"Umalis ka na! Wala lang karapatang gumawa ng kahit na ano kaya Larisa!" Kalmadong tinitigan ni Harvey si Bowen. Pagkatapos, tumango siya. "Sige. Hindi ko siya ililigtas kung hindi mo ko hahayaan." "Pero kahit na ganun, kailangan ko pa ring kumuha ng pagsusulit. Bigyan mo ko ng ibang bagay na gagawin." Malamig na suminghal si Bowen. "Gusto mo ng iba pang test?""Hindi na kailangan!" "Wala namang kwenta ng bawat isa sa inyo! Imposibleng may papasang isa sa inyo!""Mula ngayon, disqualified na ang bawat isang examinee ng batch na'to! "Alis! Umalis na kayong lahat!" "Lumayas na kayo at wag na kayong babalik!" Naging kasing lamig ng yelo ang titig ni Harvey pagkatapos marinig ang kawalan ng katwiran ni Bowen. Narinig ang mga usap-usapan sa buong lugar. Walang nakarinig ng usapan sa pagitan nina Harvey at Bowen, pero narinig nila si Bowen nang malakas at malinaw nang sinabi niyang magiging diskwalipikado na ang bawat isang examinee sa hall. Hindi na napigilan ni Fi
"Dahil nagpasya na si Branch Leader Lee, umalis ka na lang!" "Disqualified ka naman na! Wag ka nang magpumilit!" "Sasayangin mo lang ang oras ng lahat!" Nagsimulang magsalita ang mga examiner pagkatapos marinig ang mga salita ni Bowen. Para bang sinusubukan nilang turuan ng leksyon ang binata. "Sige. Kung ganun…" "Ako na mismo ang aalis!" Naging kasing kasing lamig ng yelo ang titig ni Harvey nang nakita niya ang kayabangan sa mga mukha nina Bowen at ng iba pa. "Pero Bowen…" "May sasabihin ako sa'yo." "Puno ng masamang enerhiya ang katawan niya dahil pumasok siya sa isang haunted house." "At dahil nabaril siya ng isang prop firearm, sumailalim siya sa deep shock na nagsanhi para sa masamang enerhiya na dumaloy diretso sa kaluluwa niya. "Hindi siya kayang iligtas ng mga pangkaraniwang paraan." "May tatlong tao lang sa Country H na kayang magligtas sa kanya." "At sa Flutwell, ako lang ang may kayang gumawa nun." "Kung hindi siya maililigtas, mabubuhay siya
Isang lalaking may maraming karanasan si Ansel—alam niyang imposibleng mapagaling ang tauhan niya sa normal na paraan. Kung kaya't nagpunta sila sa Flutwell branch ng Longmen para manghingi ng tulong, umaasang maililigtas nila ang tauhan niya. Marami ring karanasan si Bowen, pero wala siyang magawa sa kalagayan ng lalaki dahil hindi siya maalam sa Art of Killing. Hinihingan ng tulong ni Ansel ang mga tinatawag na eksperto ng Flutwell buong gabi, ngunit wala siyang napala. Inisip ni Bowen ay lumitaw si Ansel para hingiin ang tulong niya. Sinong mag-aakalang lalampasan kaagad siya at ang iba pa ni Ansel at didiretso kay Harvey? Bago pa man nakakibo ang kahit na sino sa sitwasyon, humingi ng tawad si Ansel kay Harvey. "Hindi kita gustong istorbohin ngayong araw, Sir York." "Pero masama ang kalagayan ng tauhan ko!" "Matagal ko tong pinag-isipan. Sa puntong ito, sa buong Flutwell, ikaw lang ang makakatulong sa kanya!" "Kaya nagpunta ako rito!" "Habang sinusubukan namin
Inabot ni Harvey ang kamay niya at tinignan ang pulso ng lalaki. Pagkatapos, dinutdot niya ang dibdib ng lalaki. "Ang lakas ng loob mong g*go ka!" Nanggalaiti si Bowen nang nakita niya ito. "Hindi mo ba alam na bawal galawin ang acupoints ng puso?!" "Paano mo nagawa yun?!" "Sasaktan mo siya!" Sinubukan ni Bowen na hablutin ang kamay ni Harvey. Natural na hindi niya gustong iligtas ni Harvey ang lalaki. Gusto niyang gumawa ng gulo. Pak! Nagalit si Ansel; kaagad niyang sinampal si Bowen nang walang pag-aalinlangan. "H*yop ka!" "Wag kang manggulo sa ginagawa ni Sir York! Sinusubukan niyang iligtas ang tao ko!" “Aaargh!”Nabigla ang lahat nang makitang masampal si Bowen. Lalo na't siya ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Malinaw na maraming sumusuporta sa kanya. Kahit na si Ansel ang direktor ng Flutwell Police Station, malinis ang reputasyon niya sa loob ng gobyerno—walang kahit na anong masamang balita tungkol sa kanya. Hindi inakala ng laha
