Walang masabi si Harvey York. Kung hindi dahil sa pagmamakaawa ni Mandy Zimmer na pumunta siya, umalis na sana siya dito.Atsaka, gusto na niyang matapos agad ang sitwasyong ito.“‘Yan ang kotse,” sinabi ni Harvey habang nakaturo sa Audi.Mukhang nanghahamak si Aunt Witby at Elodie Jean sa simula…Pero pagkatapos makitang isa itong limited-edition Audi A8 na may magandang plaka, kaagad silang nasabik.Naglakad si Elodie patungo sa kotse habang sumisigaw, “Ma! Kuhanan mo ako ng picture dito! Kailangan natin itong i-send sa mga kaibigan natin!”Nagmadaling lumapit si Aunt Witby bago sila kumuha ng mga larawan sa labas ng kotse sa loob ng ilang minuto.“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang kumukuha kami ng picture?!” galit na sigaw niya habang nakatitig nang masama kay Harvey.“Buksan mo ang kotse at papasukin mo na kami!”Suminghal si Harvey bago buksan ang kotse. Pagkatapos makita ang mag-inang gumagapang sa kotse sa loob ng kalahating oras para kumuha ng daan-daang larawan, nag
”Dahil binili ito ni Mandy para sa atin, wala kaming magagawa kundi tanggapin ito!” Hindi nagtagal ay itinabi ni Aunt Witby ang plorera sa kanyang bag.Nakita rin ni Elodie Jean ang ilang butil sa lapagan ng braso.“Ang daming inihanda ni Mandy para sa atin, Ma!“Siguro hindi natin mahahanap ang ganitong kalidad ng Beads of Eyes sa Flutwell!”Nagalak si Aunt Witby.“Ang talinong babae! Paano niya nalamang balak ko itong ibigay sa’yo bilang regalo?!“Kung ganun, itabi mo na ito!“Ang saya ko ngayon! Hindi ako magagalit sa’yo para dito!”“Syempre!”Masayang tinabi ni Elodie ang mga butil.Walang masabi si Harvey York. Dinala niya ang Beads of Eyes mula Flutwell. Matagal na niya itong balak konsagrahin pero nakalimutan niya ang tungkol dito.Hindi niya inaaklaang basta na lang ito kukunin ng mag-ina nang walang paalam.“Ilabas mo ‘yan,” seryosong sigaw ni Harvey.“Ilabas ang ano?“Binigay ito ni Mandy sa amin! Binibigyan namin siya ng respeto sa pagtanggap namin nito! Ano
Inapakan ni Harvey York ang preno.“Gusto mo bang ulitin ko pa?“Ang sabi ko…“Hindi kayo karapat-dapat na pumasok sa kotse!”“Ang kapal naman ng mukha mong magmataas kahit na isa ka lang namang driver? Sasabihin ko sa’yo…”Nagbabantang sumigaw si Elodie Jean.Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nabangga ng isang Porsche ang likod ng kotse..Sumigaw si Elodie sa galit.“Ang kapal naman ng mukha mong banggain ang kotse namin nang ganyan? Pagbabayaran mo ‘yan!”Tiningnan ni Harvey ang likod na salamin nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.Gayunpaman, mukhang kinakabahan ang taong ito.Hindi alam ni Harvey kung anong nangyari. Hindi niya pinansin si Elodie at lumabas siya ng kotse nang nakakunot ang noo para tingnan ito.Kaagad na nagbago ang mukha ni Elodie nang makitang naglakad palabas si Harvey.“Pabayaan mo na siya! Ayaw niyang lumabas kanina diba?” sinabi ni Aunt Witby pagkatapos matawa.“Hindi na siya makakapasok ngayon!”Pumunta si Aunt Witby sa pwesto ng d
