Share

Kabanata 164

Author: A Potato-Loving Wolf
last update Last Updated: 2021-07-05 11:20:00
Nagliwanag ang nga mata ni Harvey. Sa wakas ay makakapasok na siya sa kwarto matapos matulog sa study room sa loob ng tatlong taon. Sa sandaling iyon, hindi ma siya makapaghintay na umuwi.

At para sa divorce, inalis na niya ito sa kanyang isipan.

Nagngalit ang mga ngipin ni Jake, at hindi niya mapigilang tumingin nang masama kay Cecilia.

Tumango si Cecilia at matigas na sinabi, "Mandy, huwag kang magpapaloko sa kanya. Isa lamang siyang walang kwentang lalaki at hindi pa siya nagbabago. Maswerte lang siya na nakuha niya ang painting, kahit na totoo ito o hindi, sa halagang labinlimang dolyar. Di mo dapat tanggapin ang regalong ito mula sa kanya. Kung hindi, kapag isang araw nalaman ng mga York na peke ang larawan, edi--"

Slap!

Naglakad palapit si Yvonne suot ang kanyang high heels at sinampal si Cecillia sa mukha bago pa siya makatapos.

"Ikaw… ikaw…" Hinawakan ni Cecilia ang kanyang mukha sa gulat at matagal siyang hindi makasalita.

"Ano?" Mukhang galit si Yvonne. "Wala ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marcelo Gomez
pinahahaba ang istorya maraming paikot ikot na paliwanag pero ok parang tela novela pahabaan ng istorya
goodnovel comment avatar
Isidro Puato
iisang klase ang istorya, puro pagpapanggap!!!!!
goodnovel comment avatar
Bea Padilla
nka walang gana na basahin... paulit.ulit na lng.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 165

    "Tsk, tsk, tsk, Harvey. Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?" Tumawa si Jake. "Kung ganun ka kagaling, bakit di mo sabihin kay Yvonne na pumunta dito ngayon na? Bakit hindi mo siya hayaan na ihatid ka? Kapag nagawa mo yun, luluhod ako sa harap mo ngayon!" Agad na lumapit si Yvonne kay Harvey habang nagsasalita si Jake. "Mr. York, nasabi ko na sa CEO namin yung tungkol sa pagpapalit sa painting. Inutusan niya ako na sabihin sayong sinamantala ang kakayahan mo. Bilang kabayaran sa nangyari, pumapayag na kami sa investment na hinihingi ni Ms. Zimmer. Pwede na niyang pirmahan ang mga papeles bukas," Ang sabi ni Yvonne, pagkatapos nagpatuloy siya, "Kung ayos lang sa inyo, gusto ko sana kayong ihatid pauwi. Kakatapos lang namin sa isang business deal dito. Responsibilidad ko na maihatid kayo ng ligtas sa bahay niyo.""Okay, salamat, Ms. Xavier. Tatanggapin ko ang alok mo." Ngumiti si Harvey at tumingin siya kay Jake. Ano? Talaga bang lumapit si Yvonne at inalok si Harvey

    Last Updated : 2021-07-05
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 166

    Hindi naka-imik si Harvey nang makita ang nanginginig na katawan ni Rosalie. ‘Miss Rosalie, pwede bang huwag ka sanang kumilos nang ganito? Baka isipin ng iba na tinutukso kita.''May asawa na ako, hindi ako ganoong klaseng tao!'Ngumisi si Rosalie at mahinang sinabi bago makapagsalita si Harvey, "Narinig ko... Kahit na tatlong taon ka nang kasal sa iyong asawa... pareho ninyong hindi pa nagawa ang bagay na iyon, at ni hindi mo man lang nahawakan ang kamay niya... totoo ba ito?""Anong bagay?" Tanong ni Harvey habang lumilipad ang kanyang isip.Pinadyak ni Rosalie ang kanyang mga paa, pulang pula ang kanyang mga pisngi. "Ang bagay na nangyayari sa pagitan ng mag-asawa!"Lalong hindi naka-imik si Harvey. 'Ikaw, isang dalisay at inosenteng binibini, ay nakatingin sa akin nang may malaking mata at tinatanong ako ng ganyang tanong. Hindi ko alam kung paano sasagot!’Gayunpaman, tila wala nang magawa si Harvey matapos siyang titigan ni Rosalie sa mahabang panahon. Sa wakas ay bumunton

    Last Updated : 2021-07-06
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 167

