"Isa ka sa branch leaders ng Longmen, Bowen." "Paano mo nagagawang maging ganito kawalang-hiya?" "Iniisip mo tatawagin kang makatarungan ng lahat dahil lang sinabi mo ang lahat ng yan?" "Iniisip mo ba talaga hindi makikita ng mga tao ang kakapalan mo?" Isinawalat ni Vivian ang mga plano ni Bowen nang walang pag-aalinlangan. "Kung gusto mong maglaro nang madumi, wag mo tong gawin dito!" "Wala kang karapatang lokohin ang pulisya!" "Magbabayad ka nang malaki kapag ginawa mo yun!" Lumingon si Vivian Harvey nang may umaasang ekspresyon. "Wag mo siyang pansinin, Sir York. Pagtuunan mo lang ng pansin ang pagligtas sa kasamahan namin." "Tiyak na makakahanap si Director Torres ng paraan para makapasok ka sa Longmen Summit." Si Bowen ang taong may karapatang magpasa ng kahit na sinong gusto niya. Kung magpasya siyang hindi ipasa ang kahit na sino, magiging problema ito para kay Harvey na sinusubukang makasali sa Longmen Summit. Gayunpaman, naniniwala si Vivian na may hust
Kapag natalo si Bowen sa pustahan, mawawala ang lahat ng kanyang kredibilidad at yaman. Ngunit kahit paano, maibabalik niya ang kanyang anak… Pero kapag nanalo siya, hindi lamang siya magkakaroon ng pagkakataong lumpuhin ang hayop na ito sa harap niya, makikilala rin sa buong mundo ang pangalan niya!Higit pa rito, makakakuha siya ng 150,000,000 dolyar! Madodoble ang kanyang yaman sa isang iglap! Napakagandang alok! Nagsisimula nang magdasal si Bowen na sana manatiling ganito ang kalagayan ng kanyang anak habang buhay. Sa gayon, hindi siya mapipigilan nito na kumita nang malaki! "Hindi ka isang doktor, Harvey! Isa ka lang martial artist!" kusang sigaw ni Fisher. "Baka hindi pa magamot ang dalawang ito kahit sa pamamaraan ng underworld!""Ang hirap na nga ng isa, pero ang dalawa…" Hindi ipinagpatuloy ni Fisher ang kanyang sinasabi. Natural, alam niya kung gaano kahirap sagipin ang dalawang tao. Ayaw niyang malumpo ang isang napakahusay na taong tulad ni Harvey dahil sa g
Swish, swish, swish!Binalewala ni Harvey ang mga tao habang maingat na nagsusulat sa mga talisman. Natutunan niya ito mula sa isang matandang pari sa labanan noon. Sinabi ng pari na kayang gamutin ng dugo ng God of War ang halos kahit ano. Gayunpaman, kailangan munang matutunan ng isang tao kung paano gumamit ng dugo. Halimbawa, ang masamang enerhiya sa katawan ng isang tao ay maaalis lamang gamit ng papel na talisman na kayang maglabas ng enerhiyang kasalungat nito. Natutunan ni Harvey ang lahat ng klaseng pagguhit mula sa paring ito. Pagkatapos bumuo ng isang komplikadong larawanz hinawi ni Harvey ang kanyang kamay at ihinagis ang talisman sa ulo ng inspektor na walang malay. Pffft!Nagliyab ang talisman; habang sumasayaw sa ere ang apoy, at unti-unting hinigop ng talisman ang dilim ng mukha ng inspektor hanggang sa mawala na ito. Hindi nagtagal, naabo ang talisman bago kumalat sa hangin. Nabigla ang lahat. Parang panaginip lamang ang pangyayaring ito. Alam ng
Dahan-dahang lumipas ang oras. Makalipas ang limang minuto, biglang umupo nang diretso ang inspektor. Kaagad na bumuhos ang dumi sa bibig pagkatapos. Medyo maputla ang mukha niya, ngunit nakaupo pa rin siya. "Nagbalik na siya! Nagbalik na talaga siya!" Pinaligiran siya ng ibang mga inspektor para tingnan ito nang maigi. Pagkatapos masigurong ayos lang ang inspektor, naouno silang lahat ng utang na loob patungo kay Harvey. Sa sandaling iyon, nagdilim ang mukha ni Bowen. Tinitgan niya nang masama ang kanyang anak at bumulong sa kanyang sarili, "Huwag kang gigising! Huwag kang gigising!" Subalit, hindi naman laging umaayon sa isang tao ang pangyayari. Ilang sandali lamang pagkagising ng inspektor, biglang napasigaw sa takot si Larisa. "Nabaril ako! Nabaril ako!" Nanigas si Bowen sa isang iglap. "Ikaw… nagbalik ka na?!" kusa siyang napasigaw. “Father!”Bumalik na sa dati si Larisa. Pagkatapos makilala ang mukha ni Bowenz kaagad siyang tumalon sa mga braso nito.