”Sye3pre naman!Kusang nanginig si Penny Jackson.“Ang Lopez family ay tinatawag din na Corpse Walkers.“Dumalo ako sa isang martial arts conference sa Kurbus. Hindi ko alam kung malas lang ba ang araw na ‘yun, pero ang young master, si Cedric Lopez, ay naging interesado sa akin!“Hindi ako masyadong nag-iwan ng kahit ano noon. Para hindi niya ako bulabugin, in-add namin ang isa’t isa bago ako umalis kaagad!“Blocked rin siya agad sa akin pagkatapos niyan!“Hindi ko alam na ganito karami ang koneksyon niya para malaman kung sino talaga ako! Nakikipagtulungan pa ang Lopez family sa pamilya ko para sa negosyo!“Hindi ko alam kung anong binigay nila sa tatay ko para pumayag sa ganitong date!“Lagi akong tumatanggo, pero nagpumilit ang tatay ko na may nararamdaman ako para sa young master pagkatapos naming magkita, sinasabi na nabubuo ang mga damdamin ng mga tao kapag nagkikita sila!“Hindi niya alam na amoy formalin ang lalaking ‘yun! Nandiri agad ako nang makalapit ako sa taong
Maraming tao doon ang masigla at mukhang mapagmataas, para bang sila ang pinakamagigiting na pinuno ng mundo.Humiyaw ang lahat nang makita nilang dumating si Penny Jackson. Malinaw na siya ang bida ng gabing iyon.“Sa wakas nandito ka na Penny! Ayaw man lang ni Young Master Cedric na mag-order ng kahit ano nang wala ka!”“Oo! Sabi niya makukumpleto lang ang pagkain dito kapag nandito ka!”“Mahal na mahal ka niya Penny! Sinabi niya sa amin kung paano siya nahulog sa’yo sa sandaling makita ka niya! Napakaromantiko! Hindi mo dapat ito palagpasin!”“Hindi mo kailangang makipagsapalaran sa buong buhay mo kapag sinuportahan ka niya!”“Sabi niya handa siyang sakupin ang mundo kung iyon ang gusto mo!”“Hahayaan ka rin niyang gawin ang kahit anong gusto mo sa negosyo ng pamilya niya!”Nagtipon ang ilang babaeng may magagandang kasuotan at kolorete. Silang lahat ay mga kaibigan at kamag-anak ni Penny.Tuloy-tuloy silang nag-uusap na para bang sigurado na silang pakakasalan ni Penny si
Si Harvey York ay isang magaling na lalaki na may itsura, pero sadyang masyadong simple ang kanyang damit.Sa mata ng mga taong iyon, hindi man lang magmumukhang mayaman si Harvey kahit na magsuot pa siya ng isang mamahaling damit.Ngunit tinatawag siya ni Penny Jackson na kasintahan nito…“Paano nangyari ‘yun?!“Masyado kang padalos-dalos, Penny!“Naglalaro ka pa rin nang ganito ngayon?”Isang babaeng may mahaba at manipis na mata ang sumimangot.“Wala pang nakakarinig niyan mula sa’yo!“Higit pa rito, ikaw ang lady ng Jackson family!“Kahit na naghahanap ka ng boyfriend, kahit paano naman humanap ka ng kalebel mo!“Tingin mo ba tanga kami? Bakit ka naman maglalabas ng kahit sino na lang at tatawagin mong boyfriend mo?“O sinasabi mo bang si Young Master Cedric ang tanga dito?”Ngumiti si Penny nang maamo nang yakapin niya ang braso ni Harvey.Hiding-hindi ako magbibiro tungkol sa ganitong bagay!Sa online ko nakilala si Harvey! ‘Yun ang tinatawag na… online date!“Ngay
Hindi nagtagal, nagsimula na namang magalak ang mga tao sa pagiging maasikaso ni Cedric Lopez.Lahat ng klase ng masasarap na pagkain at alak ang nandoon. Patuloy na tumutunog ang mga baso. Napakasigla nitong tingnan.“Halika! Halika! Master York tama? Siguro itinadhana tayong magkakilala! Kung may oras ka, dumalaw ka sa Kurbus! Tawagan mo lang ako kapag nasa panganib ka. Sigurado akong kaya kong asikasuhin ang kahit ano para sa’yo kapag nakiusap ka…”Maamo ang mukha ni Cedrick habang nagsasalin siya ng isang baso ng wine para kay Harvey York.“Inom ka! Masarap ito…“Alam mo kaya kung paano kilalanin ang magagandang wine kumpara sa mga pangit…”Ngumiti nang bahagya si Harvey nang tingnan niya si Cedric. Madaling sabihin na masyado siyang halata at nakakatuwa ito.Hindi nagpigil si Harvey nang inumin niya ang kanyang wine.“Mabait ka. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat.“Masarap ito. Malinamnam ang lasa. Siguro isa itong 1987 Latour…”“Oh! May alam ka nga!”Isang babaeng
