Nagliwanag ang nga mata ni Harvey. Sa wakas ay makakapasok na siya sa kwarto matapos matulog sa study room sa loob ng tatlong taon. Sa sandaling iyon, hindi ma siya makapaghintay na umuwi. At para sa divorce, inalis na niya ito sa kanyang isipan. Nagngalit ang mga ngipin ni Jake, at hindi niya mapigilang tumingin nang masama kay Cecilia. Tumango si Cecilia at matigas na sinabi, "Mandy, huwag kang magpapaloko sa kanya. Isa lamang siyang walang kwentang lalaki at hindi pa siya nagbabago. Maswerte lang siya na nakuha niya ang painting, kahit na totoo ito o hindi, sa halagang labinlimang dolyar. Di mo dapat tanggapin ang regalong ito mula sa kanya. Kung hindi, kapag isang araw nalaman ng mga York na peke ang larawan, edi--" Slap! Naglakad palapit si Yvonne suot ang kanyang high heels at sinampal si Cecillia sa mukha bago pa siya makatapos. "Ikaw… ikaw…" Hinawakan ni Cecilia ang kanyang mukha sa gulat at matagal siyang hindi makasalita. "Ano?" Mukhang galit si Yvonne. "Wala ko
"Tsk, tsk, tsk, Harvey. Ganun ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?" Tumawa si Jake. "Kung ganun ka kagaling, bakit di mo sabihin kay Yvonne na pumunta dito ngayon na? Bakit hindi mo siya hayaan na ihatid ka? Kapag nagawa mo yun, luluhod ako sa harap mo ngayon!" Agad na lumapit si Yvonne kay Harvey habang nagsasalita si Jake. "Mr. York, nasabi ko na sa CEO namin yung tungkol sa pagpapalit sa painting. Inutusan niya ako na sabihin sayong sinamantala ang kakayahan mo. Bilang kabayaran sa nangyari, pumapayag na kami sa investment na hinihingi ni Ms. Zimmer. Pwede na niyang pirmahan ang mga papeles bukas," Ang sabi ni Yvonne, pagkatapos nagpatuloy siya, "Kung ayos lang sa inyo, gusto ko sana kayong ihatid pauwi. Kakatapos lang namin sa isang business deal dito. Responsibilidad ko na maihatid kayo ng ligtas sa bahay niyo.""Okay, salamat, Ms. Xavier. Tatanggapin ko ang alok mo." Ngumiti si Harvey at tumingin siya kay Jake. Ano? Talaga bang lumapit si Yvonne at inalok si Harvey
Hindi naka-imik si Harvey nang makita ang nanginginig na katawan ni Rosalie. ‘Miss Rosalie, pwede bang huwag ka sanang kumilos nang ganito? Baka isipin ng iba na tinutukso kita.''May asawa na ako, hindi ako ganoong klaseng tao!'Ngumisi si Rosalie at mahinang sinabi bago makapagsalita si Harvey, "Narinig ko... Kahit na tatlong taon ka nang kasal sa iyong asawa... pareho ninyong hindi pa nagawa ang bagay na iyon, at ni hindi mo man lang nahawakan ang kamay niya... totoo ba ito?""Anong bagay?" Tanong ni Harvey habang lumilipad ang kanyang isip.Pinadyak ni Rosalie ang kanyang mga paa, pulang pula ang kanyang mga pisngi. "Ang bagay na nangyayari sa pagitan ng mag-asawa!"Lalong hindi naka-imik si Harvey. 'Ikaw, isang dalisay at inosenteng binibini, ay nakatingin sa akin nang may malaking mata at tinatanong ako ng ganyang tanong. Hindi ko alam kung paano sasagot!’Gayunpaman, tila wala nang magawa si Harvey matapos siyang titigan ni Rosalie sa mahabang panahon. Sa wakas ay bumunton
“Tama na please, Mom! Kailangan nating pasalamatan si Harvey dahil siya ang nagpakilala sa akin kay Miss Xavier, at tinulungan akong makuha ang investment,” pakiusap ni Mandy."Talaga?" Nagtatakang sinabi ni Lilian. Palagi siyang nag-aalala tungkol sa investment, kaya't tumigil siya sa pagbanggit kay Harvey dahil tinulungan niya sila."Oo, Mom, magpahinga na muna tayo ngayon, okay? Pag-uusapan natin ang iba pang mga bagay pagkatapos kong maayos ang lahat sa York Enterprise," sabi ni Mandy."Okay, kami nang bahala sa mga importanteng bagay," pagsang-ayon ni Lilian."Ilang araw nang hindi na-mop ang sahid, mag-mop ka na! Gala ka nang gala sa mga nakalipas na araw, nakikita mo ba pa rin ba ito bilang bahay mo?" Ngumisi Lilian, habang nakatingin kay Harvey."Sige, kuha ko," sagot ni Harvey at nasanay na siya sa ugali ni Lilian ngayon. Gumagawa siya ng mga gawaing bahay sa nakaraang tatlong taon, kaya't hindi ito isang malaking problema sa kanya.Saglit na tinitigan ni Mandy si Harvey
