Inabot ni Harvey ang kamay niya at tinignan ang pulso ng lalaki. Pagkatapos, dinutdot niya ang dibdib ng lalaki. "Ang lakas ng loob mong g*go ka!" Nanggalaiti si Bowen nang nakita niya ito. "Hindi mo ba alam na bawal galawin ang acupoints ng puso?!" "Paano mo nagawa yun?!" "Sasaktan mo siya!" Sinubukan ni Bowen na hablutin ang kamay ni Harvey. Natural na hindi niya gustong iligtas ni Harvey ang lalaki. Gusto niyang gumawa ng gulo. Pak! Nagalit si Ansel; kaagad niyang sinampal si Bowen nang walang pag-aalinlangan. "H*yop ka!" "Wag kang manggulo sa ginagawa ni Sir York! Sinusubukan niyang iligtas ang tao ko!" “Aaargh!”Nabigla ang lahat nang makitang masampal si Bowen. Lalo na't siya ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Malinaw na maraming sumusuporta sa kanya. Kahit na si Ansel ang direktor ng Flutwell Police Station, malinis ang reputasyon niya sa loob ng gobyerno—walang kahit na anong masamang balita tungkol sa kanya. Hindi inakala ng laha
Tinitigan ni Ansel nang masama si Bowen; wala siyang oras na makipag-usap sa isang taong kagaya ni Bowen. Pagkatapos ay lumingon siya pabalik kay Harvey. "Maililigtas pa ba ang tao ko?" Natural na pinakapinagkakatiwalaan ni Ansel si Harvey. Ngunit dahil sa malaking agwat sa pagitan ng katayuan nila, hindi siya magtatangkang manghingi ng tulong kay Harvey maliban na lang kung wala na siyang ibang magagawa. Nanginig ang mga mata ni Bowen pagkatapos makita ang marespetong pag-uugali ni Ansel kay Harvey, pero wala siyang magawa pagkatapos niyang ipaalala sa sarili niya ang kahihinatnan ng pagligtas ni Harvey sa lalaki. "Alam ko hindi ka pa rin naniniwala sa'kin, Director Torres!" sigaw niya nang nagngingitngit ang ngipin. "Pero alam kong nag-aalala ka para sa tao mo!" "Hinihiling ko rin ang mabilis niyang paggaling!" "Pero hindi ka dapat magpadalos-dalos!" "Ako ang branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Dahil nagawa kong manatili sa posisyong ito, ibig sabihin ay
"Isa ka sa branch leaders ng Longmen, Bowen." "Paano mo nagagawang maging ganito kawalang-hiya?" "Iniisip mo tatawagin kang makatarungan ng lahat dahil lang sinabi mo ang lahat ng yan?" "Iniisip mo ba talaga hindi makikita ng mga tao ang kakapalan mo?" Isinawalat ni Vivian ang mga plano ni Bowen nang walang pag-aalinlangan. "Kung gusto mong maglaro nang madumi, wag mo tong gawin dito!" "Wala kang karapatang lokohin ang pulisya!" "Magbabayad ka nang malaki kapag ginawa mo yun!" Lumingon si Vivian Harvey nang may umaasang ekspresyon. "Wag mo siyang pansinin, Sir York. Pagtuunan mo lang ng pansin ang pagligtas sa kasamahan namin." "Tiyak na makakahanap si Director Torres ng paraan para makapasok ka sa Longmen Summit." Si Bowen ang taong may karapatang magpasa ng kahit na sinong gusto niya. Kung magpasya siyang hindi ipasa ang kahit na sino, magiging problema ito para kay Harvey na sinusubukang makasali sa Longmen Summit. Gayunpaman, naniniwala si Vivian na may hust
Kapag natalo si Bowen sa pustahan, mawawala ang lahat ng kanyang kredibilidad at yaman. Ngunit kahit paano, maibabalik niya ang kanyang anak… Pero kapag nanalo siya, hindi lamang siya magkakaroon ng pagkakataong lumpuhin ang hayop na ito sa harap niya, makikilala rin sa buong mundo ang pangalan niya!Higit pa rito, makakakuha siya ng 150,000,000 dolyar! Madodoble ang kanyang yaman sa isang iglap! Napakagandang alok! Nagsisimula nang magdasal si Bowen na sana manatiling ganito ang kalagayan ng kanyang anak habang buhay. Sa gayon, hindi siya mapipigilan nito na kumita nang malaki! "Hindi ka isang doktor, Harvey! Isa ka lang martial artist!" kusang sigaw ni Fisher. "Baka hindi pa magamot ang dalawang ito kahit sa pamamaraan ng underworld!""Ang hirap na nga ng isa, pero ang dalawa…" Hindi ipinagpatuloy ni Fisher ang kanyang sinasabi. Natural, alam niya kung gaano kahirap sagipin ang dalawang tao. Ayaw niyang malumpo ang isang napakahusay na taong tulad ni Harvey dahil sa g