”Oo nga naman! Bakit ka magiging manggagantso kung talagang matagumpay ka?”Tumawa nang malakas ang lalaking may gintong salamin. Punong-puno ng panalait ang pananalita niya.Natawa ang mga tao nang marinig ang mga salitang iyon.Ang babae na may mahaba at singkit na mata ay lumapit kay Harvey York bago ngumiti.“Master York, bakit hindi mo ako suriin dahil magaling ka naman? Gusto kong malaman kung kailan ko mahahanap ang aking Prince Charming!”Naging mas mapang-asar ang titig ng lahat.Ang babaeng iyon ay isang kilalang tao sa Kurbus. Marami siyang hindi maipaliwanag na relasyon sa mga lalaki sa paligid niya.Kalokohan ang hingiin ang tulong ni Harvey!Kahit ang isang tunay na geomancy expert ay hindi masasagot ang tanong na iyon, lalo na ang isang manggagantso!Inilapag ni Harvey ang kanyang baso bago tingnan ang babae habang nakangiti nang bahagya.“Kung tama ako, siguto mula ka sa Robbins family, tama>?“Sigurado ka bang gusto mo ang tulong ko?“Mahal ang serbisyo ko.
Tumingin si Harvey kay Calvin, at bumuntong-hininga."Gaya ng inaasahan ko.""So hindi mo ako bibigyan ng paliwanag, 'yan ba ang sinasabi mo?"“Kung ganun, ako na lang ang kukuha.”Sabi ni Harvey nang kalmado, magkakrus pa rin ang kanyang mga braso.Biglang kumurap ang mga mata ni Calvin, kahit na puno siya ng kumpiyansa.Inisip niya na baka may nakatagong plano si Harvey. Sinumang may isip ay alam ang magiging kahihinatnan ng pagpasok sa isang lugar na ganito.Kung si Harvey ay naglakas-loob pa ring gawin iyon sa kabila ng lahat, tiyak na hindi lang siya isang taong nagpapakamatay!Kasabay nito, medyo hindi mapakali si Calvin; hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Harvey para magkaroon ng lakas ng loob na hingin ang kanyang paliwanag.“Sugod!” utos ni Calvin. "Pabagsakin niyo ang rebelde na ito!"Maraming mga elite ng pamilya Lowe ang humakbang paharap, hawak ang kanilang mga espada. Sa kabila ng lahat, ang pamilya Lowe ay isang pamilya ng mga martial artist na may mataas n
Sa huli, ang tinatawag na party ay isang di-pormal na pagpupulong.Lahat ay inayos upang malaman ng lahat na si Calvin ang magiging ganap na namumuno pagkatapos ng kasal sa pagitan ng pamilyang Lowe at Bowie.Siya ang magiging kinatawan ng Heaven’s Gate sa hinaharap.Sa madaling salita, ang kanyang reputasyon ay kumakatawan din sa reputasyon ng Heaven’s Gate.At sa kabila ng lahat, may naglakas-loob na lumaban sa kanya!Ito ay talagang nakakagulat.Ngunit hindi nagtagal, ang mga mukha ng mga tao ay napuno ng walang iba kundi paghamak. Sinumang maglakas-loob na lumaban kay Calvin noon ay tiyak na magdurusa ng isang kakila-kilabot na kapalaran!Nagbago ang mga ekspresyon nina Calvin at Emory; hindi nila akalain na may magdudulot ng problema sa kanila sa ganitong mahalagang sandali.Hindi lamang ito isang hamon sa kanila, kundi ito rin ay isang hayagang pagpapakita ng kawalang-galang sa parehong kanilang mga pamilya.Ang magandang mukha ni Calvin ay nagpakita ng bahid ng pagnanas
