Hindi na kailangang sabihin pa, pero gusto nila Wyatt, Jake, at Cecilia na mamatay si Harvey. Bakit nila iisiping tulungan si Harvey ngayon?Isa pa, sabik ang iba na sumali muli sa auction, dahil ang “The Rocky Mountains, Lander’s Peak” ay sobrang sikat na maraming tao ang gustong mapasakamay iyon.”Sa sandaling iyon, isang binata na naka-suit ang naglakad mula sa likuran ng stage na may kasamang ilang bodyguard.“Mr. Cloude…” Tila napanatag ang loob ng auctioneer nang makita ang binata. Siya si Jude ng mga Cloude, ang person in charge sa auction, at alam na niya kung anong nangyari ngayon lang.Umikot ang malamig na tingin ni Jude sa buong paligid bago ito napako kay Harvey. Ngumiti siya sa kanya. “Sir, narinig kong tumulong ka sa pag-identify ng authenticity ng “The Rocky Mountains, Lander’s Peak” Para ipakita ang paghingi namin ng paumanhin, babayaran ka namin ng isang daan limangput-dalawang libong dolyar bilang appraisal fee. Huwag mo sanang tanggihan ito.”Bahagyang sumimang
Si Rosalie na nakatayo malapit sa kanila ay nagsalita. :Jude, sumosobra ka na.”“Rosalie…” Nakasimangot si Jude. Wala siyang pakialam kay Mandy, sa katunayan, wala para sa kanya ang pamilya Zimmer. Subalit, ibang usapan pagdating sa mga Naiswell dahil isa rin silang kilalang pamilya sa provincial town. Dahil nagsalita si Rosalie, makakasama para sa kanya na hindi siya paunlakan.Ngumiti si Jude habang nag-isip, at bigla niyang sinabi, “Hindi na ako magsasalita pa dahil nagsalita na si Miss Naiswell, pero dapat alam ng ilang mga tao ang kanilang kinatatayuan. Tulad ng nasa kasabihan, ‘Ang yaman ng isang tao ay masisira sa kasakiman ng iba.’ Sikat na ang kasabihang ito noong unang panahon pa, hindi ba?”Tinitigan ni Jude nang masama si Harvey pagkatapos nito, pagkatapos ay tumalikod siya at umalis. Alam na niya na ang "The Rocky Mountains, Lander's Peak" ay nasa kamay ni Harvey, ngunit hindi ba madali para sa kanya na bawiin ito?Nakasimangot si Harvey habang nagmumuni-muni. Alam niy
Sina Mandy, Rosalie, at Yvonne, ang tatlong magagandang mga kababaihan, ay nakatayo sa paligid ni Harvey. Maraming kalalakihan ang naiinggit na nakatingin sa kanya.Walang pakialam si Yvonne sa mga tingin ng ibang tao, at nakangiting tumingin kay Harvey. "Mr. York, interesado ako sa ‘The Rocky Mountains, Lander's Peak’ na mayroon ka. Nagtataka ako kung nais mong ipagpalit ito?"Ang buong madla ay nanahimik kaagad nang sinabi iyon ni Yvonne. Pagkaraan ng ilang sandali, napabuntong hininga ang ilang mga tao ay ang ilang mga tao at napasigaw sa gulat.Kung ang pamilya Cloude ay isang mogul sa South Light, ibig sabihin ang mga York ay isang mogul sa mga mogul. Dahil sinabi iyon ng babaeng kumakatawan sa mga York, kung ang live-in son-in-law na ito ay mangangahas na tumanggi, baka hindi niya malalaman kung paano siya mamamatay mamaya.Maraming tao ang nakatingin kay Harvey, inaabangan kung ano ang kanyang gagawin.Sinabi ni Harvey na may interes, "Presyuhan mo ito, Miss Xavier.""Kahi