Habang kausap ni Xynthia si Harvey sa phone, si Ai at ang kanyang tao ay nakaupo sa main hall nang walang alinlangan. Naniniwala si Ai na hindi magtatapang si Harvey na galawin siya, ngunit kaagad siyang sumugod sa ospital pagkatapos malamang pinaluhod si Mrs. Lee doon. Alam ni Ai na ito ang unang hakbang sa plano ni Harvey. Siguro si Ai ang pupuntiryahin sa ikalawang hakbang. Ito man ay para ipagtanggol si Mrs. Lee o upang mauna sa pag-atake, ipinagmayabang ni Ai ang kanyang lakas. Higit pa rito, nagpunta siya para makipagkita sa kanyang suporta bago pumunta dito. Pagkatapos makita ang pagsang-ayon ng kanyang suporta, kampante si Ai na madali niyang madudurog si Harvey. Bukod sa Capital Gang, si Senior Miller—ang taong sinampal-sampal ni Harvey—ay pumunta rin kasama ni Ai. Hindi malimutan ni Senior Miller ang sakit na tiniis niya noon. Hindi lamang tinataboy ni Ai ang mga pasyente at mga medical staff sa ospital, ngunit nagbabanta rin siya; sinasabing gagawin niya ang
Nang makita ang aroganteng mukha ni Senior Miller, tinakpan ng magagandang babaeng nakapaligid kay Ai ang kanilang bibig at ngumisi. 'Diyos lang ang nakakaalam kung anong ginawa ng hayop na 'yun kay Mrs. Lee…" 'Ngunit ibig-sabihin nito nakasalalay dito ang reputasyon ni Ai!''Bilang leader ng Capital Gang, hindi niya hahayaang bastusin siya ng kahit sino, kahit kapalit pa ang buhay niya!' 'Lagi niyang babawiin ang kanyang dangal tuwing mawawala ito!' Sa madaling salita, sigurado ang mga babaeng katapusan na ni Harvey. Hinawakan ni Ai ang kanyang sigarilyo habang nakasandal siya sa sofa habang magkapatong ang kanyang binti. Hindi niya pinigilan si Senior Miller na magmataas; mayroong ilang bagay na hindi niya kayang gawin, kung iisipin ang kanyang pagkatao. Gayunpaman, ang isang tauhang tulad ni Senior Miller na nagyayabang ng kanyang lakas ay epektibo sa ganitong gawain. Kaagad na umatras si Xynthia, para bang takot na takot siya. "Pasensya na! Kasalanan ko at hindi
Krik!Bumukas ang emergency exit. Nagpakita si Harvey. Kaagad siyang lumapit nang makita niya si Xynthia sa malayo. "Nagpakita ka talaga, Harvey!" Lumapit si Senior Miller habang hawak ang kanyang masakit na mukha. Sinukat niya muna si Harvey bago ito ngitian. "Akala ko habang buhay ka nang magtatago, g*go ka! Sigurado akong hindi ka na magpapakita ulit!" "Ngayong nandito ka na, sasabihin ko sa'yo!" "Babayaran mo kami nang sampung beses sa nangyari sa Film City ay sa kaarawan ni Mrs. Lee!" "Kung hindi, papatayin na talaga kita!" Natural, alam ni Senior Miller na humingi ng suporta si Ai bago magpakita dito. Ito ang dahilan kung bakit kampante si Senior Miller sa kanyang sarili. Hindi pa siya naging ganito kayabang sa buong buhay niya. Humalukipkip ang magagandang babae habang pinapanood nila si Harvey. Akala nila si Harvey ay isang mayamang lalaki o isang beteranong fighter dahil nagtapang itong sampalin si Senior Miller sa mukha, bastusin si Mrs. Lee, at hindi m
Natawa si Harvey. Pinagsalubong ni Ai ang kanyang binti at humipak sa kanyang sigarilyo. "Hindi ko inakalang magkikita agad tayo muli." "Medyo abala ako ngayon, kaya hindi pa kita mababaiwan sa ngayon." "Hindi ko inakalang bigla mo akong pupuntahan." "Masyado na bang komportable ang buhay mo? Ayaw mo nang mabuhay?" "Nandito ka ba para masabik? O nandito ka ba para mamatay?" Nanigas si Ai. Pagkatapos, ikinumpas niya ang kanyang kamay para pigilan sila Senior Miller sa pagsagot. "Mayabang ka, bata," sinabi niya habang nakatitig nang masama kay Harvey. "Dahil binastos mo si Mrs. Lee, ibig-sabihin niyan kahit paano mahusay, malakas, at makapangyarihan ka." "Gayunpaman, dapat alam mong nasa Flutwell ka ngayon!" "Ito ang pinakamalaking siyudad ng southwest region ng Country H! Ang Mordu, Golden Sands, at Buckwood ay katumbas nito!" "Bukod sa Golden Palace, ang top ten families, at ang four cornerstones, maraming ibang taong dapat mong matutunang igalang…" "Kung hindi,