”Si Lucas Jean, syempre!” Sabi ni Xynthia.Medyo sumimangot si Harvey. “Si Lucas Jean, ang isa sa Six Princes ng Mordu?”“Oo, siya. Narinig ko na siya ay tagahangang manliligaw ni Miss Walker. Lahat ng lalaki na lumapit kay Miss Walker ay inasikaso niya.”“Iyon ay isa sa mga rason bakit si MIss Walker ay single ng sobrang daming taon.”“Brother-in-law, tutal ikaw ay medyo malapit kay Miss Walker, si Prince Jean ay hindi magiging mabait sayo.”Ngumiti si Harvey, walang pakialam. “Makabubuti ito kung hindi niya ako tatratuhin ng mabuti. Sa gayon, magagawa kong makahanap ng pagkakataon na sirain siya. Ang iyong kapatid ay hindi magkakaroon ng problema sa pagtatrabaho sa Mordu.”“Kung hindi, ang mga Jean ay laging pipigilan kami mula sa itaas. Ang bagay na iyan ay sobrang nakakapagod.”“Umaasa ako na ang iyong kapatid ay magagawang umunlad at lumaki kapag dumating siya sa Mordu, hindi pinipigilan ng ibang tao.”Si Xynthia ay napatigil ng sandali. Hindi niya maintindihan kung ito ay
Naningkit ang mga mata ni Harvey ng sinuri niya ang Shindan Way Kendo Hall. Pagkatapos, lumingon siya. Hindi rin magtatagal at hahamunin din niya ang mga ito. Subalit, hindi ito ang araw na iyon. Sinundan niya si Xynthia sa Budokan ng Longmen. Makikita ang Ancient Gangnam architecture sa buong lugar. Isa itong eleganteng tanawin. Sa lahat ng mga sangay ng Longmen, ang sangay ng Mordu ang isa sa malakas nilang sangay. Bukod sa Kaizen Group, na itinuturing na parang manok na nangingitlog ng ginto, may halos isang daang Budokans ang pagmamay-ari ng sangay ng Longmen ng Mordu na nakakalat sa buong bansa. Ang isang ito na nasa harapan ni Harvey sa mga sandaling ito ay ang una nilang Budokan. Ang Budokan na ito ay minsan ginagamit ng mga disipulo ng Longmen para hasain ang kanilang kakayahan, habang nagsisilbi ito bilang isang recruitment center para sa madla. Mga mayayaman na palikero at binibini ang gustong maiugnay ang kanilang mga pangalan sa Budokan na ito. Marami ang
Lumakas ang tibok ng puso ni Xynthia nang makita niya ang lalake. Ito ay walang iba kung hindi ang kapatid ng top Great General ni Justin Walker na si Gabe Bowie! Bukod sa isang bihasang martial artist si Gabe, siya din ang tagapagmana ng isa sa mga Elder ng Longmen. Sa hanay ng mga batang henerasyon ng Longmen, itinuturing siyang top disciple na pangalawa lamang kay Rachel! Sa kanyang pagkatao at kakayahan, maituturing na isa siyang makapangyarihan na karakter sa loob ng elite circle ng Mordu. Masasabi din na natutuwa siyang makipagsuntukan sa Budokan. Subalit, hindi maganda ang pakikitungo ni Gabe kay Bryan. Ang kanilang relasyon ay masasabing hindi kaaya-aya. “Gabe, sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin kami?” Pinakitaan siya ni Bryan ng isang kakaibang ngiti. “Oh? Hinahamon mo ba ako?” Ngumisi si Gabe. Si Bryan, na palagi siyang nilalabanan gamit ang reputasyon ni Denzel bilang pananggalang, ay masyadong matapang umasta ngayon. Sini
