Napakayabang na naman ng magagandang babae roon. Pinagpatong nila ang mga braso nila habang tinitigan nang masama si Harvey. Hindi kakayaning labanan ni Harvey ang isang taong kasing prominente ni Ezra Bauer kahit na kailan. Si Aiden Bauer lang ang mapaglarong nakatingin sa mga tanga sa harapan niya. 'Nagbibiro ba ang mga taong to?' Para bang walang pakialam si Harvey. Hindi rin niya gustong magpaliwanag ng kahit na ano sa kanila. Pero hindi niya inasahang may sorpresang naghihintay sa kanya sa araw na iyon. Balak niyang ayusin ang Law Enforcement ng Longmen sa susunod. Dahil papunta na rin naman ang vice head… Nagpasya si Harvey na tapusin na ito ngayon. Vroom!Pagkatapos ng ilang minuto, ilang Lexus LX570 ang umandar sa harapan ng mga tao bago pumarada sa harapan nina Dylan Bowie at ng iba pa. Nang bumukas ang mga pinto ng kotse, nakitang bumaba ang tatlumput-anim na malalakas na lalaking nakabalabal. Nakikita ang seryoso at mabangis na ekspresyon sa mga mukh
Pinagpatong ni Ezra Bauer ang mga braso sa dibdib niya nang humakbang siya paharap. Balak niyang pumunta sa lugar ni Joseph Bauer para sa ilang usapin ngunit bigla siyang pinatawag dito. Kahit na anong mangyari, itinuturing pa ring kamag-anak ng Bauer family si Dylan Bowie. Isa siyang magaling na estudyanteng nagbigay rin ng napakaraming magagandang regalo. Natural lang para kay Ezra na ayusin niya ang sitwasyon para sa kanya. Pajkrapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ezra, tinuro ni Dylan si Harvey York na ang may miserableng ekspresyon. "Sinamantala niya ako, Guro! "Iniisip niya kaya niya akong labanan dahil lang medyo magaling siya at marami siyang kasama!"H*yop!" Kaagad na dumilim ang mukha ni Ezra pagkatapos makita ang namamagang mukha ni Dylan na puno ng mga bakas ng palad. Ang estudyante niya ang nananamantala ng ibang tao, hindi ang kabaliktaran nito! Hindi ito pwedeng mangyari! "Tinalikuran din ako ng walang kwentang basurang tinawag kong tito!
"Hindi ako magtatanong at hindi ko rin kailangang malaman." Pinagpatong ni Ezra Bauer ang mga braso niya sa dibdib niya at humakbang paharap habang may titig na kasing lamig ng yelo. "Ang kailangan ko lang malaman ay binugbog mo ang estudyante ko. "Binugbog mo ang isa sa mga tao ko mula sa Law Enforcement ng Longmen!" "Guro! Sinabi pa ng h*yop na'to na papatayin ka raw niya kapag ginalit mo siya!" sigaw ni Dylan Bowie nang may kakaibang tono. "Oo! Sinabi niya yun!" sigaw ng mga tagasunod. "Hindi ka man lang nirerespeto ng h*yop na'to, Master Bauer!" "Wala siyang pakialam sa'yo!" "Wag mong pigilan ang sarili mo! Patayin mo siya!" "Oh? Gusto mo kong patayin? "Sa Flutwell?"Malamig na suminghal si Ezra. "Ikaw na h*yop ka… Mukhang hindi mo malalaman ang hangganan mo hangga't hindi kita nabubugbog!" "Gaano ba kabaluktot ang katwiran mo?" kalmadong tanong ni Harvey. "Katwiran?" Tumawa si Ezra. "Kapangyarihan lang ang nagpapaikot sa Flutwell! "Ang mga walang k
Nang inisip ng lahat na tapos na ang lahat…Nangyari ang hindi inaasahan! Kalmadong inihampas ni Harvey York ang palad niya. Pak! Nabigla si Dylan Bowie at napalipad siya ulit sa sampal. "Sino ka ba? "Sa tingin mo may karapatan kang paluhurin ako?" Tinitigan ni Harvey si Dylan nang nakangisi. "Guro!" Bumagsak sa lapag si Dylan habang tinatakpan ang mukha niya bago lumura ng dugo kasama ng ilang basag na ngipin. Galit na galit siya. Hindi niya inasahan na ganito kabaliw si Harvey! Natulala ang madla. Nakatingin sila kay Harvey habang nakanganga. Hindi man lang sila makakibo sa sitwasyon. Hindi matanggap ng lahat ang nangyari. Nandito si Ezra Bauer! Ngunit nagtangka pa ring kumilos si Harvey kahit na ang daming martial art experts sa paligid. Gusto ba niyang mamatay? Nabigla si Ezra. Wala siyang masabi pagkatapos makita ang ganitong eksena. Natulala siya. Sa mga mata niya, ang mga hindi tanga ay tiyak na susuko pagkatapos mapunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi pinansin