”Ayaw?”Ngumiti si Kensley Quinian.“Tingin mo ba may karapatan siya para gawin ko ‘yan?“Tingin ko lang isang malaking katangahan ang mga ginagawa niya!“Hindi na mahalaga kung dinakip ba ni Nameless ang asawa niya o hindi! Hindi man lang siya umaasal nang tama sa pagmamakaawa niya!“Tingnan mo ang mayabang niyang mukha! Baka isipin ng mga di nakakaalam na siya ang hari ng siyudad!“Kahit ang Patel family ay hindi aasal nang ganito!“Ang John family lang ang pwedeng umasal nang ganito!”Ngumiti nang marahan si Blaine John.“Huwag mong sabihin ‘yan Kensley. Noon pa man ay mapagkumbaba na ang John family.“Sabi-sabi lang ang pagiging hari namin ng Golden Sands.”Hindi mapigilan ni Blaine na mapatingin nang mapang-asar kay Harvey.“Magaling ka bata!Nawala na ang pagkabigla ni Nameless habang nakatitig siya kay Harvey nang may pang-aasar.“Akala ko nagyabang ka lang sa harapan ko dahil sa tulong ni Julian York!“Mukhang kasinlakas mo rin pala siya!“Siguro ikaw ang tumutu
Ayon sa alamat na upang makapagsanay sa lihim na sword art ng Abito Way, sampung taon na nagtago sa Death Forest si Phantom Blade Kenshi.Noong lumabas siya, kaya na ng kanyang espada na hatiin sa dalawa ang isang talon.Hindi maaaring makamit ng sinumang ordinaryong tao ang ganoong klaseng lakas.Sinasabi rin na siya ang pinakapambihirang kandidato mula sa nakababatang henerasyon upang maging isang God of War.Lubhang napakabihira ng mga taong gaya niya.Kung hindi ipinahiya ng Country H ang Abito Way, at kung hindi nagpumilit si Faceless na dalhin siya dito…Hindi sana niya ipapakita sa publiko ang kanyang mukha hangga’t hindi pa siya nagiging isang God of War.Laging nirerespeto ni Blaine ang isang taong may ganoong kakayahan. Inangat niya ang baso niya kay Kenshi mula sa malayo, bilang isang toast para kay Kenshi.Tinanguan ni Kenshi si Blaine bago siya muling tumingin kay Harvey. Natural ay alam niya ang posisyon ni Blaine sa top-rated circle.“Patayin mo ang sarili mo. P
Swoosh!Idiniin ni Kenshi ang kanyang mahabang espada. Tumalon siya patungo kay Harvey, winasiwas niya ito papunta kay Harvey. Mabilis na gumalaw ang kanyang espada, gaya ng isang multo. Naghiyawan ang mga tao sa gulat at pagkamangha sa swordsmanship ni Kenshi.Maging si Blaine at ang kanyang mga kasamahan ay magalang na tumingin sa likuran ni Kenshi, ang kanilang mga ekspresyon ay hindi na mapaglaro o mapanghamak. Ang malakas ay palaging nakakakuha ng respeto saan man sila magpunta.Nang makitang sumugod si Kenshi sa kanya, kalmadong pinitik ni Harvey ang kanyang daliri.Clang!Dumapo ang daliri niya sa talim ng espada ni Kenshi. Noong sandaling iyon, tila kumulog. Mabilis na napaatras si Kenshi.Nanginig ang buong katawan niya matapos pitikin ni Harvey ang kanyang espada. Mabilis siyang umatras; ang kanyang mga paa ay nag-iwan ng dalawang bakas sa lupa.Tumingin siya kay Harvey, hindi siya makapaniwala.Tatlumpung porsyento lamang ng kanyang kapangyarihan ang ginamit ni
Sino ba si Kenshi?Siya ang senior ng Abito Way!Sa nakababatang henerasyon, siya ang may pinakamalaking potensyal na maging isang God of War. Nanatili siya sa Death Forest para sa kanyang pagsasanay, hanggang sa magawa niyang hatiin sa dalawa ang isang talon.Subalit, ang taong tinitingala ng Nameless at ng Island Nations…Sinampal lamang ng isang hamak na live-in son-in-law!Higit pa rito, hindi na makalaban si Kenshi dahil dito.Hindi makapaniwala ang lahat.Nanigas si Blaine habang hawak ang kanyang baso, mukhang gulat na gulat siya. Napatayo sa gulat si Vaughn, bakas sa mukha niya ang matinding takot.Si Maisie at si Kensley, na minamaliit si Harvey, ay tinakpan ang kanilang mga bibig sa sobrang pagkagulat. Gusto nilang sumigaw, ngunit natatakot sila na magmukhang bastos at bumaba ang kanilang mga standards.Pinunasan ni Harvey ang kanyang kamay gamit ng wet wipes pagkatapos niyang talunin si Kenshi. Pagkatapos ay tiningnan niyang maigi si Nameless, na gulat na gulat.“M