“Young Master Holt! May susunggab sa likuran mo!” “Ilag, Young Master Walker! Gawin mo ang Downward Dog!” “Tamara, sampalin mo ang lalake na nasa kaliwa mo! Sunod naman ay gamitin mo ang ulo mo para untugin ito! Magaling!”Parehong naglalaban ang magkabilang panig, at ang buong Budokan ay nagkakagulo na. Sa kabilang banda naman, kaswal na sinipa palayo ni Harvey ang ilang mga lalake at naglakad papunta sa pasukan, kung nasaan si Xynthia. Pareho nilang pinanood ang kaguluhan ng tahimik. Sina Bryan at ang kanyang mga tagasunod ay hindi lang mga mayaman na babaero, meron pa din silang kakayahan na lumaban kaya naman hindi sila nagmukhang kawawa. Binigyan lang sila ni Harvey ng mga ilang panuto, ngunit nagawang makalaban ni Bryan ng mag-isa niya lang laban kay Gabe at sa iba pa. Gustong gusto na talagang sakalin nila Bryan at ng mga tagasunod niya si Harvey, ngunit wala nang atrasan pa. Sinunod nila ang mga panuto ni Harvey, hanggang sa hindi nila namamalayan na inaasahan na
“Patay ka na!”Hindi pa nakaranas ng pagkatalo si Gabe. Namumula ang kanyang mga mata habang dinudurog niya ang iba pa sa kanyang dinaraanan. Galit siyang lumundag paharap at nagpakawala ng isang malakas na suntok kasabay nito. Ang hangarin na pumatay ang lumabas sa buo niyang katawan. Gustong lumayo ni Bryan, ngunit mahinahong itinuro sa kanya ni Harvey, "Humakbang ka ng bahagya sa iyong kaliwa, pagkatapos ay ipang suntok mo ang iyong kanang kamao sa harap mo."Simple lang ang mga panuto ni Harvey. Si Bryan, na takot na takot, ay pinanghawakan ang panuto ni Harvey na para bang maililigtas nito ang kanyang buhay. Kumilos ang kanyang katawan ng ayon sa panuto ni Harvey. Bang!Tumabi si Bryan, sapat lang para maiwasan ang pamatay na suntok ni Gabe. Pagkatapos ay sumuntok siya gamit ng kanyang kanang kamay, at tumama ito direkta sa dibdib ni Gabe. Pfft!Napaatras si Gabe habang sumusuka siya ng dugo. Labis ang kanyang pagkabigla. Pati si Steven at ang iba pa ay nagulat din
Sa kung paanong nakita ng lahat na paulit-ulit siyang pinalipad ni Bryan, naramdaman ni Gabe na nadungisan at natapak-tapakan ang kanyang dignidad.Lalo na, tinaguriang siyang top disciple sa sangay ng Longmen sa Mordu, at pumapangalawa kay Rachel! Ang kanyang master ay isa sa mga Elder sa sangay ng Longmen sa Mordu na kabilang sa Hall of Elders, na may hawak din na mas mataas na impluwensya at awtoridad na higit pa kaysa sa branch leader! Kapag natalo si Gabe ng isang mayaman na babaero, mas pipiliin pa niya na ihampas ng paulit-ulit ang kanyang ulo sa lapag at mamatay! Hindi kakayanin ang kahihiyan! “P*tang *na mo! Mamatay ka na!” Sa sumunod na sandali, hinawakan ni Gabe ang isang Island Nation longsword decoration mula sa istante at winasiwas ito sa direksyon ni Bryan. Ngayon, punong puno si Bryan ng lakas ng loob. Hindi na niya kailangan ang mga panuto ni Harvey. Alam din ni Bryan na wala na ding lakas si Gabe sa mga oras na ito. . Iniwas ni Bryan ang kanyang kata
"At ngayon, nagsimula na ng protesta ang Longmen branch ng Mordu laban sa gobyerno. Gusto ka nilang ipasok!" "Dahil sangkot ang Longmen, nagpasya si Rachel na makipagtulungan kay Justin. Sa madaling salita: kung hindi kita ibibigay sa kanila, malaki ang mawawala sa Paramount!" "Makakapaghiganti rin sila sa'kin!" "Ilang beses ko na ba tong sinabi sa'yo?! Pwede kang lumaban sa mga taong kagaya ni Gabe, pero wag mo silang patayin!" "Kung walang buhay ng tao na nadamay, maaayos ang problema kahit na gaano pa ito kalaki! Kung may mamatay, malaking problema ito! Hindi mo ba naiintindihan yun?!" "Si Harvey dapat ang gagawa ng maduming trabaho, pero ginawa mo ang lahat ng yun para sa kanya! Tanga ka ba?!" "Maluwang ba ang turnilyo sa utak mo?!" Gustong patayin sa sampal ni Denzel si Bryan sa sandaling ito. Maraming taon na siyang nakatira sa Mordu. Bakit niya kailangang matakot sa Longmen branch ng Mordu? Kalimutan na si Justin; kahit buhay pa si Oliver Bauer, walang pakialam
