Isang lalaki na nakasuit ang lumabas pagkatapos. Meron siyang bigote, katulad ng tao mula sa Island Nations.Siya ay mas matangkad sa mga tao doon. Isang mabangis at dominanteng aura ang mararamdaman mula sa kanya.Nagtatakang tumingin si Harvey sa lalaki. Taps, napagtanto niya na ang lalaki ay mukhang katulad kay Larisa.Masasabi niya na ang taong iyon ay walang iba kung hindi si Bowen Lee, ang branch leader ng Flutwell branch ng Longmen.Ilang mga officer ay binasa ang ilang mga kalokohan bago ipakilala ang jury at mga examiner.Matpos iyon, si Bowen ay naglakad sa stage at kalmadong tumingin sa harap niya.“Maliban mula sa lakas na maglakad sa underworld…”“Alam ng lahat na ang pinakamahalagang bagay ay ang aralin ang Art of Killing mula sa ibang mga school at mga curse.”“Ang layunin ay hindi turuan kayong paano pumatay, pero ang magkaroon ng lakas para protektahan ang inyong sarili kapag nakaharap ng kakaibang mga sitwasyon!!”“Iyan ang rason na ang test na ito ay sobrang
Nagkatinginan ang lahat nang narinig nila ang mga salita ni Bowen. Ito ang Longmen Summit—isa dapat itong lugar para makipaglaban hanggang sa magsawa sila. Bakit sa lahat-lahat ng bagay ay sapilitan silang magpapagaling ng isang tao?Kahit na ganun, may punto ang mga salita ni Bowen. Kung kaya't walang nagtangkang tumutol sa kanya. Maski si Fisher ay di napigilang mapakamot ng ulo. Hindi siya sigurado kung dapat ba niyang pakiusapan si Bowen o manatiling tahimik. Sa kabilang banda, napuno ng galak si Kori. Kaagad na lumipat ang mga mata niya kay Harvey. Tiyak na hindi makakapasa si Harvey sa ganitong pagsusulit! Kahit na nagsanay pa ng martial arts si Harvey bang nasa sinapupunan pa siya ng nanay niya, hindi niya matatanggal ang sumpa. Lalo na't ang underworld ay isang napakamapanganib na lugar na puno ng mga bagay na hindi maunawaan. Nang maisip ni Kori na ipapahiya ni Harvey ang sarili niya at matanggal sa pagsusulit, sobra siyang nasabik. "Sige! Magsimula na kayo!
Sa sandaling ito mismo, nanggagalaiti si Bowen. Tuluyan siyang nagalit dahil sa kawalan niya ng pasensya at pagmamahal niya para sa anak niya. Nang hahakbang na sana si Harvey, tumawa si Bowen nang walang saya. "Ang bawat isa sa inyo ay ang top talent ng Longmen Summit!" "Pero wala sa inyo ang may kayang gawin tungkol dito?!" "Mga basura lang kayong lahat sa mga mata ko!" "Hindi niyo man lang malalaman kung paano kayo mamatay kapag pinadala ko kayong lahat sa underworld!" "Kung hindi niyo man lang kayang ayusin ang isang simpleng problema, bakit hindi na lang kayo mamatay?!" Sumama ang ekspresyon ng mga examinee pagkatapos marinig ang mga salita ni Bowen. Nagmula silang lahat sa mga pambihirang pamilya at gusto nilang sumagot pagkatapos silang tawaging basura ni Bowen. Ngunit pagkatapos ipaalala sa mga sarili nila ang pagkatao ni Bowen, wala silang magawa kundi maupo at manatiling tahimik. Sa isang banda, natakot sila sa kapangyarihan at katayuan ni Bowen… Sa ka
"Umalis ka na! Wala lang karapatang gumawa ng kahit na ano kaya Larisa!" Kalmadong tinitigan ni Harvey si Bowen. Pagkatapos, tumango siya. "Sige. Hindi ko siya ililigtas kung hindi mo ko hahayaan." "Pero kahit na ganun, kailangan ko pa ring kumuha ng pagsusulit. Bigyan mo ko ng ibang bagay na gagawin." Malamig na suminghal si Bowen. "Gusto mo ng iba pang test?""Hindi na kailangan!" "Wala namang kwenta ng bawat isa sa inyo! Imposibleng may papasang isa sa inyo!""Mula ngayon, disqualified na ang bawat isang examinee ng batch na'to! "Alis! Umalis na kayong lahat!" "Lumayas na kayo at wag na kayong babalik!" Naging kasing lamig ng yelo ang titig ni Harvey pagkatapos marinig ang kawalan ng katwiran ni Bowen. Narinig ang mga usap-usapan sa buong lugar. Walang nakarinig ng usapan sa pagitan nina Harvey at Bowen, pero narinig nila si Bowen nang malakas at malinaw nang sinabi niyang magiging diskwalipikado na ang bawat isang examinee sa hall. Hindi na napigilan ni Fi
