Sa normal na pagkakataon, dalawa o tatlong beses lamang sa isang linggo magpapakita si Dario Moore. Maituturing na isang masuwerteng pagkakataon para sa sinuman na makita siya. Marami ang dumarating araw-araw para lamang sa isang pagkakataon na makita siyang nakikipaglaban.Simple lang ang dahilan. Sobrang bayolente ng mga laban ni Dario, at madalas nakahandusay sa sarili nilang dugo ang kanyang mga kalaban. Sa kabila nito, napaka-elegante pa rin ng kanyang performance. Kadalasan ay mukhang isang friendly exhibition match ang kanyang mga laban sa simula, hanggang sa mauuwi ito sa aktwal na madugong labanan. Hindi nabigong pahangain ng bawat laban niya ang madla."Lalabas talaga si Dario?""Walang espesyal na okasyon ngayon at hindi ganoon karami ang mga tao. Bakit mag-aayos ng ganoon ang gym?""Hindi ba ito pinlano? Baka nagtatangkang gumawa ng gulo ang masked man na ito?”"Hindi bahagi ng gym ang taong iyan, siguradong lagot siya kapag lumabas si Dario para makipaglaban. Bali-bal
Nang matapos niyang balutin ng mga bandage ang kanyang kamay, agad na sumugod si Dario Moore. Hindi kapani-paniwala ang kanyang bilis nang sumugod siya, na maihahambing sa isang magaling na sprinter na lumusong sa isang hundred-meter dash.Mahigpit na idiniin ni Harvey ang kanyang kaliwang paa sa lupa, gamit ang momentum para itulak ang kanyang katawan habang siya din ay sumugod kay Dario.Halos natigil ang paghinga ng madla habang pinapanood ang paglalaban.Sa VIP room, ngumiti si Shane Naiswell. Puno ng nerbyos si Rosalie Naiswell na nasa tabi niya. Ang kanina pang nakangising mukha ni Liam Stone ay napalitan ngayon ng madilim na hitsura.Nagsagupaan ang dalawang fighter, kapwa may sariling husay. Para kay Dario, ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na nakikipag-laban sa isang kalabang kapantay niya mula nang sumali siya sa gym.Natural na nakaka-excite panoorin ang ganoong laban.Jab!Dalawang kamao ang nagsalpukan sa bawat tibok ng puso. Sunud-sunod ang mga suntok na na
"Hindi na masama. May quality ng isang boxing world champion ang suntok na ito ni Dario Moore." Hinawakan ni Shane Naiswell ang kanyang balbas. "Halos isang libong kilo ang lakas ng suntok na iyon.""Maganda ang mata mo, Mr. Naiswell." Nambobolang sinabi ni Liam Stone." Madaling makakabasag ng mga buto ng isang karaniwang tao ang suntok niya. Kalahating buwan silang nakaratay sa ospital! Medyo matapang ang b*stardong ito, talagang ginamit niya ang mga braso niya para ipagtanggol ang sarili laban sa pag-atake ni Dario. Kung tama ako, ang pareho na dapat bali ang mga braso niya ngayon!"Tiwala si Liam, ngunit nagbago ang kanyang ekspresyon sa sumunod na segundo. Sa loob ng ring, unti unting ginalaw ni Harvey York ang kanyang mga braso. Bagaman nanginginig siya, halata namang hindi nabali ang kanyang mga braso.Kita sa mukha ni Liam ang pagkabalisa. Kumurba ang kanyang mga labi sa inis at nakasimangot nang makitang hindi nasaktan si Harvey.Walang katuturang sinabi ni Shane, “Mr. Ston
"Natalo ka," kaswal na sinabi ni Harvey York. Bagaman hindi pa knock out si Dario Moore at may malay pa rin, malinaw na siya ang natalo sa laban.Hindi man nagawang pagalawin ng pinakamalakas na galaw ni Dario si Harvey ng kahit kalahating hakbang, samantalang pwersahang umatras si Dario ng tatlong hakbang sa atake ni Harvey. Maliwanag ang pagkakaiba sa kakayahan nilang dalawa.Bumagsak si Dario. Agad siyang lumingon sa referee at sinabi, "Natalo ako. Hindi ko kukunin ang pera para sa laban na ito."Tila namatay ang referee nang mamutla siya. Inamin na lang ba ni Dario ang kanyang pagkatalo? Sa buong gym, sino pa ang pwedeng dumepensa laban sa b*stardong ito na nagpakita para maghanap ng kaguluhan?Relax ang mukha ni Harvey. Iwinagayway niya ang kanyang mga mata, at sinabi, “Meron pa ba kayong taong mas malakas sa kanya? Kung wala, sabihin niyo kay Liam Stone na lumabas na siya.""Bakit, ikaw…!" Kumibot ang mga mata ng referee. Napakayabang ng b*stardong ito. Subalit, may mga oras
