"At ngayon, nagsimula na ng protesta ang Longmen branch ng Mordu laban sa gobyerno. Gusto ka nilang ipasok!" "Dahil sangkot ang Longmen, nagpasya si Rachel na makipagtulungan kay Justin. Sa madaling salita: kung hindi kita ibibigay sa kanila, malaki ang mawawala sa Paramount!" "Makakapaghiganti rin sila sa'kin!" "Ilang beses ko na ba tong sinabi sa'yo?! Pwede kang lumaban sa mga taong kagaya ni Gabe, pero wag mo silang patayin!" "Kung walang buhay ng tao na nadamay, maaayos ang problema kahit na gaano pa ito kalaki! Kung may mamatay, malaking problema ito! Hindi mo ba naiintindihan yun?!" "Si Harvey dapat ang gagawa ng maduming trabaho, pero ginawa mo ang lahat ng yun para sa kanya! Tanga ka ba?!" "Maluwang ba ang turnilyo sa utak mo?!" Gustong patayin sa sampal ni Denzel si Bryan sa sandaling ito. Maraming taon na siyang nakatira sa Mordu. Bakit niya kailangang matakot sa Longmen branch ng Mordu? Kalimutan na si Justin; kahit buhay pa si Oliver Bauer, walang pakialam
"Hindi po pwedeng gawin to tapos di mo pwedeng gawin yan. Bakit di mo na lang sabihin sa'kin kung anong gagawin?!" Naiinis na sumagot si Denzel. Nagpatuloy na magmakaawa si Bryan. "Parang awa mo na, Brother Denzel! Tulungan mo akong mag-isip ng paraan! Kung maililigtas mo ako, ibibigay ko ang bawat isang asset na mayroon ang Holy family!" "Hindi ito masyadong malaki pero ilang milyong dolyar din yun! Basta't mapapanatili mo akong buhay…!" "Brother Denzel, mag-brother tayo. Hindi mo ko pwedeng iwan na lang para mamatay!" Lumuhod din si Tamara. Naroon siya sa insidente. Kahit na hindi siya papatayin ng Longmen, alam na alam niya na mas malala pa sa kamatayan ang magiging kapalaran niya. Kalmadong dagdag ni Denzel. "Kung hindi ako nagkakamali, nagpunta rin doon si Steven, di ba?" "Hindi ba pamangkin siya ni Justin? Bakit hindi mo siya hayaang magmakaawa para sa'yo?" Namumuhing sumagot si Bryan. "Sinungaling siya. Ang totoo, isa lang siyang malayong kamag-anak ng Walker fam
Pagkatapos malaman ito, kinausap ni Denzel sina Bryan at ang mga tigasunod niya tungkol sa kung paano nila lalabanan si Harvey. Samantala, isang babaeng nakasuot ng business attire ang pumigil kay Harvey habang palabas siya ng bahay niya sa Fragrant Hill. Magalang siyang nagsabi, "Mr. York, gusto kang makita ni Sir Walker." Nasa tatlompung taong gulang siya, may eleganteng makeup at mapayat na pangangatawan. Ngunit mayroong mabangis na aura sa paligid niya. "Sabi ni Sir Walker ay gusto ka niyang kausapin tungkol sa nangyari kahapon.""Umaasa siya na mabigyan mo siya ng oras." "Kahapon?" Tumawa si Harvey. "Ang tinutukoy mo ba ay ang insidente sa Budokan ng Longmen?" "Wala akong ginawa kundi manuod sa buong pangyayari. Wala akong kinalaman sa kahit na ano, di ba?" Kalmadong sumagot ang babae, "Sana pumunta kayo, Mr. York. Si Sir Walker mismo ang nagsabi nito. Wala rin namang magagawa kung pag-uusapan natin ang insidente." Pinag-isipan ito ni Harvey, pagkatapos ay nagpa
"Narinig ko na nagmula ka sa Buckwood, Brother York. Saan nagmula ang master mo, kung pwede kong matanong?" Tinitigan ni justin si Harvey nang may kakaibang tingin. "Mula ka ba sa lahi ng Wing Chun, o sa lahi ng Hong Kuen?" Para kay Justin, ito lang ang dalawang linya ng martial arts na mayroong mga propesyonal sa loob ng Buckwood. "Hindi." Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey. Natuto siya ng mga pamatay na taktika at opensibong kilos mula sa daan-daang mga paaralan, at hindi siya sumusunod sa isang tipo ng martial art. "Wala ka talagang paaralan na pinagmulan? Mag-isa mo lang natutunan ang lahat?" Nanigas si Justin, pagkatapos ay tumawa nang malakas. "Nakaabot ka ba sa puntong ito sa kaswal na pag-aaral lang? Isa ka talaga sigurong henyo!" "Oo. Natututo ako mula sa daan-daang paaralan sa ngayon." Walang pakialam na tinignan ni Harvey si Justin. "Kung tatanungin mo kung paano ko natutunan ang lahat ng alam ko, bumili ako ng maraming secret texts online. Papadalhan
