Pagkalipas ng tatlong minuto, biglang sinipa pagbukas ang pinto ng building. Hindi nagtagal, walong lalaking nakadilaw na balabal ang naglakad papasok .Pagkatapos makita ang mga lalaki, mabilis na tumakbo si Pedro Benett papunta sa kanila nang may namamagang mukha. "Nabugbog ako, Senior…" Interesadong tumingin si Harvey. Ang mga senior ni Pedro ay malamang na nagmula sa Golden Palace. Bam!Isang malakas na aura ang lumabas mula sa lalaking nasa harapan bago siya humakbang paharap. Nasira ang mga tiles sa ilalim ng paa niya. "May nagtatangkang lumaban sa Golden Palace?" malamig niyang sabi. "Sino ka ba sa tingin mo? Gusto mo bang mamatay?" Pagkatapos ay kumaway ang lalaki. Dose-dosenang lalaking nakabalabal ang pumasok sa susunod na sandali at hinarangan ang bawat isang labasan ng main hall. Lumingon si Pedro bago malagim na tumawa. "Patay ka na, Harvey…" Si Mandy Zimmer, ang pinoprotektahan ni Rachel Hardy sa sandaling ito, ay nag-aalalang naglakad papunta ka
"Hindi na masama! Matapang ka!" sigaw ni Senior Lee bago tumawa nang malamig. "Hindi mo lang binugbog ang junior ko, nanghihingi ka pa sa'min ng pera! "Bakit hindi mo muna tanungin kung paano tinatrato ang mga tao ng Golden Palace?! "Mambugbog ka ng disipulo sa harapan ko kung kaya mo!" Pak! Hindi nagsayang ng oras si Harvey York at sinampal ulit si Pedro Benett. Isa na namang pulang bakas ng palad ang lumitaw sa kabilang parte ng mukha niya. Umatras siya habang hawak ang mukha niya nang nakitang tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig niya. Malamig na tumawa si Harvey. "Sa tingin mo nakakamangha ang Golden Palace? "Akala mo ba pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo sa Flutwell? "Sinampal ko siya sa harapan mo. Ano na?" Kaagad na dumilim ang mukha ni Pedro nang tinakpan niya ang mukha niya. "Nakita mo, Senior Lee! Tignan mo kung gaano kaarogante ang h*yop na'to! Hindi niya talaga nirerespeto ang Golden Palace!" "Magaling! Magaling! Matapang ka para hamuni
Hinipan ni Harvey York ang usok mula sa baril bago tinignan si Pedro Benett. "Hindi naman malalakas ang mga ekspertong inihanda mo. "Ano? Bakit di mo na lang isipin ulit ang mga kondisyon ko? "Habang maganda pa ang timpla ko… Nanginig ang mga mata ni Pedro bago siya tumingin sa mga tao ng Golden Palace. Isang maliit at may katabaang lalaki ang naglakad nang may seryosong ekspresyon. Sa kabila ng itsura niya, napakaliksi niya. Natural na mas malakas siya kumpara kay Senior Lee. "Ako si Hudson Ward ng Golden Palace!" Malamig na tinitigan ni Hudson si Harvey. "Magaling ka. Mukhang medyo may kakayahan ka. Kung ganun, alam mo dapat ang pangalan ko." "Hindi kita kilala," sagot ni Harvey. "Ikaw…" Nagbago kaagad ang ekspresyon ni Hudson. Sobra siyang nahiya habang nagngitngit ang ngipin niya. "Kahit ano pa yan, dahil sinaktan mo ang isang taong mula sa Golden Palace, ikaw…"Bang!Bago pa man matapos ni Hudson ang sinasabi niya, kinalabit ulit ni Harvey ang gatilyo
Sapat na ang mga kalmadong salita ni Harvey para manginig ang mga mata ng mga disipulo. Ang mga taong nagpunta para magyabang kasama ni Pedro Benett ay konektado rin sa Golden Palace. Habang mas pinagyabang nila ang katayuan nila sa labas, mas lalo silang hindi makapaniwala sa sandaling iyon. Lalo na't hindi inakala ng lahat na may makakatalo nang ganito kadali sa walong eksperto ng Golden Palace na para bang mga walang kwentang basura silang lahat. Kung naibang araw lang ito, tatawagin ng lahat na baliw si Harvey… Pero may isa nang ekspertong ibinato sa lapag, dalawang nalumpo gamit ng baril, at limang napalipad nang tig-isang sampal. Sa mismong sandaling ito, si Harvey ang nakakalamang! Napakabigat ng ere sa sandaling ito. Nagulat ang ilan, ang iba ay natakot, ang iba naman ay nagalit, pero wala sa kanila ang nagtangkang magsalita ni-isa. Maski si Pedro, ang pinakamayabang kanina, ay hindi napigilang makaramdam ng takot. Palihim niyang kinuha ang phone niya bago
"Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan," sabi ni Senior Oswald nang may naaawang tingin. Nagpakita siya ng napakamiserableng ekspresyon na para bang mamatay si Harvey York kapag kumilos talaga siya. "Makinig ka sa'kin. Ibigay mo sa junior ko ang mga shares, iwan niyo ang babae rito, at baliin niyo ang mga binti niyo. Doon ko lang pag-iisipan kung hahayaan kitang mabuhay kapag ginawa mo ang lahat ng yun."Tumawa si Harvey. "Hindi ba kayo natatakot sa mangyayari? Paano kung binabangga niyo ang isang taong hindi niyo kayang labanan?"Parang ang hina ko naman kapag nagawa mo kong mapasuko sa mga banta mo." Malamig ang titig ni Senior Oswald. "Kilala mo ba kung sinong kausap mo?" sabi niya. "Naiintindihan mo ba kung anong mangyayari kapag kinausap mo ko nang ganito?" "Gusto kong malaman yan mismo," kalmadong sagot ni Harvey. Para bang gustong pumatay ng titig ni Senior Oswald. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Pupunitin kita kapag hinintay mo kong kumilos! Susunugin ko
Narinig ang tunog ng pagbunot ni Senior Oswald ng espada niya. Hindi lang siya napakaliksi, mabangis at sigurado rin ang mga atake niya. Pak! Inihampas ni Harvey ang likod ng palad niya nang hindi nagsasabi ng kahit na ano. Nakaramdam si Oswald ng sakit sa mukha niya nang isang malakas na sampal ang narinig. Kaagad na dumilim ang paningin niya nang tumalsik siya nang halos isandaang metro. Umatras siya nang ilang hakbang nang may masamang ekspresyon habang bumagsak siya ulit sa lapag. Nang nakita niyang sampalin ni Harvey ang mga Indian sa footage, hindi siya namangha… Pero pagkatapos niyang matanggap ang sampal, nagsimulang magbago ang isip niya. Natural na sa isipan ni Senior Oswald, medyo mas malakas lang si Harvey kaysa sa kanya. "Sino ka ba talaga, h*yop ka?! Ikaw…" Nagngitngit ang ngipin ni Senior Oswald bago sumugod muli nang hindi pinapansin ang bakas ng palad sa mukha niya. Hindi siya makapaniwalang mas mahina pa siya kaysa sa isang baguhang kagaya ni Ha
Walang kahit isang disipulong may lakas ng loob na magsalita sa sandaling ito. Ang mga taong nakaharang sa labasan ay tumabi, kaya hindi mukhang binabangga nila si Harvey York. Sa madaling salita, kahit na malakas at tanyag ang Golden Palace… Naniniwala pa rin silang ang kapangyarihan ang pinakamahalaga. At dahil sinampal ni Harvey ang lahat ng kumalaban sa kanya gamit ng kanyang matinding lakas, malinaw na natakot ang mga ito sa kanya. Kahit na marami sila, kahit na marami silang kagamitan at sanndata at kahit na mag-isa lang si Harvey at hinihila siya pababa ng mga tao… Walang magtatapang na kalabanin siya. Higit sa lahat, ayaw nilang mamatay. "Lumuhod kayo sa labas," sinabi ni Harvey habang nakatingin siya sa madla. "Luhod?" Nagalit nang sobra ang mga disipulo nang marinig nila ang mga salitang iyon. Sila ay mga magagaling na disipulo ng Golden Palace, ngunit harap-harapan silang iniinsulto ni Harvey, nagsasabing lumuhod sila sa labas! Kalokohan!"Sabay-saba
"Tingin ko wala kang karapatang magsalita tungkol diyan, Axel Garcia," kalmadong sagot ni Harvey York. Ngumiti si Axel bago tumingin sa mga kinatawan ng Martial Arts Alliance. "May balita ako, mga representative! "Nagpunta si Harvey sa kumpanya ng kanyang asawa para gumawa ng gulo at nanakit ng walong tao! May mga taong nakaluhod sa labas ng kumpanya ng asawa niya ngayon! "Hinala ko pinagsasamantalahan niya ang mga tao sa labas gamit ng kanyang pangalan bilang isang fighter ng Country H! "Nakikiusap ako sa inyo na tanggalin si Harvey sa laban!" "Tanggalin! Tanggalin!" sabay-sabay na sigaw ng mga Indiano. Maging ang mga Indiano na nanonood sa tabi ay humiyaw din. Kapag natanggal sa laban si Harvey, madali na silang mananalo! Kahit na hindi nila matanggal si Harvey, magkakaroon sila ng dahilan para hindi umamin ng pagkatalo. "Alam mong mahalaga ang labang ito, Harvey! Nakasalalay dito ang reputasyon ng Longmen at Country H, tapos gumagawa ka pa ng gulo sa halip na mag