Nang hapong iyon, nakatanggap si Harvey ng tawag sa phone mula kay Mandy."Harvey, kakarating pa lamang ng unang transaksyon ng pondo mula sa York Enterprise, tulungan mo akong pasalamatan ako si Miss Xavier para sa akin," hiling ni Mandy, nang may pahiwatig ng galak sa kanyang tono."Ha?" Halos mapatalon si Harvey sa kinauupuan niya. Alam na ba ni Mandy ang tungkol sa kanyang pagkatao?!"Hindi ba kaklase mo siya? Gusto ko sana siyang i-libre balang araw kapag may oras siya,” masayang sinabi ni Mandy."Sige, tingnan natin kung anong mangyayari. Narinig ko na medyo busy siya." Tila nabunutan ng tinik si Harvey nang malamang hindi pala alam ni Mandy ang tungkol sa kanyang pagkatao, at maingat na tinanggihan si Mandy. Alam ng Diyos kung ano ang mangyayari kung ang dalawang babaeng iyon ay naging magkaibigan."Oo nga pala, late na ako uuwi mamayang gabi. May kailangan pa akong asikasuhin muna,” sinabi ni Harvey kay Mandy dahil balak niyang bisitahin si Liam Stone kinagabihan."Okay..
Samantala, isang matandang lalaki na nakasuot ng tradisyonal na garb ang nakatayong naghihintay sa underground boxing gym. Hindi siya natutuwa habang sinusuri ang kanyang, at hindi niya sinubukang itago ang kanyang pagkadismaya sa lugar na iyon.Madaling makikilala ng sinumang nanonood ng mga television broadcast tungkol sa treasure authentication ang lalaking ito. Siya ay walang iba kundi si Shane Naiswell, ang grandmaster ng treasure authentication.Dumating siya sa lungsod ng Niumhi ay para humingi ng tulong kay Harvey York na i-authenticate ang isang napakahalagang relic.Gayunpaman, ang kanyang pagpunta sa gym ngayong gabi ay para makipagkita sa isang lumang kaibigan at hindi para sa trabaho.Si Rosalie Naiswell, na nakatayo sa tabi niya sa buong oras, ay hindi nasisiyahan.Mula sa kwarto kung nasaan sila, malinaw ang kanilang view sa boxing competition na nagaganap sa ring.Bagaman nagmula sila sa isang respetadong angkan, hindi na bago sa kanila ang mga okasyong katulad ni
Ito ang pinaka-eksklusibo at pinaka-inaasahang segment ng underground boxing gym. Ang pangunahing layunin nito ay para i-promote ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga boksingero at ng madla, para bigyan ng pagkakataon ang mga manonood na maranasan ang boksing sa loob ng ring. Kung manalo sila, makakaalis silang may cash prize. Gayunpaman, imposible iyon mangyari.Kung tutuusin, tagapanood lamang sila. Paano mangyayaring matatalo nila ang mga propesyonal na boksingero?"Aakyat ako at sandaling maglalaro pala." Tumawa si Harvey York at nagsuot ng face mask. Sa pag-swing ng kanyang braso, pumasok siya sa boxing ring."Mukhang meron na tayong napakatapang at misteryosong challenger na gustong maunang masuntok." Sambit ng referee habang nakangisi. Hindi niya maitago ang kanyang nakakasuklam na hitsura. Ano ang punto ng pagiging misteryoso kung bubulagta ka lamang sa lupa at nagkalat ang iyong dugo sa buong paligid? Sa huling beses na nakita ng referee ang isang lalaking lumahok may iro
