"Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan," sabi ni Senior Oswald nang may naaawang tingin. Nagpakita siya ng napakamiserableng ekspresyon na para bang mamatay si Harvey York kapag kumilos talaga siya. "Makinig ka sa'kin. Ibigay mo sa junior ko ang mga shares, iwan niyo ang babae rito, at baliin niyo ang mga binti niyo. Doon ko lang pag-iisipan kung hahayaan kitang mabuhay kapag ginawa mo ang lahat ng yun."Tumawa si Harvey. "Hindi ba kayo natatakot sa mangyayari? Paano kung binabangga niyo ang isang taong hindi niyo kayang labanan?"Parang ang hina ko naman kapag nagawa mo kong mapasuko sa mga banta mo." Malamig ang titig ni Senior Oswald. "Kilala mo ba kung sinong kausap mo?" sabi niya. "Naiintindihan mo ba kung anong mangyayari kapag kinausap mo ko nang ganito?" "Gusto kong malaman yan mismo," kalmadong sagot ni Harvey. Para bang gustong pumatay ng titig ni Senior Oswald. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Pupunitin kita kapag hinintay mo kong kumilos! Susunugin ko
Narinig ang tunog ng pagbunot ni Senior Oswald ng espada niya. Hindi lang siya napakaliksi, mabangis at sigurado rin ang mga atake niya. Pak! Inihampas ni Harvey ang likod ng palad niya nang hindi nagsasabi ng kahit na ano. Nakaramdam si Oswald ng sakit sa mukha niya nang isang malakas na sampal ang narinig. Kaagad na dumilim ang paningin niya nang tumalsik siya nang halos isandaang metro. Umatras siya nang ilang hakbang nang may masamang ekspresyon habang bumagsak siya ulit sa lapag. Nang nakita niyang sampalin ni Harvey ang mga Indian sa footage, hindi siya namangha… Pero pagkatapos niyang matanggap ang sampal, nagsimulang magbago ang isip niya. Natural na sa isipan ni Senior Oswald, medyo mas malakas lang si Harvey kaysa sa kanya. "Sino ka ba talaga, h*yop ka?! Ikaw…" Nagngitngit ang ngipin ni Senior Oswald bago sumugod muli nang hindi pinapansin ang bakas ng palad sa mukha niya. Hindi siya makapaniwalang mas mahina pa siya kaysa sa isang baguhang kagaya ni Ha
Walang kahit isang disipulong may lakas ng loob na magsalita sa sandaling ito. Ang mga taong nakaharang sa labasan ay tumabi, kaya hindi mukhang binabangga nila si Harvey York. Sa madaling salita, kahit na malakas at tanyag ang Golden Palace… Naniniwala pa rin silang ang kapangyarihan ang pinakamahalaga. At dahil sinampal ni Harvey ang lahat ng kumalaban sa kanya gamit ng kanyang matinding lakas, malinaw na natakot ang mga ito sa kanya. Kahit na marami sila, kahit na marami silang kagamitan at sanndata at kahit na mag-isa lang si Harvey at hinihila siya pababa ng mga tao… Walang magtatapang na kalabanin siya. Higit sa lahat, ayaw nilang mamatay. "Lumuhod kayo sa labas," sinabi ni Harvey habang nakatingin siya sa madla. "Luhod?" Nagalit nang sobra ang mga disipulo nang marinig nila ang mga salitang iyon. Sila ay mga magagaling na disipulo ng Golden Palace, ngunit harap-harapan silang iniinsulto ni Harvey, nagsasabing lumuhod sila sa labas! Kalokohan!"Sabay-saba
"Tingin ko wala kang karapatang magsalita tungkol diyan, Axel Garcia," kalmadong sagot ni Harvey York. Ngumiti si Axel bago tumingin sa mga kinatawan ng Martial Arts Alliance. "May balita ako, mga representative! "Nagpunta si Harvey sa kumpanya ng kanyang asawa para gumawa ng gulo at nanakit ng walong tao! May mga taong nakaluhod sa labas ng kumpanya ng asawa niya ngayon! "Hinala ko pinagsasamantalahan niya ang mga tao sa labas gamit ng kanyang pangalan bilang isang fighter ng Country H! "Nakikiusap ako sa inyo na tanggalin si Harvey sa laban!" "Tanggalin! Tanggalin!" sabay-sabay na sigaw ng mga Indiano. Maging ang mga Indiano na nanonood sa tabi ay humiyaw din. Kapag natanggal sa laban si Harvey, madali na silang mananalo! Kahit na hindi nila matanggal si Harvey, magkakaroon sila ng dahilan para hindi umamin ng pagkatalo. "Alam mong mahalaga ang labang ito, Harvey! Nakasalalay dito ang reputasyon ng Longmen at Country H, tapos gumagawa ka pa ng gulo sa halip na mag