Medyo nagulat si Mandy. Hindi niya inaasahan na hindi tatanggapin ni Harvey ang pera at sa halip ay pinagpalit ito para sa Forever Mine. Kung gugustuhin niya, magandang presyo na ang ilang daang milyong dolyar. Ngunit, ang tanging siya lang ang naiisip ng lalaking ito sa ilalim ng ganitong sitwasyon, at gusto lang niya siyang mapasaya. Tinignan ni Mandy si Harvey at kinagat ang kanyang labi habang iniisip ito. Isang kakaibang pakiramdam ang umusbong sa kanyang puso. "Miss Xavier, hindi mo pwedeng ibigay 'yan sa kanya! Baka peke ang painting!" Biglang sumigaw si Jake. Ano? Bakit niya sinabi iyon? Lahat sila ay kaagad na lumingon sa kanya. Nakatingin si Yvonne, wala siyang masabi. Saan nanggaling ang lalaking ito? Nagsasaya lang siya habang nagpapanggap kasama ng CEO. Bakit ba siya biglang lumitaw nang ganito? Ngunit, nagpatuloy si Yvonne sa pagpapanggap na para bang nagulat siya. Naiilang siyang ngumiti at nagtanong, "Sir, bakit mo nasabi 'yan?" Seryosong nagsalita si Jake,
Nagliwanag ang nga mata ni Harvey. Sa wakas ay makakapasok na siya sa kwarto matapos matulog sa study room sa loob ng tatlong taon. Sa sandaling iyon, hindi ma siya makapaghintay na umuwi. At para sa divorce, inalis na niya ito sa kanyang isipan. Nagngalit ang mga ngipin ni Jake, at hindi niya mapigilang tumingin nang masama kay Cecilia. Tumango si Cecilia at matigas na sinabi, "Mandy, huwag kang magpapaloko sa kanya. Isa lamang siyang walang kwentang lalaki at hindi pa siya nagbabago. Maswerte lang siya na nakuha niya ang painting, kahit na totoo ito o hindi, sa halagang labinlimang dolyar. Di mo dapat tanggapin ang regalong ito mula sa kanya. Kung hindi, kapag isang araw nalaman ng mga York na peke ang larawan, edi--" Slap! Naglakad palapit si Yvonne suot ang kanyang high heels at sinampal si Cecillia sa mukha bago pa siya makatapos. "Ikaw… ikaw…" Hinawakan ni Cecilia ang kanyang mukha sa gulat at matagal siyang hindi makasalita. "Ano?" Mukhang galit si Yvonne. "Wala ko
"Tsk, tsk, tsk, Harvey. Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?" Tumawa si Jake. "Kung ganun ka kagaling, bakit di mo sabihin kay Yvonne na pumunta dito ngayon na? Bakit hindi mo siya hayaan na ihatid ka? Kapag nagawa mo yun, luluhod ako sa harap mo ngayon!" Agad na lumapit si Yvonne kay Harvey habang nagsasalita si Jake. "Mr. York, nasabi ko na sa CEO namin yung tungkol sa pagpapalit sa painting. Inutusan niya ako na sabihin sayong sinamantala ang kakayahan mo. Bilang kabayaran sa nangyari, pumapayag na kami sa investment na hinihingi ni Ms. Zimmer. Pwede na niyang pirmahan ang mga papeles bukas," Ang sabi ni Yvonne, pagkatapos nagpatuloy siya, "Kung ayos lang sa inyo, gusto ko sana kayong ihatid pauwi. Kakatapos lang namin sa isang business deal dito. Responsibilidad ko na maihatid kayo ng ligtas sa bahay niyo.""Okay, salamat, Ms. Xavier. Tatanggapin ko ang alok mo." Ngumiti si Harvey at tumingin siya kay Jake. Ano? Talaga bang lumapit si Yvonne at inalok si Harvey
Hindi naka-imik si Harvey nang makita ang nanginginig na katawan ni Rosalie. ‘Miss Rosalie, pwede bang huwag ka sanang kumilos nang ganito? Baka isipin ng iba na tinutukso kita.''May asawa na ako, hindi ako ganoong klaseng tao!'Ngumisi si Rosalie at mahinang sinabi bago makapagsalita si Harvey, "Narinig ko... Kahit na tatlong taon ka nang kasal sa iyong asawa... pareho ninyong hindi pa nagawa ang bagay na iyon, at ni hindi mo man lang nahawakan ang kamay niya... totoo ba ito?""Anong bagay?" Tanong ni Harvey habang lumilipad ang kanyang isip.Pinadyak ni Rosalie ang kanyang mga paa, pulang pula ang kanyang mga pisngi. "Ang bagay na nangyayari sa pagitan ng mag-asawa!"Lalong hindi naka-imik si Harvey. 'Ikaw, isang dalisay at inosenteng binibini, ay nakatingin sa akin nang may malaking mata at tinatanong ako ng ganyang tanong. Hindi ko alam kung paano sasagot!’Gayunpaman, tila wala nang magawa si Harvey matapos siyang titigan ni Rosalie sa mahabang panahon. Sa wakas ay bumunton
