Sa gilid ng pasilyo, maraming tao ang nagtipon-tipon. Namumula ang kanilang mga mata.Matatangkad at malakas sila; ang ilan sa kanila ay may nakakatakot na mga tattoo.Tiningnan nila si Maya at ang iba nang masama. Kahit na ordinaryo silang manamit, mukha silang mga sanggano sa mata nila Maya.Nagdasal sila Maya at ang mga executive na magiging maayos ang sitwasyon sa emergency room. Kung hindi, magagalit ang mga sanggano at gagawing impyerno ang buhay nila.“Anong nangyari dito? Bakit siya sugatan sa emergency room?”Maririnig ang tunog ng mga takong. Isang babaeng may magandang damit na may bag na Chanel ang lumapit.Ang kanyang mahabang binti, na nababalot ng itim na stockings, at kaakit-akit. Kayang patumbahin ng magandang mukha niya ang mga sibilisasyon.Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Mandy mismo.Si Harvey, na nanatiling tahimik, ay nakasunod sa likod.Kumunot ang noo niya habang nakatingin siya sa paligid niya, tapos kusang napatingin sa kanyang compass. Mukhang
Natulala si Mandy. “Mag-usap? Tungkol saan?”“Tungkol saan?” kusang huminto ang lalaki, tapos sinigawan ang mga tao.“Pakinggan mo ito! Ano itong tono na ito?“Habang nagtatrabaho para sa kompanya, naaksidente ang tatay ko at dinala siya sa emergency room!“Nandito kami kinakausap siya tungkol sa bayad-pinsala, pero nagmamaang-maangan siya!“Mga langgam lang ba kaming mga manggagawa sa inyong mga kapitalista? “Wala ba kaming karapatang magsalita pagkatapos kaming masaktan para sa inyo?“Hindi niyo man lang kami kakausapin? Hindi ba kami tao para sa inyo?“Tatawag kami ng pulis para dito! Idadamay rin namin ang gobyerno!“Gusto naming malugi ang buong kumpanya mo!”Tiningnan ng mga pasyente at ng pamilya nila sa malapit sila Mandy nang nagtataka. Nagkaroon ng ideya ang iba sa nangyayari, at nagsimulang mag-usap-usap.Inilabas pa ng iba ang kanilang phone para kumuha ng larawan. Higit sa lahat, walang-dudang magiging malaking balita ang kaguluhang ito.Kumunot ang noo ni Har
“Tama! Si Mr. Lee ang haligi ng pamilya namin! Umaasa kaming lahat sa kanya para mabuhay!“Sa tingin mo makakatakas ka sa tatlompung libo lang? Anong iniisip mo?!“Sinasabi ko sa'yo! Masama ang lagay ni Mr. Lee ngayon!“Kung hindi siya nasaktan, sana nakapagpatuloy pa siyang magtrabaho nang tatlompung taon pa! Sa tingin mo makakalampas ka nang hindi nagbabayad para doon?”Walang nasabi si Mandy. Ito ang unang beses niyang makakita ng taong ganito kahirap pakiusapan. Hindi na napigilan ng isang higher-up na pigilan ang galit niya at sumigaw, “Animnaput tatlong taon na si Mr. Lee! Kahit na sa regulasyon ng bansa natin, makakapagtrabaho lang siya hanggang sa umabot siya ng animnaput limang taon. Kapag nangyari yun, magreretiro siya! Hindi niya man lang magawang magtrabaho ng tatlompung taon pa!”Pak!“Tumigil ka sa kadadada!”Humakbang paharap ang lalaki at sinampal ang higher-up hanggang sa matumba. “Ano bang pakialam mo?!“Sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas ng loob mong maki
Nanigas ang lalaki; naningkit ang mga mata niya habang tinitigan niya si Harvey. “Ano? Sinusubukan mo bang iligtas ang babaeng ito? Sino ka ba? Sabihin mo sa'kin ang pangalan mo!” sigaw niya habang mapagbantang pinatunog ang leeg niya. “Tignan natin kung may karapatan kang makialam!”“Ako ang asawa ni Mandy,” sagot ni Harvey. “Asawa?”Nanigas na naman ang lalaki, pagkatapos ay nagpakita ng makahulugang ekspresyon. “Alam ko na! Ikaw ang maalamat na live-in son-in-law!“Narinig kong hindi mo pa nahawakan ang kamay ng asawa mo pagkatapos ikasal nang tatlong taon!“Iuntog mo na lang ang ulo mo sa lapag sa pagiging ganitong klase ng lalaki!“Binibigyan mo ko ng isa pang pagkakataon? May karapatan ka ba? Nararapat ka ba?”Dumura ang lalaki sa lapag. “Tara pala, basura ka! Bibigyan rin kita ng pagkakataon! Palalampasin kita kapag dinilaan mo to!“Kung hindi, magbabayad ka!“Gusto ko ang asawa mo para bayaran ang buhay ng tatay ko!”Kumaway ang lalaki at humakbang paharap ang
