Sa kabilang linya ng phone, nanigas si Sakura. Pagkatapos, tumawa siya.Medyo kakaiba ang tawa niya, para bang sinasapian siya ng isang demonyo mula sa impiyerno.Nagsimulang kabahan si Nameless.“Hindi mo ba ako naiintindihan?! Dalhin mo na siya dito!”“Pasensya na, Young Master Nameless.”Malamig at mapaglaro ang tono ni Sakura.Tatapusin na ng Shindan Way at ng Tsuchimikado Family ang pakikipagkooperasyon sa Evermore dito. Hindi namin pakakawalan si Mandy. Good luck!”Beep, beep, beep!Namutla ang mukha ni Nameless. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang phone.Inabandona nila siya!Siya ang young master ng Faceless Group at isang miyembro ng Evermore, ngunit ganun nila siya kadaling iniwan sa ere.Lumamig ang mga mata ni Harvey.Ang Shindan Way at ang Tsuchimikado Family ay pareho niyang nakaharap noon sa Mordu.Hindi niya inasahan na mangangahas pa rin silang gumawa ng gulo pagkatapos mawala sa kanila si Akio.Natatandaan din niya na pinatay niya si Sakura…Subalit,
Sa mga sandaling ito mismo, isa-isang sumindi ang mga kandila sa madilim na shrine.Isang nakaunipormeng onmyouji ang dahan-dahang tumayo.Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa shrine. Maririnig ang mga nakakapangilabot na alulong mula sa likod niya habang naglalakad siya.Hindi mapigilang manginig ng mga walang awang eksperto mula sa Island Nations nang makita nila ito. Habang nakatingin sila sa lalaki, tila takot na takot sila.“Hindi mahinahon ang puso mo, Sakura. Magagambala ang multong nasa loob mo. Magagalit ito, dahilan upang mawalan ka ng kontrol at lalamunin ka nito ng tuluyan.“Ibinigay ko sayo ang Talisman Spirit ng Tsuchimikado Family hindi para lamunin ka nito ng buo.“Naiintindihan mo ba?”Naalala ni Sakura ang isang hindi kanais-nais na pangyayari, at agad siyang nanginig sa takot.“Oo, Young Master Soraru! Ang Tsuchimikado Family ang nagbigay sa’kin ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.“Kokontrolin ko ng maayos ang sarili ko! Hindi ako lalamunin ng Talisman
“Harvey?!”Nang makita niya ang lalaki sa driver’s seat, nagngitngit ang mga ngipin ni Sakura, lumamig ang kanyang ekspresyon.Hiding-hindi niya makakalimutan ang pigurang iyon.Si Harvey ang sumira sa buong plano ng Shindan Way sa Mordu. Ang kanyang guro, si Akio Yashiro, ay namatay din sa mga kamay niya.Muntik na siyang hindi makaligtas, ngunit ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya pagpipira-pirasuhin si Harvey.Para lang doon, naghanda siya ng maraming tauhan.Masyadong matindi ang trauma na ibinigay sa kanya ni Harvey!Hindi pinansin ni Harvey si Sakura. Noong nakita niya ang walang malay na katawan ni Mandy, sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag.Ngayong nasiguro na niyang ligtas si Mandy, hindi na siya nag-aalala.“Pakawalan niyo si Mandy, at hindi kita sasaktan,” sabi ni Harvey, habang nakatingin ng matalim kay Sakura. Naging mabuti na siya sa kanila sa lagay na ito.“Pakawalan siya? Nababaliw ka na ba?”Sa wakas ay nahimasmasan na si Sakura. Hinila niya n
Gusto ng lahat na pabagsakin si Harvey at kunin ang gantimpala.Subalit, walang sinuman sa kanila ang gustong mamatay. Kung patay na sila, katapusan na ng lahat.Agad na lumihis ng tingin ang mga eksperto na sumisigaw kanina, natatakot sila na maging susunod na biktima ni Harvey.Swoosh!Habang nagkakagulo ang mga Islander, sinipa ni Harvey ang pinto ng kotse at bumaba siya. Mabilis niyang nilapitan ang mga Islander.“Sige na! Sabay-sabay tayo!” Sumigaw ang pinuno ng grupo, habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Sumugod siya kay Harvey dala ang isang long sword.Clack!Pumalakpak si Harvey at binali niya ang espada ng lalaki, at isinaksak ito sa kanyang lalamunan.Nagkalat ang dugo sa buong paligid, ngunit walang pakialam doon si Harvey. Mabilis niyang kinuha ang isang patalim mula sa lalaki at hinagis niya ito.Hindi nagkaroon ng oras para umiwas ang dalawang eksperto na may hawak na Rainstorm Needles; bumagsak sila sa lupa at naparalisa, habang hawak ang kanilang mga
