“Wag ka nang magyabang sa harapan ko, bata!”Nagngitngit ang ngipin ni Idris habang nanginig siya sa lapag. May masamang ekspresyon sa mukha niya. “Katapusan mo na!”“Sinuway mo ako, si Ms. Lee, at ang Newgate Chamber of Commerce!”“Gagawin kong impyerno ang buhay mo!”“Lalo na't may isang pagkakataon ka lang na mabuhay!”Napuno ng tuwa sina Jovie, Vienna, at ang iba pa habang matiyaga silang naghintay para lumuhod si Harvey. Klak!Samantala, hindi nagsayang ng kahit isang segundo si Harvey bago tumawag ng isang numero sa phone niya. Pagkatapos, simple niya itong ibinato kay Ms. Lee. “Dahil gusto ka ni Kellan, bibigyan kita ng isang minuto para maunawaan ang lahat.”“Pwede kang magpasya kung luluhod ka o lalabanan mo ko hanggang kamatayan pagkatapos nito.”Hinablot ni Ms. Lee ang phone ni Harvey habang mayabang na nakangisi. “Magpanggap ka lang!”“Sa tingin mo may punto talaga rito ngayon?”Simpleng umupo si Harvey sa isang upuan at nagsalin ng tsaa sa isang tasa. Hin
Hindi man lang nagtangkang lumingon si Ms. Lee pabalik. Nakaluhod siya nang diretsong-diretso ang likod niya habang walang tigil na tumutulo ang malamig na pawis niya. “Anong nangyari?”Nanlaki ang mga mata nina Jovie at Vienna at nanginig ang mga mukha nila. Hindi sila makapaniwala sa nakita nila. ‘Bakit luluhod nang ganito si Ms. Lee?’‘Lumuhod pa nga siya sa harapan ng basura, sa lahat-lahat ng tao…’Nagulat din sina Mandy, Thomas, at ang iba pa. Hindi nila alam kung ano mismong nangyari. ‘Lumuhod siya pagkatapos magmataas kanina?’Bam!Sinipa ulit ang pinto pabukas. Pagkatapos pauli-ulit na sinipa pabukas, bumagsak na sa lapag ang kawawang pinto nang may malakas na kalabog. Hindi nagtagal, isang grupo ng mababangis na lalaking nakasuit ang sumugod sa buong box. Mabangis at dominante ang mga mukha nila habang sinipa nila ang mga bodyguard ni Idris nang walang kaawa-awa. Sobra itong nakakagulat! Nanginig ang mga taong nagtipon sa pintuan para manood. Hindi ma
“Gusto mo kong umalis?”Ininom ni Harvey ang tsaa niya nang may maliit na ngiti. “Hindi naman sa hindi kita gustong tulungan, CEO Ruiz…”“Hindi ako pwedeng umalis na ang ngayon.”“Ang lalaking to—si Idris Saban.”“Hindi lang niya sinubukang pagsamantalahan ang asawa ko, nagsimula rin siyang mambugbog ng mga tao rito.”“Ang mas mahalaga pa roon, sinabi niyang sinusuportahan siya ng Newgate Chamber of Commerce, at kukuha siya ng mga tao mula sa organisasyon para tapusin ako.”“Ngayon, hindi ko man lang kayang umalis kahit na gusto ko.”“Kahit na sabihin mong kaya kong umalis, anong mangyayari sa asawa ko?”“Hindi ko naman pwedeng hayaan si Young Master Sabah na pagsamantalahan siya ngayon, di ba?”“May tungkulin ako.”Simpleng kwinento ni Harvey ang buong sitwasyon. Kinilabutan si Idris. “Sinusuportahan siya ng organisasyon ko?” Dahan-dahan itong inulit ni Kellan. Pagkatapos, tinitigan niya nang masama si Idris; parang gusto niya siyang patayin sa tingin. “Sino ka?”“A
Nanginig ang buong katawan ni Idris nang hindi makapaniwala pagkatapos marinig ang mga salita ni Kellan. Hindi niya inakalang ang sarili niyang tatay, ang chairman ng Evergreen Capital Group, ay wala lang para kay Kellan. Sa huli, ayon lang din ito sa inasahan; nagpapatakbo sila ng pautangan para manamantala ng mga pangkaraniwang tao. Wala silang magagawa kundi lumuhod sa harapan ng mga taong kagaya ni Kellan. Kung wala ang suporta ng Jackson family, ilang beses na silang pinagtapak-tapakan ng iba. Habang hindi pinapansin si Idris, malamig na lumingon ulit si Kellan sa paligid. Napakadilim ng mukha niya. “Kakayanin ba ng walang kwentang basurang kagaya mo ang respeto ko?”Kaagad na napayuko sina Jovie at ang iba pa; gustong-gusto nilang ibaon ang mga ulo nila sa lupa sa sandaling iyon. Sapat na ang tignan si Kellan sa mata para magsanhi ng matinding takot. Sa sandaling ito, naintindihan na sa wakas ni Idris kung ano ang ibig sabihin ng kawalan ng pag-asa. Walang inte
“Pakihatid si Mandy pauwi, Mr. Burton.”Sa May pintuan, tinapik ni Harvey si Thomas na may magang-magang mukha. “Tawagan mo ko pag may kahit na anong nangyari.”“Sisiguraduhin ko yan, Brother!”Nagpakita ng natutuwang ekspresyon si Thomas bago pumayag. Pagkatapos ay tumawag siya ng ilang arkiladong bodyguard. Lalo't na't isa itong malaking bagay. Hindi rin tanga si Mandy. Pagkatapos mapansing may kailangang gawin si Harvey kay Kellan, mabilis siyang naglakad papunta sa sports car sa labas. Bago niya binuksan ang pinto ng kotse, lumingon siya kay Harvey. “Umuwi ka kaagad.”Mahinang tumango si Harvey at pinanood na umalis si Mandy sakay ng kotse. …Pagkalipas ng kalahating oras…Sa loob ng presidential box ng San Francisco Clubhouse. Pagkatapos ayusin ang trabaho niya, binuksan ni Kellan ang pinakamamahaling box para kay Harvey. Maliban sa mamahaling pagkain, nagdala pa siya ng dalawang 1982 Lafite para ipakita ang sinseridad niya. Tinitigan ni Harvey si Kellan
“Anong punto ng paghingi niyo ng tawad sa'kin?”Bahagyang ngumiti si Kellan at tumingin siya kay Harvey. “Si Sir York ang magpapasya kung papatawarin niya kayo.”“Sir York?”“Harvey York?”Malinaw na naintindihan ni Cliff ang situwasyon. Nang nakita niya ang nagsimula ng gulo na nakaupo lang habang umiinom ng tsaa, naging mabangis ang titig niya at naalala niya ang anak niyang sumisigaw sa sakit sa emergency room ng ospital. Sa kabila nito, isa siyang lalaking may maraming karanasan at mabilis siyang ngumiti nang pilit.“Sir York, patawarin mo kami! Naging ignorante kami!”“Sana'y maging mabuti kayo at palampasin niyo kami.”“Bibigyan ka namin ng fair statement tungkol sa buong sitwasyon!”Yuko nang yuko si Cliff habang nagsasalita siya—para bang hindi siya ang chairman ng isang billion-dollar company. Mabilis siyang naglabas ng isang tseke bago niya itong marespeto inilapag sa harapan ni Harvey. May pitong numerong nakasulat dito—nagkakahalaga ito ng 1.5 million dollar
Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon nang ilang sandali. “Ipakita mo sa'kin ang kutsilyo mo.”Pagkasabi niya nito, marespeto niyang nilapag ang kutsilyo sa harapan ni Harvey. Ito pa rin ang kutsilyong dala niya matagal na, pero walang kahit kaunting alikabok na nakikita rito. Kumunot ang noo ni Harvey. “Nilinis mo ba to?”Malamig na tumawa si Zarla pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon ni Harvey; para bang kumbinsido siyang tama ang lahat ng sinasabi niya. “Hindi ko gustong magtanong ang mga pulis tungkol dito, kaya nilinis ko to…” sabi ni Kellan nang may nanginginig na boses. “Tanga ka!”Bumuntong-hininga si Harvey. “Sinabi ko sa'yo na dalhin mo ang kutsilyo para pakalmahin ang masamang enerhiya sa katawan mo, o baka mapahina pa nito ito nang paunti-unti.”“Wala na tong kwenta ngayong nilinis mo to.”“Isa pa. Kung tama ang hula ko, nakakita ka ng isang taong namatay sa harapan mo kahapon lang, tama?”Nanginig sila Kellan at ang mga tauhan niya pagkatapos marin