"Hindi po pwedeng gawin to tapos di mo pwedeng gawin yan. Bakit di mo na lang sabihin sa'kin kung anong gagawin?!" Naiinis na sumagot si Denzel. Nagpatuloy na magmakaawa si Bryan. "Parang awa mo na, Brother Denzel! Tulungan mo akong mag-isip ng paraan! Kung maililigtas mo ako, ibibigay ko ang bawat isang asset na mayroon ang Holy family!" "Hindi ito masyadong malaki pero ilang milyong dolyar din yun! Basta't mapapanatili mo akong buhay…!" "Brother Denzel, mag-brother tayo. Hindi mo ko pwedeng iwan na lang para mamatay!" Lumuhod din si Tamara. Naroon siya sa insidente. Kahit na hindi siya papatayin ng Longmen, alam na alam niya na mas malala pa sa kamatayan ang magiging kapalaran niya. Kalmadong dagdag ni Denzel. "Kung hindi ako nagkakamali, nagpunta rin doon si Steven, di ba?" "Hindi ba pamangkin siya ni Justin? Bakit hindi mo siya hayaang magmakaawa para sa'yo?" Namumuhing sumagot si Bryan. "Sinungaling siya. Ang totoo, isa lang siyang malayong kamag-anak ng Walker fam
“Oh? Mukhang balak mo kong hiwain gamit ng mahabang espadang yan!”Namumuhi ang kalbong lalaki matapos makita ang mga ginawa ni Alani Carlson.“Halika! Narinig ko na ang tungkol sa Six Schools of Martial Arts!"Saan ka kaya nanggaling?!“Ang Shinkage Way? Ang Nen Way? Ang Shindan Way?“Kikilalanin kita kung kaya mo talaga akong pabagsakin!"Pero kung hindi, kailangan mong sundin ang mga utos ko ngayong gabi!”Ikinumpas ng kalbong lalaki ang espada niya nang biglang sumabog ang aura niya. Hindi siya King of Arms pero kaya niyang lumaban.Tuwang-tuwa ang mga kasama niya matapos makita ang eksena at iniwan siyang mag-isa na labanan si Alani.Maingat na nakatayo sa labas ang mga Islander bodyguard. Nang wala ang utos ni Alani, hindi rin sila mangangahas na kalabitin ang gatilyo ayon sa gusto nila.Natural na ang mapagmataas at makapangyarihang mga Islander ay walang nagawa kundi sumuko sa harap ng tunay na kasamaan.Masama ang itsura ni Alani habang walang tigil na kumibot a
“Kahit na ganun… “Patay na si Quill Gibson!"Ano naman kung galit ka sa kanya?"Kahit hindi naalis ang galit mo sa kanya pagkatapos niyang mamatay, hindi mo pwedeng ipahiya na lang ang katawan niya nang ganito!“Masama na nga na hindi niyo inilibing nang maayos ang katawan niya, nandito ka pa para itaboy kami?!"Hindi man lang sumasalamin sa limang-libong taong sibilisasyon ng bansa ang kinikilos niyo! Nasaan ang kabutihang-asal niyo?!"Isusumbong ko ito sa World Civilization Department! Ipapakita nila sa mundo kung gaano ka hipokrito at hindi sibilisado ang mga tao niyo!”Bahagyang ngumiti si Harvey York."Binanggit niya ang World Civilization Department?"Mukhang napakalaki ng katayuan niya sa Island Nations..."Siya ba talaga ang ampon na anak ni Quill?"Kumunot ang noo ni Rachel Hardy.“Walang duda."Pero, maaari rin siyang isang espiya mula sa Island Nations.”Malalim ang ekspresyong ipinakita ni Harvey nang naningkit siya sa eksena."Ang World Civilization Departm
