Hindi man lang magtatangkang buksan ni Logan Bowie ang bibig niya. Kalmadong tinapik ni Harvey York ang mukha niya at nagsabing, "Kapag nakita pa kita ulit na nananamantala ng tao kagaya nito. Kapag nilabanan mo ulit ako ng isa pang beses… "Papatayin kita." "Naiintindihan ko! Naiintindihan ko!" Natarantang tumango si Logan nang may namumutlang mukha na para bang alagad siya ni Harvey. Nanahimik ang lahat. Nanigas ang mga katawan nila. Hindi nila maintindihan ang nangyayari sa harapan nila. Nakatulala rin si Dylan Bowie. Kalmado siyang tinignan ni Harvey at malamig na nagsabing, "Sinabi ko na sa'yo. Hindi ka rin matutulungan ng second uncle mo." "Tanungin mo siya kung magtatangka siyang magsalita kahit isang beses." Sobrang natuyo ang bibig ni Dylan. Gustong-gusto niyang umalis sa sitwasyong iyon. Kahit ang isang prominenteng tao ng Bowie family ay sinampal sa mukha ni Harvey. Ano pa pala ang masasabi ni Dylan? Nakakahiya lang ito… Pinunasan ni Harvey ng mga ka
Napuno ng galit at poot ang puso ni Dylan Bowie. Ang tito niya ang second-in-command ng Flutwell Police Station! Mayroon siyang malaking katayuan at makapangyarihang awtoridad! Bakit siya natatakot sa isang kung sinong kagaya ni Harvey York? Maliban roon, sinusuportahan ng thirteenth young master ng Bauer family ang pamilya niya! Ano naman kung medyo magaling si Harvey? Wala namang punto na bugbugin si Dylan para matuwa siya, hindi ba? May pinapanatiling reputasyon ang Bowie family! Kapag kumalat ang balita tungkol dito… Madudungisan ang pangalan ng pamilya! At saka baka hindi takot si Dylan sa taong kagaya ni Logan Bowie! Lalo na't nakiusap siya sa isang eksperto mula sa Bauer family para suportahan siya kung sakali. "Sumasagot ka pa rin?! Nanginig si Logan sa galit pagkatapos marinig ang mga salita ni Dylan. Sinampal niya si Dylan sa mukha bago lumuhod mismo. "Luhod! "Humingi ka ng tawad kay Sir York!" Nawindang si Dylan habang tinatakpan ang mukha niya.
"Ikaw… Ikaw…" Galit na tinuro ni Logan Bowie si Dylan Bowie at sumigaw, "Ikaw talagang h*yop ka! "Tapos na ko sa'yo!" Malamig na tumawa si Dylan. "Tapos ka na?!"Wala kang kinalaman sa'kin! "May sasabihin ako sa'yo! Hindi na kita tito sa sandaling lumuhod ka, sinampal mo ko sa mukha, at tuluyang binastos ang pangalan ng pamilya! "Isusumbong ko pa to sa chief at sisiguraduhin kong palalayasin kita sa pamilya dahil dito! "Pinapunta kita rito para ipagtanggol ako! Hindi para ipahiya mo ako!" Sobrang nahiya si Dylan nang narinig niya ang mga salitang iyon. Pagkatapos, tinuro niya si Harvey York nang may galit na nakikita sa mukha niya. "Hindi ako takot sa'yo, Harvey! "Malapit na rin ang katapusan mo! "May sasabihin ako sa'yo! Ang guro ko… "Papunta na rito ang vice head ng Longmen's Law Enforcement, si Ezra Bauer! "Subukan mong magyabang pa sa harapan niya pagdating niya rito!" 'Ang guro ni Dylan?' 'Si Ezra Bauer, isa sa apat na vice heads ng Longmen's Law E
Napakayabang na naman ng magagandang babae roon. Pinagpatong nila ang mga braso nila habang tinitigan nang masama si Harvey. Hindi kakayaning labanan ni Harvey ang isang taong kasing prominente ni Ezra Bauer kahit na kailan. Si Aiden Bauer lang ang mapaglarong nakatingin sa mga tanga sa harapan niya. 'Nagbibiro ba ang mga taong to?' Para bang walang pakialam si Harvey. Hindi rin niya gustong magpaliwanag ng kahit na ano sa kanila. Pero hindi niya inasahang may sorpresang naghihintay sa kanya sa araw na iyon. Balak niyang ayusin ang Law Enforcement ng Longmen sa susunod. Dahil papunta na rin naman ang vice head… Nagpasya si Harvey na tapusin na ito ngayon. Vroom!Pagkatapos ng ilang minuto, ilang Lexus LX570 ang umandar sa harapan ng mga tao bago pumarada sa harapan nina Dylan Bowie at ng iba pa. Nang bumukas ang mga pinto ng kotse, nakitang bumaba ang tatlumput-anim na malalakas na lalaking nakabalabal. Nakikita ang seryoso at mabangis na ekspresyon sa mga mukh
Pinagpatong ni Ezra Bauer ang mga braso sa dibdib niya nang humakbang siya paharap. Balak niyang pumunta sa lugar ni Joseph Bauer para sa ilang usapin ngunit bigla siyang pinatawag dito. Kahit na anong mangyari, itinuturing pa ring kamag-anak ng Bauer family si Dylan Bowie. Isa siyang magaling na estudyanteng nagbigay rin ng napakaraming magagandang regalo. Natural lang para kay Ezra na ayusin niya ang sitwasyon para sa kanya. Pajkrapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ezra, tinuro ni Dylan si Harvey York na ang may miserableng ekspresyon. "Sinamantala niya ako, Guro! "Iniisip niya kaya niya akong labanan dahil lang medyo magaling siya at marami siyang kasama!"H*yop!" Kaagad na dumilim ang mukha ni Ezra pagkatapos makita ang namamagang mukha ni Dylan na puno ng mga bakas ng palad. Ang estudyante niya ang nananamantala ng ibang tao, hindi ang kabaliktaran nito! Hindi ito pwedeng mangyari! "Tinalikuran din ako ng walang kwentang basurang tinawag kong tito!
