Nagsimulang umalog ang phone ni Rachel sa sandaling iyon. May nagpadala sa kanya ng isang mensahe.Pagkatapos tingnan ang mensahe, sumama ang mukha ni Rachel.“Alam namin kung sinong gumawa nito. Isa itong outer disciple ng Longmen’s Law Enforcement, mga tao ni Mitchell.”“Gayunpaman, hawak mo ang Longmen’s Law Enforcement.”“Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong saluhin ang sisi!”“Anong gagawin natin? Sabihin ba natin sa lahat ang tungkol sa taong ito?”“Hindi na kailangan,” sagot ni Harvey.“Pwede nating alamin kung sinong namumuno sa grupo. Hindi tanga ang Bharata Business Council. Alam nila ito.”“Pero dahil patay na si Mitchell, natural lang na ipasa nila sa akin ang sisi.”“Kapag sinabi nating wala tayong kinalaman sa kanila, sasampalin lang natin ang sarili natin sa mukha!”“Masasabi kong magaling ang ginawa nila!”“Tinataranta nila tayo at pinapatahimik nang sabay…”“Interesante…”“Sinasabi mo bang alam mo na kaagad kung sino ito?”Nabigla si Rachel.“Simple la
Pumalakpak si Bohdi. Pagkatapos nito, tumayo ang mga kasamahan niya at tinitigan nang masama si Kayden.Hindi na tinago ng mga guwardiya ang kanilang kagustuhang pumatay.Binalewala ni Kayden ang mga taong ito at lumapit kay Eli.“Young Master Burton, tama?” sinabi niya habang naniningkit ang mata.“Pinapunta ako dito ni Sir York para maghatid ng mensahe sa’yo.”“Ayaw niya ng paliwanag bukas. Gusto niya ngayon na.”“Sir York? Sino ‘yan?”Nagtaka si Eli.“Oh? Diba ikaw si Head Balmer? Nagtataka ako bakit may tumatakbong tanga dito!”“Ang tagal nating hindi nagkita! Hindi ko alam na tauhan ka na pala ng alagaing ‘yon!”“Isa ka sa mga leader ng Gang of Six! Kilala ang gang mo!”“Bakit ka nagtatrabaho para sa iba?”“Siguro ang alam na lang ngayon ng Hatchet Gang ay magmagaling…”Humpak si Eli sa kanyang sigarilyo; minamaliit talaga niya si Kayden.Tumatawa ang mga babae doon habang nakatakip ang bibig. Naniniwala talaga silang nagpapakamatay si Kayden.“Tama na ang dada, Eli
Tinabig ni Kayden palayo ang kamay ni Eli habang ang sama ng titig niya.Ngumiti nang malalim si Eli, balak pang ituloy ang ginagawa niya.“Paano kung ganito? Huwag na muna nating pag-usapan si Harvey.”“Higit sa lahat, gusto siyang ipapatay ni Young Master Garcia. Tayong mga maliliit ay walang karapatang mangialam.” “Ang pinakamaipapango ko lang sa’yo ay may matitirang isang braso kay Harvey para makapanlimos siya ng pagkain sa kanto kahit na gustong baliin ni Young Master Garcia ang lahat ng braso niya. Sisiguraduhin kong makikiusap ako para dito.”“Pero kailangan mong bumawi.”“Gusto ko talaga si Xynthia Zimmer!”“Namimiss ko siya nang sobra at hindi ako makatulog!”“Isa kang mabuting tao, Head Balmer.”“Bakit hindi mo siya dalhin sa kama ko at palayain ako sa sakit na ito?”Binuga ni Eli ang usok sa mukha ni Kayden bago siya tumawa nang malakas. “Huwag kayong mag-alala. Pasasalamatan kita nang maayos pagkatapos niyan.”“Kailangan kong bumawi, ano?”Suminghal sila Boh
“Sir York!”Kumunot ang noo ni Eli nang makita niya ang nangyayari sa harapan niya.Magalang na lumapit si Kayden kay Harvey, at pagkatapos ay yumuko si Harvey nang nakapatong sa kanyang baywang ang kanyang kamay.Lumaktaw ng tibok ang puso ni Eli.Paulit-ulit niyang ininsulto si Kayden, ngunit alam na alam niyang isa pa rin sa mga pinuno ng gang ng Flutwell si Kayden. Si Kayden ay kasama sa Gang of Six!Kahit si Kayden ay nasa pinakamahinang gang sa anim, ang makita itong nagiging magalang kay Harvey ay sapat na upang ipakita ang lakas ni Harvey.Ngunit hindi maintindihan ni Eli kung ano bang kakaiba sa alagaing lalaking ito na kailangan ng tulong ng mga pulis.Ngunit hindi ito masyadong inisip ni Eli.Kahit anong mangyari, tapos na si Harvey sa sandaling tumawag siya ng mga pulis para linisin ang Flutwell Hotel.Hindi titigil si Frankie hanggat hindi siya napapatay."Dapat hayaan mo na lang akong hawakan ito, Sir York," magalang na sabi ni Kayden.“Hindi mo kailangang pu
