“Wyatt Johnson?” Napatigil sa gulat si Mandy Zimmer. Hindi niya inasahang magkikita sila sa lugar na iyon.Ngumiti si Cecilia at sinabi sa nakakatawang tono, “Ikaw pala, Wyatt. Anong nagdala sa iyo rito?”May konting nalalaman si Cecilia Zachary tungkol kay Wyatt Johnson. Ang pamilya Johnson ay isa lamang third-rate na pamilya. Kung iisipin, wala siyang karapatang pumunta sa Mountain Top Auction.Nakapunta lang silang dalawa ni Mandy dahil sa kabaitan ni Jake Surrey, kaya iniisip niya kung paanong nakapunta si Wyatt Johnson sa auction.Masayang sagot ni Wyatt Johnson, “Maswerte lang ako at may konting perang naipon. Nagkataon din na nakakuha ako ng invitation, kaya nandito ako.”Nang sinabi niya iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Wyatt. Malaki ang naging epekto sa kanya ng mga gabing lumipas na pinagsilbihan niya ang matandang babaeng iyon. Ilang gamot ang ininom niya dahil doon. Kahit na ginawa niya iyon, unti-unting nawala ang kanyang malay. Sa kabilang banda, labis siyang i
Hindi pinansin ni Harvey York ang mga masakit na sinabi ni Cecilia Zachary at tinawanan na lamang ito.“Sorry at binigo ko kayong lahat, pero actually may invitation ako.”“Hahaha! Lalo kang nagiging interesado sa bawat minutong lumilipas.” Dinuro ni Jake Surrey si Harvey York. “ Marami na akong nakilalang pakitang tao, pero bihira ang mga ganito kalala ang ginagawa. Okay, kung kaya mong ipakita ang invitation ngayon, aalis ako agad dito at hindi na magsasalita pa. Pero kung matalo ka, umalis ka na. Ano sa tingin mo?”Nakakurba ang mga labi ni Jake Surrey sa isang maliit na ngisi.“Makinig ka, bata. Kung ako sa iyo, tatalikod na ako at lalayas na agad para hindi na mapahiya pa lalo ang asawa mo.”Ngumisi si Wyatt Johnson. “Mr. Surrey, nakakalimutan mo. May natitira pa rang respeto sa sarili niya ang live-in son-in-law na ito? Matagal nang nawala lahat ng iyon!”Tumawa si Harvey York nang may nerbiyos, at sinabi, “Sige, magpustahan tayo. Tingnan natin kung sino ang unang lalayas.”
Sa kabilang banda ng phone, rinig na parang walang magawa si Yvonne.“Kakarating lang namin sa lobby, pero pwersahang pinaalis ng waiter si Mr. York. Hinahanap ko siya ngayon…”Nakita ni Yvonne si Harvey York na pinapalabas ng building nang hindi alam kung bakit.“Huh?” Nauutal na hindi makapaniwala si Dawson Robbins. “Paano ba ginagawa ng mga taong ito ang kanilang trabaho? Ganito na lang. Lalabas ako para i-escort kayong dalawa. Pakihintay ako.”Binaba ni Dawson ang tawag at mabilis na dumating sa main hall.Nakita ni Jake Surrey si Dawson na tumatakbo sa kanyang direksyon. Inayos niya ang kanyang damit at sinenyasan si Mandy Zimmer gamit ang kanyang mga mata. Kita sa buong mukha niya ang determinasyon, at nagmadali para batiin si Dawson Robbins.“Mr. Robbins, ako si…”Nilampasan siya ni Dawson nang hindi tumitingin sa kanyang direksyon.Nakatigil sa gitna ng hangin ang kanyang kamay para kamayan sana si Dawson, kung kaya medyo nahihiya siya.Mabilis na namagitan si Cecilia
Sa sandaling ito, nanginig ang katawan ng waiter.‘Imposibleng babae siya ni Mr. Robbins, ‘di ba? Kung ganon, ang kept man na ito…”Nakasulat sa buong mukha niya ang mga saloobin niya. Halos hindi niya mapigilan ang mga ito.Hindi naman nagmamadali si Harvey.‘Ginamit ni Jake Surrey ang mga koneksyon niya sa mga higher-up ng York Enterprise para mapalapit kay Mandy. And problema, wala naman magiging magandang kahihinatnan sa kanya iyon..'Sa sandaling dumating ang waiter, sinabi sa kanya ni Harvey, “Hindi ba sinabi mo na hindi ako makakadalo ng auction nang walang invitation? Bakit ka nandito, para pabalikin ako? Anong klaseng biro ba ako sa inyo?”Tila sumisigaw sa kanyang loob ang waiter.‘Ikaw na kaawa-awang kept man! No, ikaw na manloloko! Ang kapal ng mukha mong magpakitang-gilas pa rin! Kung hindi dahil kay Mr. Robbins, wala kang mga kwalipikasyon upang walisin ang mga sahig sa banyo ng Mountain Top Villa!'Subalit, hindi siya nangahas na ipakita ang kayang mga emosyon.
Ang kanyang malamig at eleganteng kilos ay nagpakita ng isang natatanging kaakit-akit na imahe, ngunit ang kanyang ngiti ay pumukaw at nagpa-excite sa maraming puso.Nang tumingin siya sa paligid ni Dawson Robbins, nakita niya si Harvey York at naguluhan.‘Anong klaseng reputasyon meron si Dawson Robbins? Bakit may hampaslupang lalaking malapit sa kanya?’Alam ni Rosalie kung paano umiikot ang mundo. Pinigilan niya ang sarili sa pagtatanong tungkol sa lalaki.Sa puntong ito, nakapasok na sa hall sina Jake Surrey at Mandy Zimmer. Si Wyatt Johnson naman, ay hindi pa. Napanganga siya sa nakakamanghang itsura ni Rosalie. Naglakad siya, at biglang tumawa.“Oh? Hindi ko inakala na nandito pa pala ang live-in son-in-law ng pamilya Zimmer! Masiglang sinabi ni Wyatt, papalapit. “Hindi ba pinalayas ka kanina? Paano mo nagawang bumalik?”“Mr. Robbins, magandang binibini… Ang lalaking ito ay ang live-in son-in-law ng pamilya Zimmer na sikat sa buong Niumhi. Hindi ko alam kung paano siya naka
Malamig na tumawa si Wyatt Johnson.“Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Kahit umalis ka ngayon, kailangan kong ipagbigay-alam sa mga Zimmer tungkol sa magnanakaw na mula sa kanilang pamilya na pumunta dito para dungisan ang mga mata ko. Kulang ito kung hindi ako hihingi ng paliwanag sa kanila."“Syempre, bibigyan kita ng pagkakataon. Gumapang ka at magmakaawa, at kakalimutan ko ito. Anong masasabi mo?”Ngumiti si Harvey York nang walang sinasabi, walang planong bigyan ng sagot si Wyatt.Hindi na mapigilan pa ni Dawson Robbins ang kanyang sarili at sumabog sa galit, “Mr. Johnson, nasiraan ka na ba ng bait?”Matagal nang nais ni Dawson na mapalapit kay Harvey, pero walang naging pagkakataon. Ang pag-imbita sa kanya sa Mountain Top Auction ay ginawa niya lamang para humingi ng tawad.Alam niyang isang discreet na tao si Harvey York, kung kaya't nakatayo lamang siya sa gilid sa buong oras. Ngunit nang makita niyang iniinsulto si Harvey, hindi niya na ito matiis pa.“Mr. Robbins, s
Kung patuloy silang mag aaway, An mga Naiswells ay maaaring mahirapan din. Hindi ito importante para kay Rosalie Naiswell. Kung sabagay, ang rason bakit sila nadoon ay walang iba kung hindi para sa auction“Miss Naiswell, maghintay muna kayo sandali...” Si Wyatt Johnson ay kinabahan.‘Tumanggap ako ng sampal mula sayo. Paano ko na lang hahayaan iyong ng ganun na lang?’Sa sandaling iyon, nakahabol na siya kay Rosalie habang tumatalikod. Sinabi niya ng may pangit na ekspresyon, “Dawson, tapos ka na ngayon. Intayin mo lang. Bukas, ililipat ko ang pera ng pamilya palabas ng bangko. Hindi ka na magiging CEO ng bangko pagkatapos noon!”Sa sandaling iyon, si Dawson Robbins ay hindi man lang tinignan si Wyatt. Subalit, tumalikod siya at tumingin kay Harvey York. Tapos huminga siya ng malalim at sinabi, “Mr. York, padalos dalos ako at hindi ko pinigilan ang aking sarili. Patawarin mo sana ako.”Ngumiti ng bahagya si Harvey at sinabi, “Kung wala kang gagawin ng may ibang taong pinagalitan
