Gusto ng lahat na pabagsakin si Harvey at kunin ang gantimpala.Subalit, walang sinuman sa kanila ang gustong mamatay. Kung patay na sila, katapusan na ng lahat.Agad na lumihis ng tingin ang mga eksperto na sumisigaw kanina, natatakot sila na maging susunod na biktima ni Harvey.Swoosh!Habang nagkakagulo ang mga Islander, sinipa ni Harvey ang pinto ng kotse at bumaba siya. Mabilis niyang nilapitan ang mga Islander.“Sige na! Sabay-sabay tayo!” Sumigaw ang pinuno ng grupo, habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Sumugod siya kay Harvey dala ang isang long sword.Clack!Pumalakpak si Harvey at binali niya ang espada ng lalaki, at isinaksak ito sa kanyang lalamunan.Nagkalat ang dugo sa buong paligid, ngunit walang pakialam doon si Harvey. Mabilis niyang kinuha ang isang patalim mula sa lalaki at hinagis niya ito.Hindi nagkaroon ng oras para umiwas ang dalawang eksperto na may hawak na Rainstorm Needles; bumagsak sila sa lupa at naparalisa, habang hawak ang kanilang mga
Slap!Walang bahalang sinampal ni Harvey ang isa pang eksperto na may hawak na espada. Pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang ilang tissue bago tingnan si Sakura.“Walang magagawa sa akin ‘yang matumal mong martial arts.“Pakawalan mo siya, tapos baliin mo ang kamay mo. Pakakawalan kita kapag ginawa mo ‘yan.“Kung hindi, mamatay ka na.”Nang marinig ang mga salitang iyon I think at makita ang kalmadong mukha ni Harvey, pakiramdam ng mga eksperto ng Shindan Way na nakabalik na sila ng Mordu.Noon, galit sila at walang magawa noong kinalaban nila si Harvey. Wala silang magawa kundi umalis ng siyudad.At sa gabing iyon, ganito rin ang nangyayari.Napuno ng kagipitan ang mga eksperto. Tingin nila hindi nila kayang pumalag man lang.Gusto talagang pinutin ng mga Islander si Harvey sa kahit anong paraan na kaya nila…Ngunit pagkatapos kumalma, naunawaan nila. Kahit na sabay-sabay nilang atakihin si Harvey, wala pa rin silang laban dito.Dahan-dahang lumapit
Pak!“Manahimik ka, bruha ka!”Sinampal nang malakas ni Sakura si Mandy aa mukha, pinipigilan siyang magsalita.Sumama ang mukha ni Harvey nang makita niya ito. “Sabihin mo lang kung gusto mong mamatay! Walang pumipigil sa’yo!”“Ano naman kung sampalin ko ulit siya, Harvey?”Natawa si Sakura “Tama na ‘to! Sabihin mo lang sa akin kung payag ka ba o hindi!“Buhay ni Nameless para sa buhay ng asawa mo! Hindi ka pwedeng matalo nang ganito, diba?“Pareho tayong makikinabang dito!“Pero kapag tinanggihan mo ako, ang unang gagawin ko kapag naghiwalay tayo ng landas ay humanap ng paraan para patayin ang asawa mo!”Naningkit sandali ang mata ni Harvey.“Sige. May kasunduan na tayo. Paano natin ito gagawin?”Natulala si Sakura. Hindi niya inaakalang ganito kadaling papayag si Harvey.Umirap siya bago magsalita ulit.“Nagbago na ang isip ko!“Bukod kay Nameless, kailangan mo ring baliin ang mga braso mo!“Paano kung ganito? Pakakawalan ko ang asawa mo pagkatapos niyan!“Tapos ka
”Ayos ka lang ba?”Hinawakan ni Harvey ang manipis na bewang ni Mandy pagkatapos patumbahin ang mga kalaban.Nanghina si Mandy pagkatapos marinig ang tunog ng baril sa tabi ng tainga niya.“Umalis ka dito Harvey!” sigaw niya nang makita niya ang mukha ni Harvey.“Alis!“Masama ang binabalak ng mga taong ito! Hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon kapag hindi ka umalis!“Gumagamit sila ng Shikigami!”“Tama. Umalis na tayo dito.”Sa sandaling iyon, nagkaroon ng mga poste ng liwanag sa paligid.Walo ang kabuuang bilang ng mga ilaw. Bawat isa ay puno ng matinding kagustuhang pumatay.Nakikita ni Harvey ang dugo na nagtitipon sa templo; nararamdaman niya ang kasamaan mula dito.Si Soraru na kanina pang bumubulong, ay tumayo na.Bigla niyang sinuot ang isang puting sumbrero. Lumingon siya para tingnan si Harvey nang nakangiti.“Hello, Sir York, Prince York, Representative York…”Magalang na nagsalita si Soraru, binabanggit ang mga pagkatao ni Harvey. Natural na alam niya kun
