”Sye3pre naman!Kusang nanginig si Penny Jackson.“Ang Lopez family ay tinatawag din na Corpse Walkers.“Dumalo ako sa isang martial arts conference sa Kurbus. Hindi ko alam kung malas lang ba ang araw na ‘yun, pero ang young master, si Cedric Lopez, ay naging interesado sa akin!“Hindi ako masyadong nag-iwan ng kahit ano noon. Para hindi niya ako bulabugin, in-add namin ang isa’t isa bago ako umalis kaagad!“Blocked rin siya agad sa akin pagkatapos niyan!“Hindi ko alam na ganito karami ang koneksyon niya para malaman kung sino talaga ako! Nakikipagtulungan pa ang Lopez family sa pamilya ko para sa negosyo!“Hindi ko alam kung anong binigay nila sa tatay ko para pumayag sa ganitong date!“Lagi akong tumatanggo, pero nagpumilit ang tatay ko na may nararamdaman ako para sa young master pagkatapos naming magkita, sinasabi na nabubuo ang mga damdamin ng mga tao kapag nagkikita sila!“Hindi niya alam na amoy formalin ang lalaking ‘yun! Nandiri agad ako nang makalapit ako sa taong
Maraming tao doon ang masigla at mukhang mapagmataas, para bang sila ang pinakamagigiting na pinuno ng mundo.Humiyaw ang lahat nang makita nilang dumating si Penny Jackson. Malinaw na siya ang bida ng gabing iyon.“Sa wakas nandito ka na Penny! Ayaw man lang ni Young Master Cedric na mag-order ng kahit ano nang wala ka!”“Oo! Sabi niya makukumpleto lang ang pagkain dito kapag nandito ka!”“Mahal na mahal ka niya Penny! Sinabi niya sa amin kung paano siya nahulog sa’yo sa sandaling makita ka niya! Napakaromantiko! Hindi mo dapat ito palagpasin!”“Hindi mo kailangang makipagsapalaran sa buong buhay mo kapag sinuportahan ka niya!”“Sabi niya handa siyang sakupin ang mundo kung iyon ang gusto mo!”“Hahayaan ka rin niyang gawin ang kahit anong gusto mo sa negosyo ng pamilya niya!”Nagtipon ang ilang babaeng may magagandang kasuotan at kolorete. Silang lahat ay mga kaibigan at kamag-anak ni Penny.Tuloy-tuloy silang nag-uusap na para bang sigurado na silang pakakasalan ni Penny si
Si Harvey York ay isang magaling na lalaki na may itsura, pero sadyang masyadong simple ang kanyang damit.Sa mata ng mga taong iyon, hindi man lang magmumukhang mayaman si Harvey kahit na magsuot pa siya ng isang mamahaling damit.Ngunit tinatawag siya ni Penny Jackson na kasintahan nito…“Paano nangyari ‘yun?!“Masyado kang padalos-dalos, Penny!“Naglalaro ka pa rin nang ganito ngayon?”Isang babaeng may mahaba at manipis na mata ang sumimangot.“Wala pang nakakarinig niyan mula sa’yo!“Higit pa rito, ikaw ang lady ng Jackson family!“Kahit na naghahanap ka ng boyfriend, kahit paano naman humanap ka ng kalebel mo!“Tingin mo ba tanga kami? Bakit ka naman maglalabas ng kahit sino na lang at tatawagin mong boyfriend mo?“O sinasabi mo bang si Young Master Cedric ang tanga dito?”Ngumiti si Penny nang maamo nang yakapin niya ang braso ni Harvey.Hiding-hindi ako magbibiro tungkol sa ganitong bagay!Sa online ko nakilala si Harvey! ‘Yun ang tinatawag na… online date!“Ngay
Hindi nagtagal, nagsimula na namang magalak ang mga tao sa pagiging maasikaso ni Cedric Lopez.Lahat ng klase ng masasarap na pagkain at alak ang nandoon. Patuloy na tumutunog ang mga baso. Napakasigla nitong tingnan.“Halika! Halika! Master York tama? Siguro itinadhana tayong magkakilala! Kung may oras ka, dumalaw ka sa Kurbus! Tawagan mo lang ako kapag nasa panganib ka. Sigurado akong kaya kong asikasuhin ang kahit ano para sa’yo kapag nakiusap ka…”Maamo ang mukha ni Cedrick habang nagsasalin siya ng isang baso ng wine para kay Harvey York.“Inom ka! Masarap ito…“Alam mo kaya kung paano kilalanin ang magagandang wine kumpara sa mga pangit…”Ngumiti nang bahagya si Harvey nang tingnan niya si Cedric. Madaling sabihin na masyado siyang halata at nakakatuwa ito.Hindi nagpigil si Harvey nang inumin niya ang kanyang wine.“Mabait ka. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat.“Masarap ito. Malinamnam ang lasa. Siguro isa itong 1987 Latour…”“Oh! May alam ka nga!”Isang babaeng
”Oo nga naman! Bakit ka magiging manggagantso kung talagang matagumpay ka?”Tumawa nang malakas ang lalaking may gintong salamin. Punong-puno ng panalait ang pananalita niya.Natawa ang mga tao nang marinig ang mga salitang iyon.Ang babae na may mahaba at singkit na mata ay lumapit kay Harvey York bago ngumiti.“Master York, bakit hindi mo ako suriin dahil magaling ka naman? Gusto kong malaman kung kailan ko mahahanap ang aking Prince Charming!”Naging mas mapang-asar ang titig ng lahat.Ang babaeng iyon ay isang kilalang tao sa Kurbus. Marami siyang hindi maipaliwanag na relasyon sa mga lalaki sa paligid niya.Kalokohan ang hingiin ang tulong ni Harvey!Kahit ang isang tunay na geomancy expert ay hindi masasagot ang tanong na iyon, lalo na ang isang manggagantso!Inilapag ni Harvey ang kanyang baso bago tingnan ang babae habang nakangiti nang bahagya.“Kung tama ako, siguto mula ka sa Robbins family, tama>?“Sigurado ka bang gusto mo ang tulong ko?“Mahal ang serbisyo ko.
