey at umiling bago lumapit nang nakangiti.“Kayo ba si Aunt Witby?“Nakiusap si Mandy Zimmer na sunduin kita. Ako si…”Nagwala sa galit si Aunt Witby.Kaagad niyang binaba ang kanyang phone habang galit na tinuturo si Harvey.“Bakit hindi nagpunta mismo ang bruhang ‘yun?!“Nagpadala siya ng taxi driver para sa amin! Huli pang nakarating ang driver dito!“Ano
Walang masabi si Harvey York. Kung hindi dahil sa pagmamakaawa ni Mandy Zimmer na pumunta siya, umalis na sana siya dito.Atsaka, gusto na niyang matapos agad ang sitwasyong ito.“‘Yan ang kotse,” sinabi ni Harvey habang nakaturo sa Audi.Mukhang nanghahamak si Aunt Witby at Elodie Jean sa simula…Pero pagkatapos makitang isa itong limited-edition Audi A8 na may magandang plaka, kaagad silang nasabik.Naglakad si Elodie patungo sa kotse habang sumisigaw, “Ma! Kuhanan mo ako ng picture dito! Kailangan natin itong i-send sa mga kaibigan natin!”Nagmadaling lumapit si Aunt Witby bago sila kumuha ng mga larawan sa labas ng kotse sa loob ng ilang minuto.“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang kumukuha kami ng picture?!” galit na sigaw niya habang nakatitig nang masama kay Harvey.“Buksan mo ang kotse at papasukin mo na kami!”Suminghal si Harvey bago buksan ang kotse. Pagkatapos makita ang mag-inang gumagapang sa kotse sa loob ng kalahating oras para kumuha ng daan-daang larawan, nag
”Dahil binili ito ni Mandy para sa atin, wala kaming magagawa kundi tanggapin ito!” Hindi nagtagal ay itinabi ni Aunt Witby ang plorera sa kanyang bag.Nakita rin ni Elodie Jean ang ilang butil sa lapagan ng braso.“Ang daming inihanda ni Mandy para sa atin, Ma!“Siguro hindi natin mahahanap ang ganitong kalidad ng Beads of Eyes sa Flutwell!”Nagalak si Aunt Witby.“Ang talinong babae! Paano niya nalamang balak ko itong ibigay sa’yo bilang regalo?!“Kung ganun, itabi mo na ito!“Ang saya ko ngayon! Hindi ako magagalit sa’yo para dito!”“Syempre!”Masayang tinabi ni Elodie ang mga butil.Walang masabi si Harvey York. Dinala niya ang Beads of Eyes mula Flutwell. Matagal na niya itong balak konsagrahin pero nakalimutan niya ang tungkol dito.Hindi niya inaaklaang basta na lang ito kukunin ng mag-ina nang walang paalam.“Ilabas mo ‘yan,” seryosong sigaw ni Harvey.“Ilabas ang ano?“Binigay ito ni Mandy sa amin! Binibigyan namin siya ng respeto sa pagtanggap namin nito! Ano
Inapakan ni Harvey York ang preno.“Gusto mo bang ulitin ko pa?“Ang sabi ko…“Hindi kayo karapat-dapat na pumasok sa kotse!”“Ang kapal naman ng mukha mong magmataas kahit na isa ka lang namang driver? Sasabihin ko sa’yo…”Nagbabantang sumigaw si Elodie Jean.Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nabangga ng isang Porsche ang likod ng kotse..Sumigaw si Elodie sa galit.“Ang kapal naman ng mukha mong banggain ang kotse namin nang ganyan? Pagbabayaran mo ‘yan!”Tiningnan ni Harvey ang likod na salamin nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.Gayunpaman, mukhang kinakabahan ang taong ito.Hindi alam ni Harvey kung anong nangyari. Hindi niya pinansin si Elodie at lumabas siya ng kotse nang nakakunot ang noo para tingnan ito.Kaagad na nagbago ang mukha ni Elodie nang makitang naglakad palabas si Harvey.“Pabayaan mo na siya! Ayaw niyang lumabas kanina diba?” sinabi ni Aunt Witby pagkatapos matawa.“Hindi na siya makakapasok ngayon!”Pumunta si Aunt Witby sa pwesto ng d
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor
”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?
Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n
"Maraming pera at mga yaman ito. Ang ganitong kayamanan ay maaaring gawing katapat ng isang ordinaryong tao ang isang bansa…"Pero mukha ba akong tao na kailangan pa ng ganoon?"Si Amora Foster ay natigilan na may kakaibang ekspresyon."Walang pakialam kung sinusubukan mo akong lokohin.""Basta't gawin mo nang maayos ang trabaho ko, makakatulong pa ako sa pamilya sa mga pagsubok bilang pangunahing shareholder.""Kung lalabanan mo ako, madali kong makokontrol ang pamilya tulad ng ginawa ko sa iyong ama.""Kung gusto ko, maaari ko ring alisin ang pamilya mula sa nangungunang sampung pamilya.""Naiintindihan mo ba ako?"Sa ugali ni Amora, magliliparan siya sa paligid habang sumisigaw kay Harvey York dahil sa mga salitang iyon...Pero sa hindi malamang dahilan, naniwala siya na ang sinabi ni Harvey ay totoo!Naniniwala siya na kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang sirain ang pamilya sa loob lamang ng ilang minuto!“Naiintindihan ko!" sigaw niya, habang kumikibot ang kanyang m
Sa wakas itinikom na ni Amora Foster ang kanyang bibig.Isang pakiramdam ng katapatan ang agad na pumalit sa paghihiganti laban kay Harvey York. Nagpasya siyang sumama sa kanya hanggang sa pinakamasakit na dulo.“Salamat sa pagtitiwala sa akin, Master York!" sigaw niya nang masigla."Pero sa tingin ko, wala akong sapat na kapangyarihan para kumbinsihin ang buong pamilya...""Tulad ng sinabi mo, natatakot akong hindi susuportahan ng pamilya ang hindi tamang pag-angat ko."Hinaplos ni Harvey ang mukha ni Amora na may ngiti."Huwag kalimutan, ako ang pinakamahusay na eksperto sa geomancy sa lungsod.""Destinado kang mapunta sa mataas na posisyon."Maging tiwala sa sarili mo."Bumalik ka at kausapin mo ang iyong ama."Sabihin mo sa kanya na makinig sa iyo kung gusto niyang ipamuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa karangalan at kayamanan."Makikinabang tayong tatlo dito."Malakas na inalog ni Amora ang kanyang kamay, na hindi pinapansin ang kanyang mga sugat."Huwag m
Si Mandy Zimmer ay nakaramdam ng panghihina matapos makita ang isang walang awa at matatag na babae.Si Harvey York, sa kabilang banda, ay medyo humahanga.Hindi lang si Amora ang walang awa sa iba, kundi lalo pa sa kanyang sarili.Mga tao na tulad nila ay nakatakdang umakyat lamang sa kapangyarihan."Nakikita ko na ang iyong sinseridad ngayon..."Dahan-dahang naglakad si Harvey patungo kay Amora bago inayos ang kanyang mga braso na may banayad na ngiti."Madali lang para sa akin na harapin ang sumpa ng iyong ama."“Gayunpaman, kahit gaano pa ako ka-mapagbigay, hindi ko naman basta-basta magagawa 'yan nang libre pagkatapos ng lahat ng ginawa ninyong dalawa sa akin, di ba?”Nagpakita si Amora ng halo-halong emosyon bago huminga nang malalim."Pangalanan mo ang kahit anong gusto mo, Master York!"Hinugot ni Harvey ang tatlong daliri.Mayroon akong tatlong simpleng kondisyon."Number one, gusto kong magtago si Brayan pagkatapos siyang gamutin. Ayokong makita siya sa lahat ng p
”Bitawan mo siya!”“Bitawan mo si Ms. Amora!”Ang mga mabagsik na lalaking naka-suot ng mga suit ay sumugod pasulong.Ang ilan ay may mga baril na walang safety habang nakatutok kay Harvey York.May mga sumubok na agawin si Amora Foster pero hindi nila mahanap ang tamang anggulo.Agad na sumikip ang atmospera. Isang laban ang malapit nang mangyari.Hindi kailanman papayagan ni Harvey na makakuha ng pagkakataon ang mga taong ito na kumilos pagkatapos ng lahat.Ang mga eksperto na lumapit ay agad na napalipad matapos mapalo. Malinaw na namamaga ang kanilang mga mukha nang bumagsak sila sa lupa."Bitawan mo siya, Harvey!""Patay ka kung hindi mo gagawin!"Charlize inilabas ang kanyang baril bago itinutok ito kay Harvey.Bam!Nagpamalas si Harvey ng mas malaking puwersa sa kanyang paa, na nagpalapit sa mukha ni Amora sa lupa.Pagkatapos, tahimik siyang tumingin sa mga tao sa paligid niya."Sumuko ka, o ang iyong babae ang tatamaan!"Ang mga mabangis na lalaki ay nagtinginan