Sa gitna ng bulwagan, may isang guwapong lalaki na nakasuot ng balabal na may pinitas ng pulang agata.Mayroon siyang pambabaeng anyo, at nakangiti.Ang mga bato sa kanyang kamay ay walang gasgas; ito ay talagang isang tunay na pamana. Ang pulseras ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon at milyon-milyong dolyar kung ito ay lumabas sa isang auction, ngunit nilalaro-laro lang niya ito sa kanyang kamay.Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang young master ng Lowe family, si Calvin Lowe!May isang babae ring nakasandal sa kanya.Nakasuot siya ng Chanel na evening dress habang ipinapakita ang kanyang malalim na cleavage. Isang kwintas na diyamante na hindi bababa sa sampung karat ang nakasabit sa kanyang magandang leeg. Ito ay talagang kapansin-pansin.Ang babae ang pangunahing tauhan ng stag party, si Emory Bowie.Ang dalawa ay talagang bagay na bagay!“Halika! Mag-toast tayo, Young Master Calvin!"Hindi ko akalain na ang pinakamaliwanag na hiyas ng Heaven’s Gate ay kukunin mo! Na
Bago pa makabawi si Devon, agad niyang ibinagsak ang kanyang mga tuhod sa lupa.Nang tumingin siya kay Harvey, parang nakatitig siya sa mukha ng Diyos. Ang mahihinang depensa sa kanyang puso ay gumuho sa sandaling ito."S… Syempre…“Sinabi sa akin ni Young Master Calvin na pumunta ako…"Nakatanggap siya ng mga ulat.“Ang taong may hawak ng mental cultivation technique ay bumalik sa tahanan ng Gibson family."Lamang siya sa lahat..."Wala ni isang pag-iisip si Devon na gumanti kay Harvey. Wala siyang magagawa; ano bang halaga niya kung si Ricky mismo ang lumuhod?"Nasaan si Calvin?" tanong ni Harvey.Nanginginig ang mga mata ni Devon."Nasa Heaven's Hotel siya... May bachelor party siya kasama si Ms. Emory. Nandoon din ang mga kilalang tao ng mas batang henerasyon ng Heaven’s Gate…”"Ah, nagtipun-tipon na pala silang lahat, ano...?"Ngumiti si Harvey, pagkatapos ay tumingin siya kay Alani."Bibisita ako kay Young Master Calvin. Sasama ka ba?”Kumibot ang mga mata ni Alani
Tumingin si Harvey nang kalmado kay Ricky, at tinawagan si Rachel na buksan ang kamera.“Magsalita ka. May isa ka lang pagkakataon."Sana lahat ng sinasabi mo ngayon ay eksaktong pareho ng sinabi mo sa kanila."Sibilisadong tao ako. Ayaw kitang patayin, pero huwag mo akong lokohin.”Nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey, agad na nanginig si Ricky. Kung ang Great Protector ay nakakatakot para sa kanya, ang ekspresyon ni Harvey ay sapat na upang makaramdam siya ng kawalan ng pag-asa."Magsasalita ako... Sasabihin ko sa iyo ang lahat," sabi niya matapos huminga ng malalim, ang boses niya ay magaspang."Si Quill ay pumunta sa headquarters upang harapin ang pagkamatay ng outer elder."“Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay nagkaroon na ng pagkakataong harapin siya. Kaya, humiling sila na kunin ang badge ng lider."Pero tumanggi si Quill, at nagkaroon ng malaking laban pagkatapos noon.“Ang great elder at ang second elder ay walang laban sa kanya."Pagkatapos ng laban,
Si Ricky ay patuloy na nagpapalit ng ekspresyon, parang may gusto siyang sabihin.Ngunit naintindihan niya na ang pamilya Lowe ay hahabulin siya hanggang sa dulo ng mundo, kahit na pinatawad siya ni Harvey.Harvey ay tahimik na tumingin kay Ricky; alam na alam niya kung ano ang iniisip ng isang maliit na isda tulad niya."Dalhin niyo siya. Bigyan siya ng kalahating oras. Maghukay ng mas malalim na butas kung wala siyang maibigay na kapaki-pakinabang.”Ang Great Protector at ang iba pa ay tumango nang may paggalang bago mabilis na hilahin si Ricky palayo.Si Devon, na nanonood ng lahat, ay kusang nanginginig.Gusto niyang sumigaw kina Harvey at sa iba pa na pakawalan si Ricky; sa lahat ng bagay, ito ay isang hayagang nakakahiya na bagay para sa kanya na panoorin ang lahat ng nangyayari sa kanyang harapan.Gayunpaman, hindi siya tanga. Alam niyang mas malala ang mangyayari sa kanya kaysa kay Ricky kung magsasalita siya kahit isang salita.Kahit na ang Great Protector, si Kaysen,
