Sa No. 1 Villa sa Fragrant Hill.Si Xynthia ay nakasuot ng isang pares ng mainit na pantalon, nakaupo sa bar sa living room.Nitong umaga, siya merong malinaw na layunin. Meron siyang kailangan itanong anu man ang mangyari.Binuksan ni Harvey ang stove. “Xynthia, gusto mo bang magluto ako ng noodles para sayo?”“Hindi ako pwedeng kumain!”Suminghal si Xynthia at nagpatuloy, “Wala kang pinaliwanag na kahit ano sa akin. Ano ang relasyon sa pagitan mo at ni Kait Walker? Gusto mo pa siya maging girlfriend mo! Hindi ka ba takot na ang kapatid ko ay malalaman ito?”Tinaas ni Harvey ang kanyang ulo at mahinang sinabi, “Tumigil ka sa pakikialam sa problema ng matatanda, bata.”“At kung magpatuloy ka na umupo sa bar, hahatakin kita pababa at papaluin ka.”“Wala kang sinasabing kahit ano sa akin!”“Brother-in-law, meron bang kahit ano na nangyari sa pagitan mo at ni kait Walker?!”Inisip ni Harvey sandali at sinabi, “Magtitiwala ka ba kung sabihin kong hindi?”Mabilis na tumango si Xy
”Si Lucas Jean, syempre!” Sabi ni Xynthia.Medyo sumimangot si Harvey. “Si Lucas Jean, ang isa sa Six Princes ng Mordu?”“Oo, siya. Narinig ko na siya ay tagahangang manliligaw ni Miss Walker. Lahat ng lalaki na lumapit kay Miss Walker ay inasikaso niya.”“Iyon ay isa sa mga rason bakit si MIss Walker ay single ng sobrang daming taon.”“Brother-in-law, tutal ikaw ay medyo malapit kay Miss Walker, si Prince Jean ay hindi magiging mabait sayo.”Ngumiti si Harvey, walang pakialam. “Makabubuti ito kung hindi niya ako tatratuhin ng mabuti. Sa gayon, magagawa kong makahanap ng pagkakataon na sirain siya. Ang iyong kapatid ay hindi magkakaroon ng problema sa pagtatrabaho sa Mordu.”“Kung hindi, ang mga Jean ay laging pipigilan kami mula sa itaas. Ang bagay na iyan ay sobrang nakakapagod.”“Umaasa ako na ang iyong kapatid ay magagawang umunlad at lumaki kapag dumating siya sa Mordu, hindi pinipigilan ng ibang tao.”Si Xynthia ay napatigil ng sandali. Hindi niya maintindihan kung ito ay
Naningkit ang mga mata ni Harvey ng sinuri niya ang Shindan Way Kendo Hall. Pagkatapos, lumingon siya. Hindi rin magtatagal at hahamunin din niya ang mga ito. Subalit, hindi ito ang araw na iyon. Sinundan niya si Xynthia sa Budokan ng Longmen. Makikita ang Ancient Gangnam architecture sa buong lugar. Isa itong eleganteng tanawin. Sa lahat ng mga sangay ng Longmen, ang sangay ng Mordu ang isa sa malakas nilang sangay. Bukod sa Kaizen Group, na itinuturing na parang manok na nangingitlog ng ginto, may halos isang daang Budokans ang pagmamay-ari ng sangay ng Longmen ng Mordu na nakakalat sa buong bansa. Ang isang ito na nasa harapan ni Harvey sa mga sandaling ito ay ang una nilang Budokan. Ang Budokan na ito ay minsan ginagamit ng mga disipulo ng Longmen para hasain ang kanilang kakayahan, habang nagsisilbi ito bilang isang recruitment center para sa madla. Mga mayayaman na palikero at binibini ang gustong maiugnay ang kanilang mga pangalan sa Budokan na ito. Marami ang
Lumakas ang tibok ng puso ni Xynthia nang makita niya ang lalake. Ito ay walang iba kung hindi ang kapatid ng top Great General ni Justin Walker na si Gabe Bowie! Bukod sa isang bihasang martial artist si Gabe, siya din ang tagapagmana ng isa sa mga Elder ng Longmen. Sa hanay ng mga batang henerasyon ng Longmen, itinuturing siyang top disciple na pangalawa lamang kay Rachel! Sa kanyang pagkatao at kakayahan, maituturing na isa siyang makapangyarihan na karakter sa loob ng elite circle ng Mordu. Masasabi din na natutuwa siyang makipagsuntukan sa Budokan. Subalit, hindi maganda ang pakikitungo ni Gabe kay Bryan. Ang kanilang relasyon ay masasabing hindi kaaya-aya. “Gabe, sino ka ba sa tingin mo? Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin kami?” Pinakitaan siya ni Bryan ng isang kakaibang ngiti. “Oh? Hinahamon mo ba ako?” Ngumisi si Gabe. Si Bryan, na palagi siyang nilalabanan gamit ang reputasyon ni Denzel bilang pananggalang, ay masyadong matapang umasta ngayon. Sini
