“Oh! Master York!“Ang tapang ah!Isang babae sa tabi ni Nameless ang lumapit nang nakahalukipkip bago ituro si Harvey York gamit ang kanyang ilong.“Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kamangmang na sinasabi mo ‘yan sa harapan ni Young Master Nameless?“Ang Faceless Group ay isang billion-dollar corporation!“Kung gusto ni Young Master Nameless, pwede ka niyang durugin gamit ng isang daliri!“Gusto mo bang sunugin ang Faceless Group? Gamit ng ano? Ng bibig mo?“O isusumpa mo ng kamatayan ang mga tao?“Isa ka lang geomancy expert! Bakit ka pa ba nagpapanggap?Natawa ang babae.“Papayuhan kita, manloloko! Itigil mo na ang pagpapahiya sa sarili mo sa isang high-class venue na tulad nito! Sa ibang lugar ka na lang manloko!“Wala ka namang karapatan na labanan si Young Master Nameless!“Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ihandog mo na lang dapat ang asawa mo ngayong interesado na siya dito! Naiintindihan mo ba ako?!“Wala man lang pagkakataon ang mga tulad namin na pagsilb
Mukhang kalmado si Nameless, para bang kaya niyang harapin ang buong mundo.Ang mga tao sa paligid ay tuluyang nahumaling sa kanyang kagwapuhan. Maging ang mga top-rated na kilalang tao tulad ni Maisie Xavier at Kensley Quinian ay hindi mapigilang mapatingin sa kanya.Higit sa lahat, hindi nila gusto ang aura at ugaling pasaway ni Nameless, pero sadyang sobrang tindi ng pagkalalaki niya sa mga oras na ito.“Harvey,” sinabi ni Nameless habang nakangiti.“Nagpunta ka dito para lang gumawa ng gulo. Binugbog mo ang security team ko at sinaktan pa ang mga panauhing inimbitahan ko.“Nauunawaan mo ba ang ginawa mo?“Sigurado ka bang kaya mong harapin ang kapalit ng paggawa mo niyan?”Nakatingin ang marami kay Harvey nang nakangiti.Totoo, mukhang mabagsik si Harvey, sinasampal ang mga tao nang walang pakialam…Pero ang Faceless Group ay hindi lamang isang karaniwang korporasyon. Ang pangalang ito pa lang ay kaya nang alisin ang tapang ng maraming tao, ayon sa kanilang pinagmulan at l
Pinunasan ni Nameless ang kanyang mukha at natulala siya saglit bago ngumiti nang seryoso.“Sinampal mo ako?“Ga*o ka!“Nababaliw ka na ba?!“Ang kapal ng mukha mong sampalin ako?!“Sinong nagbigay sa’yo ng tapang?!”Slap!Hinampas ni Harvey York ang likod ng kanyang palad paharap nang hindi nagsasayang ng oras.“Bata ka ba o baguhan, Nameless?“Ano naman kung sampalin kita?“Ikaw, sa lahat ng tao, ang dapat nakakaalam ng ginawa mo.“Kung may oras ka para dumaldal, dapat inaalam mo na lang kung paano ka magbabayad.“Tatlumpung segundo na ang nakalipas.”Walang pasensya si Harvey na paglaruan si Nameless tuwing nadadamay si Mandy Zimmer.Ginagawa ng mga Hermit Family at Patel family ang kanilang makakaya para hanapin si Mandy, pero nababahala pa rin si Harvey.Kailangan niyang masigurong ligtas si Mandy.Walang kaibahan ang sampal niya sa mga naunang sampal.Hindi lamang niya gustong yurakan ang dangal at dignidad ni Nameless, ngunit gusto niya ring ganito ang mangyari
Mukhang mayabang si Ryohei Kubota habang nagsasalita.“Gamit ang Abito Way, hindi ko itatabi ang espada ko hanggat hindi ito nakakatikim ng dugo!“Maraming mga expert kuno sa Country H ang napaslang na ng espada ko!“Hindi ko ito ilalabas para sa isang tulad mo!“Luhod!“Huwag ka nang magpumiglas!”Mapagmataas si Ryohei. Noon pa man ay dinudurog na niya ang mga kalaban niya, kaya pakiramdam niya walang makakatalo sa kanya.Sa kabila ng pinakitang lakas ni Harvey York, kampante si Ryohei na matatalo niya ang kahit sino basta wala si Julian York.“Ganun ba?Ngumiti si Harvey.“Sino si Shuji Kubota para sa’yo?”“Kapatid ko siya! Kami ang pinakamagaling na disciple ng Abito Way! Kami…” marangal niyang sinagot.“Mas wala kang kwenta sa kanya.”Umapak si Harvey sa sahig, kaagad na pinutol ang sagot ni Ryohei.Crack!Tumalsik ang piraso ng sahig sa isang iglap. Nagbago ang mukha ni Ryohei. Kusa niyang sinubukang bunutin ang kanyang spada.Ngunit sa sandaling gawin niya ito, na