Kagaya ng inaasahan, may pakialam lang si Justin sa kahit na anong makikinabang siya. Isa si Gabe sa pinakamagagaling niyang tao, pro hindi niya kailanman inisip na ipaghiganti si Gabe. Sa halip, hinanap niya si Harvey para manguna para sa kanya. Natural na alam mismo ni Justin kung anong nangyari nitong nakaraang araw. Kasama ng insidente sa Paramount, may malinaw siyang ideya sa halaga ni Harvey. Naniniwala siya na kapag binigyan niya si Harvey ng fifteen million dollars, papayag si Harvey na maging fighter niya. "May pera, at mayroon ring tyansa na maging sikat." "Kapag pinabagsak mo si Rachel para sa'kin, makakuha ka rin ng koneksyon sa branch ng Longmen sa Mordu." "Baka nga maipasok pa kita sa branch. Bibigyan kita ng mataas na posisyon. Tiyak na mararanasan mo ang karangyaan at kadakilaan buong buhay mo!" "Susuportahan rin kita. Sa hinaharap, pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo sa Mordu!" "Pero kailangan mong gawin ang eksaktong sasabihin ko. Tandaan mo
“Dalawa: kahit na magawa kong manalo kahit paano, magkakaroon ka pa rin ng isa pang magaling na fighter na magtatrabaho para sa’yo.” “Ngunit ang fighter na ito ay hindi isa sa mga pinagkakatiwalaan mong tao. Gagamitin mo ang taong ito upang pasahan ng sisi, at itatapon mo siya kapag wala na siyang bisa.” “Tatlo: wala ka naman talagang pakialam sa pagkamatay ni Gabe. Gusto mong gipitin si Denzel sa Paramount habang pinipigilan ang polisya gamit ng mga tao mo para sa isang dahilan; at iyon ay para mapapunta ako sa pinto ng bahay mo.” “Gagamitin mo ako, o papatayin mo ako. Wala nang ibang kalalabasan.” “Deputy Branch Leader Walker, tama ba ako sa lahat ng mga sinabi ko?” Naglaho nang bahagya ang ngiti ni Justin. Nagkaroon ng pagkagulat sa mga mata niya.Hindi niya inasahang magagawa ni Harvey na mag-isip nang ganito.Tumawa si Justin at bumalik sa pagkakaupo.“Harvey, Harvey. Medyo grabe ka naman ata magbintang sa akin. Pagbabayaran mo ang paninira nang ganito.” “Kahit na g
Sa buong oras na ito, ang eleganteng babaeng nasa gilid ay nakatitig nang masama kay Harvey.Alam nila kung gaano kahirap na makapasok ng Longmen. Para sa kanila, parang nagpapakamatay si Harvey.“Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa paninira at insulto.”“Ngunit dahil nandito na tayo, tingin ko kailangan kong ipaliwanag ang ilang bagay para kay Kait.”“Isa: nagbigay ako ng ilang payo kay Bryan para matalo niya si Gabe. Pero hindi ko siya sinabihang pumatay. Kapag tinanong mo ang mga kapatid mo sa Longmen an nandoon, maiintindihan mo ang buong storya. Hindi mo kailangang gamitin ito para pagbantaan ako, bumaba lang ang tingin ko sa’yo.”“Dalawa: hindi ko alam kung anong kasunduan ang nagkaroon kayo ni Rachel at Aiden, pero dapat kitang paalalahanan. May ilang bagay na dapat mong sukuan. Kahit na magawa mong manalo laban kay Rachel, wala kang pag-asang maging isang branch leader. Ang panalo at talo mo lang ang mahalaga sa’yo. Wala ka ng mga prinsipyong kailangan upang maging
Tinitigan ni Harvey ang likuran ni Justin nang naniningkit ang mata, hindi nagpapakita ng emosyon.Mukha ngang magiting ang deputy branch leader na ito.Hindi nakakapagtakang nagawa niyang labanan si Rachel at Aiden nang ganito katagal, kahit na wala pang malinaw na panalo.Pero kung iisipin, walang kahulugan ang lahat ng bagay.Binalewala niya si Connie at ang ibang miyembro ng Longmen at basta na lang naglakad palayo.Sa sandaling humakbang siya, naglakad paharap sila Connie at ang ibang mga miyembro ng Longmen at hinarangan ang kanyang daan.“Sir York, pakiusap tumigil ka.”“Kung gusto mong makaalis, dapat sumunod ka sa mga kondisyon ni Sir Walker at humingi ng tawad.”Natawa si Harvey.“Akala mo ba mapipigilan ako ng mahinang martial arts mo?”Ngumiti si Connie pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Harvey, bago punitin ang damit niya upang makagalaw nang maayos ang kanyang binti.Naningkit ang mga mata niya nang nagbabanta.“Sa Longmen branch ng Mordu, si Gabe ang tinagu