Swish, swish, swish!Binalewala ni Harvey ang mga tao habang maingat na nagsusulat sa mga talisman. Natutunan niya ito mula sa isang matandang pari sa labanan noon. Sinabi ng pari na kayang gamutin ng dugo ng God of War ang halos kahit ano. Gayunpaman, kailangan munang matutunan ng isang tao kung paano gumamit ng dugo. Halimbawa, ang masamang enerhiya sa katawan ng isang tao ay maaalis lamang gamit ng papel na talisman na kayang maglabas ng enerhiyang kasalungat nito. Natutunan ni Harvey ang lahat ng klaseng pagguhit mula sa paring ito. Pagkatapos bumuo ng isang komplikadong larawanz hinawi ni Harvey ang kanyang kamay at ihinagis ang talisman sa ulo ng inspektor na walang malay. Pffft!Nagliyab ang talisman; habang sumasayaw sa ere ang apoy, at unti-unting hinigop ng talisman ang dilim ng mukha ng inspektor hanggang sa mawala na ito. Hindi nagtagal, naabo ang talisman bago kumalat sa hangin. Nabigla ang lahat. Parang panaginip lamang ang pangyayaring ito. Alam ng
Dahan-dahang lumipas ang oras. Makalipas ang limang minuto, biglang umupo nang diretso ang inspektor. Kaagad na bumuhos ang dumi sa bibig pagkatapos. Medyo maputla ang mukha niya, ngunit nakaupo pa rin siya. "Nagbalik na siya! Nagbalik na talaga siya!" Pinaligiran siya ng ibang mga inspektor para tingnan ito nang maigi. Pagkatapos masigurong ayos lang ang inspektor, naouno silang lahat ng utang na loob patungo kay Harvey. Sa sandaling iyon, nagdilim ang mukha ni Bowen. Tinitgan niya nang masama ang kanyang anak at bumulong sa kanyang sarili, "Huwag kang gigising! Huwag kang gigising!" Subalit, hindi naman laging umaayon sa isang tao ang pangyayari. Ilang sandali lamang pagkagising ng inspektor, biglang napasigaw sa takot si Larisa. "Nabaril ako! Nabaril ako!" Nanigas si Bowen sa isang iglap. "Ikaw… nagbalik ka na?!" kusa siyang napasigaw. “Father!”Bumalik na sa dati si Larisa. Pagkatapos makilala ang mukha ni Bowenz kaagad siyang tumalon sa mga braso nito.
Habang kausap ni Xynthia si Harvey sa phone, si Ai at ang kanyang tao ay nakaupo sa main hall nang walang alinlangan. Naniniwala si Ai na hindi magtatapang si Harvey na galawin siya, ngunit kaagad siyang sumugod sa ospital pagkatapos malamang pinaluhod si Mrs. Lee doon. Alam ni Ai na ito ang unang hakbang sa plano ni Harvey. Siguro si Ai ang pupuntiryahin sa ikalawang hakbang. Ito man ay para ipagtanggol si Mrs. Lee o upang mauna sa pag-atake, ipinagmayabang ni Ai ang kanyang lakas. Higit pa rito, nagpunta siya para makipagkita sa kanyang suporta bago pumunta dito. Pagkatapos makita ang pagsang-ayon ng kanyang suporta, kampante si Ai na madali niyang madudurog si Harvey. Bukod sa Capital Gang, si Senior Miller—ang taong sinampal-sampal ni Harvey—ay pumunta rin kasama ni Ai. Hindi malimutan ni Senior Miller ang sakit na tiniis niya noon. Hindi lamang tinataboy ni Ai ang mga pasyente at mga medical staff sa ospital, ngunit nagbabanta rin siya; sinasabing gagawin niya ang
Nang makita ang aroganteng mukha ni Senior Miller, tinakpan ng magagandang babaeng nakapaligid kay Ai ang kanilang bibig at ngumisi. 'Diyos lang ang nakakaalam kung anong ginawa ng hayop na 'yun kay Mrs. Lee…" 'Ngunit ibig-sabihin nito nakasalalay dito ang reputasyon ni Ai!''Bilang leader ng Capital Gang, hindi niya hahayaang bastusin siya ng kahit sino, kahit kapalit pa ang buhay niya!' 'Lagi niyang babawiin ang kanyang dangal tuwing mawawala ito!' Sa madaling salita, sigurado ang mga babaeng katapusan na ni Harvey. Hinawakan ni Ai ang kanyang sigarilyo habang nakasandal siya sa sofa habang magkapatong ang kanyang binti. Hindi niya pinigilan si Senior Miller na magmataas; mayroong ilang bagay na hindi niya kayang gawin, kung iisipin ang kanyang pagkatao. Gayunpaman, ang isang tauhang tulad ni Senior Miller na nagyayabang ng kanyang lakas ay epektibo sa ganitong gawain. Kaagad na umatras si Xynthia, para bang takot na takot siya. "Pasensya na! Kasalanan ko at hindi