Swoosh, swoosh, swoosh!Sumugod paharap ang mga poste.Kalmadong naglakad paharap si Harvey para ieasan ang atake.“Mukhang ang tinatawag mong Yin-Yang Technique ay di naman ganun kaganda,” sinabi niya habang lumilipad patungo sa kanya ang mga poste ng liwanag.‘Talagang mahilig sa kakaibang bagay ang mga taong ito. Mukhang maganda ang atake, pero hindi talaga praktikal.‘Matatakot nito ang ilang bata, pero wala itong kwenta sa isang tunay na eksperto.’“Simula pa lang ito Sir York.”Ngumiti si Soraru.“Magsisimula pa lang ang palabas.”Maraming nga onmyouji ang lumabas sa sulok. Mga papel na may nakangiti at umiiyak na mukha ang nasa papel sa kanilang mukha. Gumegewang minsan ang mga papel, makikita ang mapuputlang mukha sa ilalim.Ang isang mahiyaing tao ay mataatakot na sana nang ilang beses at nawalan na ng ganang lumaban.Naningkit ang mata ni Harvey.“Ang Spirit Bind?“Sabay-sabay niyo pala akong atakihin.”Anng Spirit Bind ay isa sa mga atake ng onmyouji.Ang mga
”God of War?! Paano nangyari ‘yan?”Nagbago nang husto ang mukha ni Soraru.Biglang napagtanto ng isang bihasang taong tulad niya ang tunay na lakas ni Harvey.‘Isang God of War! Paano? Paano nangyari ‘yan?!’Hindi lang si Soraru, maging ang henyong tagapagmana ng Tsuchimikado family ay walang karapatang kalabanin si Harvey!Ang Spirit Bind at mga Shikigami ay balewala sa isang God of War na tulad niya!Kumirott nang husto ang mga mata ni Soraru at kusa siyang napaatras.“Magaling, Sir York!” sigaw niya, pinipilit ang kanyang sarili na ngumiti. “Susuko na ako sa ngayon! Pero bago ‘yan, may isa akong kondisyon!”Gumamit ng hand sign si Soraru; ang walong liwanag ay naging isang sibat, at sumugod kay Mandy. Kasabay nito, kinumpas niya ang kanyang kamay; tumalon paharap ang mga Spirit Corpse bago sumabog.Pagkatapos ay umalis siya sa lugar nang hindi nagsasayang ng oras. Siguradong wala nang magagawa ang dalawang panig kundi magpatayan sa puntong ito.Hindi siya basta pakakawala
Nagamot ang mga sugat ni Mandy sa ospital. Buti na lang hindi siya napuruhan sa loob, kaya hindi niya kailangang manatili sa isang ward.Kaagad na bumalik ang dalawa sa Zimmer family villa pagkatapos.Para kay Mandy, pinaalis muna ni Harvey sila Lilian. Walang kahit isang tao ang makikita sa ilalim ng mga liwanag.Sinabihan ni Mandy si Harvey na maging komportable. Samantala, naligo siya habang tinitiis ang sakit.Isa itong nakakahiyang karanasan para sa kanya. Gusto niyang linisin ang malas sa katawan niya.Kasabay nito, hindi na masyadong magiging nakakailang para sa kanila ni Harvey.Hindi nagsalita si Harvey dahil alam niya kung anong gusto nito. Tumayo siya nang tahimik sa harap ng pinto habang naghihintay.Pinakalma niya ang sarili niya para ihanda ang kanyang sarili para sa paparating na mga tanong. Gusto niya ring masiguro na ligtas si Mandy.Mapapatay sila Nameless at Soraru, pero tingin ni Harvey hindi titigil si Faceless, ang Evermore, o ang Abito Way.Atsaka, ang m
Ang lakas ng kabog ng puso ni Mandy.Hindi niya alam kung maituturing bang imbitasyon kay Harvey ang sinabi niya. Kapag talagang nangyari iyon, hindi niya alam kung tatanggihan niya ba ito o hindi.Sa loob niya, nag-aalinlangan siya.Higit sa lahat, hiwalay na silang dalawa. Dahil dito, may mga bagay na sadyang hindi nila pwedeng gawin.Pero hindi ito masyadong inisip ni Harvey.“Sige. Huwag kang mag-alala,” nakangiti niyang sinabi. “Doon lang ako sa sala. Tawagin mo ako kapag may nangyari.”Dahan-dahang sinara ni Harvey ang pinto bago umupo sa sala. Sa sandaling tingnan niya ang kanyang phone, binasa niya ang mga mensahe ni Kairi.Hindi niya napagtanto na nakikita ni Mandy ang mga mensaheng ito mula sa surveillance camera ng kanyang kompyuter.“Kairi?!”Nanigas si Mandy; hindi niya alam ang mararamdaman niya.Hindi siya sigurado kung nagseselos ba siya o nag-aalala, pero natukoy niya na kinakausap siguro ni Harvey si Kairi tungkol sa nangyari sa gabing iyon.Kapag tinanong