Ilang mga prinsipe at young master ang kumakalaban kay Harvey York nang makita ito. Mukhang may masamang binabalak ang mga Indiano. Hindi naman malaking bagay ang paggawa ni Harvey ng gulo sa labas. Masasabing napakaliit na bagay pa nga nito. Ngunit dahil sa mga nakasaad na patakaran, malaking problema ito kapag nabanggit. At dahil umabot na sa ganito ang lahat… Mas mabuti pa para sa mga Indiano kung natanggal si Harvey sa laban gamit lamang ng ilang salita. Sa mga tao sa madla, si Zoe Garcia lamang ang nanatiling tahimik. Kumunot lamang ang noo niya nang tingnan niya si Harvey, para bang gusto niyang makita kung paano ito makakalusot sa sitwasyon. Higit sa lahat, hindi na magkakaroon si Harvey ng pagkakataong lumaban kapag hindi niya ito nalagpasan. Sumulyap si Harvey sa kanila Clyde Osborne bago tumingin kay Axel Garcia. "Marami ka palang alam," sinabi ni Harvey nang nakangiti. "Alam mo na halos lahat kahit na ngayong hapon ko lang ito ginawa! "Siguro maganda
Tumingin si Elliot John sa paligid bago piliting ngumiti na mas malala pa sa mukhang umiiyak. "Nagbibiro ata kayo. "Bakit naman makikipag-away sa'yo ang Golden Palace? "Usap-usapan lang 'yan! Huwag niyo kaming masamain, Harvey York! "Huwag niyo rin kaming masamain, kayong lahat!" "Oh? Ganun ba? Mukhang kalmado si Harvey. "Dahil sinabi na ng young master ng John family… "Tingin ko wala naman nang problema, tama? "O kaya, may mga patunay ba kayo laban dito? "Si Young Master John mismo ay walang masabi tungkol sa pakikipaglaban ko sa Golden Palace. Anong gagamitin niyo para pabulaanan siya? "Ang sarili niyong buhay?" Ang palabirong salita ni Harvey ay puno ng ibang kahulugan. Hindi lamang si Elliot, pati si Clyde Osborne at Harold Bauer ay sumama ang mukha. Ang ngiti ni Axel Garcia ay kaagad na naglaho nang marinig ang salitang iyon. Pagkatapos titigan nang masama si Harvey, tumawa siya bago sabihin, "Dahil sinabi na ni Young Master John, sigurado na akong isa
"Dahil pareho kayong martial artist, sayang naman kung lalaban kayo nang walang layunin. "Kaya naisip naming papiliin kayo sa pagitan ng labindalawang sandata. "Simple lamang ang patakaran. Pwede lang kayong lumaban gamit ang napili niyong sandata. Hindi kayo pwedeng gumamit ng kamay. "Hindi rin kayo pwedeng lumaban kapag nawala ang sandata niyo. "Naiintindihan niyo?" Pagkatapos, kinumpas ng host ang kanyang kamay bago dalhin ng ilang tao ang mga lalagyan ng sandata. Ang bawat isang porma ng bakal ay makikita sa mga lalagyan sa sandaling iyon. Kumunot ang noo ni Harvey York bago sumagot nang kalmado, "Kuha ko." Tumango rin si Zoe Garcia. "Ano? Anong ibig-sabihin nito?" "Pwede lang silang gumamit ng sandata para lumaban?" "Sinadya ba nila ito para pigilan si Harvey pagkatapos makita ang lakas ng mga sampal nito?" "Hindi naman siguro ganito kakapal ang mukha nila ano?" "Pero pwedeng baguhin ng mga representative ang patakaran sa kahit anong paraan nila gusto! Wa
Tumingin si Sienna Wright kay Rhea Osborne. Hindi siya naniniwalang walang kinalaman dito si Rhea. Sa madaling salita, si Rhea ang pumipigil kay Harvey habang pinipilit ito na maubusan ng sandatang gagamitin. Medyo mababawasan ang lakas ni Harvey dahil dito… Ngunit hindi siya nagalit dito. Nginitian lamang niya si Rhea. "Salamat sa pag-aalala, pero hindi naman mahalaga kung kay sandata ba ako o wala." "Heh heh! Kung ganoon, sana pangatawanan mo 'yan! Kapag natalo ka, ikaw mismo ang mananagot!" seryosong sigaw ni Rhea. Umiling si Harvey bago damputin ang isang espada at kinakaladkad ito sa sahig habang naglalakad siya patungo sa ring. Natawa si Axel Garcia nang makita niya ito. "Hindi mo na magagamit ang kamay mo! Nasira mo rin ang sandatang madalas mong gamitin! "Siguro hindi mo na magamit ang buong lakas mo ano? "Kung ako sa'yo aatras na lang ako sa laban. Bumaba ka na sa ring! Huwag mo nang ipahiya ang sarili mo!" Ngumiti si Harvey. "Tama ka diyan. Hindi ako