Walang nasabi si Harvey. "Pero hindi talaga ako interesado rito. Ayaw ko ring maging master ng Longmen." "Alam ko wala kang pakialam sa reputasyon, Sir York.""May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa." "Kapag bumagsak ang Longmen, pati rin ang underworld. Kapag nangyari yun, susunod ang bansa." "Manonood ka na lang ba habang kinakamkam ng mga dayuhang ang bansa natin?" Walang nasabi si Harvey nang marinig niya ang mga salita ni Colton. Pagkatapos ng isang sandali, bumuntong-hininga siya. "Sa puntong ito, magmumukha akong ignorante kung di ako pumunta." "Saan ako magsi-sign up? Titignan ko." "Hindi na kailangan." Naglabas si Colton ng isang registration from na may pirma. Masaya niyang inabot ang papel kay Harvey. "Pirmahan mo lang ang papel na'to." "Tama. Pipiliin ang representative ng Flutwell bukas. Makikipagpaligsahan ka sa Flutwell Gymnasium. Wag mong kakalimutan!" Nang binigay ni Colton ang listahan ng mga bagay na dapat niyang tandaan sa kumpetisyon
Kahit na tahimik lang si Harvey at walang masyadong malaking ambisyon… Hindi lang siya uupo at hahayaan may umapak-apak sa kanya. Para pamanghain si Nolan sa kanyang ugali at katapangan, nagpasya si Harvey na bigyan ang Bharata Business Council ng isa pang pagkakataon. Kung hindi sila magbabago at patuloy na lalabanan si Harvey, ayos lang sa kanyang tapusin na sila nang tuluyan… Walang nang sinabi si Colton para pagdudahan ang kumpiyansa ni Harvey. Ang totoo, nagsabi na siya ng magagandang bagay tungkol kay Harvey sa Bharata Business Council bago siya nagpunta rito. Sa madaling salita, mabilis na matatapos ang bagay na ito. Pagkatapos paalalahanan si Harvey na sumali sa Longmen Summit bukas, tumayo si Colton at umalis. Sumandal si Harvey sa reclining chair at pinikit ang mga mata niya; hindi niya masyadong pinansin ang Bharata Business Council. Pagkalipas ng dalawang oras, narinig na papalapit ang mabibilis na mga yabag. "Masama ito, Sir York!" Tumakbo si Rachel n
Nagsimulang umalog ang phone ni Rachel sa sandaling iyon. May nagpadala sa kanya ng isang mensahe.Pagkatapos tingnan ang mensahe, sumama ang mukha ni Rachel.“Alam namin kung sinong gumawa nito. Isa itong outer disciple ng Longmen’s Law Enforcement, mga tao ni Mitchell.”“Gayunpaman, hawak mo ang Longmen’s Law Enforcement.”“Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong saluhin ang sisi!”“Anong gagawin natin? Sabihin ba natin sa lahat ang tungkol sa taong ito?”“Hindi na kailangan,” sagot ni Harvey.“Pwede nating alamin kung sinong namumuno sa grupo. Hindi tanga ang Bharata Business Council. Alam nila ito.”“Pero dahil patay na si Mitchell, natural lang na ipasa nila sa akin ang sisi.”“Kapag sinabi nating wala tayong kinalaman sa kanila, sasampalin lang natin ang sarili natin sa mukha!”“Masasabi kong magaling ang ginawa nila!”“Tinataranta nila tayo at pinapatahimik nang sabay…”“Interesante…”“Sinasabi mo bang alam mo na kaagad kung sino ito?”Nabigla si Rachel.“Simple la
Pumalakpak si Bohdi. Pagkatapos nito, tumayo ang mga kasamahan niya at tinitigan nang masama si Kayden.Hindi na tinago ng mga guwardiya ang kanilang kagustuhang pumatay.Binalewala ni Kayden ang mga taong ito at lumapit kay Eli.“Young Master Burton, tama?” sinabi niya habang naniningkit ang mata.“Pinapunta ako dito ni Sir York para maghatid ng mensahe sa’yo.”“Ayaw niya ng paliwanag bukas. Gusto niya ngayon na.”“Sir York? Sino ‘yan?”Nagtaka si Eli.“Oh? Diba ikaw si Head Balmer? Nagtataka ako bakit may tumatakbong tanga dito!”“Ang tagal nating hindi nagkita! Hindi ko alam na tauhan ka na pala ng alagaing ‘yon!”“Isa ka sa mga leader ng Gang of Six! Kilala ang gang mo!”“Bakit ka nagtatrabaho para sa iba?”“Siguro ang alam na lang ngayon ng Hatchet Gang ay magmagaling…”Humpak si Eli sa kanyang sigarilyo; minamaliit talaga niya si Kayden.Tumatawa ang mga babae doon habang nakatakip ang bibig. Naniniwala talaga silang nagpapakamatay si Kayden.“Tama na ang dada, Eli