“Young Master Holt! May susunggab sa likuran mo!” “Ilag, Young Master Walker! Gawin mo ang Downward Dog!” “Tamara, sampalin mo ang lalake na nasa kaliwa mo! Sunod naman ay gamitin mo ang ulo mo para untugin ito! Magaling!”Parehong naglalaban ang magkabilang panig, at ang buong Budokan ay nagkakagulo na. Sa kabilang banda naman, kaswal na sinipa palayo ni Harvey ang ilang mga lalake at naglakad papunta sa pasukan, kung nasaan si Xynthia. Pareho nilang pinanood ang kaguluhan ng tahimik. Sina Bryan at ang kanyang mga tagasunod ay hindi lang mga mayaman na babaero, meron pa din silang kakayahan na lumaban kaya naman hindi sila nagmukhang kawawa. Binigyan lang sila ni Harvey ng mga ilang panuto, ngunit nagawang makalaban ni Bryan ng mag-isa niya lang laban kay Gabe at sa iba pa. Gustong gusto na talagang sakalin nila Bryan at ng mga tagasunod niya si Harvey, ngunit wala nang atrasan pa. Sinunod nila ang mga panuto ni Harvey, hanggang sa hindi nila namamalayan na inaasahan na
“Patay ka na!”Hindi pa nakaranas ng pagkatalo si Gabe. Namumula ang kanyang mga mata habang dinudurog niya ang iba pa sa kanyang dinaraanan. Galit siyang lumundag paharap at nagpakawala ng isang malakas na suntok kasabay nito. Ang hangarin na pumatay ang lumabas sa buo niyang katawan. Gustong lumayo ni Bryan, ngunit mahinahong itinuro sa kanya ni Harvey, "Humakbang ka ng bahagya sa iyong kaliwa, pagkatapos ay ipang suntok mo ang iyong kanang kamao sa harap mo."Simple lang ang mga panuto ni Harvey. Si Bryan, na takot na takot, ay pinanghawakan ang panuto ni Harvey na para bang maililigtas nito ang kanyang buhay. Kumilos ang kanyang katawan ng ayon sa panuto ni Harvey. Bang!Tumabi si Bryan, sapat lang para maiwasan ang pamatay na suntok ni Gabe. Pagkatapos ay sumuntok siya gamit ng kanyang kanang kamay, at tumama ito direkta sa dibdib ni Gabe. Pfft!Napaatras si Gabe habang sumusuka siya ng dugo. Labis ang kanyang pagkabigla. Pati si Steven at ang iba pa ay nagulat din
Sa kung paanong nakita ng lahat na paulit-ulit siyang pinalipad ni Bryan, naramdaman ni Gabe na nadungisan at natapak-tapakan ang kanyang dignidad.Lalo na, tinaguriang siyang top disciple sa sangay ng Longmen sa Mordu, at pumapangalawa kay Rachel! Ang kanyang master ay isa sa mga Elder sa sangay ng Longmen sa Mordu na kabilang sa Hall of Elders, na may hawak din na mas mataas na impluwensya at awtoridad na higit pa kaysa sa branch leader! Kapag natalo si Gabe ng isang mayaman na babaero, mas pipiliin pa niya na ihampas ng paulit-ulit ang kanyang ulo sa lapag at mamatay! Hindi kakayanin ang kahihiyan! “P*tang *na mo! Mamatay ka na!” Sa sumunod na sandali, hinawakan ni Gabe ang isang Island Nation longsword decoration mula sa istante at winasiwas ito sa direksyon ni Bryan. Ngayon, punong puno si Bryan ng lakas ng loob. Hindi na niya kailangan ang mga panuto ni Harvey. Alam din ni Bryan na wala na ding lakas si Gabe sa mga oras na ito. . Iniwas ni Bryan ang kanyang kata
"At ngayon, nagsimula na ng protesta ang Longmen branch ng Mordu laban sa gobyerno. Gusto ka nilang ipasok!" "Dahil sangkot ang Longmen, nagpasya si Rachel na makipagtulungan kay Justin. Sa madaling salita: kung hindi kita ibibigay sa kanila, malaki ang mawawala sa Paramount!" "Makakapaghiganti rin sila sa'kin!" "Ilang beses ko na ba tong sinabi sa'yo?! Pwede kang lumaban sa mga taong kagaya ni Gabe, pero wag mo silang patayin!" "Kung walang buhay ng tao na nadamay, maaayos ang problema kahit na gaano pa ito kalaki! Kung may mamatay, malaking problema ito! Hindi mo ba naiintindihan yun?!" "Si Harvey dapat ang gagawa ng maduming trabaho, pero ginawa mo ang lahat ng yun para sa kanya! Tanga ka ba?!" "Maluwang ba ang turnilyo sa utak mo?!" Gustong patayin sa sampal ni Denzel si Bryan sa sandaling ito. Maraming taon na siyang nakatira sa Mordu. Bakit niya kailangang matakot sa Longmen branch ng Mordu? Kalimutan na si Justin; kahit buhay pa si Oliver Bauer, walang pakialam