Ang kanyang mga kamay ay nakatali, at may mabahong medyas sa kanyang bibig. Ito ay isang nakalulungkot na tanawin.Gayunpaman, ang kanyang mapaghiganting tingin ay sapat na upang ipakita na hindi pa siya ganap na sumusuko.Tumango si Harvey; isang disipulo ng Longmen ang humugot ng medyas mula sa bibig ni Ricky."Hayop ka! Paano mo nagawa 'to?"Hindi mo ba alam na ito ay lubos na kasuklam-suklam?""Kinidnap mo ako, Ricky Lowe?!""Naunawaan mo ba ang mga magiging resulta ng mga aksyon mo?!"Pinagpag ni Ricky ang kanyang mga ngipin habang sumisigaw siya ng buong lakas."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ito! Ako ay kabilang sa Heaven’s Gate!"Ang katayuan ko sa pamilya ay tanging mas mababa lamang kay Calvin!“Maaari kong sirain ang buong pamilya mo dahil sa ginawa mo sa akin!”Tumingin si Harvey sa Great Protector at sa iba pa. "Mukhang may mali sa mga pamamaraan niyo. Ang young master na ito ay hindi alam kung anong sitwasyon niya ngayon."Kasalanan ko ito! Humihingi ako ng taw
”Anong nangyari?‘Ang Great Protector?‘Ang head ng Law Enforcement Hall?‘At ang warden ng Imperial Prison?‘Sila lahat ay mga kilalang tao sa Heaven’s Gate!‘Bakit sila dumating dito ngayon?‘Bakit sila sobrang magalang?‘Kahit si Quill ay hindi nakapagpasunod sa mga taong ito! ’Nanginginig ang mga mata ni Devon, at kusang-loob niyang binitiwan ang kanyang espada.Hindi rin mga tanga ang mga tao niya; alam nilang humaharap sila sa isang taong mas malakas kaysa sa kanila. Mabilis silang natumba palayo bago nagtago sa sulok."Hindi na masama. Medyo maaga kayo," sabi ni Harvey, habang tinitingnan ang Great Protector at ang iba pa."Aalisin ko muna ang inyong mga restriksyon, pero hindi ito madaling mawawala.“Kailangan niyo akong tawagan para alisin ito tuwing taon."Kung hindi, magiging mga lumpo kayo."Humakbang si Harvey at hinaplos ang apat."Sana marunong kayong gumawa ng mga utos."Ang sumisiklab na enerhiya sa kanilang mga katawan ay humina, at halos hindi na nil
Nanginginig sa galit si Devon matapos marinig ang mga salitang iyon."Gusto mong mamatay, hayop ka?!"Dumating lang siya dito pagkatapos makatanggap ng lihim na ulat. Isang disipulo ni Quill mula sa labas ng pamilya ang nakapag-alis kina Darwin at ang iba pa.Ang disipulo na iyon ay mayroon din ng teknik sa mental na pagsasanay.Dahil dito, dumating si Devon kasama ang kanyang mga tao sa lalong madaling panahon. Hindi lamang niya balak durugin ang pamilya Gibson, kundi balak din niyang makuha ang teknik at maging Diyos ng Digmaan.Hindi siya basta aalis dahil may isang walang kwentang tao na nag-insulto sa kanya.Anong kalokohan naman iyon!“Go! Dalhin silang lahat! Patayin ang lahat ng lalaban!”Nagbago ang ekspresyon ni Devon, at galit na galit na inalog ang kanyang kamay.Napaluhod ang pamilya Gibson, at lahat sila ay parang gustong sumigaw kay Harvey. Ngunit bago pa man nila magawa iyon, humakbang si Rachel sa harap ni Harvey, handang labanan ang Forbidden Army.Bang, ban