Sino ba si Kenshi?Siya ang senior ng Abito Way!Sa nakababatang henerasyon, siya ang may pinakamalaking potensyal na maging isang God of War. Nanatili siya sa Death Forest para sa kanyang pagsasanay, hanggang sa magawa niyang hatiin sa dalawa ang isang talon.Subalit, ang taong tinitingala ng Nameless at ng Island NationsâŠSinampal lamang ng isang hamak na live-in son-in-law!Higit pa rito, hindi na makalaban si Kenshi dahil dito.Hindi makapaniwala ang lahat.Nanigas si Blaine habang hawak ang kanyang baso, mukhang gulat na gulat siya. Napatayo sa gulat si Vaughn, bakas sa mukha niya ang matinding takot.Si Maisie at si Kensley, na minamaliit si Harvey, ay tinakpan ang kanilang mga bibig sa sobrang pagkagulat. Gusto nilang sumigaw, ngunit natatakot sila na magmukhang bastos at bumaba ang kanilang mga standards.Pinunasan ni Harvey ang kanyang kamay gamit ng wet wipes pagkatapos niyang talunin si Kenshi. Pagkatapos ay tiningnan niyang maigi si Nameless, na gulat na gulat.âM
Crack!Tinapakan ni Harvey ang isa pang binti ni Nameless, binlai rin niya ito.Nakahiga si Nameless sa lupa at hindi makagalaw, puno ng sakit at paghihinagpis. Hinawakan niya ang kanyang katawan, sinubukan niyang iligtas ang natitira niyang pride.Dinampot ni Harvey ang isang long sword na nakakalat sa lupa, at tinutok niya ang dulo ng espada sa lalamunan ni Nameless.âAlam ko iniisip mo na kahanga-hanga ka, Nameless.âHindi ka rin nagdalawang-isip na makipaglaro saâkin.âPero, may gusto lang akong sabihin sayoâŠâSa normal na sitwasyon, paglalaruan kita ng mas mabagalâisa-isa kong babaliin ang mga buto mo, at lulumpuhin kitang maigi.âSayang lang wala akong pasensya pagdating sa asawa ko.âTatanungin kita ulit: nasaan siya?âKahit hindi mo sabihin saâkin, hahanapin ko pa rin siya pagkatapos kitang patayin.âPagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey at matapos niyang makita ang nakakatakot niyang tingin, kasama ang long sword, hindi mapigilang manginig ni Nameless s
Sa kabilang linya ng phone, nanigas si Sakura. Pagkatapos, tumawa siya.Medyo kakaiba ang tawa niya, para bang sinasapian siya ng isang demonyo mula sa impiyerno.Nagsimulang kabahan si Nameless.âHindi mo ba ako naiintindihan?! Dalhin mo na siya dito!ââPasensya na, Young Master Nameless.âMalamig at mapaglaro ang tono ni Sakura.Tatapusin na ng Shindan Way at ng Tsuchimikado Family ang pakikipagkooperasyon sa Evermore dito. Hindi namin pakakawalan si Mandy. Good luck!âBeep, beep, beep!Namutla ang mukha ni Nameless. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang phone.Inabandona nila siya!Siya ang young master ng Faceless Group at isang miyembro ng Evermore, ngunit ganun nila siya kadaling iniwan sa ere.Lumamig ang mga mata ni Harvey.Ang Shindan Way at ang Tsuchimikado Family ay pareho niyang nakaharap noon sa Mordu.Hindi niya inasahan na mangangahas pa rin silang gumawa ng gulo pagkatapos mawala sa kanila si Akio.Natatandaan din niya na pinatay niya si SakuraâŠSubalit,
Sa mga sandaling ito mismo, isa-isang sumindi ang mga kandila sa madilim na shrine.Isang nakaunipormeng onmyouji ang dahan-dahang tumayo.Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa shrine. Maririnig ang mga nakakapangilabot na alulong mula sa likod niya habang naglalakad siya.Hindi mapigilang manginig ng mga walang awang eksperto mula sa Island Nations nang makita nila ito. Habang nakatingin sila sa lalaki, tila takot na takot sila.âHindi mahinahon ang puso mo, Sakura. Magagambala ang multong nasa loob mo. Magagalit ito, dahilan upang mawalan ka ng kontrol at lalamunin ka nito ng tuluyan.âIbinigay ko sayo ang Talisman Spirit ng Tsuchimikado Family hindi para lamunin ka nito ng buo.âNaiintindihan mo ba?âNaalala ni Sakura ang isang hindi kanais-nais na pangyayari, at agad siyang nanginig sa takot.âOo, Young Master Soraru! Ang Tsuchimikado Family ang nagbigay saâkin ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.âKokontrolin ko ng maayos ang sarili ko! Hindi ako lalamunin ng Talisman
âHarvey?!âNang makita niya ang lalaki sa driverâs seat, nagngitngit ang mga ngipin ni Sakura, lumamig ang kanyang ekspresyon.Hiding-hindi niya makakalimutan ang pigurang iyon.Si Harvey ang sumira sa buong plano ng Shindan Way sa Mordu. Ang kanyang guro, si Akio Yashiro, ay namatay din sa mga kamay niya.Muntik na siyang hindi makaligtas, ngunit ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya pagpipira-pirasuhin si Harvey.Para lang doon, naghanda siya ng maraming tauhan.Masyadong matindi ang trauma na ibinigay sa kanya ni Harvey!Hindi pinansin ni Harvey si Sakura. Noong nakita niya ang walang malay na katawan ni Mandy, sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag.Ngayong nasiguro na niyang ligtas si Mandy, hindi na siya nag-aalala.âPakawalan niyo si Mandy, at hindi kita sasaktan,â sabi ni Harvey, habang nakatingin ng matalim kay Sakura. Naging mabuti na siya sa kanila sa lagay na ito.âPakawalan siya? Nababaliw ka na ba?âSa wakas ay nahimasmasan na si Sakura. Hinila niya n
