Kalmadong ngumiti si Vaughn bago ilapag ang kanyang baso.“Tama ka diyan. Kikilos na sila ngayon.“Nakita ko na ang plano ni Nameless. Perpekto Sa ganitong paghahanda, sigurado akong kahit sampung Harvey ag hindi makakapalag sa mga ekperto ng Shindan Wag at ng Tsuchimikado Family.”Ngumiti si Vaughn.May malalakas na mga lalaki si Nameless na nagtatrabaho para sa kanya; bukod pa rito; isang misteryosong onmyoji mula sa Island Nations at ang God of War ng India ay sumusuporta rin sa kanya.Kahit gaano pa kagaling si Harvey, anong magagawa niya diyan? Kahit sino ay mamamatay sa harap ng isang God of War!“Heh, heh, heh! Sinasabi mo bang siguradong patay na si Harvey?”Nasabik si Maisie.“Matagal ko nang ayaw ang taong ‘yun mula pa noong makita ko siya! May aura siya na kinamumuhian ko!“Isa lang siyang hampaslupa, pero hindi niya alam kung paano magpakumbaba! Hindi niya napapansin na hindi niya kayang kalabanin l, kahit na lumaban pa siya sa walong magkakaibang buhay!“Ang la
”Ano? May nangyari ba?”Si Maisie, na kanina pang kaswal, ay may napansin nang makita ang mukha ni Vaughn.Dahan-dahang inilapag ni Vaughn ang kanyang phone. Makalipas ang isang saglit, nagsalita na siya.“Ngayon lang, pinatay ni Harvey ang Rakshasa Monks at nilumpo niya ang expert ng Abito Way!“Maging ang Shindan Way at Tsuchimikado Family ay natalo…“Nabigo si Nameless!“Minaliit natin ang live-in son-in-law!”Napatayo sa gulat si Kensley at Maisie.Maging si Blaine ay kusang napaupo nang diretso nang nakakunot ang noo.…Kinabukasan, lumabas si Harvey para bilhin ang paboritong almusal ni Mandy. Pagkatapos, nagprito siya ng ilang itlog sa kusina habang humuhuni.Pagkatapos ng isang buong gabing pahinga, masigla si Mandy.Kinain ng dalawa ang kanilang almusal. Naalala ni Harvey na pabalik na sila Lilian kaya gusto niyang umalis bago sila dumating.Kung hindi, magkakaroon na naman ng malaking gulo.Nilasap ni Harvey ang ilang araw na mapayapa at tahimik. Ayaw talagang m
”Anong klaseng tao sa tingin mo ang kaibigan ng nanay ko?“Kung tama ang hula ko, ang pupunta siguro ay si Aunt Wilby.“Taga Mordu siya. Hindi siya masyadong asensado, pero salungat nito ang kayabangan niya. Parehong-pareho sila ng nanay ko!“Kapag nadala siya dito ng nanay ko, edi…”Nang maisip ang problema ni Mandy, nagsimulang sumakit ang ulo ni Harvey.Bukod sa lahat, ang relasyon ni Aunt Witby kay Lilian ay sapat na para ipakita kung gaano siya kagaling.Hindi mapigilang manginig ni Harvey nang maisip niyang nagtatalo ang dalawa.Hindi na dapat siya magtagal pa dito. Magdudusa siya kapag nanatili pa siya dito.Napagpasyahan niyang umalis sa sandaling matapos kumain si Mandy.Para naman sa Ostrane One, ayos lang sa kanyang manuluyan dito si Lilian.Pagmamay-ari naman na ni Mandy ang lugar na ito—kanya na ‘yun. May karapatan siyang magpasya kung paano niya ito gagamitin.Tatakas na sana si Harvey pagkatapos kumain.Sa sandaling iyon, bigla na namang tumunog ang phone ni
Sa gilid ng pasilyo, maraming tao ang nagtipon-tipon. Namumula ang kanilang mga mata.Matatangkad at malakas sila; ang ilan sa kanila ay may nakakatakot na mga tattoo.Tiningnan nila si Maya at ang iba nang masama. Kahit na ordinaryo silang manamit, mukha silang mga sanggano sa mata nila Maya.Nagdasal sila Maya at ang mga executive na magiging maayos ang sitwasyon sa emergency room. Kung hindi, magagalit ang mga sanggano at gagawing impyerno ang buhay nila.“Anong nangyari dito? Bakit siya sugatan sa emergency room?”Maririnig ang tunog ng mga takong. Isang babaeng may magandang damit na may bag na Chanel ang lumapit.Ang kanyang mahabang binti, na nababalot ng itim na stockings, at kaakit-akit. Kayang patumbahin ng magandang mukha niya ang mga sibilisasyon.Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Mandy mismo.Si Harvey, na nanatiling tahimik, ay nakasunod sa likod.Kumunot ang noo niya habang nakatingin siya sa paligid niya, tapos kusang napatingin sa kanyang compass. Mukhang
Natulala si Mandy. “Mag-usap? Tungkol saan?”“Tungkol saan?” kusang huminto ang lalaki, tapos sinigawan ang mga tao.“Pakinggan mo ito! Ano itong tono na ito?“Habang nagtatrabaho para sa kompanya, naaksidente ang tatay ko at dinala siya sa emergency room!“Nandito kami kinakausap siya tungkol sa bayad-pinsala, pero nagmamaang-maangan siya!“Mga langgam lang ba kaming mga manggagawa sa inyong mga kapitalista? “Wala ba kaming karapatang magsalita pagkatapos kaming masaktan para sa inyo?“Hindi niyo man lang kami kakausapin? Hindi ba kami tao para sa inyo?“Tatawag kami ng pulis para dito! Idadamay rin namin ang gobyerno!“Gusto naming malugi ang buong kumpanya mo!”Tiningnan ng mga pasyente at ng pamilya nila sa malapit sila Mandy nang nagtataka. Nagkaroon ng ideya ang iba sa nangyayari, at nagsimulang mag-usap-usap.Inilabas pa ng iba ang kanilang phone para kumuha ng larawan. Higit sa lahat, walang-dudang magiging malaking balita ang kaguluhang ito.Kumunot ang noo ni Har
“Tama! Si Mr. Lee ang haligi ng pamilya namin! Umaasa kaming lahat sa kanya para mabuhay!“Sa tingin mo makakatakas ka sa tatlompung libo lang? Anong iniisip mo?!“Sinasabi ko sa'yo! Masama ang lagay ni Mr. Lee ngayon!“Kung hindi siya nasaktan, sana nakapagpatuloy pa siyang magtrabaho nang tatlompung taon pa! Sa tingin mo makakalampas ka nang hindi nagbabayad para doon?”Walang nasabi si Mandy. Ito ang unang beses niyang makakita ng taong ganito kahirap pakiusapan. Hindi na napigilan ng isang higher-up na pigilan ang galit niya at sumigaw, “Animnaput tatlong taon na si Mr. Lee! Kahit na sa regulasyon ng bansa natin, makakapagtrabaho lang siya hanggang sa umabot siya ng animnaput limang taon. Kapag nangyari yun, magreretiro siya! Hindi niya man lang magawang magtrabaho ng tatlompung taon pa!”Pak!“Tumigil ka sa kadadada!”Humakbang paharap ang lalaki at sinampal ang higher-up hanggang sa matumba. “Ano bang pakialam mo?!“Sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas ng loob mong maki
Nanigas ang lalaki; naningkit ang mga mata niya habang tinitigan niya si Harvey. “Ano? Sinusubukan mo bang iligtas ang babaeng ito? Sino ka ba? Sabihin mo sa'kin ang pangalan mo!” sigaw niya habang mapagbantang pinatunog ang leeg niya. “Tignan natin kung may karapatan kang makialam!”“Ako ang asawa ni Mandy,” sagot ni Harvey. “Asawa?”Nanigas na naman ang lalaki, pagkatapos ay nagpakita ng makahulugang ekspresyon. “Alam ko na! Ikaw ang maalamat na live-in son-in-law!“Narinig kong hindi mo pa nahawakan ang kamay ng asawa mo pagkatapos ikasal nang tatlong taon!“Iuntog mo na lang ang ulo mo sa lapag sa pagiging ganitong klase ng lalaki!“Binibigyan mo ko ng isa pang pagkakataon? May karapatan ka ba? Nararapat ka ba?”Dumura ang lalaki sa lapag. “Tara pala, basura ka! Bibigyan rin kita ng pagkakataon! Palalampasin kita kapag dinilaan mo to!“Kung hindi, magbabayad ka!“Gusto ko ang asawa mo para bayaran ang buhay ng tatay ko!”Kumaway ang lalaki at humakbang paharap ang
Nag-alala si Mandy. Kung alam niya lang na mangyayari ito, hindi niya na sana sinama si Harvey. Nang walang pagdadalawang-isip, mabilis siyang tumakbo at hinawakan ang kamay ni Harvey. “Kalimutan mo na yan, Harvey. Itayo mo siya at humingi ka ng tawad sa kanya. Magbabayad lang naman tayo nang medyo mas malaki.”Tumawa nang malakas ang lalaki. “Hindi sapat ang pera, ganda!“Narinig kong may kapatid ka rin! Iba na ang mga kondisyon ngayon!“Gusto kong nasa kama ko kayo ng kapatid mo nang isang buwan! Kung hindi…”Krak!Kaagad na binasag ni Harvey ang pulso ng lalaki sa pamamagitan ng pag-apak dito. Narinig ang isang malakas na lagatok; gumulong sa lapag ang lalaki at tumili nang parang kinakatay na baboy. Nanahimik ang buong lugar sa nakakatakot na eksena. Walang nag-akalang ganito kapusok si Harvey. Naging pag-atake kaagad ang insidente. Makukulong si Harvey habangbuhay kapag hindi siya nag-ingat. Malamang na magbabayad nang malaki si Mandy at ang Zimmer Enterpris