    “Tama na please, Mom! Kailangan nating pasalamatan si Harvey dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Miss Xavier, at tinulungan akong makuha ang investment,” pakiusap ni Mandy."Talaga?" Nagtatakang sinabi ni Lilian. Palagi siyang nag-aalala tungkol sa investment, kaya't tumigil siya sa pagbanggit kay Harvey dahil tinulungan niya sila."Oo, Mom, magpahinga na muna tayo ngayon, okay? Pag-uusapan natin ang iba pang mga bagay pagkatapos kong maayos ang lahat sa York Enterprise," sabi ni Mandy."Okay, kami nang bahala sa mga importanteng bagay," pagsang-ayon ni Lilian."Ilang araw nang hindi na-mop ang sahid, mag-mop ka na! Gala ka nang gala sa mga nakalipas na araw, nakikita mo ba pa rin ba ito bilang bahay mo?" Ngumisi Lilian, habang nakatingin kay Harvey."Sige, kuha ko," sagot ni Harvey at nasanay na siya sa ugali ni Lilian ngayon. Gumagawa siya ng mga gawaing bahay sa nakaraang tatlong taon, kaya't hindi ito isang malaking problema sa kanya.Saglit na tinitigan ni Mandy si Harvey

    Last Updated : 2021-07-06
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 168

    "Regalo ito mula sa asawa ko, hindi ko ito ibebenta kahit anong mangyari!" Nagprotesta si Mandy Zimmer habang nakatingin sa sinasabing mga kamag-anak niya."Mandy Zimmer, wala kang simpatya!""Gusto mo bang makita tayong malugi?"“Traydor ka! Kami ang nagpalaki sa iyo!”Galit na galit sila dahil naisip nila na baka magkaroon sila ng pagkakataon kung ibibigay ni Mandy ang singsing sa mga York.Swoosh!"Sa halip na sabihan ang asawa ko na ibalik ang kanyang singsing, bakit hindi niyo ibigay ang lahat ng inyong mga pag-aari sa mga York? Baka bigyan nila tayo ng pagkakataon,” mapanuyang sinabi ni Harvey nang buksan niya ang pinto at pumasok sa silid.Ang mga miyembro ng pamilya Zimmer ay kaagad na naiinis na tumingin kay Harvey nang dumating siya."Sino ang nagpahintulot sa iyo na pumunta sa aming pagpupulong, ikaw na walang kwentang basura ka?!" Sigaw ni Zack kay Harvey."Pumunta ako dito para masaksihan ang asawa ko na maging bagong project manager. Ginugulo ko ba kayo?" Malamig

    Last Updated : 2021-07-07
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 169

    “Lolo, may nais akong hilingin. Dahil wala tayo masyadong natitirang oras, pinaplano kong simulan ang konstruksyon bukas, kaya nais kong pumili ng isang taong mapagkakatiwalaan para mabantayan ang proseso ng konstruksyon," sabi ni Mandy kay Senior Zimmer."Oo naman, pumili ka ng kahit sinong gusto mo," mabilis na sagot ni Senior Zimmer."Lolo, pipiliin ko si Harvey ..." Nag-aalangan na mungkahi ni Mandy habang nakatingin kay Harvey.Unti-unti nang iniisip ni Mandy na maaasahan si Harvey, kaya nais niyang bigyan si Harvey ng pagkakataon na malaman kung paano magtrabaho sa frontline.Sumimangot si Senior Zimmer sa kahilingan ni Mandy.“Mandy Zimmer, sa palagay mo talaga ay makokontrol mo ang buong proyekto? Hindi mo naman asset iyon sa simula! Gusto mong hayaan ang walang kwentang taong ito na mangasiwa sa konstruksyon? Sinong aako ng responsibilidad kung magka-problema dahil sa kanya?" Sigaw ni Zack Zimmer, kita ang kanyang pagka-inggit sa kanyang tono."Sinabi na ni Lolo na ako a

    Last Updated : 2021-07-07
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 170

    Hindi nagtagal ay kumalat ang balita sa buong Niumhi na ang mga Zimmer ay nakakuha ng limampung milyong dolyar na pondo mula sa mga York."Narinig kong nakuha nila ang pondo dahil sa isang babae!""Siya ba iyong may live-in na asawa?""Narinig kong binili ng asawa ang painting na ‘The Rocky Mountains, Lander's Peak’ sa halagang labinlimang dolyar lamang, at ibinigay ito sa CEO ng York Enterprise.""Hindi nakapagtataka!""Hindi kaya interesado ang CEO kay Mandy?"Nagsimulang mag-tsismisan bigla ang mga taga-labas, ngunit hindi nito pinigilan ang mga Zimmer na maging mas sikat, dahil maraming pamilya ang bumisita kinahapunan.Maraming tao sa Zimmer Villa, at lahat ay nandoon maliban kina Harvey York at Mandy Zimmer.Pumunta iba pang mga pamilya para malaman kung paano nila nakuha ang pondo, ngunit sayang at wala si Mandy doon para ibahagi ang mga detalye.Sa Platinum Hotel.Nais ni Harvey na makipagkita kay Tyson Woods, at nakasalubong niya si Jake Surrey habang papunta.Nagul

    Last Updated : 2021-07-08
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 171