“Saan ka kumuha ng tapang na subukang kunin ang ulo ni Quill Gibson sa presensya namin?”Pinaikot-ikot ng kalbong lalaki ang espada niya nang may masamang tingin."Hindi mo ba alam na isa itong karumal-dumal na krimen?!"Ninakaw ni Quill ang energy regulation technique ng Lowe family! Nararapat siyang parusahan!"Narito ang ulo niya para gawing halimbawa!“Ang mga taong sumusubok na kunin ito ay maysala rin!“Nag-utos din ang great elder at second elder!"Gaano man kalakas ang mga tao…“Papatayin namin ang sinumang sumubok na sumuway sa mga patakaran!“Kaya nga, binibini! Kahit gaano ka pa kaganda, mas maganda kung lumuhod ka na at hayaan mong paglaruan ka namin bago ka ipadala sa Law Enforcement Hall para tanggapin ang iyong parusa!"Kung hindi, kailangan mong mamatay dito!"Magiging masaklap pa nga ang kamatayan mo!"Sumipol ang kalbo bago nagpakawala ng malamig na tawa.Inilabas ng ibang mga disipulo ang mahahabang espada nila at itinutok ito kay Alani Carlson at sa mga
Ang gusali sa pinakagitna ay may daan-daang taong kasaysayan, ngunit ang buong lugar sa paligid nito ay puno ng mga lubak at putik dahil hindi ito naaalagaan. Isang malaking butas ang nakita sa gitna ng gusali.Isang ulo ang nakabitin sa ilalim nito.Nagpadala pa ang Heaven’s Gate ng grupo ng mga disipulo para bantayan ang lugar.Natural, ayaw nilang magkaroon ng pagkakataon ang Gibson family o ang mga taong sangkot dito na makuha ang ulo.Kakila-kilabot ang itsura ni Harvey York. Sa mismong sandaling iyon, nag-aalab ang apoy sa kanyang mga mata.Ikinumpas niya ang kamay niya nang hahakbang na sana siya kasama nina Rachel Hardy at ang iba pa.Ngunit pagkatapos, lumitaw ang isang magandang pigura.Mayroon din siyang ere ng pagmamalaki.Natigilan si Harvey nang makita niya ang babae.Napakaganda ng babae para maituring na tao. Para siyang isang diwata.“Sino siya?” Sabi ni Harvey nang nakakunot ang noo.Sandaling tumingin si Rachel sa laptop niya bago sumagot, “Kung tama ako
“Kasal?”Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Harvey York.“Kanino?”"Kay Calvin Lowe, ang young master ng Lowe family..."At si Emory Bowie ng Bowie family."Tapos, kumunot ang noo ni Harvey."Kilala ko ba ang mga taong ito?"“Hindi si Emory, pero baka naaalala mo si Calvin."Noong lumaban ka kay Sword Saint Shinosuke sa Hong Kong, nandoon din siya…”Napaisip si Harvey bago ito naalala sa wakas.May ilang mga disipulo mula sa ibang sacred martial arts training grounds noon.Medyo mababa ang tingin ng mga taong iyon kay Harvey. Isa si Calvin sa kanila.Naglabas ang isang disipulo ng isa pang laptop na may mga larawan para makita ni Harvey.Sumilip sandali si Harvey bago pumikit.Napakaraming bagay pa ang hindi niya nalalaman. Hindi pa niya sigurado kung sino ang hahabulin niya.Ngunit nang walang pag-aalinlangan, tiyak na hindi magiging masaya ang pagpunta niya sa Heaven's Gate.Makalipas ang tatlong oras, dumating ang sasakyan sa harap mismo ng headquarters ng Heaven's Ga
“Hindi ganun kasimple ang lahat, Sir York.“Nagpakita ng sapat na ebidensya ang Lowe family at ang Bowie family para patunayan ito. “May ilang elder sa elder group ng Heaven's Gate, pero itinuring na itong sarado para sa Lowe family at Bowie family…”“Paano naman ang head?” tanong ni Harvey York. “Hindi ba hinahawakan ng head ang sitwasyon?”Huminto sandali si Rachel Hardy. “Ikinulong ng head ng Heaven's Gate ang sarili niya ilang taon ang nakaraan para subukang makalampas sa limitasyon niya. “Kung kaya't ang elder group ang may hawak sa karamihan ng mga usapin. “Ikaw na lang ang natitirang head…”Bahagyang tumango si Harvey. Bigla niyang napagtantong ang badge niya siguro ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkaganito si Quill. Voom voom voom!Umugong ulit ang phone ni Rachel. Mabilis niyang sinagot ang tawag bago namutla ang mukha niya. “Anong nangyari?” Tanong ni Harvey pagkatapos makita ang ekspresyon sa mukha ni Rachel. Huminga nang malalim si Rachel. “Ngayo
