Base sa kung paano kumilos ang royal court at ang maalamat na Big Boss… Kapag nabunyag ang bagay na ito, hindi ito magiging kasing simple ng pagsira sa buong pundasyon ng India sa loob ng Flutwell. Malamang ay makakahanap ang Country H ng palusot para maglagay ng tao nila sa labas ng border ng bansa. Lalo na't ang pagtatayo ng iligal na pasugalan sa loob ng bansa ay maituturing na matinding pambabastos. Syempre, mayroon pang isa pang dahilan. Kapag nangyari ito, malamang ay puputulin ng India ang ugnayan nila sa mga taong sangkot sa ganitong krimen… Sa madaling salita, mas nakakatakot ang tawag ni Harvey para kina Nolan at sa iba pa. Hindi sila natatakot sa buong army na ipapadala laban sa kanila, pero di nila kakayanin kung tatawag si Harvey. Sa sandaling ito, hindi na sigurado si Nolan kung hindi siya papatayin ni Harvey. 'Baliw ang lalaking ito! Wala siyang pakialam kung lumala ang sitwasyon!' "Lalaki ka ba o ano, Harvey?!" Napasigaw si Aaron. "Dapat nating ayu
"Masaya na ko sa ganito." "Pero may isa pang bagay…" Kalmadong kinalabit ulit ni Harvey ang gatilyo. Bang, bang!Sumigaw si Aaron sa sakit; dalawang butas ang lumitaw sa binti niya. Bumagsak siya sa lapag nang hindi makakilos; ang magagawa niya lang ay gumulong gamit ang buong lakas niya. "Ang kapal ng mukha mo!" "Balak mo ba kaming galitin nang tuluyan?!" Napuno ng galit si Nolan sa nakita niya. Noong una, inakala niyang kaya niyang tiisin ang lahat ng nangyari… Ngunit patuloy na inuubos ni Harvey ang pasensya niya, at patuloy niya siyang binabastos. Hindi! Wala talagang pakialam si Harvey sa Bharata Business Council! "Ang kapal ng mukha ko?" "Galitin ka?" "Wala kang karapatang sabihin yun!" Initsa ni Harvey sa tabi ang baril, pagkatapos ay hinablot ang Hermes na panyo ni Nolan para punasan ang mga daliri niya. Tinupi niya nang maayos ang panyo at ibinalik ito sa bulsa ni Nolan pagkatapos. "Paano kung ganito? Bibigyan kita ng pagkakataon," nakangiti ni
Bumuntong-hininga si Joseph. "Sinabi ko na sa'yo! Wag mong patungan ang kapangitan ko ng kamangmangan." "Kapag ginawa mo yun, malalaman mo kung anong ibig sabihin nang makahuli ng tao sa sarili nilang kagustuhan." Binaba ni Joseph ang pamingwit niya bago pinunasan ang mga kamay niya bakit ng basang bimpo, na kinuha naman niya mula sa batya sa tabi niya. Pagkatapos ay sinenyasan niya si Ozzy na maupo. "May nangyari bang malaki? Mukhang nagmamadali ka.""Tama ka," tahimik na sagot ni Ozzy. "Nakatanggap ako ng balita na naospital si Mandy pagkatapos siyang bugbugin ni Eli." "Dinala ni Harvey si Rachel sa Flutwell Hotel kamakailan." "Nanalo sila ng tatlong daang milyon mula kay Aaron…""At nilumpo pa nila siya, tapos pinagsasampal si Nolan." Mabilis na kwinento ni Ozzy ang buong sitwasyon. "Sa prosesong ito, binanggit pa ni Nolan ang pangalan mo, sinabi niyang sworn brothers kayo ni Frankie.""Kapag nagpatuloy to, pakiramdam ko ay masasangkot ka sa sitwasyong ito."