Gusto ng lahat na pabagsakin si Harvey at kunin ang gantimpala.Subalit, walang sinuman sa kanila ang gustong mamatay. Kung patay na sila, katapusan na ng lahat.Agad na lumihis ng tingin ang mga eksperto na sumisigaw kanina, natatakot sila na maging susunod na biktima ni Harvey.Swoosh!Habang nagkakagulo ang mga Islander, sinipa ni Harvey ang pinto ng kotse at bumaba siya. Mabilis niyang nilapitan ang mga Islander.âSige na! Sabay-sabay tayo!â Sumigaw ang pinuno ng grupo, habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Sumugod siya kay Harvey dala ang isang long sword.Clack!Pumalakpak si Harvey at binali niya ang espada ng lalaki, at isinaksak ito sa kanyang lalamunan.Nagkalat ang dugo sa buong paligid, ngunit walang pakialam doon si Harvey. Mabilis niyang kinuha ang isang patalim mula sa lalaki at hinagis niya ito.Hindi nagkaroon ng oras para umiwas ang dalawang eksperto na may hawak na Rainstorm Needles; bumagsak sila sa lupa at naparalisa, habang hawak ang kanilang mga
Slap!Walang bahalang sinampal ni Harvey ang isa pang eksperto na may hawak na espada. Pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang ilang tissue bago tingnan si Sakura.âWalang magagawa sa akin âyang matumal mong martial arts.âPakawalan mo siya, tapos baliin mo ang kamay mo. Pakakawalan kita kapag ginawa mo âyan.âKung hindi, mamatay ka na.âNang marinig ang mga salitang iyon I think at makita ang kalmadong mukha ni Harvey, pakiramdam ng mga eksperto ng Shindan Way na nakabalik na sila ng Mordu.Noon, galit sila at walang magawa noong kinalaban nila si Harvey. Wala silang magawa kundi umalis ng siyudad.At sa gabing iyon, ganito rin ang nangyayari.Napuno ng kagipitan ang mga eksperto. Tingin nila hindi nila kayang pumalag man lang.Gusto talagang pinutin ng mga Islander si Harvey sa kahit anong paraan na kaya nilaâŠNgunit pagkatapos kumalma, naunawaan nila. Kahit na sabay-sabay nilang atakihin si Harvey, wala pa rin silang laban dito.Dahan-dahang lumapit
Pak!âManahimik ka, bruha ka!âSinampal nang malakas ni Sakura si Mandy aa mukha, pinipigilan siyang magsalita.Sumama ang mukha ni Harvey nang makita niya ito. âSabihin mo lang kung gusto mong mamatay! Walang pumipigil saâyo!ââAno naman kung sampalin ko ulit siya, Harvey?âNatawa si Sakura âTama na âto! Sabihin mo lang sa akin kung payag ka ba o hindi!âBuhay ni Nameless para sa buhay ng asawa mo! Hindi ka pwedeng matalo nang ganito, diba?âPareho tayong makikinabang dito!âPero kapag tinanggihan mo ako, ang unang gagawin ko kapag naghiwalay tayo ng landas ay humanap ng paraan para patayin ang asawa mo!âNaningkit sandali ang mata ni Harvey.âSige. May kasunduan na tayo. Paano natin ito gagawin?âNatulala si Sakura. Hindi niya inaakalang ganito kadaling papayag si Harvey.Umirap siya bago magsalita ulit.âNagbago na ang isip ko!âBukod kay Nameless, kailangan mo ring baliin ang mga braso mo!âPaano kung ganito? Pakakawalan ko ang asawa mo pagkatapos niyan!âTapos ka
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
âGayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.âMadali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.âKinabukasanâkahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.âMadali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.âAyon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko naâŠâWalang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heavenâs Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.âMay naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
âMananatili ka dito.âTumawa ng malamig si Master Morgraine.âIsa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.âHindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.âKayo ang mga hadlang saâkin!âNatural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.âIpapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!âMaging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!âAnong silbi ng buhay ng lalaking âyun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?âSisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!âNagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.âHindi pwede âyunâŠâMaraming taon kang hindi lumaban.âNagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!âSinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of WarâŠâIto ayâŠâSuminghal si Master Morgraine.âS
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.âMay mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.âLumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.âTumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.âMatagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahonâŠâInilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.âMay kasabihan⊠Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.âInirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! SiguradongâŠâPak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!âHumihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!âHindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit⊠Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.âAalis na tayo!âUmalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.âAno pa bang gusto mo?!â