”Kung basura lang ang kasintahan mo, masasabi ko sa’yong hindi ako susuko hanggang sa makuha kita.“Kahit anong mangyari, wala siyang karapatang makasama ka.”Dinampot ni Cedric Lopez ang kanyang baso bago ito iikot na para bang hawak niya ang buong sitwasyon.“Ikaw…”Namula nang husto ang mukha ni Penny Jackson pagkatapos magalit nang husto sa mga salitang iyon.Ipagtatanggol na sana niya si Harvey York bago ito tumayo at marahan siyang tinulak pabalik sa kanyang pwesto.Naningkit ang mata ni Cedric nang tingnan niya ang nakakaantig na eksena. Makikita ang inis sa mga mata niya.Nakangiting inilapag ni Harvey ang baso niya habang hindi pinapansin si Cedric.“Pwede tayong maglaro kung ‘yan ang gusto mo.“Pero sa katayuan mo, sadyang hindi masaya kung pera lang ang nakataya.“Kahit anong mangyari, sa puntong ito, numero lang ‘yun sa’yo.“Ang pumusta sa isang bagay na hindi mo kailangan para sa isang importanteng tao sa buhay mo ay medyo hindi patas diba?“Bakit hindi tayo ma
Hindi nag-abala si Harvey na tumingin sa impormasyong binigay ni Robbins. Tinitigan lang niya ito saglit bago ngumiti.“Puno ng liwanag ang noo mo. Maliwanag rin tingnan ang mukha mo ngayon. Kung tama ako, siguro nakahanap ka ng lalaki kahapon.“Pagdating mo sa Golden Sands, nakilala mo ang isang lalaki at nahulog ang loob mo sa kanya sa unang beses mo siyang makita. Kaya kinasama mo siya kahit na taliwas ito sa kaugalian mo. “At pagkatapos niyan, pumunta ka dito nang hindi man lang tinatago ang mga bakas nito sa katawan mo.“Tama ba ako?”“Paano mo nalaman…?”Sumama ang mukha ni Kai bago siya tumitig nang masama nang hindi nagsasalita.‘Ang kapal naman ng ga*ong ito na ibunyag ‘yan tungkol sa akin? Gusto niya bang mamatay?!’Alam ng mga lalaki sa paligid kung paano umasal si Kai at nainis nang bahagya.“Sinasabi mo bang ang lalaking nakilala niya ay ang kanyang Prince Charming?” nanghahamak na tanong ng lalaking may gintong salamin.“Syempre hindi.Ngumiti nang marahan si
Sumama ang mukha ni Cedric Lopez bago huminga nang malalim.“Huwag mo nang ibahin ang usapan, Master York.“Pinagpupustahan namin kung pwede mo bang mahanap ang tunay na pag-ibig ni Kai. Wala nang iba.“Kung hindi mo kayang gawin ‘yan, umalis ka na! Huwag mo nang ipahiya ang sarili mo!”“Tama! Umalis ka na!” sigaw ng iba.“Ang kapal naman ng mukha mong sirain ang reputasyon ni Young Master Cedric sa mga sinasabi mo?! Napakasama mo!“Si Ms. Robbins ay isang malinis at inosenteng dalaga! Hindi pa nga siya kinakasal!“Ang lala mo para siraan siya nang ganyan!”Ipinagtanggol ng lahat ng young master si Kai Robbins.Nanahimik ang mga mayayamang dalaga habang masama ang kanilang mukha. Hindi nila inaakalang may relasyon pala si Kai at ang mga kasintahan nila. Pagkatapos itong mapagtanto, nagkaroon sila ng kagustuhang magpasuri sa ospital.Sumimangot si Penny nang naiinis.Hindi inamin ni Cedric na may relasyon sila ni Kai, pero hindi niya rin ito itinanggi.Sapat na ito para may
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”