Hindi na nakapagpigil si Zarla pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Tumawa siya, pagkatapos ay tumingin kay Harvey nang may nangmamatang ekspresyon. “The Haunt?”“Masamang enerhiya?”“Anong pinagsasabi mo?”“Sa umpisa, hindi ka namin gustong ibisto para kay CEO Ruiz, Harvey!”“Tapos, ano? Wala kang hangganan pagdating sa pagyayabang!”“Nagsasabi ka pa rin ng mga ganyang bagay sa panahong ito? Iisipin ng mga tao baliw ka!”“Tinignan ko rin ang pinagmulan mo! Isa ka lang live-in son-in-law na pinalayas sa pamilya!”“Hinding-hindi ka nakakamangha!”“Tiyak na wala kang kaalam-alam sa geomancy arts!”“Heh, heh!”“Hindi ka ibubuking ni CEO Ruiz, pero hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maloko siya!”Tumingin si Zarla kay Kellan nang may makatarungang ekspresyon. “Hindi sa gusto kitang bastusin, CEO Ruiz. Hindi ko rin intensyong gamitin ang pagkakataon ito para labanan si Harvey,” sabi niya nang may mapaglarong tono. “Isa lang akong tapat na tao. Hindi ko gusto
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai
"Si Mr. Quill ay isang senior ng Golden Sands! Akala mo ba ikaw na ang hari ng lungsod dahil nagdulot ka ng gulo sa kanyang libing na gaya nito?!”Syempre, handa si Blaine na gawing scapegoat si Harvey anuman ang mangyari."Ano? Nakikipaglaban ka ba para sa atensyon?Ngumiti si Harvey."Gaya ng inaasahan sa isang lalaking tulad mo. Akala ko hindi ka darating ngayon.Hindi ko akalain na gagawa ka ng ganito ngayon!"Gayunpaman, ayokong makipaglokohan ng matagal sayo ngayon.""Kung hindi ka masaya... Kung gusto mo ng katarungan, sugurin mo ako. Nandito ako para sayo."Pagkatapos marinig ang kanyang mga salita, lumapit si Wanda kay Blaine na may kaawa-awang itsura.“Young Master John! Kailangan mo kaming tulungan!"Sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Alani, kami mula sa World Civilization Department ay dumating dito upang pag-aralan ang kultura ng mga tao dito.""Gusto lang naming maranasan kung paano ginagawa ng mga lokal ang kanilang natatanging libing dito!"“At sa kabila nito, patulo
“Hell’s Cut!”Sumigaw si Alani, may pumatay na intensyon na lumalabas mula sa kanyang espada habang sinugod niya si Harvey. Labindalawang iba't ibang saksak ang pinagsama-sama sa isang iglap, determinado na pumatay. Ang hangin ay nagsimulang lumamig.“Aaah!”Lahat ay nagulat nang makita ito. Sa kanilang mga mata, si Alani ay isang tunay na eksperto. Ang mga sumalungat sa kanya ay tiyak na mamamatay.Gayunpaman, nanatiling walang emosyon si Harvey nang harapin ang pag-atake. Pinaikot niya ang kanyang espada, pagkatapos ay inihampas ito sa harap niya.Bam!Isang malalakas na tunog ang narinig.Tumilapon si Alani, at bumagsak sa lupa.Ang kanyang mukha ay lubos na namamaga, na may pulang marka dito. Sinubukan niyang bumangon, ngunit wala siyang nagawa."Ito ang pinakamalakas mong atake?" Ngumiti si Harvey. "Parang wala namang kwenta.""Hayop ka! Ikaw…”Si Alani ay nagngangalit, ngunit bigla siyang sumuka ng maraming dugo.Humakbang si Harvey pasulong at sinipa siya."Sabihin mo
Alani alam niyang wala siyang paraan para makaalis sa sitwasyon.Dumating siya na may ganap na utos!Hindi lamang siya nabigo na makuha ang mental na teknik ng paglinang, kundi nabigo rin siyang sirain ang Heaven’s Gate. Kung hindi niya natapos ang misyon na ito kahit na nasayang ang Budokami elixir...Wala siyang ibang pagpipilian kundi mamatay.Anuman ang sitwasyon, kailangan niyang pabagsakin si Harvey.Ng walang pag-aalinlangan, huminga ng malalim si Alani bago inilabas ang karayom na lagi niyang dala."Ang lakas mo, Harvey!" sigaw niya, habang nakatingin kay Harvey."Pero kung ibang pagkakataon ito, wala kang laban sa akin!"Mayroon akong makapangyarihang bansa na sumusuporta sa akin! Mag-isa ka lang!"Pinihit ni Alani ang karayom bago ito itinusok nang diretso sa kanyang braso. Ang mga ugat sa kanyang mukha ay agad na naglabasan, at nagpakita siya ng isang malupit na ekspresyon.Ang kanyang mga dose ay lumampas na sa inirerekomendang dami. Sa kasamaang palad, wala na siy
"Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito