Hindi na nakapagpigil si Zarla pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Tumawa siya, pagkatapos ay tumingin kay Harvey nang may nangmamatang ekspresyon. “The Haunt?”“Masamang enerhiya?”“Anong pinagsasabi mo?”“Sa umpisa, hindi ka namin gustong ibisto para kay CEO Ruiz, Harvey!”“Tapos, ano? Wala kang hangganan pagdating sa pagyayabang!”“Nagsasabi ka pa rin ng mga ganyang bagay sa panahong ito? Iisipin ng mga tao baliw ka!”“Tinignan ko rin ang pinagmulan mo! Isa ka lang live-in son-in-law na pinalayas sa pamilya!”“Hinding-hindi ka nakakamangha!”“Tiyak na wala kang kaalam-alam sa geomancy arts!”“Heh, heh!”“Hindi ka ibubuking ni CEO Ruiz, pero hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maloko siya!”Tumingin si Zarla kay Kellan nang may makatarungang ekspresyon. “Hindi sa gusto kitang bastusin, CEO Ruiz. Hindi ko rin intensyong gamitin ang pagkakataon ito para labanan si Harvey,” sabi niya nang may mapaglarong tono. “Isa lang akong tapat na tao. Hindi ko gusto
”Ano?!”Nagulat sila Cliff at Zarla nang makita nila ang dibdib ni Kellan.‘Paano ito nangyari?’Sumama ang mukha nila sa isang iglap.Alam nila ang ugali ni Kellan, hindi nito basta ibubunyag ng ganitong sikreto kay Harvey!‘Baka magaling nga talaga siya…’Walang balak si Kellan na bawian ang magkasintahan; nabahala siya nang sobra habang nakatingin siya kay Harvey.“Ito ‘yun, Sir York! Bakit parang iba ang pakiramdam nito?”“Akala ko nung una STD lang ‘to!”“Mabuti pa sana kung ganun lang.”Naningkit ang mata ni Harvey.“Mamamatay ka kapag nagtagpo na ang lahat ng ‘yan sa isang pwesto.”Nagtaka si Kellan.“Kung ganon, dahil dito pala kaya nangyayari sa akin ang lahat ng ‘yun?”“Naubos ang swerte mo dahil sa The Haunt,” sagot ni Harvey.“Kapag naubos na ang lahat ng ito, paglalamayan ka na namin.”“Aaah!”Napatalon sa takot si Kellan nang marinig ang sinabi ni Harvey.Kusa niyang sinubukang ipagpag ang The Haunt sa kanyang katawan, ngunit walang nangyari.Napatikom
“Wala talaga akong galing sa medisina, pero alam kong pumatay ng tao,” kalmadong sagot ni Harvey.“Gusto mo bang subukan?”“Pwede kong tapusin ang buhay mo gamit lang ang isang karayom.”Nanginig si Kellan at pinilit na ngumiti.“Nakakatawa ka, Sir York!”“Hinihintay ko pa ring iligtas mo ako…”Ayaw nang mag-abala ni Harvey na makipaglokohan. Kaagad niyang binutasan ang kanyang daliri at pinatakan niya ng dugo ang noo, dibdib, at sa paligid ng mga pulang tuldok sa dibdib ni Kellan.Hindi nagtagal, nagsimulang maglaho ang The Haunt…“Wala na! Wala na talaga!”Natutukoy ng mga tauhan ni Kellan na ang mga pulang tuldok ay unti-unting kumupas bago maglaho nang tuluyan.Sa simula ay hindi alam ni Kellan kung anong ginagawa ni Harvey…Subalit, nararamdaman niyang gumaan ang kanyang katawan; guminhawa nang sobra ang kanyang pakiramdam.Nagulat si Cliff sa kanyang nakita.Akala niya nagpapanggap lang si Harvey, kaya hindi niya inasahang siya pala ang makitid ang utak.“Napakagali
Kumirot nang bahagya ang mga mata ni Cliff.“Paano mo nalaman ang lahat ng ‘yan?”“Ha?”Nanigas si Zarla.Alam niyang hindi dinadalaw ng asawa niya ang libingan ng kanyang ninuno, pero hindi niya alam na dahil pala iyon dito.“Simple lang. Isa kang malakas na tao, pero ‘yun na ‘yun. Hindi ko nararamdamang pinoprotektahan ka ng swerte ng ninuno mo.”“Kung hindi dahil sa lakas ng loob mo, maraming beses ka na sanang namatay.”“Pag-isipan mo. Maraming beses ka nang nalagay sa panganib mula noong ipanganak ang anak mo, tama?”Nagulat si Cliff nang marinig ang sinabi ni Harvey.“Ang galing mo talaga! Kaya pala ang taas ng tingin sa’yo ni CEO Ruiz,” sigaw ni Cliff.“Tama ka. Maraming beses na akong nakatakas sa kamatayan! Napuruhan ako nang malubha pero nakakaligtas pa rin ako.”“Gayunpaman, diba ibig-sabihin nito maswerte ako?”“Ang mga nakakaligtas sa malaking delubyo ay seswertehin diba?”Ngumiti si Harvey bilang tugon.“Hindi ko sigurado ‘yan, pero…”“Alam ko na ang pinaka
Nitong alas nueve ng gabi, umalis si Harvey sa San Francisco Clubhouse pagkatapos kumain. Pagkatapos, tumungo siya pabalik sa villa ng Zimmer family.Pagkatapos magtrabaho sa loob ng buong araw, ayaw niyang makasalubong si Lilian at makipag-away dito. Kaya tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto.Ngunit bago niya buksan ang pinto, narinig niya ang isang hikbi sa kwarto ni Mandy.Sa gulat niya, tinulak niya ang pinto para makita kung anong nangyayari sa loob.Kaagad na dumaan ang isang mahalimuyak na amoy.Siguro katatapos lang ni Mandy maligo. Isang tuwalyang puti ang nakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan, makikita ang manipis niyang binti. Kumirot ang mata ni Harvey sa kanyang nakita.Marami na siyang nakitang magandang babae, at bawat isa sa mga ito ay kakaiba sa sarili nitong paraan…Ngunit si Mandy pa rin ang nag-iisang kayang palaktawin ang tibok ng kanyang puso.Nararamdaman niyang umiinit ang kanyang hiningi sa sandaling ito.Kaagad niyang pinakalma ang kanya
Nginitian siya ni Harvey.“Ayos lang. Sinagip ko ang buhay niya, kaya siya ang may utang na loob sa akin.”Pagkatapos ay kaagad na iniba ni Harvey ang usapan.“Oo nga pala, bakit may problema ang funds ng branch mo ngayon?”“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”Naunawaan na ni Harvey ang sitwasyon.Walang problema sa pondo ang ika-siyam na sangay…Ngunit hindi nagustuhan ng mga elder ng Jean family ang pag-angat ni Mandy. Palihim nilang minamanipula ang pamilya at inilipat palayo ang pondo ng ika-siyam na sangay.Nahirapan ang sangay na ito pagkatapos nito.Ginawa ni Mandy ang makakaya niya para ayusin ang lahat, ngunit wala pa ring paraan para maibalanse ang lahat.Pagkatapos niyang pumunta ng Golden Sands para ayusin ang kalat ng Jean family, naging mas mabigat na ang sitwasyon kumpara sa dati.Maraming kaganapan ang dinaluhan ni Mandy; dinoble niya pa ang interes ng banko, ngunit hindi pa rin siya makapaglabas ng tatlong daang milyong dolyar nang maaga.Ito ang dahilan kung b
Kinabukasan ng umaga, bumangon si Harvey at hinila siya ni Mandy papasok ng kotse.Nagreklamo siya tungkol kay Harvey sa sandaling makapasok sila.Napag-usapan na nila ang tungkol sa pagpapakain ni Gabriel sa pamilya kahapon…Pero nahuli pa rin ng gising si Harvey.Mas maraming nakuhang impormasyon si Harvey tungkol sa sitwasyon pagpasok niya ng kotse.Maswerte si Gabriel na makahawak ng isang multi-million-dolar na proyekto. Sa madaling salita, tumaas ang katayuan niya dahil dito.Ang kanyang kapatid na si Baylor Lee, ay maayos rin ang kalagayan sa kanyang trabaho. Sa madaling salita, isa itong malaking biyaya sa kanyang pamilya.Gusto ring sumama ni Lilian at Samson, ngunit nakiusap sila na si Mandy na lang ang pumunta para sa kanila dahil may kailangan silang puntahan.Nang marinig na pupunta si Mandy, gusto ni Gabriel na pumunta rin si Harvey, sa dahilan na gusto niyang payuhan si Harvey.Ngunit alam ni Harvey na hindi ganito kabait si Gabriel.Pero wala siyang pake. Dah
”Syempre, hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala ang mga nakaupo dito!”“Isinagawa namin ng asawa ko ang kaganapang ito para pasalamatan kayong lahat.”Mukhang mapagmataas ang tatay nang tumayo ito.“Magpakabusog kayong lahat!” sigaw niya pagatapos tumawa nang malakas.“Sabihin niyo lang kung may kailangan kayo!”“Marami kaming 1982 Rieslings dito!”Tumayo rin si Gabriel.“Pa, Ma! Kayong lahat!”“Salamat sa inyong pagdalo!”“Hindi ko ito malilimutan!”“Here’s a toast!”Basta niyang nilagok ang isang baso ng alak.“Sobrang husay niyo ni Baylor! Huwag niyo kaming kakalimutan kapag sobrang yaman niyo na!”“Oo nga! Ang galing at ganito na kalaki ang nakamit niyo sa murang edad!”“Hindi naman makakakuha ng isang proyekto mula sa Evergreen Capital Group ang isang karaniwang tao!”“Ang Eclipse Studios ay may suporta rin ng Patel family. Ang galing ni Baylor at nakasundo niya ang mga ito!”“Napakagaling ng mga tao sa pamilya natin!”Napuno ng paghanga ang mga kamag-anak n