Swoosh, swoosh, swoosh!Sumugod paharap ang mga poste.Kalmadong naglakad paharap si Harvey para ieasan ang atake.“Mukhang ang tinatawag mong Yin-Yang Technique ay di naman ganun kaganda,” sinabi niya habang lumilipad patungo sa kanya ang mga poste ng liwanag.‘Talagang mahilig sa kakaibang bagay ang mga taong ito. Mukhang maganda ang atake, pero hindi talaga praktikal.‘Matatakot nito ang ilang bata, pero wala itong kwenta sa isang tunay na eksperto.’“Simula pa lang ito Sir York.”Ngumiti si Soraru.“Magsisimula pa lang ang palabas.”Maraming nga onmyouji ang lumabas sa sulok. Mga papel na may nakangiti at umiiyak na mukha ang nasa papel sa kanilang mukha. Gumegewang minsan ang mga papel, makikita ang mapuputlang mukha sa ilalim.Ang isang mahiyaing tao ay mataatakot na sana nang ilang beses at nawalan na ng ganang lumaban.Naningkit ang mata ni Harvey.“Ang Spirit Bind?“Sabay-sabay niyo pala akong atakihin.”Anng Spirit Bind ay isa sa mga atake ng onmyouji.Ang mga
”God of War?! Paano nangyari ‘yan?”Nagbago nang husto ang mukha ni Soraru.Biglang napagtanto ng isang bihasang taong tulad niya ang tunay na lakas ni Harvey.‘Isang God of War! Paano? Paano nangyari ‘yan?!’Hindi lang si Soraru, maging ang henyong tagapagmana ng Tsuchimikado family ay walang karapatang kalabanin si Harvey!Ang Spirit Bind at mga Shikigami ay balewala sa isang God of War na tulad niya!Kumirott nang husto ang mga mata ni Soraru at kusa siyang napaatras.“Magaling, Sir York!” sigaw niya, pinipilit ang kanyang sarili na ngumiti. “Susuko na ako sa ngayon! Pero bago ‘yan, may isa akong kondisyon!”Gumamit ng hand sign si Soraru; ang walong liwanag ay naging isang sibat, at sumugod kay Mandy. Kasabay nito, kinumpas niya ang kanyang kamay; tumalon paharap ang mga Spirit Corpse bago sumabog.Pagkatapos ay umalis siya sa lugar nang hindi nagsasayang ng oras. Siguradong wala nang magagawa ang dalawang panig kundi magpatayan sa puntong ito.Hindi siya basta pakakawala
Nagamot ang mga sugat ni Mandy sa ospital. Buti na lang hindi siya napuruhan sa loob, kaya hindi niya kailangang manatili sa isang ward.Kaagad na bumalik ang dalawa sa Zimmer family villa pagkatapos.Para kay Mandy, pinaalis muna ni Harvey sila Lilian. Walang kahit isang tao ang makikita sa ilalim ng mga liwanag.Sinabihan ni Mandy si Harvey na maging komportable. Samantala, naligo siya habang tinitiis ang sakit.Isa itong nakakahiyang karanasan para sa kanya. Gusto niyang linisin ang malas sa katawan niya.Kasabay nito, hindi na masyadong magiging nakakailang para sa kanila ni Harvey.Hindi nagsalita si Harvey dahil alam niya kung anong gusto nito. Tumayo siya nang tahimik sa harap ng pinto habang naghihintay.Pinakalma niya ang sarili niya para ihanda ang kanyang sarili para sa paparating na mga tanong. Gusto niya ring masiguro na ligtas si Mandy.Mapapatay sila Nameless at Soraru, pero tingin ni Harvey hindi titigil si Faceless, ang Evermore, o ang Abito Way.Atsaka, ang m
Ang lakas ng kabog ng puso ni Mandy.Hindi niya alam kung maituturing bang imbitasyon kay Harvey ang sinabi niya. Kapag talagang nangyari iyon, hindi niya alam kung tatanggihan niya ba ito o hindi.Sa loob niya, nag-aalinlangan siya.Higit sa lahat, hiwalay na silang dalawa. Dahil dito, may mga bagay na sadyang hindi nila pwedeng gawin.Pero hindi ito masyadong inisip ni Harvey.“Sige. Huwag kang mag-alala,” nakangiti niyang sinabi. “Doon lang ako sa sala. Tawagin mo ako kapag may nangyari.”Dahan-dahang sinara ni Harvey ang pinto bago umupo sa sala. Sa sandaling tingnan niya ang kanyang phone, binasa niya ang mga mensahe ni Kairi.Hindi niya napagtanto na nakikita ni Mandy ang mga mensaheng ito mula sa surveillance camera ng kanyang kompyuter.“Kairi?!”Nanigas si Mandy; hindi niya alam ang mararamdaman niya.Hindi siya sigurado kung nagseselos ba siya o nag-aalala, pero natukoy niya na kinakausap siguro ni Harvey si Kairi tungkol sa nangyari sa gabing iyon.Kapag tinanong