Crack!Tinapakan ni Harvey ang isa pang binti ni Nameless, binlai rin niya ito.Nakahiga si Nameless sa lupa at hindi makagalaw, puno ng sakit at paghihinagpis. Hinawakan niya ang kanyang katawan, sinubukan niyang iligtas ang natitira niyang pride.Dinampot ni Harvey ang isang long sword na nakakalat sa lupa, at tinutok niya ang dulo ng espada sa lalamunan ni Nameless.“Alam ko iniisip mo na kahanga-hanga ka, Nameless.“Hindi ka rin nagdalawang-isip na makipaglaro sa’kin.“Pero, may gusto lang akong sabihin sayo…“Sa normal na sitwasyon, paglalaruan kita ng mas mabagal—isa-isa kong babaliin ang mga buto mo, at lulumpuhin kitang maigi.“Sayang lang wala akong pasensya pagdating sa asawa ko.“Tatanungin kita ulit: nasaan siya?“Kahit hindi mo sabihin sa’kin, hahanapin ko pa rin siya pagkatapos kitang patayin.”Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey at matapos niyang makita ang nakakatakot niyang tingin, kasama ang long sword, hindi mapigilang manginig ni Nameless s
Sa kabilang linya ng phone, nanigas si Sakura. Pagkatapos, tumawa siya.Medyo kakaiba ang tawa niya, para bang sinasapian siya ng isang demonyo mula sa impiyerno.Nagsimulang kabahan si Nameless.“Hindi mo ba ako naiintindihan?! Dalhin mo na siya dito!”“Pasensya na, Young Master Nameless.”Malamig at mapaglaro ang tono ni Sakura.Tatapusin na ng Shindan Way at ng Tsuchimikado Family ang pakikipagkooperasyon sa Evermore dito. Hindi namin pakakawalan si Mandy. Good luck!”Beep, beep, beep!Namutla ang mukha ni Nameless. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang phone.Inabandona nila siya!Siya ang young master ng Faceless Group at isang miyembro ng Evermore, ngunit ganun nila siya kadaling iniwan sa ere.Lumamig ang mga mata ni Harvey.Ang Shindan Way at ang Tsuchimikado Family ay pareho niyang nakaharap noon sa Mordu.Hindi niya inasahan na mangangahas pa rin silang gumawa ng gulo pagkatapos mawala sa kanila si Akio.Natatandaan din niya na pinatay niya si Sakura…Subalit,
Sa mga sandaling ito mismo, isa-isang sumindi ang mga kandila sa madilim na shrine.Isang nakaunipormeng onmyouji ang dahan-dahang tumayo.Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa shrine. Maririnig ang mga nakakapangilabot na alulong mula sa likod niya habang naglalakad siya.Hindi mapigilang manginig ng mga walang awang eksperto mula sa Island Nations nang makita nila ito. Habang nakatingin sila sa lalaki, tila takot na takot sila.“Hindi mahinahon ang puso mo, Sakura. Magagambala ang multong nasa loob mo. Magagalit ito, dahilan upang mawalan ka ng kontrol at lalamunin ka nito ng tuluyan.“Ibinigay ko sayo ang Talisman Spirit ng Tsuchimikado Family hindi para lamunin ka nito ng buo.“Naiintindihan mo ba?”Naalala ni Sakura ang isang hindi kanais-nais na pangyayari, at agad siyang nanginig sa takot.“Oo, Young Master Soraru! Ang Tsuchimikado Family ang nagbigay sa’kin ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.“Kokontrolin ko ng maayos ang sarili ko! Hindi ako lalamunin ng Talisman
“Harvey?!”Nang makita niya ang lalaki sa driver’s seat, nagngitngit ang mga ngipin ni Sakura, lumamig ang kanyang ekspresyon.Hiding-hindi niya makakalimutan ang pigurang iyon.Si Harvey ang sumira sa buong plano ng Shindan Way sa Mordu. Ang kanyang guro, si Akio Yashiro, ay namatay din sa mga kamay niya.Muntik na siyang hindi makaligtas, ngunit ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya pagpipira-pirasuhin si Harvey.Para lang doon, naghanda siya ng maraming tauhan.Masyadong matindi ang trauma na ibinigay sa kanya ni Harvey!Hindi pinansin ni Harvey si Sakura. Noong nakita niya ang walang malay na katawan ni Mandy, sa wakas ay nakahinga na siya ng maluwag.Ngayong nasiguro na niyang ligtas si Mandy, hindi na siya nag-aalala.“Pakawalan niyo si Mandy, at hindi kita sasaktan,” sabi ni Harvey, habang nakatingin ng matalim kay Sakura. Naging mabuti na siya sa kanila sa lagay na ito.“Pakawalan siya? Nababaliw ka na ba?”Sa wakas ay nahimasmasan na si Sakura. Hinila niya n