”Ayaw?”Ngumiti si Kensley Quinian.“Tingin mo ba may karapatan siya para gawin ko ‘yan?“Tingin ko lang isang malaking katangahan ang mga ginagawa niya!“Hindi na mahalaga kung dinakip ba ni Nameless ang asawa niya o hindi! Hindi man lang siya umaasal nang tama sa pagmamakaawa niya!“Tingnan mo ang mayabang niyang mukha! Baka isipin ng mga di nakakaalam na siya ang hari ng siyudad!“Kahit ang Patel family ay hindi aasal nang ganito!“Ang John family lang ang pwedeng umasal nang ganito!”Ngumiti nang marahan si Blaine John.“Huwag mong sabihin ‘yan Kensley. Noon pa man ay mapagkumbaba na ang John family.“Sabi-sabi lang ang pagiging hari namin ng Golden Sands.”Hindi mapigilan ni Blaine na mapatingin nang mapang-asar kay Harvey.“Magaling ka bata!Nawala na ang pagkabigla ni Nameless habang nakatitig siya kay Harvey nang may pang-aasar.“Akala ko nagyabang ka lang sa harapan ko dahil sa tulong ni Julian York!“Mukhang kasinlakas mo rin pala siya!“Siguro ikaw ang tumutu
Ayon sa alamat na upang makapagsanay sa lihim na sword art ng Abito Way, sampung taon na nagtago sa Death Forest si Phantom Blade Kenshi.Noong lumabas siya, kaya na ng kanyang espada na hatiin sa dalawa ang isang talon.Hindi maaaring makamit ng sinumang ordinaryong tao ang ganoong klaseng lakas.Sinasabi rin na siya ang pinakapambihirang kandidato mula sa nakababatang henerasyon upang maging isang God of War.Lubhang napakabihira ng mga taong gaya niya.Kung hindi ipinahiya ng Country H ang Abito Way, at kung hindi nagpumilit si Faceless na dalhin siya dito…Hindi sana niya ipapakita sa publiko ang kanyang mukha hangga’t hindi pa siya nagiging isang God of War.Laging nirerespeto ni Blaine ang isang taong may ganoong kakayahan. Inangat niya ang baso niya kay Kenshi mula sa malayo, bilang isang toast para kay Kenshi.Tinanguan ni Kenshi si Blaine bago siya muling tumingin kay Harvey. Natural ay alam niya ang posisyon ni Blaine sa top-rated circle.“Patayin mo ang sarili mo. P
Swoosh!Idiniin ni Kenshi ang kanyang mahabang espada. Tumalon siya patungo kay Harvey, winasiwas niya ito papunta kay Harvey. Mabilis na gumalaw ang kanyang espada, gaya ng isang multo. Naghiyawan ang mga tao sa gulat at pagkamangha sa swordsmanship ni Kenshi.Maging si Blaine at ang kanyang mga kasamahan ay magalang na tumingin sa likuran ni Kenshi, ang kanilang mga ekspresyon ay hindi na mapaglaro o mapanghamak. Ang malakas ay palaging nakakakuha ng respeto saan man sila magpunta.Nang makitang sumugod si Kenshi sa kanya, kalmadong pinitik ni Harvey ang kanyang daliri.Clang!Dumapo ang daliri niya sa talim ng espada ni Kenshi. Noong sandaling iyon, tila kumulog. Mabilis na napaatras si Kenshi.Nanginig ang buong katawan niya matapos pitikin ni Harvey ang kanyang espada. Mabilis siyang umatras; ang kanyang mga paa ay nag-iwan ng dalawang bakas sa lupa.Tumingin siya kay Harvey, hindi siya makapaniwala.Tatlumpung porsyento lamang ng kanyang kapangyarihan ang ginamit ni
Sino ba si Kenshi?Siya ang senior ng Abito Way!Sa nakababatang henerasyon, siya ang may pinakamalaking potensyal na maging isang God of War. Nanatili siya sa Death Forest para sa kanyang pagsasanay, hanggang sa magawa niyang hatiin sa dalawa ang isang talon.Subalit, ang taong tinitingala ng Nameless at ng Island Nations…Sinampal lamang ng isang hamak na live-in son-in-law!Higit pa rito, hindi na makalaban si Kenshi dahil dito.Hindi makapaniwala ang lahat.Nanigas si Blaine habang hawak ang kanyang baso, mukhang gulat na gulat siya. Napatayo sa gulat si Vaughn, bakas sa mukha niya ang matinding takot.Si Maisie at si Kensley, na minamaliit si Harvey, ay tinakpan ang kanilang mga bibig sa sobrang pagkagulat. Gusto nilang sumigaw, ngunit natatakot sila na magmukhang bastos at bumaba ang kanilang mga standards.Pinunasan ni Harvey ang kanyang kamay gamit ng wet wipes pagkatapos niyang talunin si Kenshi. Pagkatapos ay tiningnan niyang maigi si Nameless, na gulat na gulat.“M