"Hindi ako magtatanong at hindi ko rin kailangang malaman." Pinagpatong ni Ezra Bauer ang mga braso niya sa dibdib niya at humakbang paharap habang may titig na kasing lamig ng yelo. "Ang kailangan ko lang malaman ay binugbog mo ang estudyante ko. "Binugbog mo ang isa sa mga tao ko mula sa Law Enforcement ng Longmen!" "Guro! Sinabi pa ng h*yop na'to na papatayin ka raw niya kapag ginalit mo siya!" sigaw ni Dylan Bowie nang may kakaibang tono. "Oo! Sinabi niya yun!" sigaw ng mga tagasunod. "Hindi ka man lang nirerespeto ng h*yop na'to, Master Bauer!" "Wala siyang pakialam sa'yo!" "Wag mong pigilan ang sarili mo! Patayin mo siya!" "Oh? Gusto mo kong patayin? "Sa Flutwell?"Malamig na suminghal si Ezra. "Ikaw na h*yop ka… Mukhang hindi mo malalaman ang hangganan mo hangga't hindi kita nabubugbog!" "Gaano ba kabaluktot ang katwiran mo?" kalmadong tanong ni Harvey. "Katwiran?" Tumawa si Ezra. "Kapangyarihan lang ang nagpapaikot sa Flutwell! "Ang mga walang k
Nang inisip ng lahat na tapos na ang lahat…Nangyari ang hindi inaasahan! Kalmadong inihampas ni Harvey York ang palad niya. Pak! Nabigla si Dylan Bowie at napalipad siya ulit sa sampal. "Sino ka ba? "Sa tingin mo may karapatan kang paluhurin ako?" Tinitigan ni Harvey si Dylan nang nakangisi. "Guro!" Bumagsak sa lapag si Dylan habang tinatakpan ang mukha niya bago lumura ng dugo kasama ng ilang basag na ngipin. Galit na galit siya. Hindi niya inasahan na ganito kabaliw si Harvey! Natulala ang madla. Nakatingin sila kay Harvey habang nakanganga. Hindi man lang sila makakibo sa sitwasyon. Hindi matanggap ng lahat ang nangyari. Nandito si Ezra Bauer! Ngunit nagtangka pa ring kumilos si Harvey kahit na ang daming martial art experts sa paligid. Gusto ba niyang mamatay? Nabigla si Ezra. Wala siyang masabi pagkatapos makita ang ganitong eksena. Natulala siya. Sa mga mata niya, ang mga hindi tanga ay tiyak na susuko pagkatapos mapunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi pinansin ni Ezra Bauer si Dylan Bowie. Natauhan siya pagkatapos ng mahabang sandali bago naglakad papunta kay Harvey York. "H*yop ka!" sigaw ni Ezra habang malamig na tinitigan si Harvey. "Saan mo nakuha ang badge na'to?!"Bakit nasa'yo to?!" "Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" kalmadong sagot ni Harvey. "Tama na ang laro! Saan mo nakuha to?!" Isang posibilidad lang naisip ni Ezra ngunit ayaw niya itong paniwalaan kahit na anong mangyari. "Ipapapatay kita kung hindi ka magsasalita ngayon din!" "May basurang bumangga sa'kin habang nasa Hong Kong at Las Vegas ako. Kaya pinatay ko siya sa sampal. "Tapos napunta sa'kin ang bagay na'to pagkatapos nun," simpleng sagot ni Harvey. "Ang sabi pwede kong gamitin to para kontrolin ang Law Enforcement ng Longmen. Malay ko kung totoo yun." Dumilim kaagad ang mukha ni Ezra. Naintindihan na niya sa wakas kung anong nangyari! Sa Hong Kong at Las Vegas, ang badge, ang binatang nasa harapan niya…Isa lang ang paliwanag kapa