Kahit na si Rosalie Naiswell ay nanlalamig at tahimik na babae, si Mandy Zimmer sa kabilang banda, ay natural na nakakaakit na babae. Ang dalawang babae ay nakaupo doon ng magkasama na parang dalawang magandang bulaklak. Ito ay nakakatuwang tanawin, tulad ng isang kilalang painting sa buong mundo.Ngunit si Harvey York ay kaswal na umupo doon at kaagad niyang sinira ang bihira at magandang tanawin.Sa sandaling iyon, parehong si Jake Surrey at Wyatt Johnson ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang ekspresyon sa mukha.“Ikaw ay isa lang live-in son-in-law. Paano ka nakapasok dito? Staff! Anong problema sa inyong auction dito? Paano niyo na lang nagawang papasukin ang isang tao na walang invitation card na makapasok sa auction house? Hindi ba’t nilalabag ninyo ang mga patakaran at mga regulasyon dito?” Tanong ni Jake.“Tama iyan! Mayroong nagiisip na maaari niyang matamasa ang parehong trato tulad ng sa amin matapos siyang maging live-in son-in-law. Sa huli, hindi niya alam na
Karaniwan, ang tatlong Darwins ay hindi magpapaluhod kay Kensley Quinlan.Ang kanyang pagkakakilanlan ay wala ring magiging epekto sa kanya.Ngunit iba ang sitwasyon sa mga sandaling iyon.Si Darwin Gibson ay dumating bilang pansamantalang pinuno upang protektahan ang kanyang mga tao.Sa madaling salita, narito siya para sa katarungan.Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ang pagkontra sa kanya ay ganap na hindi makatuwiran.Kahit ano pa man ang isipin ng Heaven’s Gate tungkol sa sitwasyon, lalaban ang mga tao hanggang sa huli para sa kanilang reputasyon.Pagkatapos makita ang tanawin, hindi mapigilan ni Harvey York na humanga kay Darwin.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kahusay si Darwin sa sandaling kumilos na siya.Kahit ang aktwal na warden ng Golden Cell marahil ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon...Lalo na ang acting warden."Sinusubukan mo bang labanan ako, Darwin?"Mukhang napakasama ng ekspresyon ni Kensley."Pinoprotektahan mo ba ang acting hea
Pumasok ang mga Toyota Prado na may V12 na makina mula sa magkabilang panig, kasama ang mga salita ni Darwin. Ang mga kotse ay malinaw na binago na may malaking kapangyarihan pati na rin hindi matibag na mga depensa.Ang mga ilaw ng kotse ay nagliwanag din sa buong lugar.Pagbukas ng mga pinto ng kotse, agad na dumagsa ang napakaraming tao sa buong lugar.Yung mga tao ay may hawak na mga patalim at baril na may napakabagsik na mga ekspresyon, na parang handa na nilang durugin ang Golden Cell.Kensley Quinlan at ang iba pa ay may malungkot na ekspresyon. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-dominante si Darwin para magdala ng grupo ng mga tao dito para magyabang.Sa katunayan, si Quill Gibson ay matagal nang naipit sa Heaven’s Gate.Kung hindi nakapagbigay si Darwin ng paliwanag sa Heaven’s Gate kung bakit niya dinala ang ganitong karaming tao dito, tiyak na magpapakamatay siya."Talagang kahanga-hanga, Ms. Kensley!"Pinagsasakripisyo mo na ang pamilya Gibson sa mismong pa
”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p
”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.
Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang
Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!
Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind
Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,