Habang pinagmamasdan niya ang pagbabago sa mga ekspresyon ni Rosalie, ngumisi si Liam Stone. Hindi siya tanga para balewalain ang implikasyon na maaaring espesyal na relasyon si Rosalie Naiswell sa lalaking kaka-akyat lang sa ring. Sa pag-iisip nito, nakita niya ang pag-asang mapupunta siya sa kanya lamang.Nang walang nakapansin, mabilis na nag-text si Liam Stone sa kanyang phone. Nang matapos, tumingin siya kay Rosalie Naiswell. Kung ang aayon ang lahat sa kanyang plano, magiging kanya na ngayong gabi ang magandang binibining ito.…Sa labas ng boxing ring.Habang nakatayo sa spectator wing, puno ng tensyon si Tyson Woods. Tila wala na sa katinuan si Harvey York. Mas maganda kung personal na lamang niyang hinarap si Liam Stone upang makipag-kasundo kaysa ituloy ang anumang balak niya ngayon. Marahil ay hindi maintindihan ni Harvey York ang kahulugan ng salitang 'kamatayan.'…Sa loob ng boxing ring.Kaswal na binalot ni Harvey York ang kanyang mga kamao ng puting bandage, haba
Sa pagtatapos niyang magsalita, hindi maitago ni Liam Stone ang kanyang pagkasuklam. Ang boksingero na na-knockout ni Harvey York ay isang respetadong manlalaban sa gym na ito, na minsan nang nanalo sa sampung magkakasunod na laban. Kahit na hindi siya ang pinakamalakas, tiyak na nasa mas mataas na antas ang kanyang mga kakayahan.Medyo mahirap ang matalo talaga siya.“Miss Naiswell, hindi normal na boksingero ang susunod. May gusto ka bang sabihin para sa akin?"Lumingon si Liam Stone pa panooring mabuti si Rosalie Naiswell.Kasing-putla ng papel ang mukha ni Rosalie. Nakangisi siyang sumagot, "Liam Stone, natalo ang tauhan mo...""Tama yan, natalo lang sa isa sa mga tao ko. Pero dahil kailangan kong bigyan ka sa isang magandang palabas, hindi kita bibiguin." Ngumisi si Liam Stone. "Ganito na lang? Kung gusto mong pahintuin ko, dapat mong sabihin ito sa tamang oras. Kung hindi, hindi ko matitiyak kung anong mangyayari..."Kinuha niya ang phone niya at tumawag. "Humanap ka ng mas
"Posible ito. Noong nasa capital city ako, may nasaksihan akong parang ganito. Matagal na panahon nang ginawang bahagi ng mga totoong master ng kanyang uri ang kanilang sarili sa mundo ng martial arts.” Hagikhik na sagot ni Shane Naiswell. "Maaaring hindi sila kasing ganda ng karaniwang inilalarawan sa mga martial arts na nobela, ngunit hindi lamang isang alamat ang isang taong pumatay ng isang daang kalalakihan."Lalong nandilim ang mukha ni Liam Stone. Habang lumalaki ang interes ni Shane Naiswell, mas lalong nahihiya si Liam Stone.Hindi maintindihan ni Rosalie Naiswell ang anumang sinasabi ng dalawa. Lumilipad ang isip niya.Sadyang kamangha-mangha ang taong ito! Maging ang dalawang nakakasindak na boksingero ay hindi siya magawang talunin. Talagang hindi siya pipitsugin. Pero kusang-loob siyang naging isang live-in son-in-law at hinayaan ang sarili na kutyain ng lahat sa lungsod. Bakit?Talaga bang dahil sa isang babae? Ngunit hindi man niya nahawakan ang kamay ng kanyang asaw
Sa normal na pagkakataon, dalawa o tatlong beses lamang sa isang linggo magpapakita si Dario Moore. Maituturing na isang masuwerteng pagkakataon para sa sinuman na makita siya. Marami ang dumarating araw-araw para lamang sa isang pagkakataon na makita siyang nakikipaglaban.Simple lang ang dahilan. Sobrang bayolente ng mga laban ni Dario, at madalas nakahandusay sa sarili nilang dugo ang kanyang mga kalaban. Sa kabila nito, napaka-elegante pa rin ng kanyang performance. Kadalasan ay mukhang isang friendly exhibition match ang kanyang mga laban sa simula, hanggang sa mauuwi ito sa aktwal na madugong labanan. Hindi nabigong pahangain ng bawat laban niya ang madla."Lalabas talaga si Dario?""Walang espesyal na okasyon ngayon at hindi ganoon karami ang mga tao. Bakit mag-aayos ng ganoon ang gym?""Hindi ba ito pinlano? Baka nagtatangkang gumawa ng gulo ang masked man na ito?”"Hindi bahagi ng gym ang taong iyan, siguradong lagot siya kapag lumabas si Dario para makipaglaban. Bali-bal