    "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Brother Tyson, gusto kong mawala ang lokong ito..." Naguluhan si Jake Surrey sa biglaang pagbabago ng ugali ni Tyson Woods. Naisip niya na nasaktan si Tyson sa kanyang wika, ngunit sino ang hindi makakatanggi sa ganoon karaming pera?"Tinawag mo lang ba akong tanga ulit?" Sumigaw si Tyson habang sinipa niya si Jake."Tinawag lang akong tanga ng Surrey na ito, bugbog-sarado ka sa akin!" Sigaw ni Tyson sa kanyang mga subordinate habang papalapit sila kay Jake."Brother Tyson, hindi kita tinawag na tanga! Pumunta ako rito para bigyan ka ng pera!”"Brother Tyson, bibigyan pa kita ng higit pa!"“Bakit, Brother Tyson? Bakit?!”“Ahhh!”Sumigaw si Jake ng maramdaman ang matinding kirot sa kanyang mga binti. Isa lamang siyang mayamang anak na lumaki sa layaw; wala siyang ideya na makakaharap siya ng ganito.Nahimatay si Jake pagkalipas ng ilang segundo."Sir, nawalan siya ng malay," magalang na sinabi ni Tyson habang naglalakad papunta kay Harvey."S

    Last Updated : 2021-07-08
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 172

    "Ang mga Brooke ay parehong nagpapatakbo ng legal at iligal na mga negosyo. Narinig ko na nagpapatakbo sila ng isang security company na sumasakop sa halos kalahati ng teritoryo ng Niumhi," misteryosong sinabi ni Tyson, pagkatapos ay nagpatuloy siya, “Dalawa sa ating mga empleyado ang binugbog noong pumunta nila para sabihin sa kanila ang tungkol sa pagkuha ng pondo. Mabuti na lang at nandoon ang ating mga tao o baka wala na sila ngayon.""Ginugulo ang mga York? Ang tapang naman nila,” tumawa si Harvey, kumikinang sa interes ang kanyang mga mata."Hindi malaking problema ang mga Brooke. Narinig ko na ang isang rich kid na mula sa kanilang pamilya ay malapit kay Liam Stone, marahil iyon ang dahilan kung bakit napaka-hambog nila," panunuya ni Tyson.Si Liam Stone ay isa pang siga sa Niumhi. Halos pareho ang lakas nila Liam at Tyson, ngunit wala silang magawa sa bawat isa."So ibig mong sabihin na si Liam ang backbone ng mga Brooke? Sinusubukan mo bang sabihin sa akin na hindi mo ito

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5063

    Karaniwan, ang tatlong Darwins ay hindi magpapaluhod kay Kensley Quinlan.Ang kanyang pagkakakilanlan ay wala ring magiging epekto sa kanya.Ngunit iba ang sitwasyon sa mga sandaling iyon.Si Darwin Gibson ay dumating bilang pansamantalang pinuno upang protektahan ang kanyang mga tao.Sa madaling salita, narito siya para sa katarungan.Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ang pagkontra sa kanya ay ganap na hindi makatuwiran.Kahit ano pa man ang isipin ng Heaven’s Gate tungkol sa sitwasyon, lalaban ang mga tao hanggang sa huli para sa kanilang reputasyon.Pagkatapos makita ang tanawin, hindi mapigilan ni Harvey York na humanga kay Darwin.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kahusay si Darwin sa sandaling kumilos na siya.Kahit ang aktwal na warden ng Golden Cell marahil ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon...Lalo na ang acting warden."Sinusubukan mo bang labanan ako, Darwin?"Mukhang napakasama ng ekspresyon ni Kensley."Pinoprotektahan mo ba ang acting hea

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5062

    Pumasok ang mga Toyota Prado na may V12 na makina mula sa magkabilang panig, kasama ang mga salita ni Darwin. Ang mga kotse ay malinaw na binago na may malaking kapangyarihan pati na rin hindi matibag na mga depensa.Ang mga ilaw ng kotse ay nagliwanag din sa buong lugar.Pagbukas ng mga pinto ng kotse, agad na dumagsa ang napakaraming tao sa buong lugar.Yung mga tao ay may hawak na mga patalim at baril na may napakabagsik na mga ekspresyon, na parang handa na nilang durugin ang Golden Cell.Kensley Quinlan at ang iba pa ay may malungkot na ekspresyon. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-dominante si Darwin para magdala ng grupo ng mga tao dito para magyabang.Sa katunayan, si Quill Gibson ay matagal nang naipit sa Heaven’s Gate.Kung hindi nakapagbigay si Darwin ng paliwanag sa Heaven’s Gate kung bakit niya dinala ang ganitong karaming tao dito, tiyak na magpapakamatay siya."Talagang kahanga-hanga, Ms. Kensley!"Pinagsasakripisyo mo na ang pamilya Gibson sa mismong pa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5061

    ”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5060

    ”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5059

    ”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5058

    Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5057

    Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5056

    Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5055

    Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,

DMCA.com Protection Status