Lumakas ang tibok ng puso ni Xynthia nang makita niya ang lalake. Ito ay walang iba kung hindi ang kapatid ng top Great General ni Justin Walker na si Gabe Bowie! Bukod sa isang bihasang martial artist si Gabe, siya din ang tagapagmana ng isa sa mga Elder ng Longmen. Sa hanay ng mga batang henerasyon ng Longmen, itinuturing siyang top disciple na pangalawa lamang kay Rachel! Sa kanyang pagkatao at kakayahan, maituturing na isa siyang makapangyarihan na karakter sa loob ng elite circle ng Mordu. Masasabi din na natutuwa siyang makipagsuntukan sa Budokan. Subalit, hindi maganda ang pakikitungo ni Gabe kay Bryan. Ang kanilang relasyon ay masasabing hindi kaaya-aya. “Gabe, sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin kami?” Pinakitaan siya ni Bryan ng isang kakaibang ngiti. “Oh? Hinahamon mo ba ako?” Ngumisi si Gabe. Si Bryan, na palagi siyang nilalabanan gamit ang reputasyon ni Denzel bilang pananggalang, ay masyadong matapang umasta ngayon. Sini
“Young Master Holt! May susunggab sa likuran mo!” “Ilag, Young Master Walker! Gawin mo ang Downward Dog!” “Tamara, sampalin mo ang lalake na nasa kaliwa mo! Sunod naman ay gamitin mo ang ulo mo para untugin ito! Magaling!”Parehong naglalaban ang magkabilang panig, at ang buong Budokan ay nagkakagulo na. Sa kabilang banda naman, kaswal na sinipa palayo ni Harvey ang ilang mga lalake at naglakad papunta sa pasukan, kung nasaan si Xynthia. Pareho nilang pinanood ang kaguluhan ng tahimik. Sina Bryan at ang kanyang mga tagasunod ay hindi lang mga mayaman na babaero, meron pa din silang kakayahan na lumaban kaya naman hindi sila nagmukhang kawawa. Binigyan lang sila ni Harvey ng mga ilang panuto, ngunit nagawang makalaban ni Bryan ng mag-isa niya lang laban kay Gabe at sa iba pa. Gustong gusto na talagang sakalin nila Bryan at ng mga tagasunod niya si Harvey, ngunit wala nang atrasan pa. Sinunod nila ang mga panuto ni Harvey, hanggang sa hindi nila namamalayan na inaasahan na
“Patay ka na!”Hindi pa nakaranas ng pagkatalo si Gabe. Namumula ang kanyang mga mata habang dinudurog niya ang iba pa sa kanyang dinaraanan. Galit siyang lumundag paharap at nagpakawala ng isang malakas na suntok kasabay nito. Ang hangarin na pumatay ang lumabas sa buo niyang katawan. Gustong lumayo ni Bryan, ngunit mahinahong itinuro sa kanya ni Harvey, "Humakbang ka ng bahagya sa iyong kaliwa, pagkatapos ay ipang suntok mo ang iyong kanang kamao sa harap mo."Simple lang ang mga panuto ni Harvey. Si Bryan, na takot na takot, ay pinanghawakan ang panuto ni Harvey na para bang maililigtas nito ang kanyang buhay. Kumilos ang kanyang katawan ng ayon sa panuto ni Harvey. Bang!Tumabi si Bryan, sapat lang para maiwasan ang pamatay na suntok ni Gabe. Pagkatapos ay sumuntok siya gamit ng kanyang kanang kamay, at tumama ito direkta sa dibdib ni Gabe. Pfft!Napaatras si Gabe habang sumusuka siya ng dugo. Labis ang kanyang pagkabigla. Pati si Steven at ang iba pa ay nagulat din
Sa kung paanong nakita ng lahat na paulit-ulit siyang pinalipad ni Bryan, naramdaman ni Gabe na nadungisan at natapak-tapakan ang kanyang dignidad.Lalo na, tinaguriang siyang top disciple sa sangay ng Longmen sa Mordu, at pumapangalawa kay Rachel! Ang kanyang master ay isa sa mga Elder sa sangay ng Longmen sa Mordu na kabilang sa Hall of Elders, na may hawak din na mas mataas na impluwensya at awtoridad na higit pa kaysa sa branch leader! Kapag natalo si Gabe ng isang mayaman na babaero, mas pipiliin pa niya na ihampas ng paulit-ulit ang kanyang ulo sa lapag at mamatay! Hindi kakayanin ang kahihiyan! “P*tang *na mo! Mamatay ka na!” Sa sumunod na sandali, hinawakan ni Gabe ang isang Island Nation longsword decoration mula sa istante at winasiwas ito sa direksyon ni Bryan. Ngayon, punong puno si Bryan ng lakas ng loob. Hindi na niya kailangan ang mga panuto ni Harvey. Alam din ni Bryan na wala na ding lakas si Gabe sa mga oras na ito. . Iniwas ni Bryan ang kanyang kata