Tinabig ni Kayden palayo ang kamay ni Eli habang ang sama ng titig niya.Ngumiti nang malalim si Eli, balak pang ituloy ang ginagawa niya.“Paano kung ganito? Huwag na muna nating pag-usapan si Harvey.”“Higit sa lahat, gusto siyang ipapatay ni Young Master Garcia. Tayong mga maliliit ay walang karapatang mangialam.” “Ang pinakamaipapango ko lang sa’yo ay may matitirang isang braso kay Harvey para makapanlimos siya ng pagkain sa kanto kahit na gustong baliin ni Young Master Garcia ang lahat ng braso niya. Sisiguraduhin kong makikiusap ako para dito.”“Pero kailangan mong bumawi.”“Gusto ko talaga si Xynthia Zimmer!”“Namimiss ko siya nang sobra at hindi ako makatulog!”“Isa kang mabuting tao, Head Balmer.”“Bakit hindi mo siya dalhin sa kama ko at palayain ako sa sakit na ito?”Binuga ni Eli ang usok sa mukha ni Kayden bago siya tumawa nang malakas. “Huwag kayong mag-alala. Pasasalamatan kita nang maayos pagkatapos niyan.”“Kailangan kong bumawi, ano?”Suminghal sila Boh
“Sir York!”Kumunot ang noo ni Eli nang makita niya ang nangyayari sa harapan niya.Magalang na lumapit si Kayden kay Harvey, at pagkatapos ay yumuko si Harvey nang nakapatong sa kanyang baywang ang kanyang kamay.Lumaktaw ng tibok ang puso ni Eli.Paulit-ulit niyang ininsulto si Kayden, ngunit alam na alam niyang isa pa rin sa mga pinuno ng gang ng Flutwell si Kayden. Si Kayden ay kasama sa Gang of Six!Kahit si Kayden ay nasa pinakamahinang gang sa anim, ang makita itong nagiging magalang kay Harvey ay sapat na upang ipakita ang lakas ni Harvey.Ngunit hindi maintindihan ni Eli kung ano bang kakaiba sa alagaing lalaking ito na kailangan ng tulong ng mga pulis.Ngunit hindi ito masyadong inisip ni Eli.Kahit anong mangyari, tapos na si Harvey sa sandaling tumawag siya ng mga pulis para linisin ang Flutwell Hotel.Hindi titigil si Frankie hanggat hindi siya napapatay."Dapat hayaan mo na lang akong hawakan ito, Sir York," magalang na sabi ni Kayden.“Hindi mo kailangang pu
Magalang na ngumiti si Harvey.“May bagay na hindi mo pwedeng malaman, Young Master Burton.”“Sa mata ko, wala kang pinagkaiba sa mga ligaw na asong naggagala sa labas.”Sumama ang mukha ni Bohdi at sumigaw, “Anong sinabi mo, g*go ka?!”“Ulitin mo ‘yan at papatayin kita! Hinahamon kita!”Kinumpas ni Eli ang kanyang kamay para pakalmahin sila Bohdi.Minata niya si Harvey at suminghal. “Halika dito, Sir York. Nandito ako! Gawin mo na!”“Gawin mo para sa asawa mo!”“Kaya mo ba?”“Hindi pala, may karapatan ka ba?!”Puno ng panghahamak ang mukha ni Eli. Sa paningin niya, hindi lamang walang tapang si Harvey na gumawa ng ganitong bagay, ngunit wala rin siyang karapatan dito.Hindi siya magtatapang, at lalong wala siyang karapatan.Tinitigan nang masama ng mga babae si Harvey.‘Ang alam lang naman gawin ng g*gong ‘yan ay tumawag ng pulis! Basura!’‘Paanong naisip ng isang taong tulad nito na kalabanin si Young Master Burton?’Bam!Hindi nagsayang ng oras si Harvey at kumuha
Bam!Kalmadong dinampot ni Harvey ang isa pang bote ng alak bago ito ihampas sa ulo ni Eli nang walang pakundangan.“Dahil ayaw mo akong bigyan ng paliwanag, ako mismo ang kukuha.” “Para ito sa asawa ko!”Bam!“Para ito sa sister-in-law ko!”Bam!“At ito naman para sa mother-in-law ko!” Binasag ni Harvey ang tatlong bote sa isang iglap. Duguan na ang ulo ni Eli habang sumisigaw siya sa sakit.Hindi pa nakakita ng ganito karaming dugo ang mga babae sa buong buhay nila; napasigaw sila sa takot nang mapaatras sila habang mukhang takot na takot.“Ano ngayon kung hinampas kita?”Tinapik ni Harvey ang balikat ni Eli.“Si Nolan ay hindi iba sa isang askal para sa akin. Si Aaron ay lumuhod rin sa harapan ko…”“Sino ka ba sa tingin mo?”“Tingin mo ang lakas mo na? Isa ka lang uod.”Nagkaskasan ang ngipin ni Eli, punong-puno ng galit.“Minamaliit mo kaming mga maharlika, at hindi ka pa tumitigil sa pananakit sa akin! Hindi mo ba napapansin ang kahihinatnan ng sarili mong kagaga
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai