“Gusto mo kong umalis?”Ininom ni Harvey ang tsaa niya nang may maliit na ngiti. “Hindi naman sa hindi kita gustong tulungan, CEO Ruiz…”“Hindi ako pwedeng umalis na ang ngayon.”“Ang lalaking to—si Idris Saban.”“Hindi lang niya sinubukang pagsamantalahan ang asawa ko, nagsimula rin siyang mambugbog ng mga tao rito.”“Ang mas mahalaga pa roon, sinabi niyang sinusuportahan siya ng Newgate Chamber of Commerce, at kukuha siya ng mga tao mula sa organisasyon para tapusin ako.”“Ngayon, hindi ko man lang kayang umalis kahit na gusto ko.”“Kahit na sabihin mong kaya kong umalis, anong mangyayari sa asawa ko?”“Hindi ko naman pwedeng hayaan si Young Master Sabah na pagsamantalahan siya ngayon, di ba?”“May tungkulin ako.”Simpleng kwinento ni Harvey ang buong sitwasyon. Kinilabutan si Idris. “Sinusuportahan siya ng organisasyon ko?” Dahan-dahan itong inulit ni Kellan. Pagkatapos, tinitigan niya nang masama si Idris; parang gusto niya siyang patayin sa tingin. “Sino ka?”“A
Nanginig ang buong katawan ni Idris nang hindi makapaniwala pagkatapos marinig ang mga salita ni Kellan. Hindi niya inakalang ang sarili niyang tatay, ang chairman ng Evergreen Capital Group, ay wala lang para kay Kellan. Sa huli, ayon lang din ito sa inasahan; nagpapatakbo sila ng pautangan para manamantala ng mga pangkaraniwang tao. Wala silang magagawa kundi lumuhod sa harapan ng mga taong kagaya ni Kellan. Kung wala ang suporta ng Jackson family, ilang beses na silang pinagtapak-tapakan ng iba. Habang hindi pinapansin si Idris, malamig na lumingon ulit si Kellan sa paligid. Napakadilim ng mukha niya. “Kakayanin ba ng walang kwentang basurang kagaya mo ang respeto ko?”Kaagad na napayuko sina Jovie at ang iba pa; gustong-gusto nilang ibaon ang mga ulo nila sa lupa sa sandaling iyon. Sapat na ang tignan si Kellan sa mata para magsanhi ng matinding takot. Sa sandaling ito, naintindihan na sa wakas ni Idris kung ano ang ibig sabihin ng kawalan ng pag-asa. Walang inte
“Pakihatid si Mandy pauwi, Mr. Burton.”Sa May pintuan, tinapik ni Harvey si Thomas na may magang-magang mukha. “Tawagan mo ko pag may kahit na anong nangyari.”“Sisiguraduhin ko yan, Brother!”Nagpakita ng natutuwang ekspresyon si Thomas bago pumayag. Pagkatapos ay tumawag siya ng ilang arkiladong bodyguard. Lalo't na't isa itong malaking bagay. Hindi rin tanga si Mandy. Pagkatapos mapansing may kailangang gawin si Harvey kay Kellan, mabilis siyang naglakad papunta sa sports car sa labas. Bago niya binuksan ang pinto ng kotse, lumingon siya kay Harvey. “Umuwi ka kaagad.”Mahinang tumango si Harvey at pinanood na umalis si Mandy sakay ng kotse. …Pagkalipas ng kalahating oras…Sa loob ng presidential box ng San Francisco Clubhouse. Pagkatapos ayusin ang trabaho niya, binuksan ni Kellan ang pinakamamahaling box para kay Harvey. Maliban sa mamahaling pagkain, nagdala pa siya ng dalawang 1982 Lafite para ipakita ang sinseridad niya. Tinitigan ni Harvey si Kellan
“Anong punto ng paghingi niyo ng tawad sa'kin?”Bahagyang ngumiti si Kellan at tumingin siya kay Harvey. “Si Sir York ang magpapasya kung papatawarin niya kayo.”“Sir York?”“Harvey York?”Malinaw na naintindihan ni Cliff ang situwasyon. Nang nakita niya ang nagsimula ng gulo na nakaupo lang habang umiinom ng tsaa, naging mabangis ang titig niya at naalala niya ang anak niyang sumisigaw sa sakit sa emergency room ng ospital. Sa kabila nito, isa siyang lalaking may maraming karanasan at mabilis siyang ngumiti nang pilit.“Sir York, patawarin mo kami! Naging ignorante kami!”“Sana'y maging mabuti kayo at palampasin niyo kami.”“Bibigyan ka namin ng fair statement tungkol sa buong sitwasyon!”Yuko nang yuko si Cliff habang nagsasalita siya—para bang hindi siya ang chairman ng isang billion-dollar company. Mabilis siyang naglabas ng isang tseke bago niya itong marespeto inilapag sa harapan ni Harvey. May pitong numerong nakasulat dito—nagkakahalaga ito ng 1.5 million dollar
Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon nang ilang sandali. “Ipakita mo sa'kin ang kutsilyo mo.”Pagkasabi niya nito, marespeto niyang nilapag ang kutsilyo sa harapan ni Harvey. Ito pa rin ang kutsilyong dala niya matagal na, pero walang kahit kaunting alikabok na nakikita rito. Kumunot ang noo ni Harvey. “Nilinis mo ba to?”Malamig na tumawa si Zarla pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon ni Harvey; para bang kumbinsido siyang tama ang lahat ng sinasabi niya. “Hindi ko gustong magtanong ang mga pulis tungkol dito, kaya nilinis ko to…” sabi ni Kellan nang may nanginginig na boses. “Tanga ka!”Bumuntong-hininga si Harvey. “Sinabi ko sa'yo na dalhin mo ang kutsilyo para pakalmahin ang masamang enerhiya sa katawan mo, o baka mapahina pa nito ito nang paunti-unti.”“Wala na tong kwenta ngayong nilinis mo to.”“Isa pa. Kung tama ang hula ko, nakakita ka ng isang taong namatay sa harapan mo kahapon lang, tama?”Nanginig sila Kellan at ang mga tauhan niya pagkatapos marin
Hindi na nakapagpigil si Zarla pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Tumawa siya, pagkatapos ay tumingin kay Harvey nang may nangmamatang ekspresyon. “The Haunt?”“Masamang enerhiya?”“Anong pinagsasabi mo?”“Sa umpisa, hindi ka namin gustong ibisto para kay CEO Ruiz, Harvey!”“Tapos, ano? Wala kang hangganan pagdating sa pagyayabang!”“Nagsasabi ka pa rin ng mga ganyang bagay sa panahong ito? Iisipin ng mga tao baliw ka!”“Tinignan ko rin ang pinagmulan mo! Isa ka lang live-in son-in-law na pinalayas sa pamilya!”“Hinding-hindi ka nakakamangha!”“Tiyak na wala kang kaalam-alam sa geomancy arts!”“Heh, heh!”“Hindi ka ibubuking ni CEO Ruiz, pero hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maloko siya!”Tumingin si Zarla kay Kellan nang may makatarungang ekspresyon. “Hindi sa gusto kitang bastusin, CEO Ruiz. Hindi ko rin intensyong gamitin ang pagkakataon ito para labanan si Harvey,” sabi niya nang may mapaglarong tono. “Isa lang akong tapat na tao. Hindi ko gusto
”Ano?!”Nagulat sila Cliff at Zarla nang makita nila ang dibdib ni Kellan.‘Paano ito nangyari?’Sumama ang mukha nila sa isang iglap.Alam nila ang ugali ni Kellan, hindi nito basta ibubunyag ng ganitong sikreto kay Harvey!‘Baka magaling nga talaga siya…’Walang balak si Kellan na bawian ang magkasintahan; nabahala siya nang sobra habang nakatingin siya kay Harvey.“Ito ‘yun, Sir York! Bakit parang iba ang pakiramdam nito?”“Akala ko nung una STD lang ‘to!”“Mabuti pa sana kung ganun lang.”Naningkit ang mata ni Harvey.“Mamamatay ka kapag nagtagpo na ang lahat ng ‘yan sa isang pwesto.”Nagtaka si Kellan.“Kung ganon, dahil dito pala kaya nangyayari sa akin ang lahat ng ‘yun?”“Naubos ang swerte mo dahil sa The Haunt,” sagot ni Harvey.“Kapag naubos na ang lahat ng ito, paglalamayan ka na namin.”“Aaah!”Napatalon sa takot si Kellan nang marinig ang sinabi ni Harvey.Kusa niyang sinubukang ipagpag ang The Haunt sa kanyang katawan, ngunit walang nangyari.Napatikom
“Wala talaga akong galing sa medisina, pero alam kong pumatay ng tao,” kalmadong sagot ni Harvey.“Gusto mo bang subukan?”“Pwede kong tapusin ang buhay mo gamit lang ang isang karayom.”Nanginig si Kellan at pinilit na ngumiti.“Nakakatawa ka, Sir York!”“Hinihintay ko pa ring iligtas mo ako…”Ayaw nang mag-abala ni Harvey na makipaglokohan. Kaagad niyang binutasan ang kanyang daliri at pinatakan niya ng dugo ang noo, dibdib, at sa paligid ng mga pulang tuldok sa dibdib ni Kellan.Hindi nagtagal, nagsimulang maglaho ang The Haunt…“Wala na! Wala na talaga!”Natutukoy ng mga tauhan ni Kellan na ang mga pulang tuldok ay unti-unting kumupas bago maglaho nang tuluyan.Sa simula ay hindi alam ni Kellan kung anong ginagawa ni Harvey…Subalit, nararamdaman niyang gumaan ang kanyang katawan; guminhawa nang sobra ang kanyang pakiramdam.Nagulat si Cliff sa kanyang nakita.Akala niya nagpapanggap lang si Harvey, kaya hindi niya inasahang siya pala ang makitid ang utak.“Napakagali