“Tama na please, Mom! Kailangan nating pasalamatan si Harvey dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Miss Xavier, at tinulungan akong makuha ang investment,” pakiusap ni Mandy."Talaga?" Nagtatakang sinabi ni Lilian. Palagi siyang nag-aalala tungkol sa investment, kaya't tumigil siya sa pagbanggit kay Harvey dahil tinulungan niya sila."Oo, Mom, magpahinga na muna tayo ngayon, okay? Pag-uusapan natin ang iba pang mga bagay pagkatapos kong maayos ang lahat sa York Enterprise," sabi ni Mandy."Okay, kami nang bahala sa mga importanteng bagay," pagsang-ayon ni Lilian."Ilang araw nang hindi na-mop ang sahid, mag-mop ka na! Gala ka nang gala sa mga nakalipas na araw, nakikita mo ba pa rin ba ito bilang bahay mo?" Ngumisi Lilian, habang nakatingin kay Harvey."Sige, kuha ko," sagot ni Harvey at nasanay na siya sa ugali ni Lilian ngayon. Gumagawa siya ng mga gawaing bahay sa nakaraang tatlong taon, kaya't hindi ito isang malaking problema sa kanya.Saglit na tinitigan ni Mandy si Harvey
Karaniwan, ang tatlong Darwins ay hindi magpapaluhod kay Kensley Quinlan.Ang kanyang pagkakakilanlan ay wala ring magiging epekto sa kanya.Ngunit iba ang sitwasyon sa mga sandaling iyon.Si Darwin Gibson ay dumating bilang pansamantalang pinuno upang protektahan ang kanyang mga tao.Sa madaling salita, narito siya para sa katarungan.Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ang pagkontra sa kanya ay ganap na hindi makatuwiran.Kahit ano pa man ang isipin ng Heaven’s Gate tungkol sa sitwasyon, lalaban ang mga tao hanggang sa huli para sa kanilang reputasyon.Pagkatapos makita ang tanawin, hindi mapigilan ni Harvey York na humanga kay Darwin.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kahusay si Darwin sa sandaling kumilos na siya.Kahit ang aktwal na warden ng Golden Cell marahil ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon...Lalo na ang acting warden."Sinusubukan mo bang labanan ako, Darwin?"Mukhang napakasama ng ekspresyon ni Kensley."Pinoprotektahan mo ba ang acting hea
Pumasok ang mga Toyota Prado na may V12 na makina mula sa magkabilang panig, kasama ang mga salita ni Darwin. Ang mga kotse ay malinaw na binago na may malaking kapangyarihan pati na rin hindi matibag na mga depensa.Ang mga ilaw ng kotse ay nagliwanag din sa buong lugar.Pagbukas ng mga pinto ng kotse, agad na dumagsa ang napakaraming tao sa buong lugar.Yung mga tao ay may hawak na mga patalim at baril na may napakabagsik na mga ekspresyon, na parang handa na nilang durugin ang Golden Cell.Kensley Quinlan at ang iba pa ay may malungkot na ekspresyon. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-dominante si Darwin para magdala ng grupo ng mga tao dito para magyabang.Sa katunayan, si Quill Gibson ay matagal nang naipit sa Heaven’s Gate.Kung hindi nakapagbigay si Darwin ng paliwanag sa Heaven’s Gate kung bakit niya dinala ang ganitong karaming tao dito, tiyak na magpapakamatay siya."Talagang kahanga-hanga, Ms. Kensley!"Pinagsasakripisyo mo na ang pamilya Gibson sa mismong pa
”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p
”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.
Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang
Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!
Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind
Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,