Sa sumunod na araw. Isang Toyota Prado ang umandar papunta sa Heaven's Gate headquarters. Sa upuan sa harapan, nakatingin si Harvey York sa tanawin sa labas nang may kalmadong ekspresyon. “Mapanganib na pumunta sa Heaven's Gate headquarters, Sir York. Talaga bang hindi tayo kukuha ng backup?” tanong ni Rachel Hardy ibang nagmamaneho. Noon, si Rachel ang top disciple ng Longmen branch leader ng Mordu na si Oliver Bauer, at ang top expert ng sangay. Mas lalo siyang lumakas pagkatapos nang mahabang panahong pagsasanay sa Flutwell. Sayang lang at hindi gustong makipag-usap ni Harvey. Sa mga panuto niya, tiyak na mas tataas pa ang mararating ni Rachel. “Pupunta tayo sa Heaven's Gate headquarters. Isa itong sa sacred martial arts training grounds. “Kapag inutusan nating umikot ang mga tao ng Longmen, tayo ang gumagawa ng gulo. “Ang mas mahalaga pa roon, teritoryo nila ito. “Walang magbabago kung nagdala tayo ng backup. “Aalamin natin ang katotohanan, hindi gagawa ng probl
“Pinadala mo sina Alfred at Rudy Patel para ipapatay ako! “Gusto mo ang ulo ko bilang sagisag ng katapatan nila!“Ang ginawa ko lang naman ay lumpuhin ang Wolsing branch, tapos masama na kaagad ang timpla mo?”Pinalipad ni Harvey York si Dalton Patel sa isa na namang sipa. Tumalbog siya bago bumangga sa isang marmol na poste at sumuka ng dugo. “Masaya ka na ba ngayon?!“Sino pang gustong magsalita tungkol dito?!”Tahimik na tahimik ang lahat!Punong-puno ng gulat ang lahat!Kung hindi nila ito nakita sa personal, hindi sila maniniwala na magkakaganito ang away ng pamilya nila dahil lang kay Harvey. Ang mga taong nakaramdam ng pagkamuhi kay Harvey ay hindi napigilang matakot sa kanya sa puntong ito. Kahit na nakatakda nilang labanan si Harvey…Sapat na ang eksenang ito para hindi makapaniwala ang lahat!Gulat na tumingin kay Harvey ang mayayamang babae habang iniisip si Dalton. “Halika rito!”Sumenyas si Harvey kay Kairi Patel gamit ng daliri niya. Malumanay na ngum
“Mukhang epektibo ang pangatlo kong pagkatao!”Humakbang paharap si Harvey York bago tinapik sa mukha si Dalton Patel. “Baka ganun na lang din ang gawin ko sa susunod na gustuhin kong manamantala ng iba, ano?“Baka isipin ng iba talunan ako kapag masyado akong nagsalita.”Pagkatapos, pinagpatong niya ang mga braso niya habang naglakad siya papunta sa main platform. “Anong binabalak mong gawin, Harvey?!”Walang katapusan ang panginginig ng mga mata ni Dalton. “Malaki ang katayunan mo, pero nangingialam ka sa usapin ng Patel family!“Pinapahiya mo ang Longmen!”“Nang nangatwiran ako sa'yo, kinausap mo ko tungkol sa kapangyarihan,” sagot ni Harvey. “Tapos ngayong pinakitaan kita ng kapangyarihan, nagsimula ka na namang mangatwiran sa'kin!“Sa tingin mo ba umiikot sa'yo ang buong mundo?!”“Kung ganito ka kayabang, irereport kita sa royal court!” Sigaw ni Dalton nang may seryosong tono. “Iniiwasan mo ba ang tanong ko? Natatakot ka, ha?“Kung ganun, sinasabi mo bang wala k