Mabilis at pamatay ang atakeng iyon. Sinasakripisto ni Rachel ang buhay niya para lang tumama ang atake niya! Mamamatay nang sabay ang parehong panig! Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Bulldozer; hindi siya makapaniwala na gagawa ng ganitong bagay si Rachel sa umpisa pa lang. Walang pakialam si Rachel sa sarili niyang buhay, pero hindi ganun si Bulldozer. Nagsilbi siya sa ilalim ng John family para mabuhay ng marangya at masagana, hindi para mabuhay nang may hawak na patalim buong buhay niya… Hindi niya gustong mamatay! Sinubukan ni Bulldozer na depensahan ang sarili niya sa ere; ang nakakatakot niyang paghiwa ay kaagad na naging isang dosenang magkakaibang atake sa ere. Klang, klang, klang!Tumalsik ang maliliit na kislap sa buong lugar. Narinig sa buong box ang tunog ng banggaan ng bakal. Hindi nagtagal, bumagsak si Rachel. Tumulo ang dugo mula sa bibig niya; namutla nang sobra ang mukha niya at bumagsak siya sa lapag. Nakatayo si Bulldozer sa harapan niya,
Nahimasmasan si Dahlia pagkatapos ng matagal na paghinto. Ang pagiging kalmado ng boses niya ay tuluyang napalitan ng walang katapusang galit. "Sugod! Kayong lahat!" "Patayin niyo sila! Patayin niyo sila ngayon din!" Alam niyang katapusan na niya sa sandaling nagsimula ang lahat ng ito. Namatay sina Young Master Myers at Croix. Naghihingalo si Bulldozer. Masama rin ang kalagayan ni Freddy… Magbabayad siya nang malaki para sa lahat ng ito!Malamang ay maglalaho siya sa Flutwell pagkatapos ng insidenteng ito… Kung kaya't nagpasya siyang bumagsak kasama ng mga kalaban niya. Sa mga sigaw ni Dahlia, tinutok ng Overlord Gang ang mga baril nila kay Harvey nang may malalamig na titig. Ngunit walang nagtangkang kalabitin ang gatilyo. May malamig na ekspresyon si Dahlia habang patuloy niyang tinatawagan ang isang numero sa phone. Dumami ang tao sa labas pagkatapos niyang tumawag ng napakaraming tao—hindi nagtagal, nasa isang libong tao na ang nakatayo sa labas. Malinaw na
Ang lahat ng tao sa Torres family ay nagtatrabaho para sa gobyerno. Ang pinakamahalaga bilang tungkulin ay panatilihin ang hustisya. Hindi lang ang Wright family—ang biktima ng insidenteng ito, ang Torres family din ay kailangang maging patas sa ibang tao. Nang hindi nagdadalawang-isip, mabilis na lumabas si Ansel ng interrogation room. Pagkalipas ng dalawang oras, lumitaw ulit si Ansel. Hindi na mababago ang lahat. "Tapos na ang lahat, Sir York," sabi ni Ansel habang marespetong nakatayo sa tabi ni Harvey." "Inimbestigahan na namin ang lahat sa panig mo. Ang mga ginawa mo ay matuturing na katapangan at self-defense!" "Hindi ka lang makakalaya, gagantimpalaan ka rin ng pulisya ng Good Citizen Medal." Ininom ni Harvey ang kape niya habang pinakinggan ang mga salita ni Ansel. "Paano naman ang iba?" "Si Princess Wright ang biktima kaya natural na ayos lang siya. Makakatanggap din siya ng maayos na danyos para sa insidente." "Paparusahan nang matindi ang mga Indian, n
Isang hindi pansining Haval sedan ang nakaparada sa labas ng Flutwell Police Station sa isang sulok. Bumukas ang pinto ng sedan sa paglitaw ni Harvey. Bumaba si Sienna nang may mainit na ngiti. "Nandito ka na sa wakas, Sir York." "Kung hindi ka makalaya, pagsisisihan ko to buong buhay ko," sabi ni Sienna nang may malungkot na ekspresyon sa mukha niya. Sa katayuan niya, kaya niyang palayain si Harvey mula sa kulungan sa isang tawag lang. Pero dahil masyadong pambihira ang katayuan niya, may mga bagay na hindi niya kayang gawin. Iyon ang dahilan kung bakit nagagawa ng mga kalaban sa pelikula ang kahit na ano habang ang mga bida ay patuloy na naiipit. Lalo na't may ilang taong nabubuhay para protektahan ang batas at hustisya; wala silang magagawa kundi maging halimbawa para sa mga tao. Kung kaya't walang balak si Sienna na tumawag sa umpisa pa lang. Sa halip, balak niyang tahimik na maghukay ng ebidensya ng pakikipagsabwatan ng John family sa kalaban at hulihin ang mga
Habang nakatingin sa determinadong mukha ni Sienna, alam na ni Harvey na hindi ito matatapos kapag tumanggi siya. Pagkatapos itong pag-isipan nang matagal, tinanggap ni Harvey ang regalo. Kasabay nito, naghahanap siya ng pagkakataong magbalik ng bagay na ganito rin ang halaga. Higit sa lahat, magkakaibigan sila. Natural lang na bumawi. Tinanggihan ni Harvey ang alok ni Sienna na kumain. Nakikita niya ang mga bodyguard sa kotse ni Sienna na nakatitig sa kanya nang masama. Kung hindi lang iniligtas ni Harvey si Sienna, sinugod na sana siya ng mga bodyguard at itinulak palayo mula kay Sienna. Hindi ito pinansin ni Harvey. Higit sa lahat, siguro iniingatan ng sobra ng Big Boss ang kanyang anak. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi na hahayaan ni Big Boss na may lalaking lalapit kay Sienna. Higit sa lahat, ayaw ni Harvey na makuha ang pansin ni Big Boss. Hindi lamang sa wala siyang balak na maging isang elder ng militar ng bansang ito, ngunit wala rin siyang balak na mag
Alam ni Harvey na hindi basta matatapos ang insidenteng ito. Gayunpaman, hindi niya inakalang hahabulin siya ng John family paglabas pa lang niya ng estasyon. Ngunit mula dito, natutukoy ni Harvey na galit na galit na ang John family. Sa pananaw nila, napahiya sila nang sobra sa isang mahalagang sandali para maging isang top-rated family. Nakikipagtulungan rin sila sa mga Indiano. Kapag hindi sila nakapagbigay ng paliwanag sa mga Indiano tungkol sa insidenteng ito, siguradong matatapos na ang pagtutulungan nila! Hindi ito matanggap ng John family. "Wala kang karapatang magsalita! Kami lang!" Dahan-dahang bumukas ang pinto ng isang Toyota Alphard. Isang matandang lalaking nakaitim at may maayos na puting buhok ang lumabas nang dahan-dahan. Pagkatapos ay tinitigan niya nang masama si Harvey. "Sa sandalin binangga mo ang John family, alam mo na dapat ang kapalit nito." "Hindi mo na kailangang matakot. Hindi kami nagpunta dito para patayin ka—nagpunta kami para lump
Seryosong tumawa si Butler John. Pagkatapos, biglang sumama ang mukha niya. "Tingin mo ba talaga bibigyan ka namin ng pagkakataon?!" "Dali! Lumpuhin niyo na siya!" Umabante ang mga taong nakasuot ng gintong damit habang mukhang seryoso. Ang bawat galaw nila ay sabay-sabay, sa puntong pati ang paghinga nila ay sabay. Nakakakilabot itong tingnan. Natawa si Harvey. "Lulumpuhin niyo ako?" "Gamit ng mga ito?" "Tigilan niyo ang pangangarap." Umabante si Harvey. "Hindi niyo na kailangang magsayang ng oras." "Bakit hindi niyo rin ako sunggaban?" "Lahat kami sabay-sabay? Wala kang karapatang pakilusin si Butler John!" Tumawa nang malakas si Butler John. "Kayong tatlo! Sabay-sabay kayong umatake!""Huwag kayong magsayang ng oras!" Tumango ang mga taong nakasuot ng gintong damit bago ikumpas ang kanilang kamay. Pagkatapos nito, mabilis na lumipad ang mga nakatagong palaso patungo kay Harvey. Alam ni Harvey na delikado ang mga palasong ito nang makita niya ang kampan
Ngumiti ang mga tao ng Northsea Tigers. "Wala akong pake kung sino ka, pero wala kang karapatang mangialam sa mga gawain ng John family!" Kalmadong lumapit si Ansel bago ihawi ang kanyang spada. Hindi mabilis ang paghawi nito, ngunit makikita ang isang liwanag na parang liwanag ng buwan. Nagbago nang husto ang mukha ng lalaking nagsalita kanina. Naramdaman niyang hinahabol siya ng atake ni Ansel. Mukhang napakabagal nito sa paningin niya, para bang pwede niya itong basta harangin. Ngunit hindi niya mawari kung bakit parang mas mabagal siya kaysa sa hawing ito… Anong ibig-sabihin nito? Mas mabilis na ang atakeng ito sa kayang makita ng tao! Sa madaling salita, imposibleng madepensahan niya ang kanyang sarili dito! Gayunpamqn, hindi siya basta tumunganga at nagpatama na lang. Nagkiskisan ang ngipin niya at kaagad niyang hinawi ang kanyang kamay, nagpalabas ng mga nakatagong palaso. Nakita ng lahat na tumama ang atake ni Ansel. Akala nila masisira ang buong lug