Share

Kabanata 3307

Walang nasabi si Harvey.

"Pero hindi talaga ako interesado rito. Ayaw ko ring maging master ng Longmen."

"Alam ko wala kang pakialam sa reputasyon, Sir York."

"May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa."

"Kapag bumagsak ang Longmen, pati rin ang underworld. Kapag nangyari yun, susunod ang bansa."

"Manonood ka na lang ba habang kinakamkam ng mga dayuhang ang bansa natin?"

Walang nasabi si Harvey nang marinig niya ang mga salita ni Colton.

Pagkatapos ng isang sandali, bumuntong-hininga siya.

"Sa puntong ito, magmumukha akong ignorante kung di ako pumunta."

"Saan ako magsi-sign up? Titignan ko."

"Hindi na kailangan."

Naglabas si Colton ng isang registration from na may pirma.

Masaya niyang inabot ang papel kay Harvey.

"Pirmahan mo lang ang papel na'to."

"Tama. Pipiliin ang representative ng Flutwell bukas. Makikipagpaligsahan ka sa Flutwell Gymnasium. Wag mong kakalimutan!"

Nang binigay ni Colton ang listahan ng mga bagay na dapat niyang tandaan sa kumpetisyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status