Tinitigan ni Ansel nang masama si Bowen; wala siyang oras na makipag-usap sa isang taong kagaya ni Bowen. Pagkatapos ay lumingon siya pabalik kay Harvey. "Maililigtas pa ba ang tao ko?" Natural na pinakapinagkakatiwalaan ni Ansel si Harvey. Ngunit dahil sa malaking agwat sa pagitan ng katayuan nila, hindi siya magtatangkang manghingi ng tulong kay Harvey maliban na lang kung wala na siyang ibang magagawa. Nanginig ang mga mata ni Bowen pagkatapos makita ang marespetong pag-uugali ni Ansel kay Harvey, pero wala siyang magawa pagkatapos niyang ipaalala sa sarili niya ang kahihinatnan ng pagligtas ni Harvey sa lalaki. "Alam ko hindi ka pa rin naniniwala sa'kin, Director Torres!" sigaw niya nang nagngingitngit ang ngipin. "Pero alam kong nag-aalala ka para sa tao mo!" "Hinihiling ko rin ang mabilis niyang paggaling!" "Pero hindi ka dapat magpadalos-dalos!" "Ako ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Dahil nagawa kong manatili sa posisyong ito, ibig sabihin ay
"Isa ka sa branch leaders ng Longmen, Bowen." "Paano mo nagagawang maging ganito kawalang-hiya?" "Iniisip mo tatawagin kang makatarungan ng lahat dahil lang sinabi mo ang lahat ng yan?" "Iniisip mo ba talaga hindi makikita ng mga tao ang kakapalan mo?" Isinawalat ni Vivian ang mga plano ni Bowen nang walang pag-aalinlangan. "Kung gusto mong maglaro nang madumi, wag mo tong gawin dito!" "Wala kang karapatang lokohin ang pulisya!" "Magbabayad ka nang malaki kapag ginawa mo yun!" Lumingon si Vivian Harvey nang may umaasang ekspresyon. "Wag mo siyang pansinin, Sir York. Pagtuunan mo lang ng pansin ang pagligtas sa kasamahan namin." "Tiyak na makakahanap si Director Torres ng paraan para makapasok ka sa Longmen Summit." Si Bowen ang taong may karapatang magpasa ng kahit na sinong gusto niya. Kung magpasya siyang hindi ipasa ang kahit na sino, magiging problema ito para kay Harvey na sinusubukang makasali sa Longmen Summit. Gayunpaman, naniniwala si Vivian na may hust
Kapag natalo si Bowen sa pustahan, mawawala ang lahat ng kanyang kredibilidad at yaman. Ngunit kahit paano, maibabalik niya ang kanyang anak… Pero kapag nanalo siya, hindi lamang siya magkakaroon ng pagkakataong lumpuhin ang hayop na ito sa harap niya, makikilala rin sa buong mundo ang pangalan niya!Higit pa rito, makakakuha siya ng 150,000,000 dolyar! Madodoble ang kanyang yaman sa isang iglap! Napakagandang alok! Nagsisimula nang magdasal si Bowen na sana manatiling ganito ang kalagayan ng kanyang anak habang buhay. Sa gayon, hindi siya mapipigilan nito na kumita nang malaki! "Hindi ka isang doktor, Harvey! Isa ka lang martial artist!" kusang sigaw ni Fisher. "Baka hindi pa magamot ang dalawang ito kahit sa pamamaraan ng underworld!""Ang hirap na nga ng isa, pero ang dalawa…" Hindi ipinagpatuloy ni Fisher ang kanyang sinasabi. Natural, alam niya kung gaano kahirap sagipin ang dalawang tao. Ayaw niyang malumpo ang isang napakahusay na taong tulad ni Harvey dahil sa g
Swish, swish, swish!Binalewala ni Harvey ang mga tao habang maingat na nagsusulat sa mga talisman. Natutunan niya ito mula sa isang matandang pari sa labanan noon. Sinabi ng pari na kayang gamutin ng dugo ng God of War ang halos kahit ano. Gayunpaman, kailangan munang matutunan ng isang tao kung paano gumamit ng dugo. Halimbawa, ang masamang enerhiya sa katawan ng isang tao ay maaalis lamang gamit ng papel na talisman na kayang maglabas ng enerhiyang kasalungat nito. Natutunan ni Harvey ang lahat ng klaseng pagguhit mula sa paring ito. Pagkatapos bumuo ng isang komplikadong larawanz hinawi ni Harvey ang kanyang kamay at ihinagis ang talisman sa ulo ng inspektor na walang malay. Pffft!Nagliyab ang talisman; habang sumasayaw sa ere ang apoy, at unti-unting hinigop ng talisman ang dilim ng mukha ng inspektor hanggang sa mawala na ito. Hindi nagtagal, naabo ang talisman bago kumalat sa hangin. Nabigla ang lahat. Parang panaginip lamang ang pangyayaring ito. Alam ng