Kinaway ni Liam Stone ang kanyang mga kamay. Nagsalita ang isa sa mga tao niyang may hawak na steel rod. “Boss, minsan nang may isang taong dumating sa boxing gym na may sampung magkakasunod na winning streak. Naisip niyang kikita siya ng napakalaking halaga ng pera, ngunit hindi niya naintindihan ang isang basic na prinsipyo. Ang prinsipyong iyon ay, mahirap gamitin ang dalawang kamay para talunin ang apat na kamay. Hindi kinaya ng sinasabing ‘victor’ na kaming lahat at bugbog sarado. Alam niya noon kung gaano siya kagaling!”"Narinig mo yun? Inaamin ko, medyo magaling ka at natalo mo si Dario Moore. Ayos ding nagawa mong patayuin si Tyson Woods sa likuran mo." Malamig na ngumisi si Liam. "Ang problema, pareho kayong nasa balwarte ko ngayon. Ito ba ang oras para kumilos kayo nang bara-bara?"Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Harvey York at direktang tinanong, "Narinig kong na bina-back niyo ang pamilya Brooke at pinahihirapan ang buhay namin?"Nakasimangot si Liam. Humagikhik siya, “
Pumalakpak si Liam Stone. Bumukas ang TV sa match hall at ipinakita sina Shane at Rosalie Naiswell, parehong mahigpit na nakatali sa kanilang mga upuan. Hindi marinig ang boses ni Shane, at dumudugo ang kanyang ulo. Mukhang hinampas siya ng mga stell pipe na dala-dala ng mga tao ni Liam."Si Mr. Naiswell senior ng pamilya Naiswell. Ang kapal ng mukha mong pagbuhatan siya!" Hindi makapaniwala si Harvey habang nakatingin sa TV. Hindi ba masyadong galit kumilos si Liam? Hindi ba niya alam kung anong klaseng tao si Shane? Kung nasaktan niya si Shane, mangingialam ang buong pamilya Naiswell madali siyang papatayin."Bakit hindi? Hindi ko lang siya papatayin, dadalhin ko rin ang babaeng iyon sa kama ko. Kapag sawa na ako sa kanya, itatapon na lang siya ng mga tauhan ko sa kung saang eskinita. Sino ang makakaalam na ako ang may pakana?" Malamig na tumawa si Liam. "Bibigyan kita ng pagpipilian. Kung nais mong makita silang buhay, sumuko ka na. Kung ayaw mo, panoorin mo silang mamatay. Kalagu
“Sir, baka gusto niyang gawin ka ring live-in son-in-law. Narinig kong napakaganda ng sister-in-law niya." Sabi ng isa sa mga tauhan ni Liam, tumatawa. "Nasa middle school rin siya!"Kumunot sa pekeng takot ang mukha ni Liam Stone. "Hindi pwede iyon, ‘di ba? Ilang taon akong naging siga. Kung susundin ko ang walang kwentang basurang iyan at maging live-in son-in-law na kagaya niya, siguradong mawawala ang reputasyon ko!”"Boss, nabalitaan kong tumutulong din siya sa paghahanda ng tubig para hugasan ang mga paa ng mother-in-law niya." Sabi ng isa pang tauhan. "Hindi pa niya nahawakan ang mga kamay ng kanyang asawa sa tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa!"“Tsk, tsk, tsk. Nakakamangha. Inaamin ko, nanginginig ako ngayon!" Napa-click sa dila si Liam sa pagkagulat. "Meron akong seryosong tanong, Harvey York. Tatawagan mo pa ba ang iyong sarili na lalaki? Bakit hindi mo hilahin pababa ang iyong pantalon at tingnan kung nandiyan pa rin ang junjun mo? Basura ka! May halaga pa ba a
"A-Ayos na ang lahat..." Nakita ni Rosalie Naiswell na ang lalaking sumugod ay walang iba kundi si Harvey York. Napuno siya ng sorpresa at galak. Gayunpaman, mabilis niyang nakontrol ang sarili niya. Habang namumula ang kanyang mga mata, nauutal na sinabi niya, "Ayos lang ako, pero si Lolo, siya…"Pumunta si Harvey sa tabi ni Shane Naiswell at inilagay ang daliri niya sa ilalim ng ilong ni Shane. Kumunot ang mukha niya. “Bilis, kailangan natin siyang dalhin sa ospital. Makakaabot pa siya...”Inakbayan ni Harvey si Shane at tumakbo palabas. Si Rosalie, na nagpapanic, ay sumunod sa kanya mula sa likuran.“Tyson Woods. Mula sa araw na ito, wala nang Liam Stone sa Niumhi. Huwag mo akong bibiguin..."Nag-utos ni Harvey bago siya umalis.Nanginig ang buong katawan ni Tyson sa utoa. Kanina lang ay tumawag siya, at lubos na naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Harvey. Mukhang malaki ang magbabago sa kalye ng Niumhi ngayong gabi.Mula sa araw na ito, wala na si Liam Stone.Pumasok s