"At ngayon, nagsimula na ng protesta ang Longmen branch ng Mordu laban sa gobyerno. Gusto ka nilang ipasok!" "Dahil sangkot ang Longmen, nagpasya si Rachel na makipagtulungan kay Justin. Sa madaling salita: kung hindi kita ibibigay sa kanila, malaki ang mawawala sa Paramount!" "Makakapaghiganti rin sila sa'kin!" "Ilang beses ko na ba tong sinabi sa'yo?! Pwede kang lumaban sa mga taong kagaya ni Gabe, pero wag mo silang patayin!" "Kung walang buhay ng tao na nadamay, maaayos ang problema kahit na gaano pa ito kalaki! Kung may mamatay, malaking problema ito! Hindi mo ba naiintindihan yun?!" "Si Harvey dapat ang gagawa ng maduming trabaho, pero ginawa mo ang lahat ng yun para sa kanya! Tanga ka ba?!" "Maluwang ba ang turnilyo sa utak mo?!" Gustong patayin sa sampal ni Denzel si Bryan sa sandaling ito. Maraming taon na siyang nakatira sa Mordu. Bakit niya kailangang matakot sa Longmen branch ng Mordu? Kalimutan na si Justin; kahit buhay pa si Oliver Bauer, walang pakialam
"Hindi po pwedeng gawin to tapos di mo pwedeng gawin yan. Bakit di mo na lang sabihin sa'kin kung anong gagawin?!" Naiinis na sumagot si Denzel. Nagpatuloy na magmakaawa si Bryan. "Parang awa mo na, Brother Denzel! Tulungan mo akong mag-isip ng paraan! Kung maililigtas mo ako, ibibigay ko ang bawat isang asset na mayroon ang Holy family!" "Hindi ito masyadong malaki pero ilang milyong dolyar din yun! Basta't mapapanatili mo akong buhay…!" "Brother Denzel, mag-brother tayo. Hindi mo ko pwedeng iwan na lang para mamatay!" Lumuhod din si Tamara. Naroon siya sa insidente. Kahit na hindi siya papatayin ng Longmen, alam na alam niya na mas malala pa sa kamatayan ang magiging kapalaran niya. Kalmadong dagdag ni Denzel. "Kung hindi ako nagkakamali, nagpunta rin doon si Steven, di ba?" "Hindi ba pamangkin siya ni Justin? Bakit hindi mo siya hayaang magmakaawa para sa'yo?" Namumuhing sumagot si Bryan. "Sinungaling siya. Ang totoo, isa lang siyang malayong kamag-anak ng Walker fam
Pagkatapos malaman ito, kinausap ni Denzel sina Bryan at ang mga tigasunod niya tungkol sa kung paano nila lalabanan si Harvey. Samantala, isang babaeng nakasuot ng business attire ang pumigil kay Harvey habang palabas siya ng bahay niya sa Fragrant Hill. Magalang siyang nagsabi, "Mr. York, gusto kang makita ni Sir Walker." Nasa tatlompung taong gulang siya, may eleganteng makeup at mapayat na pangangatawan. Ngunit mayroong mabangis na aura sa paligid niya. "Sabi ni Sir Walker ay gusto ka niyang kausapin tungkol sa nangyari kahapon.""Umaasa siya na mabigyan mo siya ng oras." "Kahapon?" Tumawa si Harvey. "Ang tinutukoy mo ba ay ang insidente sa Budokan ng Longmen?" "Wala akong ginawa kundi manuod sa buong pangyayari. Wala akong kinalaman sa kahit na ano, di ba?" Kalmadong sumagot ang babae, "Sana pumunta kayo, Mr. York. Si Sir Walker mismo ang nagsabi nito. Wala rin namang magagawa kung pag-uusapan natin ang insidente." Pinag-isipan ito ni Harvey, pagkatapos ay nagpa
"Narinig ko na nagmula ka sa Buckwood, Brother York. Saan nagmula ang master mo, kung pwede kong matanong?" Tinitigan ni justin si Harvey nang may kakaibang tingin. "Mula ka ba sa lahi ng Wing Chun, o sa lahi ng Hong Kuen?" Para kay Justin, ito lang ang dalawang linya ng martial arts na mayroong mga propesyonal sa loob ng Buckwood. "Hindi." Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey. Natuto siya ng mga pamatay na taktika at opensibong kilos mula sa daan-daang mga paaralan, at hindi siya sumusunod sa isang tipo ng martial art. "Wala ka talagang paaralan na pinagmulan? Mag-isa mo lang natutunan ang lahat?" Nanigas si Justin, pagkatapos ay tumawa nang malakas. "Nakaabot ka ba sa puntong ito sa kaswal na pag-aaral lang? Isa ka talaga sigurong henyo!" "Oo. Natututo ako mula sa daan-daang paaralan sa ngayon." Walang pakialam na tinignan ni Harvey si Justin. "Kung tatanungin mo kung paano ko natutunan ang lahat ng alam ko, bumili ako ng maraming secret texts online. Papadalhan