Kalmadong ngumiti si Vaughn bago ilapag ang kanyang baso.“Tama ka diyan. Kikilos na sila ngayon.“Nakita ko na ang plano ni Nameless. Perpekto Sa ganitong paghahanda, sigurado akong kahit sampung Harvey ag hindi makakapalag sa mga ekperto ng Shindan Wag at ng Tsuchimikado Family.”Ngumiti si Vaughn.May malalakas na mga lalaki si Nameless na nagtatrabaho para sa kanya; bukod pa rito; isang misteryosong onmyoji mula sa Island Nations at ang God of War ng India ay sumusuporta rin sa kanya.Kahit gaano pa kagaling si Harvey, anong magagawa niya diyan? Kahit sino ay mamamatay sa harap ng isang God of War!“Heh, heh, heh! Sinasabi mo bang siguradong patay na si Harvey?”Nasabik si Maisie.“Matagal ko nang ayaw ang taong ‘yun mula pa noong makita ko siya! May aura siya na kinamumuhian ko!“Isa lang siyang hampaslupa, pero hindi niya alam kung paano magpakumbaba! Hindi niya napapansin na hindi niya kayang kalabanin l, kahit na lumaban pa siya sa walong magkakaibang buhay!“Ang la
”Ano? May nangyari ba?”Si Maisie, na kanina pang kaswal, ay may napansin nang makita ang mukha ni Vaughn.Dahan-dahang inilapag ni Vaughn ang kanyang phone. Makalipas ang isang saglit, nagsalita na siya.“Ngayon lang, pinatay ni Harvey ang Rakshasa Monks at nilumpo niya ang expert ng Abito Way!“Maging ang Shindan Way at Tsuchimikado Family ay natalo…“Nabigo si Nameless!“Minaliit natin ang live-in son-in-law!”Napatayo sa gulat si Kensley at Maisie.Maging si Blaine ay kusang napaupo nang diretso nang nakakunot ang noo.…Kinabukasan, lumabas si Harvey para bilhin ang paboritong almusal ni Mandy. Pagkatapos, nagprito siya ng ilang itlog sa kusina habang humuhuni.Pagkatapos ng isang buong gabing pahinga, masigla si Mandy.Kinain ng dalawa ang kanilang almusal. Naalala ni Harvey na pabalik na sila Lilian kaya gusto niyang umalis bago sila dumating.Kung hindi, magkakaroon na naman ng malaking gulo.Nilasap ni Harvey ang ilang araw na mapayapa at tahimik. Ayaw talagang m
”Anong klaseng tao sa tingin mo ang kaibigan ng nanay ko?“Kung tama ang hula ko, ang pupunta siguro ay si Aunt Wilby.“Taga Mordu siya. Hindi siya masyadong asensado, pero salungat nito ang kayabangan niya. Parehong-pareho sila ng nanay ko!“Kapag nadala siya dito ng nanay ko, edi…”Nang maisip ang problema ni Mandy, nagsimulang sumakit ang ulo ni Harvey.Bukod sa lahat, ang relasyon ni Aunt Witby kay Lilian ay sapat na para ipakita kung gaano siya kagaling.Hindi mapigilang manginig ni Harvey nang maisip niyang nagtatalo ang dalawa.Hindi na dapat siya magtagal pa dito. Magdudusa siya kapag nanatili pa siya dito.Napagpasyahan niyang umalis sa sandaling matapos kumain si Mandy.Para naman sa Ostrane One, ayos lang sa kanyang manuluyan dito si Lilian.Pagmamay-ari naman na ni Mandy ang lugar na ito—kanya na ‘yun. May karapatan siyang magpasya kung paano niya ito gagamitin.Tatakas na sana si Harvey pagkatapos kumain.Sa sandaling iyon, bigla na namang tumunog ang phone ni
Sa gilid ng pasilyo, maraming tao ang nagtipon-tipon. Namumula ang kanilang mga mata.Matatangkad at malakas sila; ang ilan sa kanila ay may nakakatakot na mga tattoo.Tiningnan nila si Maya at ang iba nang masama. Kahit na ordinaryo silang manamit, mukha silang mga sanggano sa mata nila Maya.Nagdasal sila Maya at ang mga executive na magiging maayos ang sitwasyon sa emergency room. Kung hindi, magagalit ang mga sanggano at gagawing impyerno ang buhay nila.“Anong nangyari dito? Bakit siya sugatan sa emergency room?”Maririnig ang tunog ng mga takong. Isang babaeng may magandang damit na may bag na Chanel ang lumapit.Ang kanyang mahabang binti, na nababalot ng itim na stockings, at kaakit-akit. Kayang patumbahin ng magandang mukha niya ang mga sibilisasyon.Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Mandy mismo.Si Harvey, na nanatiling tahimik, ay nakasunod sa likod.Kumunot ang noo niya habang nakatingin siya sa paligid niya, tapos kusang napatingin sa kanyang compass. Mukhang