Magalang na ngumiti si Harvey.“May bagay na hindi mo pwedeng malaman, Young Master Burton.”“Sa mata ko, wala kang pinagkaiba sa mga ligaw na asong naggagala sa labas.”Sumama ang mukha ni Bohdi at sumigaw, “Anong sinabi mo, g*go ka?!”“Ulitin mo ‘yan at papatayin kita! Hinahamon kita!”Kinumpas ni Eli ang kanyang kamay para pakalmahin sila Bohdi.Minata niya si Harvey at suminghal. “Halika dito, Sir York. Nandito ako! Gawin mo na!”“Gawin mo para sa asawa mo!”“Kaya mo ba?”“Hindi pala, may karapatan ka ba?!”Puno ng panghahamak ang mukha ni Eli. Sa paningin niya, hindi lamang walang tapang si Harvey na gumawa ng ganitong bagay, ngunit wala rin siyang karapatan dito.Hindi siya magtatapang, at lalong wala siyang karapatan.Tinitigan nang masama ng mga babae si Harvey.‘Ang alam lang naman gawin ng g*gong ‘yan ay tumawag ng pulis! Basura!’‘Paanong naisip ng isang taong tulad nito na kalabanin si Young Master Burton?’Bam!Hindi nagsayang ng oras si Harvey at kumuha
Bam!Kalmadong dinampot ni Harvey ang isa pang bote ng alak bago ito ihampas sa ulo ni Eli nang walang pakundangan.“Dahil ayaw mo akong bigyan ng paliwanag, ako mismo ang kukuha.” “Para ito sa asawa ko!”Bam!“Para ito sa sister-in-law ko!”Bam!“At ito naman para sa mother-in-law ko!” Binasag ni Harvey ang tatlong bote sa isang iglap. Duguan na ang ulo ni Eli habang sumisigaw siya sa sakit.Hindi pa nakakita ng ganito karaming dugo ang mga babae sa buong buhay nila; napasigaw sila sa takot nang mapaatras sila habang mukhang takot na takot.“Ano ngayon kung hinampas kita?”Tinapik ni Harvey ang balikat ni Eli.“Si Nolan ay hindi iba sa isang askal para sa akin. Si Aaron ay lumuhod rin sa harapan ko…”“Sino ka ba sa tingin mo?”“Tingin mo ang lakas mo na? Isa ka lang uod.”Nagkaskasan ang ngipin ni Eli, punong-puno ng galit.“Minamaliit mo kaming mga maharlika, at hindi ka pa tumitigil sa pananakit sa akin! Hindi mo ba napapansin ang kahihinatnan ng sarili mong kagaga
Isang kalbong binatang nakasuot ng balabal ang nakasunod sa matandang lalaki. Mayabang itong pumasok sa silid, para bang siya ang hari ng mundo.Isang nakakatakot na aura ang mararamdaman mula sa matandang lalaki habang naglalakad ito kasama ng kanyang mga tauhan.Sa loob ng silid, umiinom si Harvey ng tsaa habang magkapatong ang kanyang binti nang makita niya ang matandang lalaki.“Sino ka?”“Mukhang hindi ka naman si Frankie…”“Ang kapal ng mukha mo?!”Tinanggal ng matandang lalaki ang kanyang salamin at nilinis ang kanyang salamin gamit ng tsiyu.“Ikaw siguro si Harvey.”Seryoso ang kanyang mata.‘Isang payat na lalaki. Kahit na kakaiba ang aura niya, isa pa rin siyang karaniwang tao…’‘Wala na talagang kwenta si Eli ngayon. Hindi niya mapatumba ang isang lalaki kahit na ang dami niyang dinalang kasama. Hiningi pa niya ang tulong ko.’‘Walang maitutulong sa akin ang anak kong ito…’Hindi kumibo si Harvey sa mga taong ng lalaki, at sa halip ay tiningnan niya ito nang nagt
Ang mga sinabi ni Donnie Burton ay maaamo at maayos.Siya ay nasa ibang lebel kaysa kay Eli Burton, na mapagmataas at mayabang.Sinabi ito, ang tono ni Eli ay medyo hindi maganda.Hinampas ni Boris ang lamesa at sumigaw, “Narinig mo ba iyon?!”“Lulumpuhin mo ba ang sarili mo mismo?! O hahayaan mo ako na gawin ito para sayo?!”“Hihingi ako ng bayad kung kailangan mo ang tulong ko!”Matapos marini ang mga salitang iyon, ang magandang babae sa tabi ni Donnie ay minaliit si Harvey York.‘Maliban sa pagluhod at paghingi ng awa, ano pa ba ang magagawa ng isang talunan pagdating sa paglaban kay Donnie?’“Gusto mo na lumpuhin ko ang sarili ko?”“Para protektahan mo ang iyong anak?”Tumawa si Harvey na may maamong itsura sa kanyang mukha.“Pero hindi pa ako tapos sa anak mong lalaki na pinipilit ang kanyang sarili sa aking sister-in-law…”“Ginulpi niya pa ang asawa ko.”“Gayunpaman pinoprotektahan mo pa din ang iyong anak?”“Paanong hindi mo malaman ang tama sa mali?”“O sinasabi