"Dahil nagpasya na si Branch Leader Lee, umalis ka na lang!" "Disqualified ka naman na! Wag ka nang magpumilit!" "Sasayangin mo lang ang oras ng lahat!" Nagsimulang magsalita ang mga examiner pagkatapos marinig ang mga salita ni Bowen. Para bang sinusubukan nilang turuan ng leksyon ang binata. "Sige. Kung ganun…" "Ako na mismo ang aalis!" Naging kasing kasing lamig ng yelo ang titig ni Harvey nang nakita niya ang kayabangan sa mga mukha nina Bowen at ng iba pa. "Pero Bowen…" "May sasabihin ako sa'yo." "Puno ng masamang enerhiya ang katawan niya dahil pumasok siya sa isang haunted house." "At dahil nabaril siya ng isang prop firearm, sumailalim siya sa deep shock na nagsanhi para sa masamang enerhiya na dumaloy diretso sa kaluluwa niya. "Hindi siya kayang iligtas ng mga pangkaraniwang paraan." "May tatlong tao lang sa Country H na kayang magligtas sa kanya." "At sa Flutwell, ako lang ang may kayang gumawa nun." "Kung hindi siya maililigtas, mabubuhay siya
Isang lalaking may maraming karanasan si Ansel—alam niyang imposibleng mapagaling ang tauhan niya sa normal na paraan. Kung kaya't nagpunta sila sa Flutwell branch ng Longmen para manghingi ng tulong, umaasang maililigtas nila ang tauhan niya. Marami ring karanasan si Bowen, pero wala siyang magawa sa kalagayan ng lalaki dahil hindi siya maalam sa Art of Killing. Hinihingan ng tulong ni Ansel ang mga tinatawag na eksperto ng Flutwell buong gabi, ngunit wala siyang napala. Inisip ni Bowen ay lumitaw si Ansel para hingiin ang tulong niya. Sinong mag-aakalang lalampasan kaagad siya at ang iba pa ni Ansel at didiretso kay Harvey? Bago pa man nakakibo ang kahit na sino sa sitwasyon, humingi ng tawad si Ansel kay Harvey. "Hindi kita gustong istorbohin ngayong araw, Sir York." "Pero masama ang kalagayan ng tauhan ko!" "Matagal ko tong pinag-isipan. Sa puntong ito, sa buong Flutwell, ikaw lang ang makakatulong sa kanya!" "Kaya nagpunta ako rito!" "Habang sinusubukan namin
Inabot ni Harvey ang kamay niya at tinignan ang pulso ng lalaki. Pagkatapos, dinutdot niya ang dibdib ng lalaki. "Ang lakas ng loob mong g*go ka!" Nanggalaiti si Bowen nang nakita niya ito. "Hindi mo ba alam na bawal galawin ang acupoints ng puso?!" "Paano mo nagawa yun?!" "Sasaktan mo siya!" Sinubukan ni Bowen na hablutin ang kamay ni Harvey. Natural na hindi niya gustong iligtas ni Harvey ang lalaki. Gusto niyang gumawa ng gulo. Pak! Nagalit si Ansel; kaagad niyang sinampal si Bowen nang walang pag-aalinlangan. "H*yop ka!" "Wag kang manggulo sa ginagawa ni Sir York! Sinusubukan niyang iligtas ang tao ko!" “Aaargh!”Nabigla ang lahat nang makitang masampal si Bowen. Lalo na't siya ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Malinaw na maraming sumusuporta sa kanya. Kahit na si Ansel ang direktor ng Flutwell Police Station, malinis ang reputasyon niya sa loob ng gobyerno—walang kahit na anong masamang balita tungkol sa kanya. Hindi inakala ng laha
Tinitigan ni Ansel nang masama si Bowen; wala siyang oras na makipag-usap sa isang taong kagaya ni Bowen. Pagkatapos ay lumingon siya pabalik kay Harvey. "Maililigtas pa ba ang tao ko?" Natural na pinakapinagkakatiwalaan ni Ansel si Harvey. Ngunit dahil sa malaking agwat sa pagitan ng katayuan nila, hindi siya magtatangkang manghingi ng tulong kay Harvey maliban na lang kung wala na siyang ibang magagawa. Nanginig ang mga mata ni Bowen pagkatapos makita ang marespetong pag-uugali ni Ansel kay Harvey, pero wala siyang magawa pagkatapos niyang ipaalala sa sarili niya ang kahihinatnan ng pagligtas ni Harvey sa lalaki. "Alam ko hindi ka pa rin naniniwala sa'kin, Director Torres!" sigaw niya nang nagngingitngit ang ngipin. "Pero alam kong nag-aalala ka para sa tao mo!" "Hinihiling ko rin ang mabilis niyang paggaling!" "Pero hindi ka dapat magpadalos-dalos!" "Ako ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Dahil nagawa kong manatili sa posisyong ito, ibig sabihin ay