Nag-alala si Mandy. Kung alam niya lang na mangyayari ito, hindi niya na sana sinama si Harvey. Nang walang pagdadalawang-isip, mabilis siyang tumakbo at hinawakan ang kamay ni Harvey. “Kalimutan mo na yan, Harvey. Itayo mo siya at humingi ka ng tawad sa kanya. Magbabayad lang naman tayo nang medyo mas malaki.”Tumawa nang malakas ang lalaki. “Hindi sapat ang pera, ganda!“Narinig kong may kapatid ka rin! Iba na ang mga kondisyon ngayon!“Gusto kong nasa kama ko kayo ng kapatid mo nang isang buwan! Kung hindi…”Krak!Kaagad na binasag ni Harvey ang pulso ng lalaki sa pamamagitan ng pag-apak dito. Narinig ang isang malakas na lagatok; gumulong sa lapag ang lalaki at tumili nang parang kinakatay na baboy. Nanahimik ang buong lugar sa nakakatakot na eksena. Walang nag-akalang ganito kapusok si Harvey. Naging pag-atake kaagad ang insidente. Makukulong si Harvey habangbuhay kapag hindi siya nag-ingat. Malamang na magbabayad nang malaki si Mandy at ang Zimmer Enterpris
Bago nakapagsalita si Harvey, ginatungan na ng lalaki ang apoy. “Siya ang may gawa nito, Inspector Braff!“Nanghihingi lang ako ng makatwirang danyos para sa pagkamatay ng tatay ko!“Ang sama na ngang hindi siya nagbabayad! Sinampal niya pa ako at binali ang kamay ko!“Sabi niya sa kanya raw ang lungsod!“Kailangan mong tulungan kaming mga pangkaraniwang mamamayan, Inspector Braff!“Umaasa kami sa'yo!“Lalo na't ikaw ang buhay na alamat namin!”Pagkatapos marinig ang manipuladong katotohanan ng lalaki, nagdilim ang mukha ni Inspector Braff. Naningkit ang mga mata niya kay Harvey. “Gangster ka ba, bata? Ang yabang mo, ha?“Ang lakas ng loob mong atakihin at saktan ang lalaking to! Makukulong ka nang hindi kumulang sa tatlong taon sa kahit na alin sa mga kasong ito!“Nasa ospital ka ngayon! Tiyak na madadagdagan ang sentensya mo dahil dito!“Dahil doon, sisiguraduhin kong magsasalita ako para sa'yo kapag tinigil mo to ngayon din.”Kumuha si Inspector Braff ng isang pares n
Sumimangot si Inspector Braff, pagkatapos ay iwinagayway ang kanyang kamay. Ang isa pang inspektor ay nag-jogged upang suriin ang footage ng pagbabantay sa lalong madaling panahon pagkatapos.Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik siya na may nakakatakot na ekspresyon at may ibinulong sa tainga ni Inspector Braff.Pinag-isipan ni Inspector Braff ang sitwasyon bago bumuntong-hininga."Gusto ko talagang maniwala sayo anak...“Pero nakakahiya. Walang nagawa ang footage para makatulong."Wala kang pruweba."I'm sorry, pero kailangan mong sumama sa amin!"Nagbago ang ekspresyon ni Mandy matapos marinig ang mga salitang iyon.“Inspector Braff! Mapapatunayan kong totoo ang sinabi ni Harvey!"Hindi lamang si Mr. Lee ay humingi ng labinlimang milyong dolyar na halaga ng kabayaran, hiniling pa niya sa akin na matulog sa kanya ng isang gabi..."Pulang-pula ang mukha ni Mandy, ngunit ipinaliwanag pa rin niya ang sitwasyon para sa kapakanan ni Harvey.“Si Harvey ang tumayo para sa akin. Dap
"Siya iyon," sagot ni Harvey."Kung hindi siya sapat, kung ganun tawagan mo si Watson."Kung hindi siya sapat, kung ganun tawagan mo si Eliel."Sigurado akong magagarantiyahan nila na hindi ako gagawa ng anumang bagay na walang ingat o lalaban sa pag-aresto sa anumang paraan."Ano sa tingin mo?"Nagkibit balikat si Harvey.Si Inspector Braff at ang iba pang mga inspektor ay mukhang nabigla. Hindi nila akalain na pangalanan lang ni Harvey ang tatlong tao na madaling supilin ng ganoon. Alam ni Inspector Braff na may malalim na koneksyon si Harvey sa mga taong pinangalanan niya nang hindi man lang tumawag sa telepono.“Ano? Hindi mo dinala phone mo?"Ngumiti si Harvey at kinuha ang phone niya."Bakit hindi ka nakikinig dito?"Pak!Huminga ng malalim si Inspector Braff bago humakbang at hinampas ang telepono mula sa kamay ni Harvey."Wala akong pakialam kung sino ka, at wala akong pakialam kung sino ang sumusuporta sa iyo!“Pero ako mismo ang huhulihin sa hari kung kailangan