Nang matapos niyang balutin ng mga bandage ang kanyang kamay, agad na sumugod si Dario Moore. Hindi kapani-paniwala ang kanyang bilis nang sumugod siya, na maihahambing sa isang magaling na sprinter na lumusong sa isang hundred-meter dash.Mahigpit na idiniin ni Harvey ang kanyang kaliwang paa sa lupa, gamit ang momentum para itulak ang kanyang katawan habang siya din ay sumugod kay Dario.Halos natigil ang paghinga ng madla habang pinapanood ang paglalaban.Sa VIP room, ngumiti si Shane Naiswell. Puno ng nerbyos si Rosalie Naiswell na nasa tabi niya. Ang kanina pang nakangising mukha ni Liam Stone ay napalitan ngayon ng madilim na hitsura.Nagsagupaan ang dalawang fighter, kapwa may sariling husay. Para kay Dario, ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na nakikipag-laban sa isang kalabang kapantay niya mula nang sumali siya sa gym.Natural na nakaka-excite panoorin ang ganoong laban.Jab!Dalawang kamao ang nagsalpukan sa bawat tibok ng puso. Sunud-sunod ang mga suntok na na
Karaniwan, ang tatlong Darwins ay hindi magpapaluhod kay Kensley Quinlan.Ang kanyang pagkakakilanlan ay wala ring magiging epekto sa kanya.Ngunit iba ang sitwasyon sa mga sandaling iyon.Si Darwin Gibson ay dumating bilang pansamantalang pinuno upang protektahan ang kanyang mga tao.Sa madaling salita, narito siya para sa katarungan.Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ang pagkontra sa kanya ay ganap na hindi makatuwiran.Kahit ano pa man ang isipin ng Heaven’s Gate tungkol sa sitwasyon, lalaban ang mga tao hanggang sa huli para sa kanilang reputasyon.Pagkatapos makita ang tanawin, hindi mapigilan ni Harvey York na humanga kay Darwin.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kahusay si Darwin sa sandaling kumilos na siya.Kahit ang aktwal na warden ng Golden Cell marahil ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon...Lalo na ang acting warden."Sinusubukan mo bang labanan ako, Darwin?"Mukhang napakasama ng ekspresyon ni Kensley."Pinoprotektahan mo ba ang acting hea
Pumasok ang mga Toyota Prado na may V12 na makina mula sa magkabilang panig, kasama ang mga salita ni Darwin. Ang mga kotse ay malinaw na binago na may malaking kapangyarihan pati na rin hindi matibag na mga depensa.Ang mga ilaw ng kotse ay nagliwanag din sa buong lugar.Pagbukas ng mga pinto ng kotse, agad na dumagsa ang napakaraming tao sa buong lugar.Yung mga tao ay may hawak na mga patalim at baril na may napakabagsik na mga ekspresyon, na parang handa na nilang durugin ang Golden Cell.Kensley Quinlan at ang iba pa ay may malungkot na ekspresyon. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-dominante si Darwin para magdala ng grupo ng mga tao dito para magyabang.Sa katunayan, si Quill Gibson ay matagal nang naipit sa Heaven’s Gate.Kung hindi nakapagbigay si Darwin ng paliwanag sa Heaven’s Gate kung bakit niya dinala ang ganitong karaming tao dito, tiyak na magpapakamatay siya."Talagang kahanga-hanga, Ms. Kensley!"Pinagsasakripisyo mo na ang pamilya Gibson sa mismong pa
”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p
”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.
Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang
Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!
Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind
Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,