ni Ezra Bauer si Dylan Bowie. Natauhan siya pagkatapos ng mahabang sandali bago naglakad papunta kay Harvey York. "H*yop ka!" sigaw ni Ezra habang malamig na tinitigan si Harvey. "Saan mo nakuha ang badge na'to?!"Bakit nasa'yo to?!" "Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" kalmadong sagot ni Harvey. "Tama na ang laro! Saan mo nakuha to?!" Isang posibilidad lang naisip ni Ezra ngunit ayaw niya itong paniwalaan kahit na anong mangyari. "Ipapapatay kita kung hindi ka magsasalita ngayon din!" "May basurang bumangga sa'kin habang nasa Hong Kong at Las Vegas ako. Kaya pinatay ko siya sa sampal. "Tapos napunta sa'kin ang bagay na'to pagkatapos nun," simpleng sagot ni Harvey. "Ang sabi pwede kong gamitin to para kontrolin ang Law Enforcement ng Longmen. Malay ko kung totoo yun." Dumilim kaagad ang mukha ni Ezra. Naintindihan na niya sa wakas kung anong nangyari! Sa Hong Kong at Las Vegas, ang badge, ang binatang nasa harapan niya…Isa lang ang paliwanag kapa
”Hoh! Mukhang may nagagawa pala talaga ang badge na ‘to!”Tumawa si Harvey York bago siya humakbang paharap.Winasiwas niya sa paligid ang kanyang mga palad noong dumaan siya sa ibang mga disipulo. Sa loob lang ng ilang sandali, lahat sila ay nasampal at bumagsak sa lupa.Ang ilan ay may mga bakat ng kamay na malinaw na makikita sa kanilang mga mukha, habang ang iba ay natanggalan ng mga ngipin. Gustong-gusto nilang wasakin si Harvey sa puntong ito.Naniwala pa nga sila na kaya nilang wakasan ang buhay ni Harvey sa isang suntok lang kung gugustuhin nila…Ngunit hindi na sila nangahas na lumaban sa kanya pagkatapos niyang ipakita ang Law Enforcement Badge sa kanila.Kung sabagay, ang badge mismo ang kumakatawan sa posisyon ng pinuno ng organisasyon.Ang badge ang simbolo ng pinakamataas na awtoridad.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Dylan Bowie. Hindi nila inasahan na may masasaksihan silang ganito sa panahon ngayon…Malinaw na isang ancient relic ng sinaunag panahon ang badge
Bago pa man makapagreact ang mga tao…Isa pang nakakagulat na bagay ang nangyari.Humakbang paharap si Harvey at walang awang sinampal si Erza.Slap!“Ito ay para sa pagdungis sa pangalan ng Longmen!”Slap!“Ito ay para sa hindi mo magawang masabi ang tama sa mali!”Slap!“Ito ay para sa pagabuso mo sa mga mahihina!”“Bilang vice head ng Law Enforcement ng Longmen…”“Hindi mo lang hindi ginagawa ng ayos ang trabaho mo, pero kumikilos ka din ng gusto mo ng hindi nagpipigil!”“Kung hindi ka susunod sa mga batas kung gayon sino sa Longmen ang susunod dito?!”“Ang Longmen ay namamahala ng underworld ng Country H ng maraming taon nakagawa ng maraming mga bagay…”“Pero dahil sa mga g*gong tulad mo, lahat ng mga bagay na iyon ay naging wala na lamang!”Sinampal ni Harvey ang mukha ni Ezra ng paulit ulit, sa punto na ang kanyang mukha ay namaga na parang sa baboy.Si Ezra ay may karanasang fighter, pero hindi niya nagawang iwasan ang mga sampal. Ang kanyang katawan ay gumewang s
Matapos nilantad ni Harvey ang kanyang iniisp, nagngitngit ang kanyang ngipin.“Oo! Totoo talaga!” Sinabi niya matapos ang matagal na panahon.“Sinasabi mo iyan, pero ikaw ay talagang masama ang loob, hindi ba?”“Binabalak mong malaman ang aking pagkakataon bago atakihin ang buong pamilya ko, tama ba?”“Huhukayin mo pa ang aking mga ninuno sa kanilang libingan at gawin din silang abo, tama ba?”Ngumiti si Harvey habang sinabi ang iniisip mismo n Ezra. Tapos, sinipa niya ang tiyan ni Ezra.Kikilos na sana si Ezra sa atake, pero siya ay medyo mabagal tutal siya ay nakaluhod.Ang kanyang buong katawan ay bumigat, na para bang tinamaan siya ng sledgehammer. Dekada ng lakas at paghihirap ay nasira ng biglaan.Ang kanyang sigla ay nadurog kasama nito.Siya ay sobrang nanghina. Ang kanyang buong katawan ay bumagsak sa sahig habang hindi niya mapigilang manginig.Nagngitngit ang ngipin ni Ezra, kumukulo sa galit.“Ano ang ginawa mo sa akin, g*go ka?!”“Wala masyado. Sinira ko lang