"Regalo ito mula sa asawa ko, hindi ko ito ibebenta kahit anong mangyari!" Nagprotesta si Mandy Zimmer habang nakatingin sa sinasabing mga kamag-anak niya."Mandy Zimmer, wala kang simpatya!""Gusto mo bang makita tayong malugi?"“Traydor ka! Kami ang nagpalaki sa iyo!”Galit na galit sila dahil naisip nila na baka magkaroon sila ng pagkakataon kung ibibigay ni Mandy ang singsing sa mga York.Swoosh!"Sa halip na sabihan ang asawa ko na ibalik ang kanyang singsing, bakit hindi niyo ibigay ang lahat ng inyong mga pag-aari sa mga York? Baka bigyan nila tayo ng pagkakataon,” mapanuyang sinabi ni Harvey nang buksan niya ang pinto at pumasok sa silid.Ang mga miyembro ng pamilya Zimmer ay kaagad na naiinis na tumingin kay Harvey nang dumating siya."Sino ang nagpahintulot sa iyo na pumunta sa aming pagpupulong, ikaw na walang kwentang basura ka?!" Sigaw ni Zack kay Harvey."Pumunta ako dito para masaksihan ang asawa ko na maging bagong project manager. Ginugulo ko ba kayo?" Malamig
“Lolo, may nais akong hilingin. Dahil wala tayo masyadong natitirang oras, pinaplano kong simulan ang konstruksyon bukas, kaya nais kong pumili ng isang taong mapagkakatiwalaan para mabantayan ang proseso ng konstruksyon," sabi ni Mandy kay Senior Zimmer."Oo naman, pumili ka ng kahit sinong gusto mo," mabilis na sagot ni Senior Zimmer."Lolo, pipiliin ko si Harvey ..." Nag-aalangan na mungkahi ni Mandy habang nakatingin kay Harvey.Unti-unti nang iniisip ni Mandy na maaasahan si Harvey, kaya nais niyang bigyan si Harvey ng pagkakataon na malaman kung paano magtrabaho sa frontline.Sumimangot si Senior Zimmer sa kahilingan ni Mandy.“Mandy Zimmer, sa palagay mo talaga ay makokontrol mo ang buong proyekto? Hindi mo naman asset iyon sa simula! Gusto mong hayaan ang walang kwentang taong ito na mangasiwa sa konstruksyon? Sinong aako ng responsibilidad kung magka-problema dahil sa kanya?" Sigaw ni Zack Zimmer, kita ang kanyang pagka-inggit sa kanyang tono."Sinabi na ni Lolo na ako a
Hindi nagtagal ay kumalat ang balita sa buong Niumhi na ang mga Zimmer ay nakakuha ng limampung milyong dolyar na pondo mula sa mga York."Narinig kong nakuha nila ang pondo dahil sa isang babae!""Siya ba iyong may live-in na asawa?""Narinig kong binili ng asawa ang painting na ‘The Rocky Mountains, Lander's Peak’ sa halagang labinlimang dolyar lamang, at ibinigay ito sa CEO ng York Enterprise.""Hindi nakapagtataka!""Hindi kaya interesado ang CEO kay Mandy?"Nagsimulang mag-tsismisan bigla ang mga taga-labas, ngunit hindi nito pinigilan ang mga Zimmer na maging mas sikat, dahil maraming pamilya ang bumisita kinahapunan.Maraming tao sa Zimmer Villa, at lahat ay nandoon maliban kina Harvey York at Mandy Zimmer.Pumunta iba pang mga pamilya para malaman kung paano nila nakuha ang pondo, ngunit sayang at wala si Mandy doon para ibahagi ang mga detalye.Sa Platinum Hotel.Nais ni Harvey na makipagkita kay Tyson Woods, at nakasalubong niya si Jake Surrey habang papunta.Nagul
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Brother Tyson, gusto kong mawala ang lokong ito..." Naguluhan si Jake Surrey sa biglaang pagbabago ng ugali ni Tyson Woods. Naisip niya na nasaktan si Tyson sa kanyang wika, ngunit sino ang hindi makakatanggi sa ganoon karaming pera?"Tinawag mo lang ba akong tanga ulit?" Sumigaw si Tyson habang sinipa niya si Jake."Tinawag lang akong tanga ng Surrey na ito, bugbog-sarado ka sa akin!" Sigaw ni Tyson sa kanyang mga subordinate habang papalapit sila kay Jake."Brother Tyson, hindi kita tinawag na tanga! Pumunta ako rito para bigyan ka ng pera!”"Brother Tyson, bibigyan pa kita ng higit pa!"“Bakit, Brother Tyson? Bakit?!”“Ahhh!”Sumigaw si Jake ng maramdaman ang matinding kirot sa kanyang mga binti. Isa lamang siyang mayamang anak na lumaki sa layaw; wala siyang ideya na makakaharap siya ng ganito.Nahimatay si Jake pagkalipas ng ilang segundo."Sir, nawalan siya ng malay," magalang na sinabi ni Tyson habang naglalakad papunta kay Harvey."S