Slap!Walang bahalang sinampal ni Harvey ang isa pang eksperto na may hawak na espada. Pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang ilang tissue bago tingnan si Sakura.“Walang magagawa sa akin ‘yang matumal mong martial arts.“Pakawalan mo siya, tapos baliin mo ang kamay mo. Pakakawalan kita kapag ginawa mo ‘yan.“Kung hindi, mamatay ka na.”Nang marinig ang mga salitang iyon I think at makita ang kalmadong mukha ni Harvey, pakiramdam ng mga eksperto ng Shindan Way na nakabalik na sila ng Mordu.Noon, galit sila at walang magawa noong kinalaban nila si Harvey. Wala silang magawa kundi umalis ng siyudad.At sa gabing iyon, ganito rin ang nangyayari.Napuno ng kagipitan ang mga eksperto. Tingin nila hindi nila kayang pumalag man lang.Gusto talagang pinutin ng mga Islander si Harvey sa kahit anong paraan na kaya nila…Ngunit pagkatapos kumalma, naunawaan nila. Kahit na sabay-sabay nilang atakihin si Harvey, wala pa rin silang laban dito.Dahan-dahang lumapit
Pak!“Manahimik ka, bruha ka!”Sinampal nang malakas ni Sakura si Mandy aa mukha, pinipigilan siyang magsalita.Sumama ang mukha ni Harvey nang makita niya ito. “Sabihin mo lang kung gusto mong mamatay! Walang pumipigil sa’yo!”“Ano naman kung sampalin ko ulit siya, Harvey?”Natawa si Sakura “Tama na ‘to! Sabihin mo lang sa akin kung payag ka ba o hindi!“Buhay ni Nameless para sa buhay ng asawa mo! Hindi ka pwedeng matalo nang ganito, diba?“Pareho tayong makikinabang dito!“Pero kapag tinanggihan mo ako, ang unang gagawin ko kapag naghiwalay tayo ng landas ay humanap ng paraan para patayin ang asawa mo!”Naningkit sandali ang mata ni Harvey.“Sige. May kasunduan na tayo. Paano natin ito gagawin?”Natulala si Sakura. Hindi niya inaakalang ganito kadaling papayag si Harvey.Umirap siya bago magsalita ulit.“Nagbago na ang isip ko!“Bukod kay Nameless, kailangan mo ring baliin ang mga braso mo!“Paano kung ganito? Pakakawalan ko ang asawa mo pagkatapos niyan!“Tapos ka
”Ayos ka lang ba?”Hinawakan ni Harvey ang manipis na bewang ni Mandy pagkatapos patumbahin ang mga kalaban.Nanghina si Mandy pagkatapos marinig ang tunog ng baril sa tabi ng tainga niya.“Umalis ka dito Harvey!” sigaw niya nang makita niya ang mukha ni Harvey.“Alis!“Masama ang binabalak ng mga taong ito! Hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon kapag hindi ka umalis!“Gumagamit sila ng Shikigami!”“Tama. Umalis na tayo dito.”Sa sandaling iyon, nagkaroon ng mga poste ng liwanag sa paligid.Walo ang kabuuang bilang ng mga ilaw. Bawat isa ay puno ng matinding kagustuhang pumatay.Nakikita ni Harvey ang dugo na nagtitipon sa templo; nararamdaman niya ang kasamaan mula dito.Si Soraru na kanina pang bumubulong, ay tumayo na.Bigla niyang sinuot ang isang puting sumbrero. Lumingon siya para tingnan si Harvey nang nakangiti.“Hello, Sir York, Prince York, Representative York…”Magalang na nagsalita si Soraru, binabanggit ang mga pagkatao ni Harvey. Natural na alam niya kun
Swoosh, swoosh, swoosh!Sumugod paharap ang mga poste.Kalmadong naglakad paharap si Harvey para ieasan ang atake.“Mukhang ang tinatawag mong Yin-Yang Technique ay di naman ganun kaganda,” sinabi niya habang lumilipad patungo sa kanya ang mga poste ng liwanag.‘Talagang mahilig sa kakaibang bagay ang mga taong ito. Mukhang maganda ang atake, pero hindi talaga praktikal.‘Matatakot nito ang ilang bata, pero wala itong kwenta sa isang tunay na eksperto.’“Simula pa lang ito Sir York.”Ngumiti si Soraru.“Magsisimula pa lang ang palabas.”Maraming nga onmyouji ang lumabas sa sulok. Mga papel na may nakangiti at umiiyak na mukha ang nasa papel sa kanilang mukha. Gumegewang minsan ang mga papel, makikita ang mapuputlang mukha sa ilalim.Ang isang mahiyaing tao ay mataatakot na sana nang ilang beses at nawalan na ng ganang lumaban.Naningkit ang mata ni Harvey.“Ang Spirit Bind?“Sabay-sabay niyo pala akong atakihin.”Anng Spirit Bind ay isa sa mga atake ng onmyouji.Ang mga