Habang nagpaplano sina Joseph at Ozzy para sa susunod nilang hakbang, nakabalik na si Harvey sa base camp ng Hatchet Gang. Dahil sinasamahan nina Lilian at Xynthia si Mandy sa ospital, para bang medyo malungkot ang dating maingay na courtyard. Umalis si Rachel pagkatapos gawan ng black tea si Harvey. Hindi nagtagal ay tumakbo papasok si Kayden nang may natatarantang ekspresyon, sabi niya ay may gustong makipagkita kay Harvey. Sinabihan ni Harvey si Kayden na papasukin ang tao nang hindi nagsasayang ng kahit na kaunting oras. Nanigas si Harvey bago siya napatayo. "Bakit kayo naparito, Elder Torres?" "Pwede mo kong tawagan na lang kung gusto mo kong makita. Bakit nagpunta ka mismo rito?" Ang taong nagpunta rito ay walang iba kundi si Colton Torres. Nakasuot siya ng suit niya at may hawak na tungkod. Mukhang masigla siya. Natural na punong-puno siya ng sigla pagkatapos pagalingin ni Harvey ang sakit niya. Umupo si Colton sa harap ni Harvey nang walang alinlangan. "
"Ganun ba." Tumango si Harvey. Inisip niya na may iba pang mangyayari sa Longmen Summit. Sa huli, isa lang itong martial arts tournament. Umiling si Harvey. "Hindi naman sa wala akong pakialam sa hiling mo, Elder Torres, pero hindi ako interesado sa mga ganitong bagay." "Mukhang hindi kita matutulungan diyan." Ngumiti si Colton nang makita ang kawalan ng interes ni Harvey. "Ang totoo, sa tingin ko kailangan mong sumali." “Hmmm?”Nagtaka si Harvey; hindi mahalaga kung pumunta siya sa isang event na kagaya nito o hindi. Bakit siguradong-sigurado si Colton na kailangang niyang pumunta? Marami nang inisip si Harvey. Wala talagang pakialam si Harvey sa mga bagay kagaya ng tournament. "Ayon sa sources ko, may malalang sakit ang master ng Longmen, si Samuel Bauer. Mamamatay siya anomang minuto." "Kapag namatay siya, magkakagulo ang Longmen at ang Bauer family." "Kailangan nila ng taong may matinding awtoridad para mamuno." "Kung hindi, magdadala ng kaguluhan ang und
Walang nasabi si Harvey. "Pero hindi talaga ako interesado rito. Ayaw ko ring maging master ng Longmen." "Alam ko wala kang pakialam sa reputasyon, Sir York.""May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa." "Kapag bumagsak ang Longmen, pati rin ang underworld. Kapag nangyari yun, susunod ang bansa." "Manonood ka na lang ba habang kinakamkam ng mga dayuhang ang bansa natin?" Walang nasabi si Harvey nang marinig niya ang mga salita ni Colton. Pagkatapos ng isang sandali, bumuntong-hininga siya. "Sa puntong ito, magmumukha akong ignorante kung di ako pumunta." "Saan ako magsi-sign up? Titignan ko." "Hindi na kailangan." Naglabas si Colton ng isang registration from na may pirma. Masaya niyang inabot ang papel kay Harvey. "Pirmahan mo lang ang papel na'to." "Tama. Pipiliin ang representative ng Flutwell bukas. Makikipagpaligsahan ka sa Flutwell Gymnasium. Wag mong kakalimutan!" Nang binigay ni Colton ang listahan ng mga bagay na dapat niyang tandaan sa kumpetisyon
Kahit na tahimik lang si Harvey at walang masyadong malaking ambisyon… Hindi lang siya uupo at hahayaan may umapak-apak sa kanya. Para pamanghain si Nolan sa kanyang ugali at katapangan, nagpasya si Harvey na bigyan ang Bharata Business Council ng isa pang pagkakataon. Kung hindi sila magbabago at patuloy na lalabanan si Harvey, ayos lang sa kanyang tapusin na sila nang tuluyan… Walang nang sinabi si Colton para pagdudahan ang kumpiyansa ni Harvey. Ang totoo, nagsabi na siya ng magagandang bagay tungkol kay Harvey sa Bharata Business Council bago siya nagpunta rito. Sa madaling salita, mabilis na matatapos ang bagay na ito. Pagkatapos paalalahanan si Harvey na sumali sa Longmen Summit bukas, tumayo si Colton at umalis. Sumandal si Harvey sa reclining chair at pinikit ang mga mata niya; hindi niya masyadong pinansin ang Bharata Business Council. Pagkalipas ng dalawang oras, narinig na papalapit ang mabibilis na mga yabag. "Masama ito, Sir York!" Tumakbo si Rachel n
Nagsimulang umalog ang phone ni Rachel sa sandaling iyon. May nagpadala sa kanya ng isang mensahe.Pagkatapos tingnan ang mensahe, sumama ang mukha ni Rachel.“Alam namin kung sinong gumawa nito. Isa itong outer disciple ng Longmen’s Law Enforcement, mga tao ni Mitchell.”“Gayunpaman, hawak mo ang Longmen’s Law Enforcement.”“Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong saluhin ang sisi!”“Anong gagawin natin? Sabihin ba natin sa lahat ang tungkol sa taong ito?”“Hindi na kailangan,” sagot ni Harvey.“Pwede nating alamin kung sinong namumuno sa grupo. Hindi tanga ang Bharata Business Council. Alam nila ito.”“Pero dahil patay na si Mitchell, natural lang na ipasa nila sa akin ang sisi.”“Kapag sinabi nating wala tayong kinalaman sa kanila, sasampalin lang natin ang sarili natin sa mukha!”“Masasabi kong magaling ang ginawa nila!”“Tinataranta nila tayo at pinapatahimik nang sabay…”“Interesante…”“Sinasabi mo bang alam mo na kaagad kung sino ito?”Nabigla si Rachel.“Simple la